Komento sa RIZAL IS ALIVE!!

by diwa ( | )

ilalagay ko sana ito bilang komento sa post ni  psyche_logus na

RIZAL IS ALIVE!!

pero masyado nang mahaba kaya ilalagay ko na lang bilang blog entry ko

para kay rizal, totoong matalinong tao siya, at malaki rin ang naitulong niya para makalaya ang Pilipinas sa Kaharian ng Espanya. pero ilang paglilinaw lang:

1. hindi totoo na dahil sa ideology niya ay nakalaya tayo. actually, ito nga ang kahinaan ni rizal. isa lang siyang repormista, sekularista, nangangampanya para maging probinsya ng espanya ang pilipinas, maging pantay lang ang indio at mga peninsulares, pero hindi ang lumaya nang lubusan.

ang kalayaang ito, utang natin sa mga katipunero at iba pang nag-aklas noon. ang naitulong lang ni rizal, siya ang sumindi sa damdamin ng mga tao para lumabas na at mag-aklas. 

2. maraming bagong konsepto ang pinasikat ni rizal. una sa kanya nanggaling ang salitang "malaya" dahil sa maling pananaw noon na siya ang "pride of the malay race." siya rin ang unang gumamit ng "Pilipino" para tukuyin ang mga indio; dat, ang salitang "Pilipino" ay tumutukoy sa mga peninsulares at mestiso dito sa Pilipinas. pero bunga na nga ito ng kanyang kampanya para maging probinsya ang Pilipinas.

ang problema lang, konserbatibo siya. dahil nanggaling din sa may kayang pamilya, hindi niya nakikita ang pangangailangan para humawak ng armas. at noong mga kritikal na panahon sa pagsisimula ng rebolusyon, siya mismo ang nagtakwil sa rebolusyon, sa bigong pagtatangkang mailigtas ang buhay niya sa paglilits sa kanya ng mga espanyol. sabagay, hindi ko siya masisisi, dahil siya ang itinuturong pinuno ng rebolusyon kahit tinanggihan niya ito at walang kinalaman sa katipunan.

3. panghuli, sa mga sinulat niya, partikular ang Noli at El Fili, gaya ng nasabi ko na, sinindihan lang ng mga ito ang damdamin ng mga Pilipino para mag-aklas, pero ang damdaming iyon, matagal nang kinikimkim ng mga tao, naghihintay na lang ng tamang pagkakataon at ng mamumuno sa kanila. at nakita nila iyon kay bonifacio at sa katipunan. at ito ang materyal na pwersang nagdulot ng kalayaan.

4. pahabol pa pala, ayon sa batas, hindi lang si rizal ang pambansang bayani. kasama dito sina bonifacio, aguinaldo, mabini, at iba pa. siya lang ang tinukoy na pangunahin. mahaba ang debate dito, sa unang tingin, mahahati ito sa dalawang kampo, ang maka-rizal at maka-bonifacio. pero ang totoong nagtatalo dito ay ang maka-bonifacio at kontra-bonifacio, dito kabilang ang kampong maka-rizal at maka-aguinaldo.

marami ang punto ng magkabilang panig, pero sa tingin ko isa ang pangunahing dahilan kung bakit si rizal ang pangunahin at hindi si bonifacio. kung pagkukumparahin, parehong malaki ang nagawa ng dalawa at maaari pang sabihin na dalawa na lang silang pangunahing pambansang bayani. ang kamalasan lang ni bonifacio, inabot pa niya ang panahon ng rebolusyon na hindi na ito dalisay, nang lumaki na ito nang lampas sa kontrol ng mga pinuno nito, sila bonifacio, at ang dalawang paksyon sa kabite. ito ang bahagi ng kasaysayan na hindi na itinuturo sa mga bata kahit nga sa matatanda.

pero si rizal, ang inabot niya lang ay ang panahong dalisay pa ang rebolusyon, noong nagsisimula pa lang ito, binubuo pa lang ang katipunan, wala pang natatalong labanan dahil wala pang labanan, wala pang nagagawang mga krimen, wala pang agawan ng kapangyarihan, asasinasyon, dayaan sa eleksyon. 

kaya sa tingin ko, para sa mga istoryador at akademiko, mas madaling lunukin si rizal bilang pamabansang bayani kaysa kay bonifacio.

 

Pero hindi ibig sabihin ng komento ko na hindi na bayani si rizal. mas maganda lang balikan ang kasaysayan sa tamang perspektiba at konteksto para mas mahusay na mapahalagahan ang mga bayani ng rebolusyong 1896.


by Cristine Giselle Espino (not verified) on April 3, 2009 - 3:10am

Hanga ako kay Rizal. Okey siyang manunulat, matalino siya, at hanga ako sa naging buhay niya. Jack of all trades, kumbaga. Nabasa ko ang Rizal Without the Overcoat ni Ambeth Ocampo, nung bata raw siya gumagawa siya ng mga bust niya tapos pinapagtawanan siya ng pamilya niya. Ang sabi niya lang, maghintay kayo, isang araw ang bust ko ay magkakalat sa Pilipinas. Angas diba?

Pero hindi rin ako convinced na dapat siyang maging pambansang bayani. Oo, bayani, pero hindi pambansa. Gusto niya nga na nasa ilalim parin ng Espanya ang Pilipinas at sinabi niya nung una na maghintay lang daw ang Pilipinas at palalayaan din tayo ng Espanya sa tamang panahon.

Kaya eto tayo ngayon, napag-pasa pasahan na ng mga Espanyol, Hapon, Amerikano, at iba pa. Nasanay na ng may namamalagi sa taas. Ang masaklap niyan, ang pumalit sa posisyon ng mga dayuhan ay sarili nating mga kababayan, mga nagpapanggap na makabayang nanginginabang sa pawis ng mga tunay na Pilipino. 

by diwa on April 3, 2009 - 7:59am

parehas pala tayo ng opinyon. nabasa ko rin libro ni ambeth ocampo. pero mas nagustuhan ko ang bones of contention niya tungkol kay bonifacio. magandang malaman din ang mga kontrobersyang bumabalot sa katauhan ni bonifacio, lalo na noong panahon ng ribalan nila ni aguinaldo. dahil dito mas luminaw ang pag-unawa ko sa bahaging iyon ng kasaysayan natin. hindi na lang ang kasaysayang itinuturo sa paaralan na parang fairytale na lang.

 talagang matalino si rizal. sa katunayan, ayon kay Nick Joaquin, "Why Fell the Supremo?" A Question of Heroes (2005 [1977]), kahit na hindi ko gusto ang analysis niya dito, si bonifacio mismo ay estudyante ni rizal. idol niya rin si rizal, kaya nagmyembro rin siya sa La Liga. ang kahinaan lang talaga ni rizal, takot siyang lumaban mismo. noong kinukuha siya nila bonifacio para mamuno sa katipunan, ayaw niya. ang masaklap, namatay pa rin siya dahil siya dahil dito.

salamat sa komento.

by Pegasus on April 3, 2009 - 6:44am

What makes a man a hero is his ideals and personal appeal to the people around him. It makes him a god to perform and stay loyal to his ideals; people likes a man who does what he believes, and not what he has done. Rizal is, by no means, a typical hero found in the byline of even his own plays. He was a mere observer, quick witted and forthright, as all reporters and writers should be, but, as we all know, truth seekers are a hindrance to the corporates and with their influence, uses the government to eliminate them. 

