jonsdmur-Nagpapakilala

jonsdmur's picture

Hilig ko na ang magsulat ng mga nobela noon pa man. Nagsimula ito noong nasa high school pa lamang ako. Noong mga araw na iyon nahiligan ko na ang magbasa ng mga Filipino Novel tulad ng isang pocketbook. Hanggang ang hilig ko sa pagbabasa ay nauwi sa pagsusulat. Dahilan sa hindi pa uso ang computer noon at hindi ako marunong gumamit ng typewiter ay sa papel ko lang naisusulat ang mga nobelang naisusulat ko. Hindi ko ramdam ang pagod kahit na ilang beses ko ulit-ulitin para maitama ang mga kamalian. Ang hirap at pagod ko sa pagsusulat ay natutumbasan ng kaligayahan kapag binabasa ito ng mg kaibigan ko kahit pa ito ay sulat kamay lamang.  

Natigil ang pagsusulat ko ng mga nobela noong nasa 3rd year college na ako at aaminin kong nawalan ako ng pagasa na maging isang pocketbook writer. Pinangarap ko kasing maging isang writer ng pocketbook noong nasa highschool pa lamang ako at hanggang sa mag college na ako. Hanggang sa makapag tapos ako ng aking pagaaral.

Sa ngayon ako ay nagtratrabaho na sa isang internet shop dito sa Laguna at nalaman ko na kahit gaano pa katagal ang lumipas na hindi ako nakapagsulat ay nasa puso ko pa rin ang pagsusulat. Pakiramdam ko dito ko nailalabas ang lahat ng emosyon ko. Hanggang sa naisipan kong gumawa uli na isang nobela at sa pagkakataong ito hindi na sulat kamat. Masaya ako ng matapos ko ang kwentong ginagawa ko lalo pa ng ma iprint ko ito at maipa book bind. Masaya ako dahil natuwa ang mga kaibigan ko sa regalong binigay ko.

Naisip ko masarap siguro kapag marami ang nakakabasa ng mga naisusulat ko. Masarap siguro gumawa ng isang kwento at ako mismo ang gagawa ng pinaka cover nito. Ang totoo natuwa ako ng makita ko ang site na ito dahil mailalagay ko dito ang mga maisusulat ko. Noong una kasi plano ko lang iprint  at i-bookbind at ipamahagi sa mga kaibigan ko bilang isang regalo sa kanila. Kaya noong makita ko itong site na ito naisip ko na subukan para mabasa naman ng mga taong hindi ko pa nakikilala.

Sa pagsusulat nalaman ko din na hindi lahat ng makakabasa ay magugustuhan ang ginagawa ko pero hindi ko na iniisip yun ang mahalaga may mga tao akong napaligaya. Nakakatulong din sa akin ang mga komento nila kahit pa ito ay negatibo pa..nakakatulong para maitama ko ang mga kamalian ko sa pagsusulat.

Katulad ng iba hindi ko pa masasabi na magaling ako dahil wala pa akong napapatunayan. Nagsusulat ako para mailabas ang mga nararamdaman ko at makapagbigay ng kasiyahan sa mga kaibigan kong magbabasa ng mga naisulat ko..

Umaasa ako na makapagbigay din ako ng saya sa site na ito at tangkilikin din nila ang mga maisusulat. Sana makatanggap di ako ng mga komento para malaman ko kung ano ang mali sa mga naisulat ko..

Sa inyong lahat maraming salamat..

Mga nobela:

 Doon lang  http://www.filipinowriter.com/doon-lang-part-7

 La Traidora http://www.filipinowriter.com/la-traidora-1

 Ako si Cocoy http://www.filipinowriter.com/ako-si-cocoy-a-virgin-boy-part-1-2

My Life story proudly present

http://www.filipinowriter.com/jonsdmur-proudly-presents-my-life-plus-ofw-stories-0

Salamat sa pagbasa sa aking akda

Jonsdmur


danhollanda's picture

SALAMAT SA PAGPAPAKILALA

Sige, babasahin ko ang mga naisulat mong piyesa para makapagbigay ng feedback.  Maganda yan at open ka sa mga comments at suggestions.  Bata ka pa kaya malaki ang chance na malayo ang mararating mo.  Pero pinakaimportante siyempre ang hilig mo sa pagsusulat.

