Jon E. Royeca Explains That He is Not User 'Jon E. Royeca'

noid's picture

Today, I received the e-mail message below from Jon E. Royeca, explaining that he is not the Jon E. Royeca who has been posting in our site. I checked the account details of the user 'Jon E. Royeca' and the e-mail address used in that account is the same as the e-mail address that wrote me.

Also, the user Jon E. Royeca has non-authenticated status, meaning the user didn't click the validation message in his e-mail Inbox when he first registered. In the past, there was a problem with the FilipinoWriter.com system sending the validation e-mail so I set the posting of content enabled even for non-authenticated users, so it's possible that the user Jon E. Royeca simply used the e-mail address of the real Jon E. Royeca to lend authenticity to the identity of the user Jon E. Royeca. 

To solve this problem, I'm changing the user 'Jon E. Royeca''s password and sending it to the real Jon E. Royeca so that he himself, can delete all the posts and comments posted by the impostor user 'Jon E. Royeca.' (Every FilipinoWriter.com user can delete his own post.) He will also have the opportunity to post and explain what happened in all the threads/posts pertaining to him.

Alternatively, if the real Jon E. Royeca wishes, I will block the user 'Jon E. Royeca' from using the site and unpublish all the posts made by the impostor Jon E. Royeca.

Next, to all the users who posted entries related to Jon E. Royeca, I leave it to you to delete your posts or to post a comment or an update pointing/linking to this editorial. 

Finally, to prevent something similar occurring in the future, I will disable posting of content and comments for non-authenticated users. So if your status right now is non-authenticated, please look for your validation message in your e-mail Inbox (e.g. search "FilipinoWriter password" or "FilipinoWriter account details" in your e-mail account). I'm not yet sure if you can request for a new validation link from the system, but will check later. In case you can't find or get a validation link, just e-mail me at [filipinowriter at gmail dot com] using the e-mail address you used for your FilipinoWriter.com account and I will change your user status to authenticated. (Using the original e-mail address you used for your registration is important since this will prove to me your identity. No exceptions. Update: Guys, reminder. When you contact me at [filipinowriter at gmail dot com] for authentication, please use the e-mail address you used for registering, NOT the site's contact form. The reason for this is I want proof that you own the e-mail account.  Also, don't forget to indicate your username.Thanks.)

I am sick right now, and may have missed an explanation or a step to address this problem, but will review this issue once I've regained my health.

Hoping for everyone's kind coooperation and understanding. Thanks and a Blessed and Happy New Year to everyone!

 

***

 

2009/1/3 jon royeca

Dear Mr. Dino Manrique,

 

Ako po si Jon E. Royeca, isang manunulat. Isang kaibigang ka-manunulat ko po ang nagbigay sa akin ng impormasyon na ang aking pangalan ay lumilitaw daw sa FilipinoWriter.com, na inyo pong pag-aari.

 

Kahapon, pinuntahan ko po ang inyong Web site, at ako po ay nagulat at halos maiyak dahil bakit naroroon ang aking pangalan at bakit pinaglalalait ako roon!

 

Unang pagkakataon ko pa lamang na nakapupunta sa inyong Web site kahapon pero bakit naroroon po ang aking pangalan?

 

Ang masaklap pa, nakapost din doon iyong isang essay kong "Wrong Perceptions About Americans" na bahagi ng aking book in-progress na "In Defense of the Filipino" at naka-post sa The Filipino Writer - The Forum for the Filipino Writer, at iyong isang maikling kuwento kong "Textmeyt".

 

Wala po talaga akong alam kung bakit napunta ang dalawang akda kong iyon at kung bakit pinaglalalait ako sa mga posts sa inyong Web site.

 

Ang duda ko po, ang isang gumagawa nito ay iyong isang dating kasosyo sa negosyo naming 5-6 dito sa aming lugar sa Pasay City. Nakagalit po namin ito dahil dinaya kami sa dividends. Mula noon kung ano-ano nang paninira ang ginagawa nito sa akin at sa iba pang kasosyo niya dati. Medyo ka-close ko po ang taong ito noon dahil maging mga ATM card namin ay ipinagkakatiwala namin sa kanya sa pagkubra ng pera. Writer din po siya, hindi na nga lang masyadong active.

Nang magkadayan sa hatian ng kita, masama ang mga sumunod na nangyari. Umiiwas po ako ng komprontasyon dahil alam na alam ko po ang daigdig ng pangungutang o 5-6 nga. Buhay po namin ang nakataya rito.

 

May isa pa po akong duda. Maaaring ang gumagawa nito ay isang ka-manunulat na may galit sa akin. Maaaring kakilala ko rin po. Tiyak ko, kung saan-saang Web site pinagkukukuha ang mga sinusulat ko at saka naman ipino-post sa inyong Web site.

 

Kaya, nakikiusap po ako sa inyo na kung maaari, tanggalin na iyong sanaysay at maikling kuwento ko na naka-post sa inyong Web site.

 

Nakikiusap din po ako na sana tanggalin na rin po iyong mga post na kung saan may binabanggit tungkol sa akin. Matagal na po akong nagtatatag ng pangalan bilang isang manunulat pero bakit ganoon lang ang kinasapitan ko? Ang malait kahit wala naman akong ginagawang masama sa aking kapwa.

