Kalungkutan

by adliserc ( | )

Madilim, Maitim na ulap sa kalangitan,
Naglalarawan ng labis kong kalungkutan
Habang naglalakad sa malakas na buhos ng ulan,
Nadarama ko ang lamig sa buong katawan.

Mabango't magandang rosas sa hardin,
Binalot mo ng tinik ang aking damdamin
Sinaksak mo ng punyal ang aking puso,
Dahil dito puso ko'y labis na nagdurugo.

 

go to http://tulaatstorya.blogspot.com/2011/02/kalungkutan.html to get more of this..Ü


by loredojs on February 21, 2011 - 9:53am

ito ba ay isang halimbawa ng isang sanaysay?

by adliserc on February 22, 2011 - 1:10am

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Meron itong dalawang uri, ang Pormal at Pamilyar.

 

1. Pormal o Maanyo Ang salaysay na pormal o maanyo

- sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.

2. Pamilyar o palagayan Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang

-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

 

Tula

 

Ang tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa ibat ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ang anyo at estilo ng tula sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.

Mga Elemento

SAKNONG
isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may
dalawa o higit pang taludtod.
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya - quintet
6 linya - sextet
7 linya - septet
8 linya - octave

SUKAT
bilang ng pantig ng tula

TUGMA
pinag isang tunog sa hulihan ng mga taludtod
* assonance - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
* conssonance - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.

SINING o KARIKTAN
paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita.

TALINHAGA
tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang alita at tayutay.

 

Sa madaling sabi, ang ginawa ko po ay tula.

POEM NOT AN ESSAY...Ü