juris' song

| |

     "Will you marry me?"

     Nagpalakpakan ang mga tao sa office ni Maia.  Maaga akong nag-out sa trabaho para puntahan siya sa office nila.  Maglilimang taon na kami next month, tamang panahon na para lumagay na kami sa tahimik.  Alam kong hindi na siya nagulat sa proposal ko.  Kilala ko siya, sa tagal ba naman naming magkasama.  Hindi siya yung tipong madaling masurprise.  Alam kong alam na nya na yayayain ko na siya ng kasal.  Kaya naman nagkunwari na lang siyang nagulat, siguro para hindi naman ako mapahiya sa officemates nya.  

    Si Maia na ang babae para sa akin.  Mula nang maging kami almost five years ago, wala na akong ibang hinanap, hindi na rin ako tumingin sa iba.  Maprinsipyo kasi akong tao, ayoko nang magulong buhay.  Gusto ko lahat maayos, ayoko ng away, ayoko ng complications.  Magkaklase kami noong college.  Two months before graduation nang ligawan ko siya at noong araw mismo ng graduation namin nya ako sinagot.  

     Bakit ko nagustuhan si Maia?  Tahimik sa room, mabait sa lahat ng classmates namin, matalino, maganda, at madaling patawanin.  Hindi siya yung babaeng maarte.  Game siya sa lahat pero konserbatibo pagdating sa mga values nya bilang babae.  Hindi siya yung tipong nakikipaglaro pagdating sa relasyon.  Parehas kami.  Ayaw namin ng laro-laro lang, gusto namin yung seryoso at may pupuntahan ang relasyon namin.  

     After graduation napasok siyang accountant sa isang opisina sa makati, samantalang ako naman ay napasok sa isang call center.  Mahirap noong una dahil magkaiba na ang mundo namin sama mo pa ang magkaibang oras, pero dahil si Maia siya, nagawan nya lahat ng paraan.  Hindi ako ang nag-adjust, siya ang nag-adjust para sa akin, ganun siya kabait at kamaunawain.

     "Kiss!!!" sigawan ng mga kaopisina niya.  Pinagbigyan naman namin sila.  Tapos nun ay nagpaalam na kami dahil may dinner date kami with her family.  Gusto kong pormal nang sabihin sa kanila ang plano naming lumagay sa tahimik.

     Two weeks after ng proposal ko kay Maia nakatanggap ako ng isang text mula sa isang dating kaibigan from college.  May get together daw kami at bawal ang absent.  Nagpaalam ako kay Maia na ikakansela ko muna ang meeting namin with the wedding planner at pumayag naman siya.  Tinanong nya kung saan ako pupunta, sinong kasama ko at kung iinom ba ako?  Sinabi ko ang totoo at hindi ko alam kung may inuman pero kung meron malamang uminom ako.  Pumayag ulit siya pero sabi nya tawagan ko daw siya pag dating ko sa bahay.  

     Sa isang mall kami nagkita-kita.  Madilim na nang nakarating ako.  Sinalubong ako ng mga dating kaklase at mga kaibigan.  Kamustahan, kwentuhan, tawanan.  Marami sa kanila ay may mga pamilya na.  Ang ibang ayaw pang magpatali, kanya-kanya naman ng bidahan sa karera at girlfriends.  Ang mga padre de pamilya tahimik at tatawa-tawa na lang sa isang tabi.

     "Akala mo lang yan, subukan mong mag-asawa!"

     "Mag-asawa?  Ano ako nasisiraan ng ulo?  Ang sarap ng buhay ko tapos hahanap ako ng batong ipupukpok ko sa ulo ko?  Hindi  na uy!  Ang sarap yata nang malaya!"

     "Baliw!  Mag-asawa ka!  Hindi naman habang buhay kang binata!  Pano ka pag matanda ka na?"

     "Kalabaw lang ang tumatanda!"

