Katrina

wickedmouth's picture
|

Noong second year high school ako, lumipat ang pamilya ko mula sa Bolinao, Pangasinan papuntang Manila kaya nagtransfer ako sa isang high school diyan sa may Cubao. II Bignay ang section namin noon, at dahil late na sa school year ako nag-transfer (November na yata noon kung hindi ako nagkakamali), lahat ng mga kaklase ko ay magkakakilala na at ako lang ang walang kaibigan.

Di nagtagal eh may mga naging kaibigan ako, pero iilan lang, yung mga disente lang. Isa dun si Katrina. Wala nang paligoy-ligoy pa, sasabihin ko na. Si Katrina ay may kapansanan. Maiikli ang kamay nya (hindi magkapantay) at ganun din ang paa nya, baliko at hindi rin pantay. Pinasadya yata yung rubber shoes nya kasi hindi normal ang pagpasok ng paa nya sa entrada ng sapatos. Medyo kakaiba sya maglakad, parang may pilay. Medyo naka-kuba rin sya kapag tumatayo o naglalakad. Inborn yata itong sakit nyang ito, o nagkasakit yata sya ng matindi noong bata pa sya.

Tampulan ng tukso si Katrina. Kahit sinusubukan ng mga teachers namin na hindi sya tratuhin gaya ng isang imbalido, hindi maiiwasan na ipamukha ng mga kapwa nya estudyante sa kanya na kakaiba sya. Halata naman sa itsura nya na kakaiba nga sya, at dahil high school kami, nagkalat sa aming classroom ang mga bully.

Minsan, nagbrownout, eh hanggang 6:30 PM ang klase namin, kaya dumilim sa daanan namin papuntang gate nung pauwi na kami, ang liwanag lang eh yung poste sa labas na kulay orange ang ilaw. Napansin ng isang classmate kong bully na kakaiba ang anino ni Katrina. Ganito ang itsura:

 

At simula noon ay tinawag na "Dinosaur" si Katrina. At hindi rin nakatulong na madalas syang may sipon, kaya tinawag din syang Fonzy. Minsan lumobo yung sipon nya, minsan kumalat sa pisngi nya matapos punasan. Lahat ng ginawa nya, hindi nakaligtas sa panunukso. Nag-enjoy din naman ako kasi sumasali ako sa panunukso kay Katrina.

Pero ewan ko kung bakit naging kaibigan ko itong si Katrina. Siguro dahil mabait sya. O siguro dahil lihim akong naaawa sa kalagayan nya. Nakikitawa ako kapag may tumutukso sa kanya na "Dinosaur", pero lagi kong iniisip na kung ako ang nilagay sa sitwasyon ni Katrina, makakatawa pa ba ako?

Hindi naman sya napipikon, ni minsan hindi ko sya nakitang napikon sa mga biro sa kanya. Pero minsan syang naiyak sa isang sinabi ko sa kanya, hindi ko naman sinasadya. Magsisimula na kasi ang klase nun, parating na yung teacher, at late dumating si Katrina na humahangos (tumakbo siguro sya, imagine). Pagdating nya sa classroom, wala nang upuan at sabi nya "Naku, san ba ako pupwesto?" na sinagot ko naman absent-mindedly (habang nagmamadaling kumopya ng assignment) na "Wala, wala ka nang puwang sa mundo."

Ayun, umiyak si Katrina. Na nung una hindi ko naintindihan kung bakit sya umiyak at nagtampo. Siguro ngayon ko lang naintindihan, na mas makakaya pa nyang laitin syang "Dinosaur" ng mga bullies, keysa sa mismo nyang kaibigan ang magibibirong mas magandang mamatay na lang sya.