by diwa on April 3, 2009 - 8:09am

parang medyo elitist ang definition mo ng bayani. hindi lang ang mga taong nasa history books ang bayani. kahit ang mga maliliit na tao sa paanan ng mga taong ito, ay mga bayani rin, ang mga katipunero. hindi naman puro ang ideals ng mga taong ito. ang iba, malamang marami, ang napilitang kumilos at sa proseso, makagawa ng heroic acts, dahil ipinataw sa kanila ito ng kanilang panahon.

ito yung gustong ipresent ni agoncillo sa kanyang "Revolt of the Masses." ibang perspektiba ang ginamit niya sa pagtalakay sa kasaysayan. sa kanya, ang isinulat niya ay hindi ang kasaysayan ng mga bantog na tao, kundi ang maliliit na mga taong tunay na bumuo sa kasaysayan, ang mga katipunero, ang mga anakpawis. ang mali lang ni agoncillo, kaya tuloy siya inaatake ng mga kontra-bonifacio, ay inihanay niya rin si bonifacio sa hanay ng masa. samantalang malayo siya sa pagiging masa.

totoong nanggaling din siya dito. mahirap lang ang pamilya niya. pero sa antas ng kanyang pagiging intelektwal (matalino rin si boni!), hindi na lang siya simpleng masa. kaya nga niya napamunuan ang katipunan at kinilalang supremo nito, hanggang 1896-97.

by Pegasus on April 3, 2009 - 8:21am

I haven't meantioned history books, but now that you've said it, I say, books and other means of recording the past (oral tradition being one of them), are the fastest and surest ways to keep a hero in the memories of the earth, though not always accurate. They change over time, but I digress; Heroes are but ideas that which they display, to prove what is right and what is wrong. They need not be writers or politicians, in fact, they can be farmers, too, but, since we were talking about Rizal, I was merely specifying. Yes, I repeat: Heroes are all ideas that which they display to prove what is right and what is wrong.

Whatever form of media they use, matters not. As long as people grasps it well in their hands. Filipinos, they like Rizal very much, but they themselves don't even perform the duties he wrote about, as citizens of the Philippines. Fact.

by diwa on April 3, 2009 - 8:29am

hindi ko talaga maintindihan ang ibig mong sabihin sa "heroes are all ideas." baka mahina lang talaga ako sa ingles. 

ang punto ko ang dito, nagiging bayani ang isang tao hindi lang dahil sa mga ideyal, minsan dahil sa kanyang gawa, o minsan dahil kapwa sa ideyal at gawa niya.

by Pegasus on April 4, 2009 - 1:29pm

Everything begins as an idea, just as the world began as an idea and when an idea is applied as a way of life; a principle you follow; a set of rules, people gravitates towards that ideal, because it is like living a dream. Rizal was all ideas and he tried to follow them, and because of that, we admire him. All the things he talked about were ideas: maybe this is better, or that is better-- nothing is ever better. It's just how you see it and how others percieve it. If they embrace your ideas, great! You are an immediate creator, god, icon, hero, you name it. If not, well, tough! It's the circle of life.

Rizal was an ordinary man, with no extraordinary powers. He just had enough courage, will, and financial support.

by diwa on April 5, 2009 - 10:08am

hindi nagsimula ang mundo sa ideya, kundi sa objective reality. kahit ang ideya mong iyan ay repleksyon lamang sa utak ng tao mula sa mga nakikita niyang obhetibong bagay. sa tinatalakay natin, ang mga ideya ni rizal ay hindi lang nagmula sa wala, o hulog ng langit, ni hindi ito likas sa kanya. kundi natutunan niya sa buong buhay niya. halimbawa ang Noli at El Fili niya, na sumalamin lang sa kalagayan ng bansa noong panahong iyon. kaya naman ito madaling niyakap ng mga tao, lalo na si bonifacio na halos kinopya na nga ito sa totoong buhay, dahil madali nilang nakita ang mga sarili nila dito.

by Cristine Giselle Espino (not verified) on April 3, 2009 - 2:35pm

Ang pagkakaintindi ko rito, at sarili ko ring opinyon, ay ang mga bayani ay andyan lang dahil kailangan natin sila. Para silang mas totoong version ng superheroes kaya parang mas attainable yung mga ginagawa nila. Binibigyan nila tayo ng pag-asa, yun lang. Hindi sila perpekto, pero may ginawa sila para pa-asahin tayo.

by Pegasus on April 4, 2009 - 1:42pm

I repeat: Everything begins as an idea, even hope, is an idea! Who cares about perfection? Does a mango tree look perfect to you? No. It only seem so because you took them for granted. If you see a baobab tree, you'd think, "Ang weird naman!" because you've never seen it until that moment. If you see a man from Earth 2, you'd probably scream and run away, too, because the idea of a man looking different from the race of people on Earth 1, never occured to you.

All the ideas Rizal had, majority of the people were already thinking likewise. He was just at the right moment, at the right time. Today, his writings are still applicable because the Philippines froze in that time and era. If not physically, mentally. So really, we haven't improved at all.

To get to the point, Rizal was just a reporter/writer, made to look bigger than the real Katipunero becase he did not fight back. He was just being honest and our mentality tells us, it is better to speak and die a martyr than fight back.

As Christians and Catholics, it's not surprising. 

 

by diwa on April 5, 2009 - 10:12am

ito ang mismong punto ko kaugnay ng pananaw mo sa ideya. kaya nagugulat ang tao sa kanyang matatagpuan dahil salungat ang ideya niya sa totoong itsura halimbawa ng sinasabi mong tao sa earth2. sa kabila ng kanyang akala, hindi nito mababago ang aktwal na itsura na ng taong ito. kung nagsisimula sana sa ideya ang lahat, edi sana nung nakita niya ang tao sa earth2, magiging kamukha na ito ng ideya niya.

 kaya pala hindi ko maitindihan ang ibang punto mo, magkaiba tayo ng pananaw sa daigdig. ideyalista ka pala, materyalista ako.

anyway, opinyon mo naman iyan.

by Pegasus on April 5, 2009 - 12:41pm

Everything materializes from an idea. If you don't have the idea that someone else had conjured, that is due to your limited sources and the fact that you've remained in one place for too long.

 

by diwa on April 6, 2009 - 8:46am

lol. what a silly proposition.

tumukoy ka nga ng kahit anong ideya mo na hindi nagmula sa materyal na bagay, even your wildest ideas. o magsabi ka nga ng bagay na biglang sumulpot dahil lang inisip mo o kung sino man, kahit pa ang pinakapantas na tao.

"I think, there for I am?" I don't think so.

by Pegasus on April 6, 2009 - 10:01am

I never called your proposition, silly, Diwa. Offended much? God is everywhere, God is the Idea and our souls are a part of that idea. We materialize from the idea of love, passion, etc. Our bodies materialize from an idea. Nothing cannot exist because even a void is full, just as a black star, or hole, is full, sucking planets into it. An idea need not be a matter. Air is barely a matter as much as lightning, friction, and other things are. An Idea just is and they become what is.