 

G. Manrique, hindi po tayo magkakilala pero nakikiusap po ako sa inyo. Sana mapagbigayan ninyo ang aking mga kahilingan.

 

Maraming salamat po.

 

Gumagalang,

Jon E. Royeca


Pmel's picture

Okay People. Edited Jan 6, 2009

Jon E. Royeca is the Impostor, Pepe, and Edil-what's-his-face!

 

 

 

Why? Because he refuse to give us the Impostor's name that he claims to have stolen his identity. So ends this Charade, let's go back to writing, people! This man is not worth your time and muscles. 

Let Liwayway deal with him and should he return and still without proof of his innocence, then, we'll continue to degrade his merit as a writer. End of story. 

jonsdmur's picture

A Collection of Short

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

naniniwala ako na bunga ito ng galit kaya nagkaroon ng impostor... ang layunin niya ay sirain ang pangalan ng tunay na Jon.... sabagay... alam naman ng isang tao kung masisira ang pangalan niya o hindi... kung layunin niya ang manggulo.. malamang di niya gagamitin ang tunay niyang pangalan.... isa pa... dinadala niya ang pangalan ng liwayway... 

Sana matapos na ang mga kaguluhan...

Kaya lang totoo kaya ang invitation niya na magpadala ng story sa liwayway? Sayang magpapadala pa naman sana ako hihihihihi

Sa tunay na Jon paumanhin na lamang po.... nakakalungkot at nabiktima kayo....

Godbless!

jonsdmur

 

Rom's picture

hard to believe

 

pasensya na po pero hindi ata ako naniniwala sa claim ng "tunay" daw na Jon E. Royeca na lumihan kay Dino.

bakit?

dun pa lang sa atake niya sa tulang ANGHIT ni love kita na ang emosyong nakapaloob sa mga sulat niya, matalino ang pagkakasagot at kinakitaan ng prinsipyo at paninindigan. hahangaan mo si Jon kung madali kang makukuha ng pangangatwiran niya. ibig sabihin kung impostor ka lang di mo bibigyan ng prinsipyo ang pangangatwiran mo, kasi ang layon mo ay sirain ang tunay na Jon E. Royeca.

kung wala akong prinsipyong pinaghahawakan malamang ma-sway ako sa uri ng pangangatwiran ni Jon kasi nga matalino ang mga ito at ang dami niyang sinipi galing kina Jose Garcia Villa at iba pa. ibig sabihin alam niya ang kanyang sinasabi, malabo ang ganito sa mga impostor.

kitang-kita rin ang matinding inis sa akin ni Jon nung tinawag ko siyang tanga, gago at bobo. bagay na di dapat kung impostor ka lang. kung impostor ka at tinawag kitang gago bilang si Jon dapat matuwa ka kasi nagaganap na ang gusto mong mangyari ang makaganti kay Jon. pero dama ko ang galit ni Jon sa mga pananalita niya at ganti niya sa akin--->meaning nasaktan talaga siya. masasaktan ka ba kung hindi ikaw si Jon at impostor ka lang?

may prinsipyo ang Jon E. Royeca na lumitaw at nakausap natin dito noong mga nakaraang araw--may prinsipyo siya kahit di tayo sang-ayon sa kanyang iniisip. at pinagpipilitan niya yun. kung impostor ka mahirap magdala ng prinsipyo sa usapan. hindi tulad ni KRITIKO halata na walang prinsipyo sa mga usapan ito kasi paninira lang gusto niya.

pero ang impostor (kung impostor nga siya)hindi niya sinisira ang pangalan ni Jon kung ako ang tatanungin. Nag-iwan pa nga siya ng matatag naimpression ng  prinsipyo at paninindigan ng isang taong may alam sa history and literature  kahit taliwas sa pinaniniwalaan ko. kung impostor ka paninira ang unang pakay mo kaso sa tingin ko hindi niya siniraan si Jon, lalo pa nga na glorify in a sense na matatag ang paninindigan nito kahit baluktot.

tingin ko huling hirit ito ni Jon E. Royeca (ang tunay) para alisin o idelete ni Dino o ng mga nagpost ang ilang masasama at maaanghang na naglitawang sanaysay at kwento na nauukol sa kanya. nag drama siya upang tuluyan nang mabura ang anumang trace ng kalokohang sinimulan niya na nag fire back sa mukha niya--->kaya rin siguro binura na niya ang lahat ng post niya.

sad to say kulang sa drama ang sulat niya kay Dino.

Jon E. Royeca, patunayan mo munang may impostor ka bago ko idelete ang mga nagawa kong sanaysay o blog na nauukol sa iyo. pasensya na pero parang nahihirapan akong maniwala sa drama mo. dama ko ang galit mo sa akin nung tawagin kitang bobo, tanga at gago. kaya kung impostor ka di ka sana nagalit nang ganun. 

 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

RJ Santos's picture

Naunahan na pala ako ni Kuya

Naunahan na pala ako ni Kuya Rom... ito 'yong ipo-post ko dapat:

My get-well wishes to you, Mr. Manrique.

Please forgive me for having little faith, but how can we verify this stuff? How do we know that this email from Jon E. Royeca is not another one of the "imposter" Jon E. Royeca's trips? This could just be save-face on his part. His account not being authenticated doesn't really say anything -- a lot of Friendster users don't authenticate their accounts through email. And him not being able to delete his two other works could just be an excuse to get those who have written anything on him to delete what they have written.

