Kung Alam Ko Lang Sana

| |

"Ma, fieldtrip na namin sa August 18. Gusto ko sanang sumama. P800 lang naman ang bayad"

pambungad kong salita s aking ina pagkadating ko sa bahay mula eskwelahan.

"Ahh. Sige anak"

Masayang masaya ako dahil ito ang unang beses kong mkakapunta sa Subic. Balita ko ay maganda daw doon.

Inumpisahan ko nang mag-ipon ng pera para sa aking baon. Wala naman na akong problema sa pambayad para sa fieldtrip dahil si mama na ang bahala doon.

Isang linggo bago ang fieldtrip ay nagpunta na sia mama sa school. Lalo naman akong natuwa dahil makakasama na nga ako ng tuluyan. Ngunit bigla akong nalungkot at nainis ng singilin ako ng aking guro sa klase.

Pagdating ko sa bahay...

"Akala ko magbabayad kana, hindi pa pala!" padabog kong sabi kay mama

"Eh wala pa akong pera sa ngayon."

"Walang pera? Yan ;ang naman ang lagi kong naririnig sa inyo. Palibhasa di nyo alam kung gaano kahalaga ito sa akin.Aba! isang linggo nalang at fieldtrip na. Ako nalang ata ang hindi pa nakakapagbayad. NAKAKAINIS!!! BWISIT!!!" natapos ang usapan ng iniwan ko sya sa sala.

Kinabukasan ay di na ako nabanggit sa listahan ng mg di pa nagbabayad. Masaya naman ako. Di na ako makapag-antay, sabik na sabik na ako.

Araw ng fieldtrip... masayang masaya ako sa pagtapak ko sa bus. Madami-dami rin ang nakuha kong litrato sa byahe. Naitakas ko kasi ang celphone ni mama na may kamera. Biglang lumapit sa akin ang aking guro sabay sabing...

"Mabuti na lang at nakapagbayad ang nanay mo kahapon"

"Huh? Kahapon? Eh diba apat na araw palang bago ang fieldtrip ay nakapagbayad na sya?"

"Hindi pa. Nakiusap lang syang isama ka sa listahan ng mga sasama."

Bigla ko tuloy naisp si mama. Ang bait-bait nya talaga sa akin.

Gabi na ng makauwi kami mula sa Subic. Di ko maipaliwanag ang kaligayahang nadarama ko. Di ko halos malimutan ang mga kakulitan namin ng katabi ko sa bus.

Ilang metro mula sa aming bahay ay nakita ko na itong patay ang ilaw. Di kaya naputulan kami ng kuryente?

Sa aking pagpasok sa bahay ay agad kong binuksan ang ilaw. Doo'y tumambad sa akin si mama na nakahandusay sa labag. Hawak nya ang isang puting panyo na may kaunting patak ng dugo. Bakas ang mangilan-ngilang natuyong dugo sa kanyang labi. Balisa akong lumapit sa kanya. Lumuluha ko syang niyakap at pilit ko  syang ginigising. Bakit di man lang sya nagtext sa aking guro na masama na ang lagay nya? Oo nga pala, itinakas ko ang kanyang celphone.

"MA!!! Gising. Ma! Ma! Gumising ka. May dala akong pasalubong. Hindi bat gusto mo ng espesyal na buko pie? mayroon pa ako ritong souvenir, nakaukit ang pangalan natin. MA!!! gumising ka. Ma!!!!!"

Habang yakap ko sya ay biglang may nahulog na nakalukot na papel mula sa kanyang kaliwang kamay. Isang riseta ng mga gamot na nagkakahalaga ng P800. Kung alam ko lang sana...

JayPee Lauron

et339h's picture

thumbs up tol. Galing..

thumbs up tol. Galing..

arvin95's picture

malungkot ang kuwento mong

malungkot ang kuwento mong ito na sinulat......

dyeppri's picture

ayos ah...

ayos ah...

may ideya ka na gumawa ng isang kwento pero kelangam mo lang pakinisin ito bukod sa mga typo errors ay sa kwento din. Halimbawa; Reseta- hindi naman naisusulat ang presyo ng bawat gamot sa reseta, papano nalaman ng pangunahing tauhan na walong-daan ito.

 

praktis lang at konting tyaga na balikan ito ng ilang ulit bago ipasa dito.

 

 

salamat. nawa'y nakatulong ito.Laughing

 

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."