Ailem23's picture

naalala ko noon!

hahaha... naalala ko bigla noong high school pa ako... nagbabasa rin ako ng pocketbook until naisipan kong sumulat ng halos katulad ng nabasa ko. Sa isang notebook ko iyon sinulat. Noon, masaya na ako kapag binabasa iyon ng mga kaklase ko lalo na kapag nagugustuhan nila. tumigil ako sa pagsulat noong mag-second year college ko dahil sa napakaraming rason. Hindi ako natanggap sa publication ng school kaya na-depress ako at inisantabi ko ang pagsusulat. napasabak din ako sa organizations kaya naging busy na. pero nang maghalakwat ako ng drawer, nakita ko iyong unang nobela ko, bumalik ako sa pagsusulat. Sa ngayon nga, ginagawan ko ng kani-kanilang nobela ang mga kaklase at kaibigan ko.

nung isang araw  binalikan ko ang una kong nobela. ako na mismo ang nag-reject noon kasi halatang halata na "bata" ang nagsulat. but anyway, dahil doon nagsimula, nakatago pa rin iyong notebook sa drawer ko. na-realized ko rin na malaki na pala ang improvement ko. at masaya ako dahil doon. mababaw lang ang kaligayahan ko. may isa lang na maka-appreciate ng sinulat ko, masaya na ako.

madalas rin akong magpabasa ng sinulat hindi para magyabang kundi para makatanggap ng negative comments.. mas gusto kong nega ang naririnig ko para alam ko kung ano ang dapat baguhin. number one kong critic ang pinsan ko na writing partner ko rin. ako rin ang number one critic niya. iyon ang advantage ng may writing partner.

kuya, ngapala kinopya ko sa pc ko iyong novel mo. basahin ko ng buo kasi "money-consuming" ang magbasa ng online. dial-up lang kasi internet ko... mag-comment ako pagkatapos.. private message ko na lang. hehehe... di ko kasi alam kung nasa lugar na ba ako para mag-critic. basta kuya, walang personalan ha. komento lang. kung love story ang tema ng novel, puwede rin siguro na i-submit mo iyon sa Precious Hearts Romances...

keep on writing! good luck!

best regards,

melay

jonsdmur's picture

Thank to you!

Kumusta ka na? natutuwa ako sayo kasi medyo pareho pala tayo. Tulad mo sa papel ako sumusulat naalala ko tuloy na kaya kong ng ubusin ang isang pad ng yellow  paper. Noong nasa College na ako nagsusulat pa rin ako at tulad mo ginawan ko ng nobela ang isang kaibigan ko. Tumigil ako noong nasa 3rd yr college na ako naging busy na kasi sa school..

Taga saan ka ba? Sana maging magkaibigan tayo para kasing nakikita ko ang aking sarili sayo.. Tulad mo nagsusulat ako para hindi makapagmayabang kundi para makapagbigay ng saya sa mga kaibigan kong magbabasa. Masaya ako kapag nakakatanggap ako ng komento.

Sana magandahan ka sa sinulat ko.. hihintayin ko ang mga komento mo.. Ang totoo niyan marami pa akong dapat ayusin at itama sa sinulat ko.. Hindi pa kasi ako nakakahanap ng grammar lesson sa filipino hehehe alam mo naman nakalimutan ko na ang lesson sa filipino subject noong araw...

Salamat sa reply mo ha.. Hintayin ko ang mga komento mo... Sana magandahan ka sa takbo ng kwento... may gagawin akong nobela.. pero bago ko umpisahan pagaaralan ko muna ang mga grammar...

Thank you...