I suggest that the middleman, the "kaibigang manunulat" mentioned in the email, speak up, so we could have a "character reference". (I just hope that he's not another one of the "imposter" Jon E. Royeca's other accounts.)

Like I said, please forgive me for having little faith.



* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Rom's picture

motibo

 

napansin nyo ba na dun sa post ni Jon na "ang tunay na tula...bow" na pagkahaba-haba ng sagutan at comments ay maraming nagsabi ng "madami akong natutunan dito" totoo naman madami namang natutunan dun ako man maraming nakuhang punto dun.

ang mga puntong magaganda dun hindi lang sa mga nag comment nanggaling  maging kay Jon mismo---meaning malaki ang ibinahagi niyang kaalaman. kung impostor ka mag-aaksaya ka ba naman i educate pa ang mga taong nandito? e ang goal mo lang naman siraan si Jon e di ba?

magpipiga pa ba ako ng utak ko kung ang objective ko lang naman ay sirain si Jon?

kung sisiraan ko si Jon at ako ang impostor halimbawa--hindi ko idedelete ang mga post ko kasi ang makakabasa nun mag-iisip nang masama kay Jon e--isang tagumpay sa paninira.

 

sino ba ang may motibo? 

ang may motibong magdelete nun ay ang taong napapahiya sa diskursong nangyari, kung saan kinatay ng husto ang may akda. ang tanong sino ang may motibong mag delete? at sino ngayon ang humihiling kay Dino na ma delete ang mga iba pang related post? 

naku, style na bulok ito. gusto lang talagang isalba ang mukha niya.

impostor? imposturin mong mukha mo! 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

squid villanueva's picture

Damage Control

While identity theft is not uncommon, here's what I think really happened:

1. Jon registered as a member. He used his real name, not expecting to get in trouble with his comments.

2. Jon started posting comments, earning the ire of the other members.

3. Crapstorm ensues.

4. Friends, family members, and/or workmates Google Jon's name. Guess what? First on the list is the crapstorm on this site. Jon's reputation as an upstanding member of the literati is compromised by his stunts in FilipinoWriter.Com... LOLLERSKATES!

5. Damage control mode for Jonny Boy. He deletes his posts. Unfortunately, he cannot delete the crapstorm in the other members' posts! OMG!

6. Last resort, think up a creative excuse and beg for sweet, sweet mercy

And because I love numbered lists, let's look at the evidence supporting this view:

1. User Jon is immensely literate and defends his posts with a deep and thorough understanding of the material, suggesting that he is actually the author.

2. User Jon isn't very tech-savvy, meaning he may not have realized that because of his posts in this site, Google would display FilipinoWriter.Com first when the name Jon E. Royeca is searched.

3. User Jon posted Ang Koronang Ginto and Textmates, stories that were previously unavailable over the Internet. He also posted some work whose style is consistent with other Jon E. Royeca material.

4. User Jon's comments are also consistent with Jon E. Royeca material.

One way of investigating this matter is to look at IP addresses. Of course, IP addresses are easily faked but, as I've said,  Jon isn't tech-savvy and probably doesn't even know his activities can be traced.

anakngfaraon's picture

Sir Noid, I hope you get

Sir Noid, I hope you get well soon and I'm sorry that you have to deal with all these while you're sick.

 

Regarding the letter from Jon:

I do not believe in the sincerity of the letter he sent.  He's trying to play victim now attempting to gain the sympathy of the community and to clean his name.

If all he wanted was to destroy the real Jon E. Royeca, then why did it take him over 30 weeks to start the job?  His profile says he's been a member for 35 weeks already.  Also, why would he post a blog encouraging the members to submit their stories to Liwayway - well that's kinda nice of him.  Not something that a faker would do.   He also defended  Liwayway's  circulation after jluna and/or squid  questioned if anybody is still reading Liwaway these days. 

Another thing, when he posted ANG KORONING GINTO on this site, I searched every nook and cranny of the cyberspace for other copies of this short story, and all I could find was the one here on FW.  That could only mean he has the copy on his PC, unless he (the so-called fake Royeca) is an avid fan of Liwayway magazine, keeping copies of all the issues that allowed him to easily scan or retype the story.  

Last thing (that I could think of at this moment), why would he go to great lengths to defend his stories and his essays if all he wanted was to cause harm to the real Jon E. Royeca; and why delete them? He should have just left the stories and the comments posted then. 

This is so sad and disappointing.  I hope he puts an end to his charades.

noid's picture

Guys, reminder. When you

Guys, reminder. When you contact me for authentication at [filipinowriter at gmail dot com], please use the e-mail address you used for registering, NOT the site's contact form. The reason for this is I want proof that you own the e-mail account. Also, don't forget to indicate your username.Thanks.

jonsdmur's picture

Thank you Sir Noid

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Baka meron pa sa inyo ang hindi maka pag post at comments.. email lang kayo kay sir noid....

gards to all

jonsdmur

Maraming salamat po G.

Maraming salamat po G. Dino/noid sa pagtugon ninyo sa aking liham. Sinunod ko po ang paggamit ng username at password.