Stick to your own idea of what the world is, and I will stick to mine, but never will I call your proposition, silly.

by diwa on April 7, 2009 - 11:27am

sabi ko na nga ba dito mauuwi ang talakayan. iyan naman talaga kasi ang last refuge ng ideyalismo. ayaw ko sanang pasukin ito dahil usapin na lang ito ng personal na mga pananampalataya o paniniwala ng bawat indibidwal at mauuwi lang tayo sa walang katapusang debate nang wala namang mararating na kongklusibong resolusyon.

para maunawaan mo ang dahilan kung bakit ko sinabing "silly" ang sinabi mo, basahin mo na lang ang reply ko kay amos sa baba, #3. at hindi ito bunga ng na-offend ako sa sinabi mo. mukhang baliktad, ikaw ata ang na-offend. kaya sorry.

kaugnay ng sinasabi mo God is the Idea, ito iyong tinatawag ng ideyalismo na absolute and eternal Idea. pero para sa akin, ang tawag ko dito, absolute and eternal excuse, excuse kapag hindi na nila maipaliwanag ang mga bagay, kapag hindi na nila nauunawan ang mga takbo ng kasaysayan; kapag nasa ganito nang gipit na sitwasyon, ayun, ituturo ang Diyos kahit wala naman siyang kinalaman dito.

iyan ang kahinaan ng pilosopiya mo, kaya tuloy magulo ang mga paliwanag mo sa mga bagay, hindi mo lubos na nauunawan.

una, sasabihin mo na nauuna ang Ideya, kahit walang anumang patunay na kakabit ito, pagkatapos ilalagay mo sa pedestal ang Ideyang ito na sobrang taas na hindi ito pwedeng maabot ng ordinaryong tao maliban sa iyo. tapos ito ang gagamitin mo ngayong depensa para patunayan ang una mong sinabi. at sino mang hindi maniwala, magkakasala nang malaki sa iyong Ideya. That's how silly it is.

(SHit! napapa-ingles din tuloy ako! Sorry, kislap, neber again, promise. Cool)

by Pegasus on April 7, 2009 - 8:12pm

If a person has no means to hurt another, he would be careful with his choice of words. If you didn't mean to insult, but went ahead and did it anyway, you are being careless of how others will view your comments.

You, Diwa, are being careless and it is only natural that I responded in that manner, asking if I offended you. In comment boxes, a commentator need not to make a point but share his/her state of mind, unless he/she puts out a question or post a challenge for a longer conversation.

I will make it clear to you:

I don't want trouble and I am not interested in long, pointless conversation. 

I am not asking you to prove anything.

I am not asking you to keep talking to me.

I am not challenging you either, but I will not expect you to end this even though I've already excused myself before.

I do not tolerate sarcasms, either, but I tend to ignore it.

by diwa on April 15, 2009 - 7:03pm

ikaw ang hindi ko maintindihan. kung magkokomento ka, asahan mo na mababasa ng ibang tao iyan at magre-react sila dito batay sa kanilang paniniwala. kung ayaw mong makomentuhan ng sinusulat mo, huwag kang sumagot, ganun lang naman kasimple iyon. nasa gitna tayo ng debate, kung hindi mo masikmura iyon, edi huwag kang sumali. para ka namang batang iyakin. sa pagtatanggol ko sa mga pananaw ko, hindi ko intensyong ma-offend ka. kung balat-sibuyas ka at nasasaktan kaagad kapag may ibang tao nagpapahayag dito ng kanilang pananaw, pasensya ka.

isa pa, ilang beses mo nang sinabi iyan na tapos ka na at hindi na babalik, pero lagi naman bumabalik at sumasagot.

maniwala ka, hindi ko rin gustong pumasok sa walang kwentang pakikipagtalakayan sa iyo dahil wala namang kwenta ang mga sinasabi mo. pero hanggat nagsusulat ka dito nang taliwas sa mga paninindigan ko, obigado ako na sumagot.

by gianenriquez on April 3, 2009 - 11:22pm

ano ba ang tunay na depinisyon ng isang bayani? hindi sapat na nailigtas ang sangkatauhan upang matawag na bayani, nararapat din na maging magandang ehemplo sa lahat.

oo, matatawag naman na bayani si Rizal. kung hindi dahil sa kanya, hindi magsisimula ang rebolusyong pinamunuan ng Katipunan. pero nararapat ba siyang tawaging pambansang bayani? hindi naman Pilipino ang humirang sa kanya. bukod pa rito, ay isa siyang aktibong miyembro ng Freemasonry.

sa paaralan ay pinupwersa kaming pag-aralan ang buhay ni Rizal, kahit ako mismo ay hindi ko makita ang ganda. mas maganda sigurong pagtuunan ng pansin ang kasaysayan bilang pangkalahatan.

mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan sapagkat hindi mauunawaan ang kasalukuyan kung hindi nauunawan ang kasaysayan. subalit sana, bigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makita ang kasalukuyan. sapagkat mas masahol pa "kalayaang" ito kaysa sa pagkakasakop sa atin ng mga dayuhan.

 

"para saan ang bibig kung paraitng nakatikom?

para saan ang mata kung laging nakapikit?"

gie-ann enriquez

by diwa on April 4, 2009 - 7:07am

well, sapat pa rin naman siyang tawaging pambansang bayani, sa pakahulugan na kinikilala siya sa buong bansa, maski nga sa ibang bansa. pero ayon nga sa isang artikulo ni Ambth Ocampo, may mali kasi tayong pagkakaunawa sa mga pambansang bagay, lalo na sa pambansang bayani. parang pambansang puno, o hayop, o kung ano pa man, ang alam natin iisa lang para sa bawat isa dito. pero ayon sa kanya, wala naman talagang itinakdang iisang pambansang bayani, kundi marami sila, tulad nina bonifacio nga, atbp. kaya sa pakahulugang ito, para sa akin, pambansang bayani pa rin siya kapantay ng iba pa.

ang punto ko lang dito, kailangang maunawaan natin ang pakahulugan para mas malinaw nating maunawaan ang usapin. magandang matutunan natin ano nga ba talaga ang mga ginawa ng mga taong ito para masabing mga bayani sila. ito ang karaniwang hindi itinuturo sa atin, kaya tuoy hindi talaga tayo natututo sa kasaysayan. ang alam lang natin mga petsa, pangalan ng tao, atbp. kung tutuusin, kung maituturo lang ang talagang mga pangyayari noong panahong iyon, baka magbago ang isip natin at hindi na tawaging bayani ang iba.

 

by kislapalitaptap on April 6, 2009 - 10:05am

teka lang, baka may gustong isalin sa wikang Filipino yung mga pinagsasabi ni Pegasus. DI ko kasi maarok ang ideya niya sa wikang Ingles. pero ang alam ko nun, ang sabi ni Rizal.  ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pang amoy sa mabahong isda.   tama ba? 

pag naisalin na yungmga ingles dito, join ako sa usapan. hehehe.

---ang tamaan: SAPUL!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

by Pegasus on April 6, 2009 - 10:13am

Rizal failed to understand that the Philippines is a nation of many different cultures. There is no true language. It's all an idea, and a mistake that he had made, that Tagalog is the only language, but Tagalog is just few of the many languages that Filipinos speak.

