Jeremy (Hindi Ko Natapos ang Sulat Ko Sayo)

Luca's picture

Pasensiya ka na kung hindi ko matutupad ang hiniling mo sa aking wag ka nang hintayin.

Maintindihan mo sanang nagpapaka-polite lang ako nung sabihin kong masaya akong may bago ka nang jowa (lalo't nung nakaraang linggo lang ay naghahalikan tayo sa likod ng taxi).

Buti na lang hindi mo masyadong napapansin tuwing nanghihingi ka ng payo sa akin, na lahat ng payo ko ay para iwanan mo na siya. Sa totoo lang, natutuwa akong hindi kayo okay (kay bago, bago niyo) pero syempre, di mo na kailangan malaman yun.

Alam kong sinabi kong cute siya pero sana hanggang dun na lang yun. Ang pangit niya kaya. Mukha siyang mongoloid. At alam kong hindi mo naman talaga siya mahal.

Nung sinabi mong hindi siya touchy sayo at para kang nagmamahal ng bato, hindi mo ba napansing naging isang malambot akong unang laging nandiyan para yakapin mo?

Pagbigyan mo sana ako kung isipin kong para sa akin talaga yung mga quote na finoforward mo, kahit na alam naman nating send to many yun.

Pagbigyan mo sana ako kung kulayan ko ang bawat salitang ibinubulong mo sa akin, ang bawat pulgada ng balat mong dumadampi sa akin.

Pagbigyan mo sanang isipin kong date ang bawat pagkakataong sabay tayong manigarilyo at ang paminsan-minsan nating pagkain sa labas.

Wag ka sanang pumalag pag napahigpit ang yakap ko. At kung sabihin ko sa mga kaibigan kong tayo nang dalawa.

Aagawin kita sa kanya. At this time alam kong ikaw ang kusang lalapit sakin. Gusto kong magsisi kang hindi mo ako inangkin nung ibinigay ko ang sarili ko sayo. (Ikaw naman ang taya, neknek mo)

Muntik na kitang kalimutan alam mo ba? Muntik ko nang pagsisihang hinabol kita. Muntik na akong maniwalang hindi mo ako kayang mahalin.

Pero--

Nakikita kong sa layo man ng itakbo mo-- palibot pa ng mundo, pag hindi ako gumalaw, babalik ka rin dito. (Tanungin mo pa si Galileo)

Request lang, sana bilisan mo.


galatea hopkirk's picture

 Nakikita kong sa layo man

 Nakikita kong sa layo man ng itakbo mo-- palibot pa ng mundo, pag hindi ako gumalaw, babalik ka rin dito.

Luca friend. baka sign ito. baka pag-alis niya, bumalik din siya dito. sige, hindi ako aalis.

nice post. =)

 -Galatea Artemis

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

Luca's picture

ahihi

sign nga yata... kanina inaya niya na naman akong magkape... pampabilis ng tibok ng puso.  

wag kang pipikit...

galatea hopkirk's picture

 at dahil binanggit mo ang

 at dahil binanggit mo ang pagkakape, mas lalong tumindi ang faith ko na sign talaga ito. grabe.

bumilis ba ang tibok ng puso mo? hehe.

-Galatea Artemis

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

Luca's picture

 yuh, matapos ko siyang

 yuh, matapos ko siyang i-turn down 3 times, natuloy din kami...

pa-girl. hahaha ang saya. nagpapatubo siya ng bigote.

Luca: pinapatubo mo ba talaga yan?

Jeremy: di lang ako nakakapag-ahit. bakit ayaw mo ba?

Luca: bakit? aahitin mo ba kung sinabi kong ayaw ko?

Jeremy: oo naman...

 nakanangpotah, da moves

 

wag kang pipikit...

galatea hopkirk's picture

wooh, in fairness. benta.

wooh, in fairness. benta. buti pa siya. nakakakilig ha. hehe.

ganiyan talga, nice move girl. pakipot effect muna talaga, mahahalata kapag nag-go na agad. hehe.

cute. =)

-Galatea Artemis

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

dugz21's picture

gusto ko to. sarap

gusto ko to.

sarap kalabitin minsan ng puso...

