Isang Basong Kape!

rose's picture

 Sa Isang semenar na pang simbahan nakilala kita, Unang bungad

" Hi! Kuya, sana matapos mo itong semenar na ito" .

Tatlong araw na semenar na mabubusog ka ng salita ng diyos,

Tatlong araw na pwede mabago ang pananaw mo sa buhay mo,

Tatlong araw na pwedeng mabago ang buhay mo,

Tatlong araw na pwede mo maramdaman na marami palang nag mamahal sayo.

Tatlong araw na pwede mong matagpuan ang taong makakasama mo habang buhay. 

Tatlong araw na pwede mo makilala ang taong magpapabago sayo.

Tatlong araw na pwede mo maisip lahat ng mga masasamang nakaraan mo at

Tatlong araw na pwede mo mapatawad ang mga taong nagkasala sayo.

Napakagandang semenar ito, marami ka matututuhan at dito mahuhubog ang lalim ng paniniwala mo.

Sa tanong ko na " sana matapos mo ang 3 araw na semenar na ito", sumagot ka okey lang bakasyun naman ako eh. Unang kita at tama palang ng ating mga mata may kislap na at kung anong kilig ang naramdaman. Tanong ko sa sarili ko? " kilala ko ba itong tao na ito"? san ko ba siya nakita at nakilala?

Unang araw ng semenar" kuya pag may kailangan po kayo, nandito kami para pag silbihan kayo" dahil sa klase ng semenar na ito sila ang mga kuya at ate na mag-aaral at kami ang kanilang sponsor na lahat ng kailangan nila sasabihin nila sa amin at ibibigay namin sa kanila.

Humingi si kuya ng isang tasa ng "Kape", sa pag kakabigay ko sa kanya meron kaba akong naramdaman at sa tuwing siya'y lalapit may kung anong kilig or kung anong kuryente ang dumadaloy sa akin.

Nakaupo siya habang nakikinig siya ng mga talk , iba pala ang naiisip niya. Yung iniisip ko rin kung magkakilala kami at kung san kami nagkita. Amazing diba? natapos na ang isang araw nagkaron ng pagkakataon na makapag usap,

tinanong niya ako "magkakilala ba tayo"? kasi you look familiar? sabi ko NO! sabi niya ahhh okey baka kamukha mo lang or nagkasalubong tayo somewhere. sagot ko siguro nga! Kinamusta ko siya kamusta ang first day sa semenar ? sagot niya " okey lang, nakaka inspired, madami ka matutunan" parang ma eenglighten ka." tapos sagot ko" buti naman sana matapos mo itong 3 days." sabi niya opo naman , tatapusin ko ito.  Bago siya umalis sabi niya ate ang sarap ng kape mo.  

pangalawang araw, ako ulit ang nakita niya sumasalubong sa kanya patungo sa upuan niya. " pangalawang araw, nanghingi ulit siya ng kape ,". aba nagayuma sa kape. hindi pa nag uumpisa ang semenar nagkaron kami ng pagkakataon na makapag  usap, kung taga san siya at san siya nag wowork. At nalaman ko na isa pala siyang OFW na nag tatrabaho sa Jeddah at ako naman ay isang din na nag tratrabaho sa Qatar. Halos marami kaming mga bagay na magkakatulad, one thing is the nature of our WORK , he is god fearing, matured at mapagmahal sa pamilya niya. At nakaka amazed sa age niyang 35 he still single, bachelor at walang anak. Huuummpppp! at ito pa nung time na yun may isang bagay siyang iniiisip. " SANA DALAGA PA SIYA"????

Okey nakikita ko sa semenar focus siya at talagang nakikinig sa mga talk, may dala siyang bible. natapos na naman ang dalawang araw , masaya siya lalo daw siya na inspired sa mga salita ng DIYOS AT SA MGA TAONG NAG BIBIGAY NG MGA TALKS.

3 Days, graduation day. sabitan ng sampaguita, greetings sa isat isa congrats and welcome and I LOVE YOU WITH THE LOVE OF THE LORD . That is our MAGIC WORDS. Dito siya nag karon ng pagkakataon na mag tanong, nung oras na iyun lumapit sakin ang pamangkin ko dahil isa sa mga nag semenar at kuya kong panganay .

lumapit ang bata , nakita niya nag tanong siya " ANAK MO"? sagot ko hindi pamangkin ko" sa isip niya hay salamat , wala pa yata siyang anak". maya maya nag tanong siya may asawa kana? sagot ko wala pa at walang balak". doon siya nag karon ng pagkakataon na kilalanin ako. Bago siya bumalik ng abroad umakyat siya samin at kinilala ako at pamilya ko." Noong oras na iyun ay naghihintay rin ako ng flight ko pabalik ng qatar, dito kami nag umpisa , sinuyo niya ako, pinatunayan niya ang pure intention niya at pinatunayan niya na seryoso at mahal niya ako.

Naging long distance relationship kami , masaya kahit malayo sa isat isa, dahil naniniwala kami ang ang bridge namin ay si "LORD" MADE FROM HEAVEN NGA RAW. foundation namin ay ang Tiwala, Pagmamahal, Respeto sa isat isa at kahit malayo kami sa isat isa lalong lumalalim ang pagmamahal namin sa isat isa. We almost the same situation in life, halos maraming mga bagay na similarity kami, iba pala talaga kapag si GOD ang naging bridge at naging way ng pagkakilala ninyo.

Nagiging masaya ang lahat kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa ninyo. Nakokontento kayo kahit malayo kayo sa isat isa, mararamdaman mo na mahal ninyo ang isat isa.

 

AT SA PATULOY NA PAG DARASAL NAMIN AT PAG HINGI NG GABAY. PINAGLAPIT KAMI NI LORD NGAYUN MAGKASAMA NA KAMI DITO SA QATAR, MASAYA AT PUNONG PUNO NG PAGMAMAHALAN SA ISAT ISA. Kaya ang sarap balik balikan ng nakaraan unang araw na nagkakilala kami. Nagkakilala kami na nasa healing process ako mula sa aking pagkabigo , pagkadapa, pagsubok. siya ang nagbigay sakin ng pag-asa at siya ang nagturo at nag paramdam sakin nang salitang TUNAY NA PAGMAMAHAL.....