Tukoy ko na po ang maygawa. Iyong kasosyo ngang tagarito sa amin. Noong 2007 dapat ang bahagi ko sa aming patubuan/pautangan/paluwagan ay P135,000 pero ang ibinigay niya sa akin ay P85,000. Hindi raw kasi nakabayad ng patubo iyong iba. Natural umangal ako. Iyon lang kasi ang kabuhayang matagal ko nang pinagtitiyagaan. Kahit piso lang mahalaga sa akin.

Pero ang sunod niyang ipinakausap sa akin ay ang mister niyang pulis. Alam niya kasing retired na ang tatay ko na pulis din at wala na sa serbisyo kaya malakas ang loob niya na gawin iyon. Sa amin pa man din, kapag ganyang pera na ang dayaan hindi uso ang demandahan. At kung sangkot pa ang mga pulis, barilan na agad. May mga nangyari na rito sa amin niyan kaya ingat-ingat na lang talaga. Itong lugar kasi namin, proyektong pabahay ni Pres. Cory para sa mga pulis, teachers at empleyado ng gobyerno. Kaya dito hindi na luma kung may maririnig na dalawang pulis na nagbarilan.

Hangga't maaari ayoko nang pag-usapan pa ang dayaang ito sa pera kasi baka madamay na naman ang iba. Pati mga bata rito sa amin nadadamay.

Noon pa may ngitngit na sa akin ang babaeng ito. Nagsusulat kasi siya ng mga pocket books. Nang malaman niya na nagsusulat ako sa Liwayway at iba pang magasin, doon na siya nag-init sa akin. Inggit yata. Gusto niya na siya lamang ang marunong magsulat. Katakot-takot na pamumula ng mukha niya noon tuwing makakakita ng Liwayway sa bahay namin.

Taong 2000 nang magsimula akong makapaglathala sa mga magasin ng mga historical fiction for children, mga sanaysay sa history, at mga maiikling kuwento.

Taong 2000 pa pero bakit ngayon lang bumulaga ang pangalan ko sa Web site na ito. At sa simula pa, hindi ako naninira ng kapwa ko. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang na nabalitaan niyang magpapa-sheriff daw ako para doon sa iba pang hindi naibibigay? Perang pinaghirapan ko. Perang inipon ko. Ni hindi ko nga maipagawa ang bahay namin makapag-ipon lamang ng capital. Halos maiyak ako kasi may paglalaanan sana ang perang iyon.

Nag-init na naman siya sa akin nang mabalitaan niyang may sheriff-sheriff daw. Wala na nga akong balak pang maghabol kasi nga magkakapitbahay kami rito. Marami ang mga batang madadamay.

Pakiusap ko po kay luna, pakitanggal po iyong post na sanaysay kong "Ang Idolo Ni Andres Bonifacio." Ako po ang may sulat niyan. May copyright na po iyan. Nakapost po iyan sa Tinig.com. Naroroon din po ang mga credentials ko.

Nagsusulat po ako ng tungkol sa history. Marami na po akong nakapost sa Internet na essays sa history. Pero hindi po ako makata. Kung may mga nagawa man akong tula, paisa-isa siguro.

Marami na ring ibang gawa ko na napopost sa iba’t ibang sites sa Internet. Minsan wala akong permission.

Matagal na po akong nagsusulat. Wala pong batikos akong ginawa lalo na sa mga kapwa manunulat. Pero bakit ngayon lang?

isangsakongtubig's picture

ha?

 

 Matagal na po akong nagsusulat. Wala pong batikos akong ginawa lalo na sa mga kapwa manunulat. Pero bakit ngayon lang?

 

-parang may mali sa line na to, so inamin mo ngang may binatikos ka?  

 

kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay

Sabi ko po sa bandang unahan

Sabi ko po sa bandang unahan bakit ngayon lang lumabas ang pangalan ko sa web site na ito. Inulit ko. Bakit ngayon lang? Nakikiusap po ako sa inyo. Wala po akong balak makipagtalo.

Rom's picture

try more

 

 try harder.

convince us please 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

nasabi ko na nga po ang

nasabi ko na nga po ang dapat kong sabihin.

Rom's picture

lets see

 

kwentuhan mo kami tungkol dito sa sinasabi mong impostora.

bakit mo naisip na siya nga ang may gawa ng panggagaya sa iyo?

anong ebidensya mo?

pwede mo bang ibigay sa akin ang cell number niya? sa contact message dito sa FW?

kokontakin ko siya privately at di ako magpapakilalang ako. imposible namang wala siyang cellphone? at imposibleng hindi mo alam.

kuing pwede sanang ilahad mo dito ang ebidensya mo na siya nga ang gumagawa ng panggagaya sa iyo.

pocket book writer kamo siya? hmmmm... ang pocket book writer hindi ganun ka bihasa sa tula, history at literatura--->you should know that

dang! one flaw on your part

aantayin ko cell number niya ha. click mo yung name ko sa taas tapos mapupunta ka sa profile ko click mo yung contact dun mo i send yung cell number ng sinasabi mong impostor, at isend mo na rin sa akin cell number mo. aantayin ko ha. 