     Maya-maya pa ay umulan na ng beer sa mesa.  Bigla akong natahimik.  Hindi ko masabi sa kanila na ikakasal na din ako.  Sigurado kakantyawan nila ako pag sinabi ko.  Gugulatin ko na lang sila sa invitation card.  Habang nagbibidahan sila sa mga kalokohan nila noong college napatingin ako sa isang babaeng kumakain sa di kalayuan mula sa mesa namin.  Mag-isa lang siya.  Pamilyar ang mukha niya sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko ba siya nakita.  Nangiti ako nang makita kong hinawakan nya ang kutsilyo at tinidor at hiniwa ang bavarian doughnut na kinakain niya na nakapatong sa isang platito.  Para siyang kumakain ng steak.  Noon lang kasi ako nakakita ng doughnut na kinukutsilyo at tinitidor na parang baka.  

     At noon ko biglang nakilala ang babae.  Si Lara!  Kababata ko.  

     Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko para batiin si Lara.  Alam kong pinapanood nila ako nang lumapit ako sa mesa ni Lara at nagpakilala.

     "Lara!  Remember me?"

     Tumingin siya.  Ang tagal bago nagrehistro ang mukha ko sa isip nya.  Tinitigan nya ako na para bang taga-ibang planeta ako at noon lang siya nakakita ng cute na alien gaya ko.

     "Dennis?"

     Ngumiti ako, "Yep!"

     Tumayo siya bigla at pinunasan ang bibig ng panyo.  "Uy!  Musta na?  Ang laki mo na ah!  Di na kita nakilala!"  excited nyang sabi.  

     Si Lara ay kapitbahay namin dati noong elementary hanggang lumipat sila ng bahay ng fourth year High School na kami.  Noon, putlain siya at payat.   Ngayon, maputi pa rin siya pero may kulay na ang kanyang pisngi.  Medyo payat pa rin at hindi man lang yata tumangkad kahit isang pulgada mula nang huli ko siyang nakita.  Kahit noon pa ay mukha na siyang bata sa edad nya.  Hanggang ngayon hindi mo pa rin siya mapagkakamalang bente-singko anyos.  Mukha pa ring sixteen years old.  At di rin nagbago ang pananamit nya.  Simple pa rin at walang make-up.  

     "San ka na ngayon?"  sabay naming tanong.  Nagtawanan kami.  "Ikaw muna!" sabi ko.

     "Sa Tarlac sila ngayon nakatira pero ako dito ako nagboboard sa may pasig," sagot nya.  

     "Ah ganun, san ka ba nagwowork?"

     "Sa Boni.  Malapit lang naman.  Ikaw?"

     "Sa call center dito malapit lang.  Ikaw lang pala mag-isa dito.  Musta naman ang mga kapatid mo at mga magulang mo?"

     "Okay silang lahat.  Nasa Tarlac sila.  May mga work na din sila dun.  Si Kuya Ariel may pamilya na dalawa na nga ang anak eh."

     "Aba akalain mo mag-aasawa pala si Ariel dati akala ko magpapari yun eh."

     Bigla kaming natahimik pareho.  Parang may anghel na dumaan.  Naubusan yata kami bigla ng pag-uusapan.  Kaya nagpaalam na ako.  Pero bago ko siya iniwan ay kinuha ko muna ang cell number nya.  

 

     Hindi ko alam kung bakit hanggang sa pagtulog ay iniisip ko si Lara.  Binabalik-balikan ng isip ko ang tagpo sa mall.  Paulit-ulit ding nagfaflash sa isip ko ang pagkain nya ng doughnut.  Nangingiti ako sa tuwing maaalala ko kung paano nya hiwain at tinidorin ang bavarian.  Bumalik din sa isip ko ang mga taon na magkapit-bahay kami noon.  Mabait at sobrang tahimik.  Napakamahiyain din.  Bihirang lumabas ng bahay kaya madalas kami pa ang dumadayo sa bahay nila para makipaglaro.  Pero nung High School na kami hindi na siya nakikipaglaro.  Lagi na lang nakakulong sa bahay, nag-aaral o kaya ay nakikinig ng radyo.  Napakasipag din nya sa mga gawaing bahay.  Lagi nga siyang nirereto ng mommy ko sa kapatid ko dahil masipag daw at marunong sa loob ng bahay.  Pero kahit kailan ay hindi kami natukso sa isa't-isa.  Bagay na hindi ko alam kung ikatutuwa ko o ikalulungkot.  Kahit hindi maganda si Lara gaya ni Maia, natural at simple naman ang mukha nito.  Maamo at parang napakainosente.  