So, when he said that those who cannot speak their own language are worse than a rotten fish, he should have said, "languages" with an 's'.

by diwa on April 7, 2009 - 11:16am

ako nga rin nahihirapan umunawa kapag ingles.

pero hindi natin dapat punahin si pegasus dahil lamang sa paggamit nito. ang dapat nating tingnan dito ay ang ideyalismong dinadala niya. doon lang natin siya debatehin. kung sa ano mang wika maipapahayag nino man ang kanyang mga saloobin, malaya siyang gawin iyon. nasa sa ating mga sarili na ang tungkuling unawain iyon at sumagot doon batay sa ating pag-unawa.

kaya, pagtyagaan na natin. kuha ka na lang ng diksyunaryo. parehas lang tayo e.Smile

by Amos Tarana on April 6, 2009 - 9:04pm

para kay diwa at pegasus,

hindi talaga kayo magkakaunawaan sapagkat magkaiba ang pilosopiya na inyong pinanggagalingan.

si pegasus kasi ay nasa medieval philosophy (para sa mas tumpak na pagsasalarawan sa pinaniniwalaan ni paegasus, siya ay nasa logic 101 pa lang) samantalang si diwa ay contemporary philosophy na ang pag-iisip.

mas magandang malaman ni pegasus na noon pa man ay basag na at itinuring nang makaluma ang paniniwalang ang lahat ng bagay ay galing sa idea.

maliban sa pilosopiya ay makaluma na rin ang teolohiya na ginagamit ni pegasus.

paumanhin kung ginamit ko ang katagang makaluma at basag na.  sapagkat ang paniniwalang ang lahat ay nagmula sa idea ay hindi na rin naman talaga angkop sa kasalukuyang panahon.  post modernism na po ngayon ang pinagtatalunan sa akademya (ito ay noong nasa college pa ako, ewan ko lang sa ngayon). 

masasabing tama ang pilosopiya na ginagamit ni pegasus sa panahon nila plato at iba pa.  ngunit dapat na maunawaan na mayroon itong malaking kahinaan kapag inangkop sa kasalukuyang panahon. ang layo na po ng agwat ng platonism sa materialism.

kahit gamitin pa natin ang pilosopiyang pilipino, sikolohiyang pilipino at teolohiyang pilipino ay mapatutunayan na mas una ang karanasan laban sa idea.

kaya mungkahi ko kay diwa, sana ay unawain mo na lang si pegasus.  magkaiba kasi kayo ng aral.  magmungkahi ka na lang sa kanya ng mga babasahin sa kung papaano dinurog (na parang aji-no-moto monosodium glutamate) ng materialismo ni marx ang pilosopiya ni hegel (na may bahid ng kaisipang idealismo) para mas maintindihan niya ang sinasabi mo.

at para naman kay pegasus, sana ay mag-aral o kahit magbasa-basa ka pa para naman napapanibago mo ang iyong mga nalalaman.  mapanganib po ang pagkakaroon ng kakaunting kaalaman. pinatunayan na po iyan ng karanasan.

syanga pala, para ulit kay pegasus, hindi mo pa yata mahusay na nauunawaan ang sinabi ni rizal na binabanggit ni kislap. napakalayo na kasi ng iyong pagdadahilan...napakakanluranin, napakakitid at sadyang nakakahiya sa paaralang iyong pinanggalingan.  dagdag pa, mali po yata ang ang pang-unawa at salin mo sa ingles ng sinabi ni rizal.  napaghahalatang nakakapabagal at nakakapurol ng pag-iisip ang paggamit ng wikang hindi naman natural na iyo.  oooops! hindi galing sa akin ito ha. ito po iyong buo:

Ang paggamit ng wikang banyaga bilang isang wikang panturo ay sagabal sa pag-iisip dahil dapat munang masanay ang mag-aaral sa mga bagong tunog, tono, at balangkas ng pangungusap.  Nahihirapan siyang ipahayag ang kanyang mga saloobin at ito'y pumipigil sa kanyang pag-iisip.  KAYA, MAKIKITA NATIN NA MARAMI SA ATING MGA KABABAYAN ANG HINDI SANAY NA MAG-ISIP NG MALALIM.  Hindi nila ganap na maunawaan ang mga aklat at peryodikong nakasaulat sa Ingles.  Hirap na hirap ang marami sa atin na nag-iisip sa wikang Ingles pero hindi rin sila makapag-usap ng mahusay sa sarili nilang wika dahil ito ay napabayaan.  
- Constantino, Renato.  Ang Paggamit ng Ingles Pumipigil sa Pag-iisip nang Malalim (1990)

nauunawaan ko, ingles naman kasi talaga ang ginagamit na wika hanggang sa ngayon sa loob ng silid aralan. maging ako ay biktima rin nito noon.

pakiusap lang, kung wala kang sapat na batayan sa iyong sasabihin, mas mabuti pang huwag ka na lang magsalita (oooops ulit! hindi ako ang unang nagsabi nito).

ilagay po sana natin sa konteksto ang ating mga talakayan.  tayo po ay mga filipino.

paumanhin sa mga sinabi ko, walang pong personalan, ngunit kailangang ituwid ang mga pag-iisip na wala namang kabuluhan o idudulot na ginhawa sa dinaranas na hirap ng ating sambayanan. 

salamat sa pagbabasa. 

- amos Embarassed

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Mi

!
by Rhea Stone on April 6, 2009 - 9:34pm

 

 

Kuya,

 

Ang dami ko na naman pong napulot dito. Eto nga po at hanggang ngayon ako ay nanlilimot pa. Mabuti na lang lagi kong dala ang mahiwaga kong kwaderno.

 

 

by j luna on April 7, 2009 - 9:14am

"kahit gamitin pa natin ang pilosopiyang pilipino, sikolohiyang pilipino at teolohiyang pilipino ay mapatutunayan na mas una ang karanasan laban sa idea."

 

 

Tama....importante talaga ang empirical basis. 

by diwa on April 7, 2009 - 11:13am

pasensya na ngayon lang nakasagot. ang dami na palang nagkomento dito. dito ko na lang ikakabit ang ilang sagot ko, dahil ito naman ang pinakamahaba at mahalagang komento dito. una sa lahat ilang paglilinaw.

1. para mas eksakto, ang pilosopiyang pinanghahawakan ko ay hindi lang kontemporaryo kung Marxistang pilosopiya. at ang kay pegasus ay, totoong nagmula pa ang ganitong kaisipan noong panahong medyibal, pero patuloy pa rin itong pinaunlad at pinatibay ng burgesya ng kasalukuyang panahon, ang burges na ideyalismo.

2. makaluma na nga ang kay pegasus, sa pakahulugan na ito ang tinatanganang pilosopiya ng pinakabulok ng uri sa lipunang kapitalista. pero hindi pa ito basag, dahil kailangan pa nga itong basagin ngayon.

3. at ito ang pangatlong punto. totoong naiintindihan ko ang pananaw ni pegasus. pero obligado rin akong sagutin at ipaglaban ang tingin kong tama, lalo na at ang pinag-uusapan natin dito ay kasaysayan. napakahalaga ng matuto sa kasaysayan, dito natin nalalaman ang ating nakaraan, maiintindihan ang ating kasalukuyan at matatanaw ang kinabukasan. kaya napakahalaga rin ang pilosopiya na gagamitin natin sa pag-aaral ng kasaysayan. kung maling pananaw natin sa kasaysayan,  hindi natin wastong mauunawan ito, maliban siguro sa mga petsa, pangalan ng tao, lugar, atbp., pero hindi ang esensya ng mga bagay, kung paano umuunlad ang lipunang Pilipino noon at ngayon.