 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

Hindi ko po masusukat ang

Hindi ko po masusukat ang isang tao. Baka nagsusulat din po siya ng iba pa. Umiiwas na po ako ng komprontasyon. Bigla nga lang po siyang nag-init nang malaman niyang magdedemanda raw ako kahit hindi naman. Kung makakatanggap siya ng tawag na may kinalaman na naman sa ganyan, hindi ko na po alam ang susunod na mangyayari. Ingat-ingat lang po kami rito. Sana maintindihan ninyo ang aking sitwasyon. May mga bata po rito. Paano na kung madamay sila? Magkakalapit lamang kami rito.

Nabasa ko po ang mga posts laban sa inyo. Hindi ko po talaga magagawa ang mga iyon. Wala po akong kakayahang manlait ng tao. Magkano lang po ang kinikita ko? Sapat-sapat lang. Kahit naman po siguro may malaking pera ako, hindi ko pa rin magagawang manlamang sa iba.

Kaya ko nasasabi na siya nga kasi halata ko po sa mga kilos at ngiti niya. Alam kong may ginagawa na naman siya kung ganoon siya makakilos. Hindi na ho bago ang paninira niya sa akin. Noong magkadayaan sa pera kung ano-ano na tsismis ang pinaggagawa niya at sa iba pa.

Rom's picture

proof pa rin ang akailangan

 

 asan ang cell number niya?

 

ano ba sa palagay mo ang paninira na nagawa niya sa iyo dito? kung tutuusin kung talagang impostor siya bakit niya idinipensa ng maganda ang maikling kwento mong KORONANG GINTO? (may kopya ako nito pati ang mga comments dun)

actually wala siyang sinabing masama o hindi niya sinira ang kwento mong iyon, dinepensa pa nga niya ng maganda e (kung siya nga yun at hindi ikaw) kaya nahihirapan akong maniwalang impostora nga iyon.

ang gawain ng impostor ay manira--->ayon na rin yan sa iyo. pero bakit instead na sirain niya ang gawa mo ay ipinagtanggol pa niya ito?

kadudaduda di ba? kaya ako nagtatanong e.

wag na natin pag-usapan ang merits ng mga pangyayari dyan sa lugar ninyo, pati na rin ang negosyo mo kung gusto mong maingatan iyan.

pag-usapan natin ang mga merits nang kung mapapaniwala mo ba kami na may impostora ka sa pamamagitan ng sinserong pagsagot sa mga ibabato naming katanungan dito at pagtalima sa request namin tulad ng pagbigay mo sa akin ng cell number ng babaeng yun at cell number mo.

pwede ba tayong magkasundo dun?

makipag cooperate ka at aalisin namin ang mga post dito na sa tingin mo ay nakakasira sa iyo--->sa madali't sabi patunayan mo.

ok? 

eto pa mga napuna ko sa sagot mo, ayon sa iyo:

"Nabasa ko po ang mga posts laban sa inyo. Hindi ko po talaga magagawa ang mga iyon. Wala po akong kakayahang manlait ng tao. Magkano lang po ang kinikita ko? Sapat-sapat lang. Kahit naman po siguro may malaking pera ako, hindi ko pa rin magagawang manlamang sa iba." 

Jon (kung ikaw nga si Jon) wala ka na mababasa na posts laban sa akin kasi dinelete na nga. (dang! 2nd bell mo na yan)

wag natin pag-usapan ang merits ng kaso ninyo dyan sa inyo ha--sensitive yan itago mo na lamang muna yan sa sarili mo. 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

Ngayon ko pa lamang

Ngayon ko pa lamang dini-delete ang mga posts laban sa inyo. Sinabi po sa akin ni G. Noid ang mga dapat gawin.  Tungkol sa cell phone at evidence, kung peligro na ang nakataya, wala na akong maisasagot pa sa inyo.

isangsakongtubig's picture

ito na lang po

 

  ako po matagal ng nagiinternet pero lately ko lang din nalaman itong site na ito, bakit naman po kayo ngayon lang din sumulpot sa kasagsagan ng mga isyu. may nagsabi ba sa inyo? 

liban pa rito bawat reply lalo na sa koronang ginto na siyang pinagmulan ng lahat: kung saan authenticated yung profile at email nyo, bawat taong nag-iiwan ng koment ay nakakatanggap kayo dapat ng email di po ba para sa mga updates? bakit ngayon lang kayo nagsalita? ( ngayon ko lang din to napuna kasi yung account ko hindi sya authenticated kanina ko lang klinik yung email para makapagkoment,  bilang patunay na kahit di ko gawin yun nakakatanggap ako ng mga updates bawat reply sa sinulat ko gamit yung email sa pagsign up dito).

 

 

hindi na po talaga ako maniniwala kung pati password ng email nyo ay alam ng babaeng tinutukoy mo.

 

nalilito lang,

 

isangsakongtubig

 

 

 

kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay

Hindi ko po alam ang mga

Hindi ko po alam ang mga updates na iyan. Ang email address ko po ay mangilan-ngilan lang ang pumapasok. Minsan ko rin lamang buksan. Kung tungkol doon sa away naming mga tagarito, hanggang doon na lamang ang masasabi ko pa. Umiiwas lamang po ako. Mahirap na po. Tungkol naman sa password, pati po password sa ATM nagkaalaman na kami noon pa. Ganoon ang sosyo namin noon. Ang negosyong iyan ang nagtaguyod sa akin noon pa. Iyon na po ang ikinabuhay ko.

