Katitikan sa Isang Pulong

by Rhea Stone ( | | )

 

 

 

 

 

 

Petsa: Ika-dalawa ng Abril, taong 2009

 

 

Mga Dumalo:

Mr. Y

Mrs. Y

R. S.

 

 

Pinag-usapan:

Makailang ulit umikot ang mga kamay ng relo

unti-unting naubos ang pizzang hinati sa walo

sa bawat pagkabawas, nagbahagi ang kasamang ginoo

isang ideolohiya mula simula hanggang dulo.

 

 

Unang Hiwa: 

Nagsimula sa lipunang primitibo

O, kay tahimik na mundo!

Simple lamang ang pagtatalo

sa pagitan ng kalikasan at ng tao. 

 

 

Ikalawang Hiwa: 

Hindi naiwasan ang panloloko

ng mga taong sadyang pinanganak na tuso

nang-api sa walang kalaban-labang tao

nagkaroon tuloy ng alipin at ng amo. 

 

 

Ikatlong Hiwa:

Hindi pa rin natapos ang pananamantala

ang pang-aapi ay lalong pang ngang lumala

mga magsasaka ay patuloy sa pagbabata

lakas paggawa, sinangla sa panginoong maylupa

 

 

Ika-apat na Hiwa:

Sa ika-apat na yugto, pang-aapi’y di pa rin naglaho

mga tusong kapitalista, patuloy pa ring namuno

ang paboritong kutlo ng mapang-abusong tuso:

‘’Paikutin ang kanilang ulo nang manatili sa pwesto.’’ 

 

Ikalimang Hiwa:

Katotohanan ay biglang sumambulat

mga manggagawa ay biglang naging mulat

“Magkapit-kamay, humawak ng armas

upang matigil na ang kaapihang dinaranas.”

 

 

Ika-anim na Hiwa: 

Mararating pa ba ang lipunang komunista?

Walang manggagawa, walang kapitalista

walang sinasamantala, walang nananamantala

may pagkapantay-pantay sa buong planeta.   

 

Dalawang hiwa pa ng pizza

ang naiwan sa gitna ng mesa

wala nang naglakas loob pang kumuha

dahil bawat isa ay punong-puno na.  

 

Punong-puno ng kaalaman

kaalaman tungkol sa kaapihan

kaapihan ng maliliit na mamamayan

mamamayang babangon para sa kinabukasan!

 

 

reya piedra

 

 

 

Isang katitikan sa isang pagtatagpo...


by Amos Tarana on April 5, 2009 - 5:34pm

naku po! 

napakamasustansya ng iyong tula. akalain ba namang baybayin at isalarawan sa isang tula ang buod ng HM!

makatang henyo lang ang maaaring gumawa ng tulang katulad nito!

pinaaalala na may kalayaang ibubunga ang pagkakaisa.  na ang kalayaan o pagbabago sa lipunan ay kailangang igiit sapagkat hindi ito ibibigay nang kusa o basta-basta.

tunay nga na ang pagbabago ay "hindi nagsisimula" sa dulo ng lapis o ballpen. 

hindi hamak na nahigitan ni RS ang pag-iisip ni JR (J.Rizal).

mabuhay ka RS!

- amos tarana Wink 

 

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Mi

!
by Rhea Stone on April 5, 2009 - 9:00pm

 

 

Hindi ko po masusulat ang tula sa itaas kung hindi ipinaliwanag sa akin ng kasamang ginoo sa pagtitipon ang mga kaisipang isinama ko sa aking tula kaya't ang lahat po ng papuri ay ibinabalik ko sa kanya.

 

Salamat po sa mapagmulat niyang kaalaman, masasabi kong hindi pa rin malinaw ang aking mga paningin sa katotohanan ngunit naalis na ang piring sa aking mga mata.

 

Salamat!

 

 

by Yiennarda on April 5, 2009 - 7:08pm

Ako talagay' nai -intriga kay Mr & Mrs Y Undecided

Pizza... yum! yum!... 

 

Ms stone, ibang klase ang inspirasyon mo sa buhay... bilib na bilib talaga ako sa mga tula mo...  kung papaanong naipahiwatig mo ang mga prinsipyo at pagbabago sa lipunan noon hanggang ngayon sa pamamagitan ng isang tula ay sadyang kayang likhain lamang ng isang magaling na makata... 

Ano ba ang masasabi ko kundi... pahingi ng pizza?  hehe...

 

       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

!
by Rhea Stone on April 5, 2009 - 9:05pm

 

 

Naku! Salamat po!

Nakakataba naman ng puso...

Bayaan n'yo po at hindi lamang pizza ang ibabahagi ko simula ngayon maging ang mga kaalamang natutunan ko sa bawat subo ay ibabahagi ko rin.

 

Tara na! Sabay-sabay tayong mamulat sa katotohanan mula kina Ginoo at Ginang Y.

 

 

by kislapalitaptap on April 5, 2009 - 7:32pm

Palakpakan! mahusay ang nilalaman. parang Historical materialism.

lipunang komunismo? bakit hindi? ang takot lang naman dito ay yung malalawak ang mga pribadong pag-aari, yung mga mang-aapi at mapagsamantala.

Ate Reya, 

Asteeg!

magsulat ka pa po ng ganitong tula. pag ito po ay nabasa pa ng iba--- yun ang kabuluhan ng isang makata.

ang magmulat.

palakpakan ulit! 

 pinatunayan din ng tula mong ito na, kahit ang mga pinakasimpleng bagay ay pwede nating buhayin at isulat, at iugnay ito sa buhay at pakikibaka ng sambayanan.

di simple ang pizza, pang burges nga na pagkain  yan eh,  pero nagawa mong iugnay ang kanyang hugis at pagkakahiwa sa kasaysayn.

palakpakan ulit! 