 

sa lahat, salamat sa mga ibinahagi mo at malaking tulong ito at dagdag na paliwanag.

!
by Rhea Stone on April 6, 2009 - 7:54pm

 

Isang silip sa ating kasaysayan:

 

Paano ba pinili at napili si Jose Rizal para maging pambasang bayani?

 

Noong dumating si William Howard Taft sa Pilipinas noong 1900 ay kasagsagan noon ng labanan ng Amerikano at Pilipino. Kasalukuyang pinagtatanggol ng mga ‘bayaning’ Pilipino ang Pilipinas sa bago na namang manlulupig. Alan ng mga Amerikano na hindi ibibigay ng mga Pilipino ang kalayaang matagal na nating ipinaglalaban ng basta-basta lang kaya’t umisip sila ng mga paraan upang magapi nila tayo. Nariyang magpadala sila ng libo-libong sundalong Amerikano upang pagsamantalahan ang ating mga karapatan. Isa pang estratehiyang naisip ni Taft ay ang kausapin ang mga Pilipinong miyembro ng Philippine Commission at sinabi niyang kailangang magkaroon ng pambansang bayani. Ang napiling kandidato ay sina Emilio Aguinaldo, Andres Bonifacio, Apolinarion Mabini, at Jose Rizal. Natalo si Aguinaldo dahil isa daw siyang militante, si Bonifacio naman ay isang radikal, si Mabini naman ay matigas ang ulo. Si Rizal ang nanalo. Bakit ba napili si Rizal? Sabi kasi nila ay kailan man ay hindi nagtaguyod ng kalayaan ng Pilipinas si Rizal. Hindi siya nag-udyok na armadong pakikibaka sa halip ginamit niya ang kanyang panulat, malawakang edukasyon, at pagpukaw sa isipan ng mga Pilipino. Wala akong nakikitang masama doon, hinahangaan ko at ako’y nagpupugay kay Rizal. Ngunit ang ayaw ko lamang ay ang paggamit ng mga Amerikano kay Rizal upang baguhin ang kaisipan ng mga Pilipinong buong tapang na lumalaban para sa ating kalayaan na mas mabisang gumamit na lamang ng panulat kaysa sa armas. Sabi nga ni Renato Constantino sa kanyang “Veneration Without Understanding” na ang pagyakap daw ng maraming Pilipino kay Jose Rizal bilang pambasang bayani ay ni kailanman ay hindi kinakitaan ng pagsulong ng himagsikan para sa kalayaan ng bansa.

 

Alam mo rin ba na kasabay ng pagiging pambansang bayani ni Rizal ay ang pagsisimula din ng paghubog ng kaisipan ng mga Pilipino? Marami silang tinayo na paaralan. Isa na ang paaralang pinasukan ko: ang Philippine Normal University. Itinatag ang paaralan upang turuan ng salitang Ingles ang mga mag-aaral. Sabi pa ni Renato Constantino na ang free public school system, at pensionado program, at ang paggamit ng Ingles sa mga paaralan ay ginamit ng mga manlulupig na Amerikano bilang bahagi at suporta ng kanilang estratehiya militar. Kung ang layunin ng militar ay lipulin ang mga taong hayagang humahamon sa kanila, layunin naman ng edukasyon na hubugin ang isip ng ating mga kabataan at ng iba pang mga mamamayan upang maging maka-Amerikano sa isip at sa diwa.

 

Inuulit ko po na sang-ayon ako mga ginawang pakikibaka ni Rizal ay ako ay humahanga at nagpupugay sa kanya. Ang ayaw ko lang po ay ang paggamit sa kanya ng mga mapanlinlang na dayuhan.

 

by Amos Tarana on April 6, 2009 - 8:06pm

mabuti pa si rhea stone ay nagbabasa ng mga akda ni renato constantino. kaya naman ang kanyang mga pagtingin at sinasabi ay talaga namang tapat sa kasaysayan. 

-amos Cool

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Mi

by talulot on April 6, 2009 - 8:17pm

maganda nga ang akda ni renato constantino.. kumpara kay tolentino at di hamak na malayo kay zaide.

 

maganda rin po ang mga libro ni g. ambeth ocampo.

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

by Pegasus on April 7, 2009 - 11:20am

Thank you, for your comprehension and now, if you'll excuse me, I don't want to be caught in a ship of fools.

by diwa on April 7, 2009 - 11:30am

oh, please don't go. this has been so much 'enlightening.'

by Pegasus on April 7, 2009 - 11:44am

Rhea and the other person already made it clear for you. I need not add more and I was hinting at the person who inspired you to make this post. 

The topic, Rizal, is the bait and we are all the fish being caught in a ship of fools. I hope you now understand what I mean.

 

 

by diwa on April 7, 2009 - 1:43pm

hindi ko alam kung mali ang unawa ko sa mga nabasa ko. pero sa pagkakaintindi, ikaw ang gusto nilang paliwanagan dito.

well, salamat na rin sa paliwanag mo sa "ship of fools" mo. sana rin maintindihan mo ang dahilan ko na sinabi ko na sa itaas. at huwag mong tawaging hangal ang mga taong lumahok sa debateng ito. unang una, ikaw ang nagsulong ng ideyalistang pagtingin kaya naobliga akong sagutin hanggang sa nauwi na sa pilosopiya ang usapan. kung ito ang tinutukoy mo na "pain," tingnan mo ang naging papel mo dito kung bakit naging ganoon.

by Pegasus on April 7, 2009 - 2:38pm

Tayo ang isda, ang fools na tinutukoy ko, ay hindi sila o ikaw bagamat may mga gustong mangulo rito. Masyado kang focused sa isang lugar, hindi mo tinitignan ang iba kaya nalilito ka.

Wala akong sinabi na mali ka. Sinabi ko lang sa iyo what I believe, what I understand, and what I know. Being defensive as you are, and as most people who replied in this post, will never get anyone, anywhere. 

Naniniwala ako na may God at siya mismo ang Idea na gumawa sa ating "objective reality".  Tao, tulad natin dalawa, will never comprehend other people because we live in a different world, despite that fact that we breath the same air, walk on the same planet. We both have a limited peripherals, but know this:

When you write a story, though it is based on reality, even the reality that you see are born of the ideas and principles that each person acts upon. Nothing is ever real.

Think of it the way the domino effects work: If it is the finger that makes the first domino block fall, that finger is not an object, but a thought, a desire, hope, plan, and an idea.

 

by diwa on April 7, 2009 - 3:06pm

parehas lang naman tayo. nagsasabi ng kani-kanyang pagtingin. pero ultimately, dahil magkaiba o magkbangga ang ating pananaw, di maiiwasan na pinaninindigan natin ang mga ito, at sa proseso, para na rin nating sinasabi na mali ang kabila. kahit naman diretsahin mo ako na mali ako, hindi ako ma-ooffend. at hindi defensiv ang tawag doon, sa pakahulugan na tinutukoy mo. iba ang pagtatanggol o pag-defend sa pananaw ng isa, at iba ang defensive.

and know also this:

wala ka pa ring nabibigay na patunay sa sinasabi mong naunang ideya na sinasabi mong nauna sa objective reality, maliban sa Ideya na tinatawag mong Diyos. 

walang bagay na totoo? lahat ng bagay totoo. ang hindi laging totoo ay ang Ideya sa utak ng tao, sa kabila ng Ideya ng tao, kahit gaano pa natin kataas ilagay ito sa pedestal na abot langit, iiral pa rin ang mga bagay batay sa esensya nito.

at kahit ano pang analogy ang gamitin mo, umiikot ka lang sa parehong ideya na hindi mo pa nga napapatunayan in the first place.