 

jonsdmur

Ailem23's picture

reply lang

 taga-batangas ako kuya.... sa ngayon nasa part 4 palang ako sa nobela mo... binabasa ko po un kasabay ng pagsusulat ko ng parte ko sa sequel ng aming libro kaya medyo mabagal akong magbasa... ehehe... unahan na kita... straight and direct akong mag-comment kaya ipa-private message ko na lang iyong comment ko. kung sakaling ma-offend ka, okay lang na awayin mo ako. hehehe. nasanay kasi ako sa madugong pag-critic dahil iyon ang madalas namin gawin ng pinsan ko at iyon din ang turo ni Dr. Cirilo Bautista sa amin noong nag-workshop ako sa kanya.

once na natapos ko, magpapadala ako ng message...

best regards,

melay

eloisa marie hernandez's picture

ako 'yon ako 'yon! whahaha!

Ako po 'yong binabanggit ni labs aka melanie quilla (tawagan po namin 'yon. yak ano?) haha. Co-writer ko po siya. At madalas nga din po kaming dumaan sa madugong okrayan ng isa't-isa pero kahit gano'n eh hindi naman po kami dumating sa puntong nagsabunutan na dahil sa isang comment. (Labs, kelan kaya mangyayari 'yon? Parang gusto kong abangan).

Naalala ko po na nagsimula ang lahat nang sumulat ako ng isang mahabang kwento sa yellow paper. Ngayon, binasa ko siya uli at talagag natatawa na lang ako sa sarili ko dahil inokray ko talaga ang sarili kong gawa. Pero kahit gaano pa 'yon kapangit, hinding-hindi ko pa rin magawang itapon dahil doon nagsimula ang lahat. Hanggang ngayon, wala pang nakakabasa ng kauna-unahan kong nobela. At wala po akong balak ipabasa 'yon sa kahit kanino. Kahit si labs eh hindi pa nababasa 'yon haha.

 

Dati nga po 'yong medyo matino pero childish kong nobela eh nagsimula sa pagsusulat sa notebook. Hindi ko po alam pero kahit ang haba-haba na ng naisusulat ko, hindi pa rin ako napapagod dahil sa sobrang nawiwili ako. nagtataka ang po ang ilan kong mga kaklase kung paano ko nagagawa 'yon. Ang sabi ko, magic.

Naku, problema din namin ang grammar dahil baguhan pa lang po kami. Doon kami madalas natitira at sa iba pang technical.

Kulang po kasi kami sa workshop. Noong nauso sa kabahayan namin ang computer, saka lang po ako nakapagsulat sa computer.

Masaya nga po na na-appreciate  ng iba ang nobela na ginawa sa notebook kasi kahit nagmumukha nang pirma 'yong sulat ko eh sige pa rin sila sa pagbabasa.

Minsang tumigil din po ako sa pagsusulat dahil sa pag-aaral ko. One year din po akong natigil no'ng first year college ako dahil may hinahabol akong grade pero hindi pa rin talaga naging rason 'yon para bitawan ko ang pagsusulat. No'ng summer, nag-aya po si labs (yak talaga) na gumawa kami ng isang novel. Join forces kumbaga. Hindi ko nagawang tumaggi sa tawag ng dugong manunulat. Kaya heto, hanggang ngayon nagsusulat pa rin.

Saang part po kayo ng Laguna? Alam niyo po ba 'yong Lyceum laguna? Tapat ng yazaki?

Ailem23's picture

paningit lang

 labs, bakit mo naman ikinakalat na sa publiko ang "pagmamahalan" natin? ahahaha... sige, kapag nag-brainstorming tayo, magsabunutan tayo. ang talo siyang manlilibre ng fishball at isaw! ahahaha..

eloisa marie hernandez's picture

sige,sige

maghahanap ako ng mga strategies kung paano maging magaling sa pakikipagsabunutan. Hehe.

Sabi mo 'yan ha.

to jonsdmur pare nice

to jonsdmur pare nice meeting you (sayaw tayo hekhekhek) negpakilala ka kasi harharhar joke yun pare! nice intro! 

 

to eloisa marie hernandez, ikaw na naman? mananabunot ka na naman? I have a friend who is a shrink (psychiatrist) I can get you a  discount on her fee just say the word and I'll arrange an appointment, you seem to have a lot of unspent energy and repressed emotions are you on medication or something? harharhar (joke lang sarap mong asarin eh!) 

spike_west's picture

Tama na

Naku tigilan na ang away!! Inedit ko na rin yung una kong post dito kasi baka magsimula din ako ng away!

