Isang Mahabang Pag-idlip

5182EiDiDiFy's picture
| |

Inilapat ko ang aking katawan sa malawak na higaan

upang doon ay ipahinga ang pusong malaon ng pagal

matagal narin pala mula ng mahiga akong nag-iisa

subalit kailangan kong masanay…

kailangan kong matutunan,

kailangan kong harapin…

dahil kung hindi, muli ako’y luluha. 

 

Nilalamig ako sa kabila ng mainit na panahon

dahil wala ang mga bawat mong yakap,

ang mga bawat mong halik

na pumapawi sa mga agam-agam

ng bawat bukas na darating…

sa bawat oras na ninanais kong

nandito ka lang sa aking tabi…

Nasaan ka na? 

 

Sa mga panagip ko na lamang magagawa ang lahat

ibigin ka…

pahalagahan…

alayan ng buhay…

yakapin…

hagkan…

at ibigay ang buo kong pagkatao. 

 

Ayaw ko na sanang gumising subalit kailangan

Dahil hindi ako mabubuhay sa mga ala-ala mo lamang…

gigising din ako,

hinihintay ko lang ang tamang sandali…

ang tamang pagkakataon

na sa aking pagbangon

wala ka nang tuluyan sa aking buhay… sa aking puso!

Felmo R.

"akala ko kaya ko, akala ko pwede pa... akala ko lang pala!"

-Ryan-

 

 

please visit: eididify.blogspot.com

 


PinkCath's picture

Nice One...

Gising-gising din kasi pag may time!

 

luv u sis!

 

 

simpleng pinkCath lang po!

5182EiDiDiFy's picture

Luv ka d'yan...   Thank you

Luv ka d'yan...

 

Thank you ng Big! pag-gising move-on, move-on din pag may time!

 

Eididify 4 is comming!

 

maharot, malikot titik sa aking tuktok!