 

by Pegasus on April 7, 2009 - 7:51pm

Patunayan? You make me laugh. If the smartest theologian or even a scientist can't prove to us if God is real, what chances does a member of a writer's site have? None. It would be an endless arguement like the numbers in a Pi.

All am saying is that it's the idea that creates reality, our reality -- human reality, not counting objects like a kettle, stone, etc.

Ideas are all around us, like a God and it is this energy that gives life a form, our life, a form. Nothing is real, it is all illusion. If you study the way the eye works, you'll understand that is all an illusion, made to seem real, the way that the idea that time is moving is real when you read a clock.

Ideas affects our mood, our daily lives. The idea that you are a failure, will always make you a failure, no matter what you do, unless naituwid mo ang pagiisip mo.

You say allegories can't make a point, true, but I am not trying to make a point, I am merely sharing what I know and what I understand, concerning ideas vs. materialist philosophy. I don't care if you agree or not. Do notice that not once did I challenge you, because unlike some people, I know where my limit lies.

We were talking about Rizal and my point on him are these:

His ideas are applicable in the present because the Philippines haven't changed much and being a nation of mostly Christian/Catholic, it isn't surprising; and yes, Rizal is not perfect because he made mistakes like Tagalog being the wikang pambansa, because the Philippines is a nation of many culture and many languages. You can't force them all to learn one language unless the Philippines imposes dictatorship and make the whole nation speak with one language, the way the English and the Spanish conquistadors tried to do.

I'm done here, Diwa. 

by Amos Tarana on April 8, 2009 - 5:25am

ano kamo?

unti-unti nating patunayan. simplehan lang natin ha.

sa teolohiya muna tayo, ito kasi ang paborito ko eh.

ano ba ang tama sa dalawa:

1. may isang tao at nalikha niya sa kanyang kaisipan mula sa wala ang tatlong letra na GOD.  mula noon ay naniwala na siya na mayroon ngang Diyos kasi naiisip nga niya ito kahit na nga hindi naman niya ito nararanasan.

2. nagkaroon ng kakaibang karanasan ang isang tao, dahil sa karanasang ito ay nahamon siya upang magnilay. at sa kanyang pagninilay ay napagtanto niyang may mas higit na makapangyarihan pala sa kanya.  para mapangalanan niya ang higit na makapangyarihang ito na natuklasan niya mula sa kanyang karanasan ay nalikha niya ang tatlong letrang GOD.

simple na po ito ha, hindi na ako nagbanggit ng mga mahuhusay na teologo.  kayo na po ang bahalang magpasya kung ano ang tama sa dalawa.

ngayon kung sa tingin po ninyo na mali ang pangalawa, magbigay po kayo ng sapat na batayan, banggitin po ninyo ang sa tingin ninyo ay pinakamahusay na teolohiya at teologo na inyong sinusundan at maglalatag din ako ng akin.

sa sikolohiya naman po tayo. pangalawa ito sa paborito ko. kuwentuhan lang po ha.

mamili po ulit kayo ha, hindi po kayo mahihirapan, madali lang ito.

alin po ba ulit ang sa inyo ay tama?

1. naisip ng tao na siya ay malungkot, at kahit na walang dahilan, siya nga ay nalungkot at tumulo ang kanyang luha.  nang naisip naman niyang siya ay masaya, aba, at bigla na lang siyang napatawa at humalakhak nang wala namang dahilan.

2.  nagkaroon ng isang malungkot na karanasan ang tao, halimbawa, siya ay namatayan, nang marinig niya ang balita (tungkol sa namatay niyang magulang), siya ay nabigla at pagkatapos ay saka siya binalot ng lungkot at pagkabahala na naging dahilan upang tumulo ang kanyang luha.

ngayon po ulit, mamili na po kayo, alin kaya sa dalawang iyan ang mas makatotohanan? kung sakaling pinili ninyo na mas tama ang pangalawa, samahan nyo po ako na dalhin sa doktor ang mga naniniwalang mas tama at makatotohanan ang una.

ngayon naman, punta naman tayo sa pilosopiya.  simplehan ko lang. kuwentuhan lang ulit ha.

alin ba ang mas tama? kunyari mayroon akong ipapakitang larawan sa inyo ha. ito po iyon:

unang larawan: kalesa muna bago kabayo.  hinihila ng kalesa ang kabayo.

pangalawang larawan: kabayo muna bago kalesa. hinihila ng kabayo ang kalesa.

ngayon po, seryoso tayo ha, wala po munang magjujoke okey. alin po sa dalawang larawan ang super na nakakatawa?

kita nyo naman ha, wala akong binanggit na gawa ng mga bigating tao dito ha  kundi simpleng paghahalimbawa lamang 'di ba.

ngayon, sabihin nyo po sa akin, ano po ba talaga ang nauna, ang ideya po ba o ang karanasan? tama po ba kaya na magpasya o magsalita na wala namang kahit ni katiting na batayan? ngayon, kung tama po sa inyo na magsalita kahit na wala naman kayong sapat na batayan, parang ganito,,, basta lang kasing naisip ninyo kaya bigla n'yo na lang sinabi o ginawa,,, ano po ba kaya ang maaaring itawag sa inyo at saan kaya kayo magandang dalhin? aber, sige nga!

ngayon naman balikan natin si jose.

may sinasabi po ang isa nating mabuting kaibigan, bigyan po natin ng pagsusuri:

"His ideas are applicable in the present because the Philippines haven't changed much and being a nation of mostly Christian/Catholic, it isn't surprising; and yes, Rizal is not perfect because he made mistakes like Tagalog being the wikang pambansa, because the Philippines is a nation of many culture and many languages. You can't force them all to learn one language unless the Philippines imposes dictatorship and make the whole nation speak with one language, the way the English and the Spanish conquistadors tried to do"

basahin po nating maigi ha, maganda po kasi di ba kapag malinaw ang mga puntong nasasali sa usapan. magtatanong lang po ulit ako ha.

isa-isahin lang natin:

"His ideas are applicable in the present because the Philippines haven't changed much and being a nation of mostly Christian/Catholic, it isn't surprising;

mga katanungan:

1. ang mga ideya ba ni jose ay basta lang niyang naisip mula sa kawalan kaya nagpasya siyang isulat ang 2 at kalahating nobela?