Ang ginagawa ko po ngayon, dini-delete ko po iyong mga masasakit na salita. Hindi ko po talaga magagawa ang mga iyon. Hanggang doon na lamang ang masasabi at magagawa ko tungkol sa mga bagay na iyan. Ang pabulaanang sinabi ko nga ang mga iyon at i-delete kung magagawa pa.

isangsakongtubig's picture

yung mga updates

 

 yung mga updates ay yaon po yung mga reply o puna ng mga nakabasa dun sa sinulat nyong koronang ginto. imposible pong hindi kayo makatanggap ni isa man lang sa dami nila.

 

 

 

kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay

Hindi ko po alam ang ganoon.

Hindi ko po alam ang ganoon.

jonsdmur's picture

Ang masasabi ko lamang

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Heto ang mga Place at IP address ng mga nagbigay ng komento sa blog na ito...

May USA pala tayo dito hihihihi

Nakita ko ang IP ng LUmang Jon last few day ago.... nakikita ko pa rin hanggang ngayon... pero di pa matukoy kung Iba na ang Jon ngayon...

Sana maayos na ito....

May smart bro pala dito.... 

Gandang hapon...

Ang IP add pinutol ko para hindi makita lahat... saka compare ko pa kasi....

Saang blog ba may comments si Impostor Jon na hindi pa nabubura?

Ang iba di ko pa nalagay diyan...  

 

Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;} bura ko na

 

 

Marami po ang Internet shops

Marami po ang Internet shops dito sa amin. Nakiki-Internet lamang po ako.

Matagal na po akong nagsusulat. Taong 2000 pa. Ang kataka-taka ay bakit ngayon lang ako napunta sa Web site na ito? Sa buong buhay ko bilang manunulat, wala akong nilait na tao. Bakit ngayon lang? Ngayon lang na nagkakainitan na naman kami sa pera?

Ang nabubura ko ngayon ay iyong may mga salitang hindi ko magagawa talaga. Binura ko rin iyong mga posts ko sa ibang Web site na naka-post dito. Iyong iba kasi roon, may copyright na.

isangsakongtubig's picture

katakataka talaga ngayong

 

 katakataka talaga ngayong wala ang pekeng royeca andito naman ang tunay.

alin alin ang naiba?

 

 

 

 

 

kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay

Nandito po ako ngayon sa

Nandito po ako ngayon sa isang Internet shop sa may Merville Access Road, sa boundary ng Pasay at Paranaque. Isa po ito sa mga puntahang shops dito.

Pmel's picture

Here, Jonsdmur:

Rom's picture

   @jondsmur oks bro na

 

 @jondsmur

oks bro na makuha mo ang mga IP address. kaya lang kapag nakita mo na parehong pasay city ang IP address ni impostora at tunay na Jon Royeca, parang walang masyadong mapapatunayan e. kasi nga pareho silang taga-pasay. pero kung same number as in mukhang same computer lang ang ginamit, aha! patay na hehe...

go ahead Jondsmur alamin mo ha ikaw ang susi dito. 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

Pakisuri din sa iba pang mga

Pakisuri din sa iba pang mga posts. Kung sa iilan lang, baka maging ganoon nga. Pinupuntahan ang shop na ito rito.

Kasi naman, bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon dito? Bakit hindi ko na lang hayaan? Malay ko ba sa mga pinagsasabihan ko. Hindi ko naman sila kilala.

Rom's picture

 Jon, kung ikaw nga si Jon

 Jon, kung ikaw nga si Jon Royeca. bakit kailangan mo pang ipaalis ang mga post na ginawa dito bilang reply sa mga pinost ng "impostor?"

bakit di mo na lang hayaan? tutal matatabunan na iyon sa pagdaan ng araw kasi marami ang bagong post/entry dito. anong ikinakatakot mo?

tsaka asan na yung cell number ng impostora? bakit hindi mo sinasagot ang hiling ko na kausapin ko siya through telephone?

asan ang cell number nung impostora at cell number mo? nang makausap ko kayo pareho.

nag-aantay ako... 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

kislapalitaptap's picture

anlayo na ng inabot ah...

anlayo na ng inabot ng usaping ito ah... sad pero wala ng panahon pa para itago pa ni jon e royeca ang kanyang katauhan.

sa mga manunulat na malaya dito sa sayt... anuman ang inyong isulat at balakin sa hinaharap...andito lang ako...lagi sa tabi niyo..

punta muna ako ng manila...kinuha na ng pagkakataon ang aming beloved lola.

Jluna- wat tym ka sa bookay at anong araw ka andun?

tsambahan sana kita para makapagkulitan tayo at mapagusapan ang tungkol kay Jon e royeca. email mo ko sa kislapalitaptap@yahoo.com

 

Tagni!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

 

j luna's picture

Yo Kislap!

Kung gusto mo mga Saturday kitakits tayo.
May pasok na ko bukas e...

GAnito 12 nagbubukas ang store everyday, kung trip mo mga 1 pm kita tayo sa bookay sa saturday? ano trip mo?

O kung umiinom ka,kung gusto mo mga 6 o 7 pm ng sabado?