     Hindi ako dalawin ng antok.  Hinawakan ko ang cell ko at tatawagan ko sana si Maia pero nagdalawang isip ako kung gising pa siya.  Para namang may sariling isip ang mga daliri ko at hinanap nito ang number ni Lara.  Halos makabisado ko na ang number niya kakatitig dito.  Tapos ay hindi ko namalayang napindot ko na pala ang call.  Narinig ko na lang na nagsasalita siya.  Nagulat ako at pinawisan nang malamig.  Hindi ko alam ang gagawin ko.  Anong sasabihin ko?  Tinapat ko sa tenga ko ang cellphone. 

     "Hello?"

     "Ahm, hello," nauutal kong sagot.

     "Sino to?"

     "Ahm, Lara.  Si, si, si ano to."

     "Sino?" medyo naiinis na nyang tanong.

     "Si Dennis!"

     At doon na nagsimula ang regular na tawagan namin.  Noong una kamustahan lang.  Tapos kwentuhan tungkol sa nakaraan.  Tapos sa school, sa trabaho, sa mga hobbies, sa mga pamilya, sa mga pangarap.  Ang lahat ng tawagan namin ay hindi alam ni Maia.  Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya.  Samantalang alam ko namang wala akong ginagawang masama.  Kaibigan ko si Lara.  Kababata.  Wala namang malisya kung maging magkaibigan ulit kami ngayon.  Pero hindi ko rin mabanggit si Maia kay Lara.  Hindi nya alam na may girlfriend ako at kakasal na kami.  Naguguluhan ako kung bakit bigla na lang akong natutong maglihim.  Hindi ko naman iyon dating ginagawa.  

     Noong una tawagan lang ang ginagawa namin ni Lara.  Tapos nang medyo tumagal na, nagkikita na kami, minsan sinasama nya ako magsimba, minsan naman ay sinasama nya ako sa oraganization nya, isang non-profit org na kumakalinga sa mga batang inabandona na ng kanilang mga pamilya.  Hindi nakakapagtakang malinya si Lara sa mga ganung gawain.  Kahit naman noon pa ay mapagkawang-gawa na siya sa mga nangangailangan.  Palagi ko siyang pinapanood kung paano nya alagaan ang mga bata, kung paano siya makipaglaro at makipaghabulan sa kanila.  Nakita ko rin kung gaano siya kamahal ng mga ito.  Naaaliw ako sa kanya.  Natutuwa.  Hindi kasi siya ordinaryong babae.  Kakaiba siya.

     Isang araw nagkita kami ng bestfriend ko.  Siguro dala ng guilt kaya nakwento ko sa kanya si Lara.  Napailing siya.  "Wala namang masama sa ginagawa ko di ba?" tanong ko?

     "Depende kung ano ang pakahulugan mo sa masama," sagot nya.

     "Ano naman ang ibig mong sabihin?" 

     "Pare!  Kung hindi mo masabi kay Maia si Lara, malamang may mali."

     "Hindi ko alam pare!  Hindi naman ako ganito dati.  Alam mo namang si Maia lang ang babae para sa akin.  At siya pa rin naman hanggang ngayon eh.  Kaya lang iba kapag kasama ko si Lara at kapag kausap ko siya.  Iba kasi yung kwentuhan at kulitan namin kasi nga magkababata kami."

     "Si Maia pa nga rin ba hanggang ngayon?"

     Napatingin ako sa bestfriend ko.  May laman ang tanong nya pero hindi ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin.  Nagloloko ba ako?  Niloloko ko ba si Maia?  Hindi ko naisip yun.  Wala naman kasi akong ganung nararamdaman para kay Lara.  Basta naaaliw lang ako sa kanya.  Hindi naman pagmamahal yun.  Pero may nagsasabi sa isip ko na mali pa rin.  

     Hindi ako nakapagtrabaho nang maayos kakaisip sa tanong ng bestfriend ko na iyon.  Paulit-ulit, "Si Maia pa nga rin ba hanggang ngayon?"  Hindi ko agad masagot.