2. wala po ba talagang pagbabago ang kalagayan ng ating bansa? ibig sabihin po ba ay kolonya pa rin tayo ng mga taga europa o kaya ay "direktang" kolonya tayo ng isang malaking bansa? noon po bang panahon ni rizal ay laganap na rin ba ang simbahan ng mga kapatid nating born again christians? ang teolohiya po ba kaya noon ay wala namang halos pinagkaiba sa teolohiya sa ngayon (may vatican II na ba noon)? noon po ba kaya ay mayroon na rin ng tinatawag na "theology of liberation" ng mga kapatid sa katoliko at protestante?  noon po ba kaya ay laganap na ang mga burgis na mga namumuhunan, ang TNC, ang MNC? ilan lang ito ha....

kung ang sagot ng mga mambabasa ay malaking OO, aba'y tama nga ang ating kapatid na si pegasus para sabihin na angkop pa rin ang kaisipan ni jose (kung mayroon man) sa kasalukuyang kalagayang panlipunan.

and yes, Rizal is not perfect because he made mistakes like Tagalog being the wikang pambansa, because the Philippines is a nation of many culture and many languages.

bago ako magpatuloy dito, may puna ako sa itaas tungkol sa pagkakaunawa at salin ng "ang hindi marunong magmahal sa sariling wika...." pakibalikan na lang po ulit mamaya.

tuloy tayo ha, ito ang tanong:

1. sinabi ba sa atin ni jose kung ano ang ibig niyang sabihin ng "sariling wika"? ang sariling wika ba ay nagtutukoy mismo at walang iba kundi ang tagalog? sino ba ang mga mambabasa ni jose sa panahong ito na kanyang pinatutungkulan? alam ba kaya niyang ang kanyang mga nobela ay pag-aaralan natin sa ngayon?

2. kung hindi naman naipaliwanag ni jose (hindi ko rin kasi alam at wala pa akong nababasa sa tagalog) ang pakahulugan niya ng sariling wika, kung wala naman siyang direktang pagtukoy na ito nga ang tagalog (at wala nang iba pa), at kung hindi naman batid ng kapatid na si pegasus kung sino ang talagang pinatutungkulan ni jose, may sapat na batayan kaya siyang sabihing "pagkakamali" ito ni jose? ilabas ang batayan.

karagdagan, batid na rin kaya natin, lalo ni pegasus, kung ano ang ibig sabihin ng FILIPINO? (may mabibili na pala na UP diksyunaryong Filipino at mukhang ilalabas na rin ang pangalawang edisyon [kung tama ang aking balita] sa halagang Php 1k) 

You can't force them all to learn one language unless the Philippines imposes dictatorship and make the whole nation speak with one language, the way the English and the Spanish conquistadors tried to do"

tungkol naman  dito, karugtong lang ito ha, una ko nang binanggit sa itaas na ang ganitong pagdadahilan ay kanluranin.  bakit kamo? kasi po ang mga tagakanluran ay mahilig tumingin sa mga pagkakaiba-iba ng tao at kultura. ginamit na ang ganitong istratehiya noon pa mang panahon ng digmaan at maging sa kasalukuyang panahon.  upang ang mga tao na kanyang inaapi o pinagsasamantalahan ay hindi mapansin o maging bulag sa kanilang pagkakaparepareho (tulad ng iisang kalagayan - pagdaranas ng pang-aapi at kahirapan, kultura, pilosopiya at pagkatao).  dahilan ito upang maiwasan ng mga tao ang magkaisa at lumaban sa mga nang-aapi sa kanila.

dagdag pa rito, isa ring ipinagdidiinan ng mga taga-kanluran (at kanluranin) na ang kanilang wika ang dapat sundin. kaya naman mayroon tayong english-only policy sa mga paaralan.  paraan ito upang lasunin ang ating isip ng mga kaisipang hindi naman natin lubos na nauunawaan - na ang sinasabi lang ay "mas mahusay o nakatataas ang aming kultura kumpara sa inyong kultura" kaya sakay na! (ang ganitong paliwanag ay hiram ko lang sa ama ng sikolohiyang pilipino).

wag po kayong mag-alala, patapos na tayo...

ano po ba ang nangyari?

ang ating kapatid, na alam ko namang mabuting tao, ay nagkaroon ng kahinaan sa kanyang pinanindigang posisyon.

bakit po kamo?

nagkaroon siya ng agarang pagpapasya kahit na nga wala pa namang masusing pag-aaral sa kasalukuyang lipunan.

bakit po, sinagot na po ba nya kung ano ang pinakabatayang suliranin sa lipunan? (eh ano na nga ba 'yun? hindi ko po sasabihin, wala namang nagtatanong eh. basta ang alam ko, tatlo iyon) bago sabihing "applicable" pa rin ang ginawa ni jose sa kasalukuyang panahon?

kung sakaling alam ng ating kapatid sa fw ang batayang suliranin ng bansa, ano po kayang social analysis tools ang kanyang ginamit?

mabuti pa nga ang GKNB ni edu at nauuna ang tanong bago ang sagot.

siguro naman po ay alam na natin ang kahihinatnan kapag basta ka na lang sumagot o nagpasya kahit na wala pa namang tanong o kaya'y masusing pag-aanalisa. 

...kapag nauna ang ideya laban sa karanasan o kapag nauna ang kalesa kaysa sa kabayo.

salamat po sa inyong matiyagang pagbabasa sa munting komentong ito.  salamat po sa pagpost ni diwa sa blog na ito.  salamat din kay pegasus sapagkat kung hindi sa kanya ay hindi natin mapapalalim ang talakayan. 

gusto ko lang din pong malaman ng lahat na ginawa ko ang komentong ito hindi dahil inutusan ako ng aking guro, dahil requirement (para tumaas ang grado). kundi po dahil gusto ko at sa tingin ko ay makabuluhan ang ating ginagawang talakayan para sa pagkakaroon ng mas malinaw na pagtingin tungkol sa pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran.

inaanyayahan ko ang mga estudyante sa rizal na mahilig magpost ng "rizal is alive" na pumunta sa paanan ng bundok ng banahaw at doon na manirahan kasama ng inyong mahusay na guro (at doon na lang talakayin ang kung ano ba talaga ang nasyunalismo...magpapakabait kayo ha).

huwag kayong mag-alala, dadalawin ko kayo doon ngayong semana santa at dadalhan ko kayo ng kandilang kulay pula na hugis tao.

salamat po ulit at mabuhay po kayo!

- amos tarana Sealed 

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Mi

by diwa on April 8, 2009 - 7:27am

grabe, ang haba. pero mahusay na paliwanag. sana lang at maintindihan ni pegasus.

by diwa on April 8, 2009 - 7:50am

Pegasus wrote:

His ideas are applicable in the present because the Philippines haven't changed much and being a nation of mostly Christian/Catholic, it isn't surprising; and yes, Rizal is not perfect because he made mistakes like Tagalog being the wikang pambansa, because the Philippines is a nation of many culture and many languages. You can't force them all to learn one language unless the Philippines imposes dictatorship and make the whole nation speak with one language, the way the English and the Spanish conquistadors tried to do.

 

well, kung kaugnay ng mga ideya ni Rizal:

1. mukhang hindi na aplikable ang pinakaesensya ng kanyang isinusulong noon. una, hindi naman na tayo tuwirang kolonya ng Espanya, kundi neo-koonya ng US. Pangalawa, matagala nang napatunayang hindi ubra ang pagpapanawagan lang na maging probinsya lang ang isang kolonya/neo-kolonya para talagang makalaya, sa madaling sabi, malutas ang mga kontradiksyon sa loob ng bansa. tulad ng sinasabi ni amos, hindi nito malulutas ang mga batayang  suliranin ng Pilpinas.

2. hindi kamalian ni rizal ang tagalog, kasi hindi naman bahagi ng kampanya niya iyon. wala naman siyang sinabi na maging pambansang wika ang tagalog, o kung meron man, hindi naman ibig sabihin niyon ay dapat isang wika lang ang sasalitain ng mga tao. kahit nga si rizal, nagtangkang magsulat sa tagalog pero nabigo. oo, ang napakahusay na si rizal at hindi kayang magsulat ng tula sa tagalog.

