Kapitan Rebound

turtlethoughts's picture
| |

Sino siya? sino nga? ang nag-iisang Tanga.
Tanga'pag-ligtas ng pusong nag-iisa.
Lakas nya'y walang hangan Mapangiti ka lang.
Ikay ililigtas sa gitna ng kalungkutan.

 Walang hinihinging kapalit.
Di ka iiwan kahit saglit.
Kahit ang alam nyang itoy mapait.
Di ka pababayaan di ka magigipit.

Kanyang kalungkutan Kapalit ng Ligaya mo.
Puso nya'y susugatan mapawi lang ang luha mo.
Ililipad ka nya sa Pansamantalang Mundo.
 Kahit alam nyang iba ang nasa isip mo.
 
Isang lingo isang araw.
Kakapit siya pero, ikaw yung bibitaw.
Mahal kita yun ang sigaw.
Sa pag-ibig nauuhaw.

Jayson Pimentel

Eto na si kapitan rebound! 
ang nagiisang Tanga-Pagligtas