Kung hapon tayo ng Sabado, baka dumaan si Iwa (Norman Wilwayco)

Ang gulo ng thread na ito.. Confused na ko.
Shit, kung di totoong Royeca ang pinagbibibira ko? Hmmm. Ah ewan.

Oo nga pala bro, kung weekday ka pupunta si DAn ang tao dun... Ang pinaka-cool na tao sa buong mundo at literary agent ni Iwa, at taong mahilig uminom.

text mo ko bro kung kelan tka dadaan....09167840473

Wasak!

RJ Santos's picture

Alam mo, ganito 'yong style

Alam mo, ganito 'yong style ng "pagsasalita" nung nag-iimpostor sa 'yo. Pati paglagay ng comma, pareho din.

Bakit kasi hindi pa nagsasalita 'yong sinasabi mong "kaibigang ka-manunulat" na nagbalita sa 'yo umano tungkol sa nangyayari dito?



* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Rom's picture

concerned impostors of the philippines (CIP)

 

 'langya naman kasing impostor yan masyadong concern kay Jon Royeca, e kasi ba naman ipinagtanggol pa nito ang Koronang Ginto syo RJ di ba? Ang haba ng sagutan nyo dun e.

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

RJ Santos's picture

Saka 'yong "Ang tunay na

Saka 'yong "Ang tunay na tula... bow" pa na blog entry niya. Eh hindi naman talaga ako nainis sa kanya doon, kasi nga nakakatuwa na mayroon pa palang katulad niya na may pagka-purista ang trip sa tula. Hindi ko lang nagustuhan na pinipilit niyang batas 'yon. Kaya ibang klaseng impostor 'to - maraming alam. Eh kung ako yung impostor niya, di sana naghasik na ko ng lagim sa buong www para talagang sirang-sira ang pangalan niya, di ba? Hindi lang 'yong sa isang website. (Though hindi naman talaga siya naghasik ng lagim dito... nasobrahan lang talaga siya ng ere dahil sa paglalathala niya sa Liwayway.) :D

* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

love's picture

maidagdag ko lang RJ

 

Nung bumanat sa ANGHIT ko noon ang "Ang tunay na tula..bow" ni Sir JOn E. Royeca , marami tayong nalaman at mas naintindihan na mga paksa kaya't bumilib ako sa mga naging kabilang sa diskusyon at bumilib din ako sa kaalaman ni Jon. Pagkatapos ng mahabang diskusyon na iyon ay nagpalitan pa kami ng mensahe sa pm. Ayus naman siya kausap. Natatandaan ko pa na maka-ilang beses siyang sumagot sa pm ko. Ang nabanggit nya pa sa akin na ayus lang daw ang ganung talakayan at marami naman daw natutuhan ang mga writers at readers. Ang tinutuligsa nya lang daw ay ang akda at hindi ang taong may akda. At pasensya na daw kung nasaktan niya ako sa ganung klase ng pagbabatikos. Kung siya ay isang pekeng Jon E. Royeca na ang hangarin lamang ay masira ang tunay na Jon, eh di dapat wala sa bukabularyo nya ang humingi ng paumanhin sa akin o bumati sa akin ng "hello din" sa pm. Tinanong ko pa nga siya kung pwede ko siyang tawaging Kuya Jon ang sagot naman niya'y "OK". Pati nung time na nagtanong siya kung bakit pinagbobotohan kung i-po-post ba ang pic ni spike o hindi, naki-usisa sya dun at ako din ang nag-pm sa kanya at nagpaliwanag kung bakit nagkaka-botohan. Kung paano siya sumagot sa talakayan ay ganun din sa pm.

Alam ko at nararamdaman ko na walang impostor na Jon E. Royeca dito. Hindi rin ako naniniwalang magkaiba ang Jon na nakahalubilo natin at ang Jon na sumulat kay Sir Noid. Halos nag-concentrate lang din sa tula ang mga banat ni Jon E. Royeca na ito. Kaya hindi kapani-paniwalang isa itong impostor lamang.

 

jonsdmur's picture

Mabuhay ka!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

O, kala ko ba matagal kang mawawala muna hihihihihi....

Ano pala connection mo sa internet smart?

sabagay may point ka....

dagdag pa na nag invite siya sa liwayway... nuong una bilib ako sa kanya kasi may natutunan din ako sa tunay na tula ihihihhihi

jons

love's picture

hi jons!

 

may ilang araw pa'ko hehe kya susulitin ko na.

oo, smart ako.. bakit?? 

Saka meron ding ginawang "Para sa mga baguhang manunulat" itong si Jon, na nagbibigay ng ideya kung paano mapaghuhusay pa ang pagsusulat ng mga baguhang manunulat. Marami ang nagpasalamat sa kanya dito sa mga komento at isa na ako doon. Kung isang maninirang Jon ito, dapat hindi positibo ang nilalaman ng isang akda na ihahain niya kundi puro batikos lamang at walang layunin na maganda para sa iba. 

God bless na lang sa lahat.

 

Rom's picture

 hinahamon ko nga na i

 hinahamon ko nga na i email niya sa akin ang cell number nung babaeng impostor daw at tatawagan ko talaga. kahit cell niya gusto ko ibigay niya sa akin at tatawag ako ng makapag usap kami. kaso wala e, ayaw niya kung sincere talaga siyang "linisin ang pangalan" niya dapat pinagtiwalaan niya ako. kaya lang alam niya mabibisto ko siya e.