 

     "Kita tayo!" 

     "Kelan?  Saan?"

     "Mega mall."

     "Sige, twenty minutes dyan na ako."

     Nakita ko si Lara nakaupo sa food court.  Dito kami madalas nagmemeryenda bago ako pumasok sa trabaho at pagka-out naman nya sa trabaho.  Nakadilaw siyang blouse.  Malungkot ang mukha.

     "Lara!"

     Tahimik lang siya.  Umupo ako.  Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin.

     "Sino si Maia?"

     Para akong binuhusan ng malamig na tubig.   "Si Maia?  Bakit mo naitanong?"

     Pinakita nya sa akin ang cellphone nya.  May text mula sa number ni Maia.  "Stay away from my fiancee."  Isang linya lang.  Pero malaman.

     "Sorry Lara.  I can explain."

     Natawa siya.  "Explain?"

     "Oo, si Maia ang girlfriend ko.  Ikakasal na kami.  Pero wala naman akong ginagawang masama eh."

     Napanganga siya at parang hindi makapaniwala sa naririnig niya.  "Wala kang ginagawang masama pero ako meron?"  tanong nya.

     "Hindi wala kang kasalanan!"  Napanganga ulit siya.  Mali na naman ang sagot ko.

     "Wala talaga akong kasalanan.  Wala naman akong alam eh.  Saka hind naman tayo.  At hindi ka naman nanliligaw.  Talagang wala akong kasalanan.  At unfair na makareceive ako ng text na ganyan.  Para namang lumalabas na nang-aagaw ako ng boyfriend eh."

     "Sorry Lara. Ako naman talaga ang may kasalanan dito.  Hindi ko sinabi sa kanya at hindi ko rin sinabi sa iyo."

     Tinitigan nya ako nang matagal.  Hindi naman ako makapagsalita baka kasi mali na naman ang masabi ko at masapak nya ako.

     "It's okay Dennis.  I understand.  I'm not that kind of girl.  Please say sorry sa girlfriend mo ha."  Tumayo siya at dali-daling umalis.

     Naiwan akong nakatunganga.  Hindi ko alam kung anong nangyari.  

 

     Hindi na nagparamdam si Lara mula noon.  Nagbago na siya ng number.  Nagresign siya sa pinagtatrabahuan nya at hindi na rin daw pumupunta sa org nya.  Hindi ko siya maalis sa isip ko.  Lagi ko siyang hinahanap.  Sinusubukan ang number nya na baka mag-ring at hinahanap kung may facebook account ba siya o kahit ang mga kapatid nya para malaman ko kung saan siya nakatira sa Tarlac, pero wala talaga.  Bigla siyang nawala na parang bula.

     Nakapagpaliwanag na rin ako kay Maia.  Isang libong beses na yata akong humingi ng sorry at everytime pinapatawad nya ako.  Sabi nya wedding jitters lang daw yun.  Hindi ko naintindihan kung anong ibig nyang sabihin pero tinanggap ko na rin para matahimik ang konsensya ko.  Tinuloy namin ang meetings sa wedding planner, nagpaprint ng mga invitations, nagpagawa ng gown at barong, nag-taste-test ng mga cake at kung anu-ano pang preparations para sa kasal.  Si Maia parang hindi napapagod.  Excited na siya.  

     Ako?  Hinahanap ko pa din si Lara.  Hindi ko alam kung bakit kahit kasama ko si Maia at okay na kami ay si Lara pa rin ang nakikita ko.  Maprinsipyo akong tao, galit ako sa mga lalaking nagtwo-two-time ng mga asawa o girlfriends nila.  Galit ako sa mga manloloko.  Pero noon yun.  Mula nang makita ko ulit si Lara, parang nakisimpatiya na ako sa mga lalaking manloloko.  Hindi ko na sila hinuhusgahan.  Naiintindihan ko na ang pinagdadaanan nila at kung bakit kailangan nilang lokohin ang mga mahal nila.  Minsan kasi may dumarating sa buhay natin na hindi naman talaga kasama sa picture.  Pero naroon sila naiiwan sa puso at isipan natin.  Hindi natin makalimot-limutan.  Basta ganun lang siguro talaga yun.  May mahal ka na pero may mas mahal ka pa ring iba.   At wala kang magawa.