Basta peace on earth na lang!! Medyo foul kasi yung joke mo bro, hindi kami natawa!!

pikon na naman!

pikon ka na naman pare? masama yan mag-isip ng masama sa kapwa lalo na at hindi mo kilala kung sino ang kausap mo I'm just trying to spice up your otherwise boring day and regarding posts I'm not a writer... I'm an agent and one of my clients invited me to have a look at some worthy compositions out here but i got interested on the personalities instead... and connected to some jovial and cool writers who are not pikon enough to accomodate my visit.... pare importante din ang character ng tao hindi lang talent if you're a grouch and pikon problema mo yan not mine!

and you don't play fair, you

and you don't play fair, you edited your insulting post why? you're ashamed of your outburst? you should be!

spike_west's picture

Agent?

Talent agent?whahhaha? Teka pwede bang mag-apply? teka agency po ba ito? Teka tungkol sa comment ko

Well katulad ng sinabi ko Foul na yan sinabi mo tungkol kay melay, kung may dapat magpatingin sa psychiatrist eh ikaw yun. Saka kung manlalait lang rin lang dun ka na lang sa comedy bar manlait ng manlait, wag dito.

Magsulat ka na lang at magpost ka ng gawa mo para may makuha kaming maganda sa iyo. Hay ang tao nga naman!!!

Ang please lang magfocus tayo sa writing skills hindi sa tao mismo. Hindi kami karakter sa storya mo, kung agent ka at ahente pwes gumawa ka ayon sa inuutos sa iyo.

 

spike_west's picture

Insulto yun bro

Isa pa may tinatawag na insulto, pag iniinsulto ka na ng tao at di ka kumilos para ipagtanggol ang sarili mo kawawa ka.

Pwes kung napipikon  man kami, kasi ang galing mong mang-insulto. Subukan kaya kitang insultuhin, di ka kaya mapikon????

I dare you to repost your

I dare you to repost your previous and original insulting comment! but i'll understand if you don't or won't... I enjoyed the rapport I had with the others I'm glad they're not like you pare shame on you!

spike_west's picture

Hayun  na nasa itaas,

Hayun  na nasa itaas, basahin mo may dagdag pa!!

Masaya din ako hindi ako katulad nila. Well, good for you nakatagpo ka ng kauri mo.

Take care

my comment to eloisa marie

my comment to eloisa marie was in reference to another previous chat we had early this morning... you know nothing about it and yet you arrogantly interjected an insulting comment... but anyway I don't take offense from people who are of no value to me... yes I'm an agent is there anything disgraceful with that? your reaction to my work is quite... well, irrelevant... with the kind of attitude you have I can only expect the worst! ciao pare and may your fate be kinder to you than you are to others!

if i may correct you pare

if i may correct you pare hindi tayo magkauri ok? you are your kind and I am not in any way like you no matter what you do we will never be the same do you want me to expound on that? this is not the venue for this this is supposed to be fun but you soured it with your sour and dour attitude this will be the last you'll hear from me but you can't stop me from visiting this site.  to the nice people i met out here, CAVE CANUM (beware of the dog!)

spike_west's picture

Ingat parati

I agree with you, have a nice day!! Ingat parati!!Laughing

 

Spike

Ailem23's picture

hep hep!

hurray!!! hehehe... relax lang tayo mga kapatid! Chill lang... chill. masyado kayong hot.. okay.. whether it's offensive (I can only agree) or not, let's just take the comment as comment... plain and simple... walang personalan...

kuya spike, thanks....

redbrax, thanks for the offer but my counsin and I don't need it....definitely.  ganon lang talaga kaming magpinsan... siguro, lesson to learn, wag masyadong harsh magbato ng joke kasi minsan mami-misunderstood yun ng iba. like what happened.

 

World Peace! chill lang!

 

best regards,

melay

jonsdmur's picture

Tama... relax lang tayo...

Tama... relax lang tayo... dahan dahan ingatan ang puso baka ma- stroke tayo... jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

nananahimik na ako dito!!!