Nagkaroon kami ng field trip nung malapit nang matapos ang school year, sa Laguna. Monte Vista yata yun kung hindi ako nagkakamali, resort sya na may mga pools. Nung nagpapaalam pa lang ako sa Nanay ko para sumama at sinasabi nyang wag akong maliligo, nagtampururot pa ako at nag-alburuto. Ano ba naman ang gagawin ko dun sa resort kung hindi maliligo? Ang KJ naman. So nagbaon pa rin ako ng damit pambihis, dahil desidido akong maligo.

Pero nung nandun na ang klase namin at nagsimula nang maligo ang lahat, nakonsensya ako. Baka nga kaya ayaw akong payagang maligo dahil baka malunod ako. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. At nag-iisang anak lang ako. Baka mabaliw ang nanay ko kapag may nangyari sa akin. Kaya nagsawsaw-sawsaw na lang ako ng paa sa pools. Pero hindi ako mag-isa. Nandun si Katrina, na hindi rin pwedeng maligo.

Habang nag-eenjoy ang lahat ng mga kaklase namin sa paglangoy langoy sa stagnant na tubig, nagkukuwentuhan lang kami ni Katrina. Hindi ko na maaalala kung ano man ang mga napagusapan namin, pero ang naaalala ko lang ay yung part na ako, pinili kong hindi maligo, pero sya, walang choice, dahil hindi sya pwedeng basta-basta maligo.

Sabi ng mga kaklase namin noon, may taning daw ang buhay ni Katrina. Hanggang 18 years old na lang daw sya, at agad nagkwenta ang mga bullies at nagpredict na matitigok na si Katrina sa 2004. Syempre joke lang yun, at gaya ng lahat ng joke, hindi nya yun pinansin. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit pinipili pa ni Katrina na pumasok at laitin sa school kung pwede naman syang mag-sitting pretty sa bahay dahil mamatay rin lang naman sya. Pero habang tumatagal, nasasanay na ako na nakikita sya sa classroom at nakikipagsabayan sa mga normal na tao, at may time na hindi ko na sya nakikita as someone na may kapansanan, kundi isang normal na taong pwede kong lait-laitin anytime.

Minsan, habang nasa classroom, hinawakan nya ang kamay ko. Normal kasi ang kamay ko FYI. Hinaplos nya hanggang sa siko, tapos tinitignan nyang maigi, para bang iniintindi nya kung anong pagkakaiba ng mga kamay namin. Wala syang sinasabi, tinitignan lang nya. Hinawakan ko yung braso nya, malambot, parang walang buto. Parang kapag naupuan mo by accident eh may magwawangwang na ambulansya in 5 minutes. Sa pagkakataon na ito, iisa lang siguro yung iniisip namin: mayroong Diyos na nagdedesisyon kung ano ang ibibigay sa atin.

So tinuruan ko sya kung pano mag-dirty finger sign. Binaliko ko ung apat nyang daliri at inistretch ung middle finger. "Ganyan mag-fuck you, dapat matutunan mo yan," sabi ko.Proud pa ako na may naturuan akong mag-fuck you.

Nakakakonsensya nga lang yung sinagot nya sa akin:

"Ganito na nga lang ang binigay sa akin, gagamitin ko pa sa mali."

Religious ang pamilya nila Katrina. Kung hindi ako nagkakamali, pastor ang tatay nya. Mahilig sya sa mga bible quotes at hindi mo sya mariringgan ng kahit ni isang mura, sa gitna ng isang classroom kung saan ang putanginamo ay left and right. Hindi rin sya papayag na kaawaan sya. Kahit alam naming lahat na may mga bagay na hindi nya pwedeng gawin, gaya ng volleyball, football, boxing, gymnastics, o bungee jumping o mag-fuck you eh hindi namin sya dapat kaawaan.

Mahaba ang naging pagkakaibigan namin ni Katrina, singhaba ng natitira pang panahon ng school year. Lagi ko syang nakakausap, nakakabiruan, nakakasabay sa pagkain at minsan sa akin sya nagsasabi ng mga hinanakit nya. Hindi lang ako ang kaibigan nya, meron pang iba, pero hindi kami marami.