     Isang araw bago ang kasal ko bumalik ako sa mall kung saan ko unang nakita si Lara.  Naupo ako sa mesang kinainan niya.  Umorder ako ng bavarian at coke gaya ng order nya.  Humingi din ako ng kutsilyo at tinidor.  Hiniwa ko ang Bavarian doughnut.  Tinusok ng tinidor.  Nangingilid ang luha sa mata ko habang isinusubo ko ang doughnut.  At nang lumapat na sa labi ko ang tinidor tuuyan nang bumagsak ang luha ko.  

     Iyon pala ang pakiramdam.  Nangiti ako nang maalala ko kung paano kumain ng doughnut si Lara.  Parang steak ang kinakain nya.  Noon lang kasi ako nakakita ng ganun.  

     Kung nasaan ka man Lara, miss na miss na kita... 

 


Kinse's picture

di ko alam panu sasabihin

di ko alam panu sasabihin to.. (mag emote daw?hehe)

sa nabasa ko may naaala ako... binasa ko ulit yung topic mo.. .. Of loving and letting go...

Dun ako nakarelate sa topic hindi sa story..hehe..

I met this guy before ko pa nameet yung takte kong bf ngayon. He loves me daw fisrt pero nagpakalayu layo ako kasi ayokong masira ko sila ng gf nya..na 3 yrs. ng sila. Nagpakalayu layo in a sense na di naman ako nangibang bayan. Magaling akong artista eh,kahit nasa iisang office at dept kami magaling ako magpretend na di ko sya nakikita at di ko siya kilala.Di sya makalapit sakin kasi pag natutunugan kong lalapit sya umaalis na agad ako..parang magnet na pareho ng pole. parehong negative. kaya di magdikit dikit. ayun... la lang naalala ko lang..pero di dun yung ending namin. For sure di rin jan yung ending ni denis at laila di ba?

hehehe nice one.. apir!

Love does'nt have a happy ending, because love does'nt have to end at all.

kinse

salamat sa pagbasa ng story ko... haha di rin ako makarelate sa story ko eh, naisip ko lang tong isulat dahil sa kanta ni juris.  pero marami akong binase sa totoong tao at pangyayari... di nga lang ako ang bida dito... ahehe...

thanks ulit..

my soulmate  is worth the wait..

yellowbutterfly52609@yahoo.com

ellisedominic@blogspot.com

aqueouscribe's picture

 naniniwala ako dito. na

 naniniwala ako dito. na hindi lkahat ng nagpapakasal e talagang nagmamahalan. minsan kasi pinipili natin ang isang tao hindi dahil siya ang talagang gusto natin pero dahil siya ang pinaka qualified sa mga negotiable at non-negotiable criteria na tayo din mismo ang gumawa. minsan naman e pinipili natin ang isang tao hindi dahil siya ang talagang mahal natin pero dahil sa commitment na meron tayo sa mas nauna sa kanya.

 

at naniniwala din ako na hindi lang naman puro puso ang importante sa isang relasyon. kapag kasi nawala na yung kilig, ang maiiwan na lang e yung commitment, companionship, at friendship na nabuo sa pagitan niyong dalawa. para sa'kin, yun ang mas mahalaga.

 

kaya forecast ko, mas okey na si dennis at maia ang maging mag-asawa kesa si dennis at lara.

 

isang bagay lang na medyo hindi ko masakyan, yung part na nag umpisang makisimpatiya si dennis sa mga two-timer at yung part na kailangan lokohin ang mga mahal mo. for me that's selfishness. siguro nga judgmental ako pero di ko talaga masakyan.