Luca's picture

maraming tenQ

dugz salamat at nagustuhan mo...

naiinis na ko mejo sa sarili ko dahil sa kwentong to. 

wag kang pipikit...

zdayao's picture

Z

Timely for what I felt before...

 

"One hundred years from now it won't matter if you got that big break, took the trip to Europe, or finally traded up to a Mercedes... It will greatly matter, one hundred years from now, that you made a commitment to Jesus Christ."

Luca's picture

XY

thanks for reading... ang cute mo, para kang cartoons, pakiss... (weh)

wag kang pipikit...

aligaga's picture

simple pero malalim

ganito..

 

 

 

 

kapag sinasabi mo

 

 

 

 

ang hindi mo sinasabi.

 

 

 

kuwento sa isang kuwento.

 

 

 

 

 

 aun.hehehe

 

 

 

 

Luca's picture

kaanu-ano mo si lady? (wehh)

salamat aligaga si introspective mong comment... aaminin kong hindi ko agad siya nagets nung una at hinighlight ko ang comment mo hoping na may mga letters na white lang yung font. pero wala. misteryo... hehe

 

naisip ko ikwento yung totoong nangyari pero naisip ko mashado naman akong easy kung ganun... kinuwento ko na lang ang hindi ko masabi, para ang universe na ang magsabi sa kanya. hehe 

wag kang pipikit...

Ailem23's picture

nice!

Nice post! ang ganda ng bira ng linya... medyo nakarelate ako ng konti dun ah... hehehe!  

**** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwento ang Diyos ang may akda.

Luca's picture

maraming salamat melay

as usual proud na proud na naman ako at natype-an mo ang post na ito hehe... 

wag kang pipikit...

love's picture

hi!

 

Ang pangit niya kaya. Mukha siyang mongoloid.

(Ikaw naman ang taya, neknek mo)

ganyan ang mga banat mo na gustong gusto ko eh, natural na natural ang emosyon haha! ayus na sana eh, na-iiyak iyak na ako haha! masarap ka siguro kasama no?

salamat sa post. sulat ka pa,

God bless.

Luca's picture

of course

 love, para akong droga.

alam mong bawal pero masarap

 

wag kang pipikit...

keira's picture

Luca

Hwag kang umalis sa kinatatayuan mo, kapag nangawit ka, umupo ka, yun kung malaki ang faith mo na babalik sya.

What if kung may ibang mapadaan tapos gusto ka nyang isama sa pagtakbo nya at sa pagtakbo nyong dalawa, hindi nya bibitawan ang kamay mo? Sasama ka ba o mananatili ka sa kinatatayuan mo at para maghihintay?

Ayokong pumikit, pero mahapdi sa mata ang mahabang pagdilat, hindi mo alam umiiyak ka na pala.

I like your post, maraming feelings.

S H O W M E L O V E

like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics

Luca's picture

keira,

siyempre sasama ako diba? kaladkarin ako e.

alam mo keira, kahit patay na patay ako sa kanya kailangan kong maging praktikal. ang pag-ibig ay isang perishable good, kung di niya kakainin, mapapanis lang.

maraming salamat sa pagbabasa. ",

 

wag kang pipikit...

dollysbigbaby's picture

aray, sapul

Pagbigyan mo sana ako kung kulayan ko ang bawat salitang ibinubulong mo sa akin, ang bawat pulgada ng balat mong dumadampi sa akin.

... 

Nakikita kong sa layo man ng itakbo mo-- palibot pa ng mundo, pag hindi ako gumalaw, babalik ka rin dito. (Tanungin mo pa si Galileo)

Request lang, sana bilisan mo.

...

may expiration ang obaryo

Luca's picture

haha

para ba yang tupperware na lumulutong over time? 

wag kang pipikit...

dollysbigbaby's picture

TUPPERWARE

naku buti kamo kung tupperware e... kaso mumurahing plastik ito, tatak chekwa, sm bonus... basta kahanay ng ganun!

Tongue out

Luca's picture

sheeet

ang tagal na neto... ang dami ko pang Angst... pangPBB Teens... 

 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!