Anak ng- hindi nakakatuwang isipin na habang nagpapahinga ako sa pagbukas ng site na ito eh kung anu-anong insulto na pala ang ibinabato sa akin! Well, kung sa tingin mo joke yon, hindi na nakakatawa. Tawanan mo sarili mong joke. (harharHAR!)

mananahimik na ako para tapos na! Huli na 'to. Kahit pa sabihin mong monggoloid ako, sintu-sinto, sira-ulo, bahala ka sa buhay mo basta ako may buhay akong akin. And please lang, wag kang manlalait ng gawa ng iba para hindi ka nasasabihan ng ganyan. Kasalanan mo rin naman eh.

 

 

Salamat kuya Spike.

eloisa marie hernandez's picture

....

 nice meeting you Red brax.. have a nice day

eloisa marie hernandez's picture

pasensya na

Para po kay redbrax, pasensya na po sa sinabi ko sa taas. masyado lang akong naging emosyonal. HIndi ko po alam na mas matanda kayo sa akin.

 

Peace be with you

yeah right!

Tongue outI don't remember ever mentioning labels such as "sinto-sinto", "monggoloid" or "sira-ulo"? sabagay minsan mahirap talagang umintindi ng sinasabi ng ibang tao pag may iba silang gustong marinig (malinaw kaya to?) but anyway if the shoe fits? doesn't matter, I don't really care!

jonsdmur's picture

Parang kailan lang nagsimula

Parang kailan lang nagsimula ang buhay ko sa site na ito. Hindi ko namalayan mahigit isang buwan na pala akong member ng site na ito...Pakiramdam ko ang tagal tagal ko ng member.....

Sa loob ng isang buwan marami na akong natutunan sa inyong lahat... sa bawat komentong natanggap ko ay lubos ko itong ikinatutuwa..

Sa loob ng isang buwan ay nagkaroon ako ng mga kaibigan... na hindi ko pwedeng makalimutan.... 

Sa inyong lahat ay nagpapasalamat ako dahil marami rin akong natutunan sa inyo... 

Nagpapasalamat ako sa lahat nang nagbasa at nagbigay ng komento sa mga naisulat ko.... 

Maraming salamat.... jonsdmur

aireen's picture

hahaha pareho pla tau..

hahaha pareho pla tau.. nangarap din ako na maging writer ng tagalog pocketbook...

Nagbalak pa nga akong sumali sa patimpalak ng isang pocketbook publisher company...

But sad to say... nascared me na ipasa ang nobela na nagawa ko... Frown

Sa sobrang inis ko sa sarili ko itinapon ko na lang.. tsk! tsk!

Ngyon nga pinagsisisihan ko.. sana itinago ko na lang... Frown

jonsdmur's picture

sayang naman ang nobela sana

sayang naman ang nobela sana binigay mo na lang sa akin hihihihihi

Pero hindi pa natatapos ang pangarap ko... siguro balang araw makakapasa ako ng isang nobela... kahit isa lang ang ma publish ay masaya na ako.. un bang pupunta ako ng national bookstore at makikita ko ang nobela ko... sarap siguro sa pakiramdam....

Hope ur ok... saka gards sa iyong son....

Jonsdmur

hello

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

marami talagang produkto ang papel noh? mapalad ka!!!sana iwelcome mo din ako dito bago pa lang ako eh...

hindi ko man forte ang nobela or maiikling kwento, mas komportable ako kasi sa tula, pero hayaan mo babasahin ko din mga gawa mo...

talulot

 

jonsdmur's picture

Salamat kaibigan... hindi pa

Salamat kaibigan... hindi pa ako bihasa sa pagsusulat at patuloy pa rin akong nag-aaral sa ikabubuti ng aking mga akda... nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko sa site na ito at naibabahagi nila ang kanilang mga nalalaman at ako ay unti-unting natututo.

Naniniwala ako na may mararating ka... magaling ka sa larangan ng tula at may sarili kang istilo ng pagsusulat...

Enjoy the site... maraming magagaling dito at mabubuting tao... keep up the good work... 

 

 

Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...

Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story

Hatid ko ay aliw sa inyong laha