Nung malapit na ang graduation, nagpasya akong babalik na ako sa Bolinao dahil ayoko na sa Maynila. Nanghihinayang yung adviser ko kasi sana Section 4 na daw ako next school year, great progress daw. Sa isip-isip ko, Sa Bolinao, last section na ang Section 4, gaga.

Hindi ko na maalala kung nakapagpaaalam ba ako nang matino kay Katrina bago ako umalis. Siguro oo, siguro hindi. Siguro hindi na mahalaga. Wala akong naging balita sa kanya noong umalis na ako at bumalik sa dati kong school.

Ngayong graduate na ako at nagtatrabaho na dito sa Maynila, madalas, kapag nagkwentuhan kami ng dati kong kaklase sa II-Bignay ay napagkukuwentuhan namin si Katrina. Syempre, dahil masama ang ugali ko, puro panglalait pa rin ang lumalabas sa bibig ko tuwing nababanggit ko sya. Wala rin akong pinalampas na bloopers nya. Madalas kami magtawanan ng kaibigan ko kapag si Katrina ang nagiging topic namin.

Last week, hinanap ko sa Friendster si Katrina, pero walang results. Buti na lang naalala kong nabanggit nya dati sa akin na may nakakababatang kapatid sya na Bethany ang pangalan. Sinearch ko sya at may lumabas na results. Pinadalhan ko sya ng message, nagpakilala ako na kaklase ako ng Ate nya sa II-Bignay. Kinumusta ko ang Ate nya, kung naalala pa ba nya ako, kung pwede bang makuha ang number nya.

Hindi agad sumagot yung kapatid nya, maraming linggo pa ang nagdaan at nag-message ako uli sa kanya, kinulit ko kasi gusto ko sanang makipagkita o makatext man lang si Katrina. Buti na lang, isang araw, sumagot na yung kapatid nya:

 

Wala na pala si Katrina, matagal na. Ngayon hindi na kami magtatanong ng "Musta na kaya si Katrina buhay pa kaya yun?" Lagi daw nya akong kinikuwento sa kapatid nya, ano kaya ang kinikwento nya? Na minsan ko syang tinuruan ng masama? Na pinaiyak ko sya? Nasaan kaya ako noong April 10, 2004? Naalala nya kaya ako bago sya mamatay? Masaya na siguro sya ngayon, at hindi na nahihirapan.

Siguro gusto ko pang ituloy ang panlalait sa alala ni Katrina, kahit kami na lang ang makakarinig ngayon, patuloy syang pagtawanan at biruin at paiyakin, para magalit ang kaluluwa nya sa akin, para maisipan nya akong multuhin...

Para makita ko pa sya ulit.

wickedmouth

I posted this on my official blog, that's why it's very informal and free flowing. I don't really care much about paragraph structures, much less about sentence structures, because I just wanted to have fun with it. To hell with rules!

I wrote this last year, around March 2009, when I found Katrina's sister Bethany and she told me that she passed away five years before.


dugz21's picture

ang sarap mong

ang sarap mong kaibigan....

 

totoo yun ha....;-)

wickedmouth's picture

masarap

 opo tama ka masarap akong maging kaibigan, sigurado agre si jepipoy jan hahahaha

 

salamat at merry christmas

 

Luca's picture

ay wow

ito pala yung kwento na sinasabi mo.

 

awww... hug? 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

wickedmouth's picture

hug

 kiss sabay hug hahaha

 

salamat at merry christmas 

 

aqueouscribe's picture

gusto ko to. natouch ako.

gusto ko to. natouch ako. hehe...

--------------------------

www.lapisatkeyboard.blogspot.com 

wickedmouth's picture

touching you...

 salamat po at sana natouch kitya sa maselang bahagi ng katawan mo: ang iyong puso...