 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

jonsdmur's picture

Ikaw pala ang smart user na nakikita ko sa IP Address hihihihihi

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Kala ko tagal kang mawawala... ma mimiss sana kita... gards sa iyong family.... 

love's picture

hehe

 

matagal nga, mga 1 month.. hindi sure e. Starting saturday jons medyo madadalang nako makabisita sa site, magiging busy na ulit e. Try ko magbasa basa din paminsan-minsan. Ty jons!

God bless 

 

 

jonsdmur's picture

wait ko ang comeback mo

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

excited na nga ako sa iyong pagbabalik....

Ingat ka lagi... Godbless

jons

 

Rom's picture

  @jondsmur---> ano na bro,

 

@jondsmur---> ano na bro, nalaman mo na ba kung same IP address lang ang impostor at tunay na Jon Royeca?

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

Rom's picture

  malaking bagay yang

 

malaking bagay yang sinabi mo Jha, naka PM mo pala si Jon e. isipin mo na lang kung impostor nga yan e bakit nakipag mabutihan pa sa iyo?

kanina nga kinakausap ko dito yung Jon Royeca (na tunay daw) di naman makapag paliwanag kung ano ang ebidensya nya kung bakit ang itinuturo niyang impostor ay yung kasosyo nya na pocketbook writer daw.

kung pocketbook writer yun bakit napakalawak ng kaalaman sa history at literature? kung maalam ka sa mga ganun bakit pocketbook writer ka lang? bakit hindi book writer mismo ng mga history o tula?

ang daming butas ng claim ni Jon. 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

love's picture

  ang pangalawang batikos

 

ang pangalawang batikos niya sa akin ay sa ADDICT SA CHAT na alam ko na siya pa rin yung kausap ko mula noon hanggang ngayon. Pansin ko din sa kanya na kahit na pangit ang mga term na ginagamit niya sa aking mga akda, sa oras na nagkausap na kami sa talakayan ay andun ang pag-respeto pa rin niya sa akin. At alam ko na ganoon lamang talaga siya bumatikos ng tula at likas na sa kanya yun. Kaya nga hindi na ako ganun katindi magreact sa mga puna niya sa akin. At dinaan ko na lang ang lahat sa biro.

Ang pinagtataka ko pa kuya rom, dalawa ang pinagdududahan ng di umano'y Jon na totoo na naninira sa kanya. Una, dating kasosyo na writer pero hindi active. Ang pangalawa, co-writer na may galit sa kanya. Nagkataon lang ba na parehong writer itong nakabangga niya?, o sadyang inembento para ma-justify na ang naninira sa kanya ay magaling sa pagsusulat at ito nga ay ang ayon sa kanya ay impostor lamang niya. Para po ano? Hindi ko maconnect sa reyalidad ang istorya e. Para lang po sa akin ito. Maaaring mali din ako. Opinyon lang naman.

 

Rom's picture

  may mali nga sa claim

 

may mali nga sa claim niya e. writer daw yung naninira pero pocketbook writer lang at di pa active. sa tingin nyo ba gawa ng isang di active na pocketbook writer yung mga comment ng "impostor?" hindi ko minamaliit ang mga pocketbook writer magagaling din sila kaya lang magkaiba ng disiplina ng pocketbook writer sa maraming alam sa history at literature.

tsaka pansinin ninyo yung Koronang Ginto; kung impostor nga ang nag post nun bakit tigas ang pagtatanggol niya sa kwentong iyon? kanda haba-haba ng depensa niya na kesyo totoong tao daw ang mga karakter niya doon at fresh approach daw ang ginamit niya. Ironic di ba? impostor ka na naninira tapos ipagtatanggol mo ang kwentong yun?  

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

jonsdmur's picture

May point si Love

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Kuya Rom sumakit ulo ko... IP Add ng iba ang nakita ko hehehehe... Alam ko same place talaga sila.. walang duda.... 

Hinahanap ko pa ang IP add na pinost ko kina dito na binura ko... isa kasi doon ang IP add niya... saan ko kaya na save huhuhuhuhuhu!

 

jons

Rom's picture

   pag same place sila

 

 pag same place sila natural lang yun kasi sabi niya magkapitbahay lang sila nung impostora e. ang kailangan lang malaman natin na ang computer ni Jon at nang impostora ay may iisang registry o IP address. malalaman kaya natin ito by way of tracking Jon's post at post nung "impostora?"

sino ba ang may alam dito tungkol sa IP tracking? naghahanap ako sa Google din e.

ang materials lang natin ang post/comment na ginawa ni "Impostora" at yung post daw ng tunay na Jon kaninang umaga. ang di ko lang alam ay kung pwede bang ma track ang IP address na post/comment lang ng suspect ang materials natin? 

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/

RJ Santos's picture

Hindi na rin bumalik sina

Hindi na rin bumalik sina Pepe, Efren, at Edilberto. Haaay.



* * *

http://rjsantos.authorshaunt.com

Rom's picture

nabisto

 

 nabisto na kasi e hehe. makulit yung si pepe tanong ng tanong tapos nung mabisto biglang na shut-up

 

sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/