 

 

 

---ang tamaan: SAPUL!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

by Yiennarda on April 5, 2009 - 7:52pm

sabi ko na nga ba at isang madamdaming tagpo talaga kapag kayo'y nagkaka sagutan sa balagtasan...  lalo pa ma't ang inyong mga layunin ay ang pangkalahatang kaayusan!!!  

Ano kaya kung pagsamahin ang utak niyong dalawa sa paggawa ng isang tula???  hmmm yun ang tunay na SAPUL na nga WASAK pa!!!       

Nakiki Sapul at wasak na rin ako ngeeehhhe!!!

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

by Amos Tarana on April 5, 2009 - 8:13pm

tama ka kislap. 

asteeeg talaga itong si ms. reya sapagkat napakalalim ng kanyang kamulatan maliban pa sa pagiging makata.

at kung puwede sana ay...

(ngayon lang ako hihingi ng pabor sa iyo)

huwag mo na sana siyang tatawaging ate.

(pyudal kasi para sa kanya ang katawagang "ate" at kapag hindi ka tumigil, baka gumawa siya ng tula tungkol sa DR para sa iyo)

paunang pasasalamat,

-amos Wink

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Mi

by Yiennarda on April 5, 2009 - 8:15pm

Ano po ang DR...? eh ang mag-po? okay lang ba? 

 

 

Oo nga naman Kislap, bakit ka ba ate ng ate???     Pati ako ina ate mo eh Kuya naman talaga ako, hehe   

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

by Amos Tarana on April 5, 2009 - 8:24pm

kapatid na yiennarda, hayaan na lang po natin na si kislap ang magpaliwanag kung ano ang DR. ikaw na lang sana ang mag-follow-up sa paliwanag ni kislap. salamat. -amos Wink

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Mi

!
by Rhea Stone on April 8, 2009 - 6:30pm

 

Salamat, salamat po nang sobrang dami at umaapaw pa, Kuya Amos (paggalang lang po, kaya po may kuya).

 

Laughing

!
by Rhea Stone on April 5, 2009 - 9:14pm

 

 

Salamat sa palakpak...

Sana nga kasabay ng aking pagkamulat ang pagbabago rin ng tema sa aking pagsusulat.

 

Nasa proseso pa rin ako ng pagpapalinaw ng aking kamalayan kaya marami pa rin akong hindi alam.

 

Salamat ulit!

 

!
by talulot on April 6, 2009 - 12:17am

ms. rhea stone,

 

napatunganga lamang ako...

 

bagsak ang panga.

 

wa pa ako masabi ng matino. nagagandahan ako..

 

tama si g. amos-- henyo nga! 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

!
by Rhea Stone on April 6, 2009 - 8:07pm

 

 

Salamat po at inyong nagustuhan ang aking ibinahagi.

 

Mabuhay tayong lahat!

by diwa on April 6, 2009 - 9:03am

mahusay ang pagkakasulat. para tuloy nahuhulaan ko kung anong pagtitipon ito. kaugnay ng HM, medyo may ilan pang pwedeng kinisin para maging mas eksakto sa HM. sa esensya, ang tunay na galing ng tulang ito ay hindi madaling talakayin ang kasaysayan ng sangkatauhan, pero nagawa mo ito sa anim na talata lang. kaya napakahusay, pati ang aesthetics, magaling.

baka may gawa ka rin tungkol sa DM, para maituro kay Pegasus, dahil sa mga komento niya sa post kong Komento sa RIZAL IS ALIVE!!

 

!
by Rhea Stone on April 6, 2009 - 8:18pm

 

 

Salamat!

 

Marami pa talaga akong dapat kinisin dahil marami pa din akong hindi alam.

 

Tulungan mo ko... Bukas ako sa lahat ng ideya.

 

Salamat ulit!

 

by Amos Tarana on April 7, 2009 - 1:25pm

ang kabukasan daw sa mga idea ay katangian ng isang pantas. Innocent

 

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Mi

by diwa on April 7, 2009 - 1:40pm

korek ka dyan!

by Yiennarda on April 7, 2009 - 1:42pm

Ano ang Pantas?       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

by Amos Tarana on April 7, 2009 - 2:03pm

isang taong umaapaw sa karunungan higit pa sa isang dalubhasa.

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Mi

by Yiennarda on April 7, 2009 - 2:14pm

 

Salamat po Amos, tunay nga kayong mga pantas!

 

 

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

!
by Rhea Stone on April 7, 2009 - 8:55pm

 

 

At lalong mabubuksan ang iyong kaisipan kapag ang kapalitan mo ng ideya ay isang pantas...

 

Laughing

by Yiennarda on April 7, 2009 - 11:21pm

May tama ka jan Ms Stone!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

by jonsdmur on April 8, 2009 - 1:45pm

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

wala na akong masabi sa'yo.... astig!

abangan ko pa mga ganitong klaseng akda mo

jons

!
by Rhea Stone on April 8, 2009 - 6:33pm

 

 

Salamat, Jons!

 

Natutuwa naman ako at nagustuhan mo ang aking akda. Sana nga ay makapagsulat pa ako ng mga akdang may ganitong tema, kailangan ko pa kasi ng ibayong pagkamulat.

 

Samahan mo ako sa pagtuklas!