 

salamat at merry christmas 

 

talagang naglog-in ako para

talagang naglog-in ako para mag-comment: nakakatouch.

wickedmouth's picture

sa effort

 sa effort mo po sa pag-login para magcomment, salamat nang marami, at sa comment mo rin, salamat... saan parte ba kita natouch hehehehe

 

salamat at merry christmas 

 

leigh13diwata's picture

touching!

isa ako sa mga bullies during my elementary & HS years... but ang binu-bully ko lang eh yung mga mayayaman kong mga ka-schoolmate... and kaibigan ko yung mga mapapayat at mahihina ang katawang mga bata.. doon ko binibigay yung mga nakokotong kong barya sa mga mayayamang bata... binibili namin ng text at jolens... hehehehe

 

... bata-batuta... malaki ang batuta...

wickedmouth's picture

robin hood

robin hood is that you? hehehe salamat at nakarelate ka kahit konti...

 

salamat at merry christmas 

 

Yiennarda's picture

Glentot...

Diko alam marunong ka palang magseryoso... bagong friends pa lang kasi tayo eh kaya aabangan ko pa mga kwento mo ha...

Nakaka-iyak dapat ang kwnto mo eh, pero dahil gusto mong i-project na maton ka, bad ka... you made your story look like you were not that affected at all. 

       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

wickedmouth's picture

ate(?) yanie hehehe

 salamat ang I'm loking forward to being friends with you (dahil friends ko na ang mga friends mo hehehe)

 

affected din naman ako sa bandang dulo hehehe salamat po sapagbasa at pagcomment...

 

salamat at merry christmas 

 

Yiennarda's picture

Hahambalusin kita ng bonggang bongga

Di kita kapatid kaya wag mokong a-ate-hin!  Kuya na lang niyahaha!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Adlesirc's picture

.

sad yung kwento pero may pasulpot-sulpot na humor din. ayos!

 

 

 

kala ko kung bakit may drawing ng dinosaur. yun pala yon.

CLOSET WRITER's picture

ako din...

na moved sa kwento.

kahit medyo pinabrusko mo ang style, andon pa rin ang emotion na alam kong meron ka.

nice work. naipakita mo agad ang style na iyong iyo.

cute din ang visual aids :)

wickedmouth's picture

hehehe!

 salamat at napuna angaking visual aids...

 

syempre may emosyon rin naman ako hindi naman ako robot hehehehe at salamat sa pagtanggap sa style....

 

salamat at merry christmas 

 

wickedmouth's picture

actually

 hindi ko sadyaing magsulat ng malungkot nun, pero habang naaalala ko sya at nagsusulat ako, nalulungkot na ako and I guess lumabas yung lungkot...

 

salamat at merry christmas 

 

Patrickman's picture

welcome to the list!

napakagandang kwento at isa na siya sa mga paborito ko. iyon lang ang masasabi ko.

 

 

at dahil diyan...

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

paul h roquia's picture

aliw...

 

 

 naaliw ako sa kwento ni glen.  wicked nga. lalo akong naaliw sa visual aids! aabangan ko ang iba mo pang katha/akda... 

 

 

 

 

 

wickedmouth's picture

kuya

 salamat po at hindi nyo ako nilait hehehe joke takot ako sa verdict mo eh....

 

natakot na po tuloy ako magpost uli kasi aabangan mo hehehe joke lang po salamat nang marami!!!

 

salamat at merry christmas 

 

wickedmouth's picture

isa sa paborito?

 weh di nga hehehehe ikaw pa!!!! salamat hehehe

 

salamat at merry christmas 

 

Patrickman's picture

oo, pre. wag mo nang

oo, pre. wag mo nang palitang yung title, leave it as is. ok na yun.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

ang astig mo tsong

ang absurd ng pagkakwento mo pero malaman at malinaw. May damdamin talaga.

una kong naramdaman: honesty mo

tapos nung bandang kalagitnaan na na-astigan na talaga ako. gusto ko na mag-comment,binilisan ko na pagbasa.