3. fyi lang, hindi tinangka kailanman ng mga espanyol na ipataw sa atin ang kanilang wika. sila pa nga ang nagsikap noong una na pag-aralan ang mga wika dito sa pilipinas.

4. kung pag-uusapan lang rin natin ang mga ideya at kung ano ang aplikable sa kasalukuyan, mas pipiliin ko pa rin si bonifacio.

**********

kaugnay ng IDEAS:

1. nakapalibot sa atin ang mga ideya, pero hindi ibig sabihin nito na ito na ang nagtakda o nagpalitaw ng mga bagay. kasi kung babaliktarin mo rin, ang mga bagay ay nakapalibot din sa atin at ito ang nagtatakda at pinagmumulan ng mga ideya ng tao.

2. ang sinasabi ko sa mga analogy mo, ay hindi sa hindi ito nagpapatunay sa anumang punto, kundi ipinapakita nga nito ang iyong punto, kaya lang pare-parehas lang naman ang punto mo at iniiba mo lang ang mga halimbawa. para pinapalitan mo lang ang mga given to prove the same thing.

3. sana rin maintindihan mo ang dahilan kung bakit lagi kong sinasagot at paulit-ulit na iginigiit dito ang aking pananaw, dahil mahalaga sa pag-aaral ng kasaysayan ang mismong pananaw natin sa kasaysayan para maging kasangkapan sa wastong pag-unawa hindi lang sa kasaysayan kundi paano rin nito maituturo ang daan sa kinabukasan. kaya, walang personalan dito, trabaho lang. sayang nga lang at mas humaba pa ang talakayan dito kaysa tungkol mismo sa post ko, pero worth it pa rin dahil pundasyon ito.

by Dap-ay Sapata on April 7, 2009 - 11:47am

Pegasus,

kahibangan na ba ngayon ang makipagtunggali? 

di mo ba alam na sa tunggalian umuunlad ang lahat, ang lipunan, pati ikaw mismo.

 

alam mo bang kung tatalikod ka sa tunggalian ng mga pananaw, maiiwan ka sa kawalan. at ikaw ay malilibing sa libingan ng pagpanaw ng kasaysayan. 

pegasus,

sumusulong ang kasaysayan. at ang kasaysayan ay di lang nakatali kay Rizal at sa kanyang mga isinulat.  

 

 

 

 

www.tintamakata.multiply.com

 

 

by Pegasus on April 7, 2009 - 11:51am

Tama ka. Mali ako. Pasensya na.

by gianenriquez on April 8, 2009 - 7:40pm

wow, salamat Amos sa pagbanggit mo sa sikolohiya. yan ang paborito ko, syempre sunod lang sa musika.

yung pangalaw mong sinabi ang mas pinaniwalaan ko noon pa man, hindi ko pa alam ang terminolohiyang sikolohiya noon. at hanggang ngayon ay doon pa rin nakabatay ang paniniwla ko kahit na nga maraming mga sikolohista ang nagkakaroon ng makabagong paniniwala tungkol sa pinagmulan ng pag-uugali ng isang tao gaya nina Freud, Jung, Fromm at iba pa. subalit kung susuriin ay isa rin lang naman ang pinagmulan ng mga teorya nila. ito ay ang tinatawag na S-R relationship o mas kilala sa stimulus-response.

sinasabi dito na lahat ng pag-uugali at kaisipan ng tao ay nakabatay sa isa o higit pang internal o external stimulus.

 

may katotohanan din naman ang unang pahayag kung bibigyang pansin ang mind over matter principle. pero mas pinipili ko pa ring paniwalaan ang pangalawa sapagkat mas malakas ang batayan at ebidensyang inihain tungkol dito.

 

**natutuwa naman ako sa paggamit mo sa pangalan ni Ho Chi Minh. malaki kc ang papel niya sa buhay ko. hehe. hanggang sa muli.

 

"para saan ang bibig kung laging nakatikom?

para saan ang mga mata kung laging nagbubulag-bulagan?.."

gie-ann enriquez

by diwa on April 8, 2009 - 7:47pm

wow! bakit vietcong ka ba? Smile

by j luna on April 9, 2009 - 10:08am

Maiba...Baka may link kayo na pwede pagdownloadan ng 2nd part ng "Che" (Benicio Del Toro) katatapos ko lang ng 1st part, tinatamad akong bumiyahe sa tropa sa QC para lang humagilap ng 2nd part...

by gianenriquez on April 13, 2009 - 11:19pm

 hello diwa. hindi ako vietcong. utang ko kasi sa kasaysayan, lalo na kay Ho Chi Minh kung bakit masaya ang buhay ko.

weird di ba. kung hindi kasi nkalaya ang Viet Nam, sa pamamagitan ni Ho Chi Minh, marahil hindi mapapadpad dito agng isang propesor na Vietnamese upang mag-aral ng wikang Ingles. at marahil hindi ko rin makikilala ang pangalawang pinakamahalagang lalake sa buhay ko (sunod sa daddy ko.)

baduy. masarap din naman minsan ma-inlove. hehe. 

 

"para saan ang bibig kung laging nakatikom?

para saan ang mga mata kung laging nagbubulag-bulagan?.."

gie-ann enriquez

by diwa on April 14, 2009 - 6:01am

wow naman. love story pala. magandang gawan mo yan ng istorya ah. may historical background at love story. Smile

by gianenriquez on April 14, 2009 - 2:18pm

 diwa, magandang ideya ang naisip mo. i'll try to reconcile my ideas. mejo kumplikado iyong kuwento eh. tsaka iisip ako ng stratehiya na huwag maging baduy pakinggan, hindi din kasi ako fan ng mga kuwentong pag-ibig na nababasa sa mga libro at kung saan-saan.

may ideya ka ba kung paano? gusto ko kasing gawin ang suggestion mo eh. hehe.

 

"para saan ang bibig kung laging nakatikom?

para saan ang mga mata kung laging nagbubulag-bulagan?.."

gie-ann enriquez

by diwa on April 14, 2009 - 6:02pm

basta pagpatungin mo ang dalawang istorya, depende kung anong panahon ang may impluwensya sa buhay niyong dalawa. kung nakaraan na, pwedeng flashback, kung contemporary, pwedeng magkasabay na nagde-develop ang istorya. ikaw na lang ang bahala, hindi ko rin maitsurahan e. hindi rin kasi magaling gumawa ng kwento.

by gianenriquez on April 15, 2009 - 6:12pm

 maganda yung ideya mo. maganda yung flashback kc batallion commander ang tatay niya sa giyera. cute. pero dpende na din kung alin ang may appeal sa kin habang nagsusulat na, medyo mahina kasi ang writing prowess ko these past few days. hehe.

reconcile ko muna yung thoughts. hehe. salamat ulit, kaibigan.

 

"para saan ang bibig kung laging nakatikom?

para saan ang mga mata kung laging nagbubulag-bulagan?.."

gie-ann enriquez

by diwa on April 15, 2009 - 7:05pm

wow. sige. aabangan ko ang gawa mo. interesado rin kasi ako sa vietnam. pinag-aaralan ko rin ang kasaysayan nila, lalo na iyan. sigurado marami akong matututunan sa pang-araw-araw na buhay nila noong panahon ng vietnam war.