Isang Pagtalikod mula sa Kaduwagan

drop_dead's picture

Ngayon, tahasan ko nang aaminin na ikaw, oo ikaw nga, ang taong gusto kong makasama sa natitirang mga taon ng buhay ko. Nakakatawa dahil sinasabi kong naging matapang ako sa pagsasambulat ng katotohanang ito, gayong patuloy naman akong nagkukubli sa sanlibong letrang ilalathala sa blog na ito.

Paano mo nga naman malalaman at ng buong sanlibutan na ikaw nga ang tinutukoy ko, gayong patuloy pa rin ako sa pagkibit-balikat tuwing ipinamumukha sakin ng mundo na nariyan ka, narito ako, pero wala pa ring tayo. Kagustuhan mo ba na manatili na lang tayong nagkakapaan sa tunay na nararamdaman natin sa bawat isa? O sadyang hindi mo mapilit yung sarili mo na maniwalang mahal mo nga ako?

Hindi ka patas. Sana layuan mo na ako kung hindi mo ako mamahalin. Sana nuon pa man, hinayaan mo na lang akong lumayo para hindi na tayo umabot sa ganito. Sana naging mas matapang at matigas ako nuon para hindi ako tuluyang nahulog sa hukay na namamagitan sa'tin. Kaya mo kaya akong samahan sa hukay na 'to? O mananatili kang nakatitig sa kinalalagyan ko?

Oo. Nahihirapan na'ko, pero kahit anung pilit ko na iwaksi ang lumalalim na pagtingin ko sa'yo, hindi ko kaya. Sa bawat araw na gumigising ako, lalo lang kitang minamahal. Sa iilang segundo na nakakasama kita, mas lalong umiigting ang kagustuhan at kahilingan ko na sana ikaw na nga yung huling taong masisilayan ko bago ko matanaw ang takipsilim ng buhay.

Mahal kita, sobrang mahal kita at sana maging matapang ka para tapusin na ang hukay na sinimulan natin. O dili kaya'y sana'y maging matapang ka para tabunan mo nalang ako. Ganunpaman, umaasa ako na kung hindi mo man ako iaahon sa hukay na'to, samahan mo na lang ako.


parang malayo po ang titulo

parang malayo po ang titulo sa nilalaman nya Frown maganda po sana ang tema nakakahaplos sa puso.

drop_dead's picture

keri lang yan..;-P

lungkot - lungkutan ang tema... he he he.. thanks sa pagbabasa

may kaugnayan naman ang

may kaugnayan naman ang titulo ah.

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

love it...

(",)___dkarim::

ehehe... maganda siyang basahin. I feel something while reading, the fact na mahal niya yung tao pero mas pipiliin niyang magpakaduwag na lang para di na ito masaktan... how touching.. kaya lang ano kayakaya gagawin ang mahal niya????? 

gusto kong malaman.....

drop_dead's picture

malapit na ang libing

kasalukuyan nang nakaburol ang namagitan na "something." darating rin ang araw ng libing. hindi nga siya patas.:-) hehehe. anlungkot ba? waah!

Si "DROP_DEAD" ay isang babae.

nakaka-relate

ganito din dilemma ko ngayon.. hehehe :D

 

 

 

 

"figment of my imagination..."

drop_dead's picture

I'm glad I'm not alone..hehehe.

Hahaha. Minsan nakakasawa na rin ung mga ganitong dilemma.. pero minsan nakakatuwa din lalo na pag tapos na!!!

 

Si "DROP_DEAD" ay isang babae. Hindi pa siya enrolled sa ngayon dahil kulang pa ang mga grades niya.

bittersweet's picture

the irony of love unpursued...

what happens to love unpursued?

if only the what if's and might have beens could provide a decent answer.

i've been there, done that. so much for the "if only's.

in short, nakaka-aning!!!

 

 "if your love were a speck of sand,

mine would be a universe of beaches."

drop_dead's picture

very true!!!

nakaka-aning nga. very right term.

at times, one has to be brave and take the fall without the assurance of falling in the right spot. and oftentimes the other just watch the jumping show and walk away, without even seeing where the other landed.

minsan naman, may gamitan lang na nagaganap, at nagtanga tangahan yung isa to believe that "something" is going on.  hahaha! 

 

 

Si "DROP_DEAD" ay isang babae. May dalawa siyang account sa friendster, kung gusto niyo siyang maging kaibigan, just say so.

Sama

Baka maliit ang hukay para sa dalawa...
baka kailangang hawanin muna ang hukay ng mga kung anu-anong kuyagot...
baka kung makita na ito ay medyo maalwan...
baka magmadali pang tumalon sa hukay ang pinariringgan ng mga salitang ito...

 :) :) :)

 

Good one drop_dead... errr... is that drop_dead gorgeous?

drop_dead's picture

baka...

...baka nais ng isa na maging para sa tatlo yung hukay. hehehe!

 

sa phrase nga  na drop dead gorgeous nanggaling ang "drop_dead." nagfe-feeling ang. hehehe!

 

thanks sa pag drop by:-)

 

 

Si "DROP_DEAD" ay isang babae. Isa siyang produkto ng pampublikong paaralan at unibersidad.

cassandra's picture

PERO

PANO KUNG GANYAN DIN ANG SINASABI NYA SAYO?