Ikot

turtlethoughts's picture
|

Sige halika iyong bunutin.

Mga damo at halaman ko iyong kunin.

Mga Punong matataas iyong putulin.

Di ko sila kailangan dahil pag bumaha di ko sila iisipin.

 

Basura mo sa aking dagat itapon.

Plastik at kemikal sa aking ilog umahon.

Usok at polusyon sa aking hangin hayaang maipon.

Di ko kailangang umiinom o  humihinga maghapon.

 

Ubusin mo ang mga hayop saking kagubatan.

Tibagin mo ang bundok saking kabundukan.

Kalbuhin mo ang aking kalikasan.

Dumihan mo ang buong karagatan.

Butasin mo ang Osona sa kalangitan.

Akoy walang pakielam.

 

Hindi naman ako malapit nang mamatay. 

Iikot ako sa araw hangang itoy tumamlay.

Kasama ang ibang planeta at buwan na gabay.

Ikaw ba gusto mo pa bang sumabay?

Jayson Pimentel

Similar entries