--------------------------

www.lapisatkeyboard.blogspot.com 

aqueouscribe

thank you sa pagbasa ng story ko.  hindi ko rin masakyan yung sinulat ko ibinase ko lang kasi iyon sa sinabi sa akin ng ex ko noon.  Yung ex ko kasi maprinsipyo yun dati, galit sa mga babaero at manloloko until naexperience nya na lokohin ako dahil sa ibang girl.  at yun ang sinabi nya sa akin, na naiintindihan na nya yung mga nagkakaganung guy. 

siguro sinulat ko ang story na ito para ilagay ang sarili ko sa lugar ng isang guy na hindi intensyong manloko pero nangyari pa din.  at siguro ginamit ko ang experience ko noon sa ex ko para i-justify yung story. 

pero hindi ko pa rin magets yun nga lang pinipilit kong intindihin kung anong pinagdadaanan ng mga guys na nanloloko. hehe.  sanan naintindihan mo ang magulong explanation ko...

thanks for reading... thank you thank you

my soulmate  is worth the wait..

yellowbutterfly52609@yahoo.com

ellisedominic@blogspot.com

two-timer

naku pagkahaba haba ng story wala pa lang happy ending...hindi mo man lang tinapos kung ngpakasal ba sila ni maia or hindi...

pero maganda naman sya,nakakarelate kasi ako hehe! True to life story ba to?

hmmm babae ako so syempre dun ako lalagay sa side ni Maia. Bkit ba may gana pa kayong maattract sa iba gayung malapit nang ikasal lalo na kayong mga boys? Possible pa pala ang mgloko kahit nabibilang na ang mga araw nyo bilang binata? Saka bakit hindi kayo makontento sa isa lang?

Tama lang din ang ginawa ni Maia na mgtx kay Lara, eh sya ang naagrabyado. Ngpropose propose ka tapos may gagawin ka palang milagro, dpat sa inyo hindi nalang mgcommit dba. Nature nyo na talagang mga lalaki na mgtwo-timer nuh...hehhe ! Peace!!!

Pero kung talagang sya lang ang para sayo eh d ka na titingin sa iba at d ka gagawa ng kakaiba na ikakabahala ng relasyon nyo.

Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin; mso-bidi-font-family:"Times New Roman"; mso-bidi-theme-font:minor-bidi;}

Ang point ko lang dito bakit kailangang gumawa pa ng kakaiba eh napakasimple na lang sana ng sitwasyun, bakit icocomplicate pa, hehhe! Pasensya ka na ha medyo mahaba to, nakakarelate kasi ako eh, naranasan ko na ring maging Maia..hehehe!!

salamat sa pgshare!! 

 

 

salamat sa pagbasa

 

naging maia din ako dati kaya nga nagkahiwalay kami ng ex ko.  naisip ko lang ang story na ito kasi narinig ko yung kanta ni juris na i don't want to fall for you ba ang title nun.  saka naisip ko lang din baka ganito yung nangyayari sa mga guys na nalilito sa feelings nila kahit committed na sila.  pero imagination ko lang lahat to ahaha.  baka lang ganito nga yun.

salamat sa pagbasa ha... thanks thanks thanks....

my soulmate  is worth the wait..

Nearyou's picture

waaa! ang ganda..

Nkakarelate ako.. di nmn sa two timer ako.. Mejo mahirap lng tlga ang napagdadaanan ni dennis.. may darating tlga sa buhay mo na sya na tlga.. di importante kung mhaba na ung pinagsamahan mo sa isa.. waaa.. nakakinis.. hrap tlga nang ganun.. :))

hahaha

 

thank you sa pagbasa ha.  tama wag maging two timer bad kasi yun!!!! ahaha! basta magulo talaga pag na-iinlove ang tao...

salamat sa pagbasa... 

my soulmate  is worth the wait..

fragilejay12's picture

juris song

mdyo nkkarelate ako. kc i experience it pero ndi humantong sa namimili na ako. kasal na kmi ng wife ko then i met this girl. kasamahan ko sa trabaho, simple lng din compare sa wife ko na mssbi kng mganda. na-attract ako kc mabait, masipag at matalinong babae. actually cnbi ko sa knya na type ko cia at ang reply nia ay type din nia ako kso mali kc may asawa na ako and ayaw naman nia mkasira at masira buhay pra lng sa nraramdaman namin sa isat-isa. knwento ko un sa wife ko at syempre nagalit cia at ngseselos. peo ngaun ngkalayo na kmi. peo open pa din communication un nga lng di na gaya dati ang nraramdaman namin. parehas namin accepted na di pwde and we respect each other

