Isang sulyap sa bagong SALN form

Gilbert Perdez's picture
| | |

Isang technical working group ang binuo na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang government agencies para ma-review ang ilang isyu hinggil sa statement of assets, liabilities and net worth ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.
 
May mga lamat kasi at pagkakaiba sa mga batas at issuances ukol sa public disclosure policies kaya naman ay nilikha ang technical working group para maayos ito.
 
Ang technical group ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Office of the President, Office of the Presidential Legal Counsel, Senate, House of Representatives, Supreme Court, Commission on Audit, Office of the Ombudsman, Department of Justice, Department of Finance, Department of Budget and Management, Department of Interior and Local Government, Philippine Government Employees Association, at Confederation of Independent Government Unions.
 
Lumutang ang mga pangamba noong July 2011 nang magpalabas ang Civil Service Commission ng revised SALN form kung saan pinasasama na ang iba pang sources of income na nakuha mula sa pagpa-practice ng isang profession o business, income taxes, at mga halaga ng personal at family expenses.
 
Gayunman, noong March 2012 ay inutos ng CSC na huwag munang gamitin ang 2011 SALN form dahil sa kahilingan ng ilang government groups at public sector unions na ipagpaliban ito kaya naman ay ang 1994 SALN form na lang muna ang pinagagamit ng commission sa ngayon.

Ano'ng say n'yo rito?