then yung part na paghanap mo sa kanya at yung nalaman mo - kinilabutan yung kanang braso ko... tapos tinignan ko at inimagine yung mga kamay ni katrina.

nakakalungkot na diko maexplain. Sobrang matapat ka at inamin mo mga pagkakamali mo na madalas na pagkakamali rin ng tulad ko. Namumuna ako ng mga mali ng iba, pero unconsciously minsan mas malala pako sa kanila.

ginising mo xmas ko bro.

salamat 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

wickedmouth's picture

kuya

 sa lahat ng nagcomment dito ako natouch hehehehe

 

naging honest talaga ako kasi hindi naman ako takot ipakita ang pangit sa akin...

 

parang gusto ko na tuloy palitan yung title na "Ang Mga Kamay Ni Katrina" (quoting your comment) kaso baka akalain nila horror...

 

 SALAMAT!!!

 

Jepipoy's picture

Glentot

 Nabasa ko na ito dati pero ngayon binasa ko ulet, na tats ako ng beri beri nice. Favorite ko narin ito. 

 Please note na hindi ako nag sisinungaling na favorite ko narin ito :-D

"Kung makati, try mong kamutin...There you go, sarap ng feeling, right?"

wickedmouth's picture

OK

 alam ko namang hindi kasinungaling echuserong frog lang wahahaha fuck you pati ba tayo maglolokohan pa hahaha thanks happy new year!!!

 

keNNedy's picture

huhu

kakatouch infairnez!

dinalaw mo n bah s katrina s puntod nya?

para makapagpaalam ng pormal alam mo na..hehe

 

wickedmouth's picture

hindi pa eh

 Pero pinaabot ko na ang condolences ko sa family nya... salamat po sa pagbasa...

 

Melanie Quilla's picture

glen

 it suddenly reminds me of my long lost friend na nalaman ko na lang recently na namatay siya. naalala ko rin ung disabled college friend ko na tinulungan at sinuportahan ko para maging isang student leader... 

nice one, dude! 

 

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

wickedmouth's picture

wow

 to take praise from you guys, so rewarding!!! salamat po!!!

 

d-younker's picture

whew

kung nasa harap lang kita, nasamba na kita.

haha.

biro lang.

bibigyan kita ng palakpak para sa isang magandang karanasan na ibinahagi mo.

 

habang binabasa ko ang gawa mo, nakikita ko ang ugali naming magkakaibigan sa'yo.

hindi mabait pero mabuting tao.

tama nga sigurong masarap kang maging kaibigan.

hehe.

wickedmouth's picture

tama nga

masarap akong kaibigan. atbp nyahahhaa

 

Salamat sa paglalaan po ng oras at effort sa pagbabasa... It feels good to see positive comments...

 

d-younker's picture

=)

ano ang atbp na yun?

haha.

anyway, it feels good to read good story as well.^^

Tantizm's picture

  Nakakahaplos ng puso ang

 

Nakakahaplos ng puso ang daloy ng kuwento. Bigla ko tuloy naalala yung istoryang isinulat ko ng namatay yung estudyante ko dahil sa leptos; sanhi ng bagyong undoy. Ang pamagat ay BUTI PA SILA. Kinalabutan nga ako ng binasa ng mga kaklase niya ang tula ko para sa kanya nang nag-iiyakan.

Mahirap talaga makalimutan yung tao na dumaan sa buhay mo, pero may napulot ka na aral mula sa kanya.

Mabuhay ka! 

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

wickedmouth's picture

ahh

 ahh cge po babasahin ko po yang gawa mo pag uwi ko mamaya...

 

salamat po at kahit papano nahaplos ko ang puso mo ehhehee

 

Joven's picture

 inspiring, tragic

 inspiring, tragic though.

ayos!

 

 

"sagrado ang mga sulatin"

wickedmouth's picture

salamat

Salamat po