 

gnyan tlg mga alang mgwa kht anu pgttripan pra lng sumaya haha

thank you sa pagbasa

 

natutuwa ako at pinili mo ang family mo kahit na na-attract ka sa ibang girl.  at proud din ako dun sa girl for choosing the right decision.  natutuwa talaga ako.  

salamat sa pagbasa at sana happy kayo lagi ng wife mo... i'm so proud of you... at sa girl... kasi alam nyo kung ano ang tama kahit na hindi madali... 

thank you ... thank you... 

my soulmate  is worth the wait..

redwanderer's picture

picture-picture

minsan may dumarating sa buhay natin na hindi naman talaga kasama sa picture....

 

natawa naman ako dun (relate ba?)...ang ganda ng story mo....

 

 

 

..."To GOD be the Glory!"...

salamat

thank you sa pagbasa... nakakataba ng puso ang mga comment nyo... thank you talaga ng marami...

my soulmate  is worth the wait..

fragilejay12's picture

juris song

uu nga eh, hehe minsan kya naman tlg kng susubukan at pipilitin ksi kng ndi ka tlg gagawa ng paraan pra pigilan tlg mgkakasala ka at magiging mlungkot buhay mo. salamat pla sa gnwa mo ganda................

gawa ka pa ng ganito hehe

babasahin ko

gnyan tlg mga alang mgwa kht anu pgttripan pra lng sumaya haha

thank you

thank you sa pagbasa... maraming maraming salamat talaga...Embarassed

my soulmate  is worth the wait..

XIAMIELLE's picture

Ganun ba talaga yun? =(

Alam mo yung feeling na di na nahihirapan kang huminga taz gusto mong umiyak... Ganun na ganun ang naramdaman ko ngayon.. haixtt.. ganun ba talaga yun?

"Minsan kasi may dumarating sa buhay natin na hindi naman talaga kasama sa picture.  Pero naroon sila naiiwan sa puso at isipan natin." - di ko alam kung maniniwala ako pero ganito din yung sinabi s aakin ng ex ko. 

 Tnx po sa kwento, malungkot pero maganda

... (naiiyak na ko, di na ko mkapagcomment.hehe)

xiamielle

i know the feeling... kung may natutunan man ako sa lahat ng heart aches yun ay ang mas i cherish ang happy moments sa buhay ko ngayon... at kahit gaano pa yan kapainful one thing is for sure... lilipas din yan... hahaha... and when it does mas maaappreciate mo ang sarili mo.. and the little things around you... 

thanks for reading my story. wala na yatang mas sasaya pa sa makita mo ang napakatagal mo ng story ay naaappreciate pa rin until now... so thank you... nagulat ako when i saw my story sa list... nakalimutan ko na nga yata magsulat... so thank you... 

 

my soulmate  is worth the wait..

xiamielle

i know the feeling... kung may natutunan man ako sa lahat ng heart aches yun ay ang mas i cherish ang happy moments sa buhay ko ngayon... at kahit gaano pa yan kapainful one thing is for sure... lilipas din yan... hahaha... and when it does mas maaappreciate mo ang sarili mo.. and the little things around you... 

thanks for reading my story. wala na yatang mas sasaya pa sa makita mo ang napakatagal mo ng story ay naaappreciate pa rin until now... so thank you... nagulat ako when i saw my story sa list... nakalimutan ko na nga yata magsulat... so thank you... 

 

my soulmate  is worth the wait..

dyeppri's picture

maganda ang pagkakasulta!

maganda ang pagkakasulat! sa story naman eh, ok lang... parang nagkwento ka lang...naghahanap ako ng konting twist o reason siguro para mas maintindihan ko yung bida- pero wala eh, baka yun lang talaga... pero magaling pa rin!Laughing

thumbs up!

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

dyeppri

thanks... walang twist eh hahahaha di bale next time try ko... salamat sobra... napa smile mo ako tonight ah... tnx tnx tnx...Kiss 

 

my soulmate  is worth the wait..