IDOL KO SI SIR

CLOSET WRITER's picture
| |
IDOL KO SI SIR
MICHAEL JUHA
CENTRAL BOOK SUPPLY INC.
2009
108
P250.00
                          BOOK COVER
 
Sa wakas, nakabili na rin ako ng librong IDOL KO SI SIR” na sinulat ng ating kasamahan dito na si Mike Juha. Una na n’yang nailathala ang kwentong ito dito sa Filipinowriter.com na sinubaybayan ng karamihan sa atin. At eto na nga, ang ating sinubaybayan noon ay naisakatuparan ng maging ganap na libro ngayon.
 
Ayon nga sa may akda; ang kwento ng “Idol ko si Sir” ay hindi lamang tungkol sa naiibang pagmamahalan. Ito ay kwento din sa pagtuklas ng pagkatao, sa sekswalidad, sa paninindigan, sa pagtanggap ng pagkakamali at sa pag gawa ng kabutihan para maituwid ang anumang pagkakamaling nagawa sa buhay. Ito ay kwento ng tagumpay na nakamit sa kabila ng mga pagsubok, paghihirap at kabiguan.
 
Isa ako sa mga natawa, kinilig, naantig ang puso, napaiyak at umunawa sa naiibang kwentong ito ng pag-ibig. Bagamat kakaiba ang tema ng nobela, ito ay isang makatotohanang mukha ng buhay. Buhay na puno ng hamon at hinarap ng may bitbit na pag asa anuman ang iyong pagkatao at katayuan.
 
Ang aklat ay may labingdalawang kabanata. At ang pinaka paborito kong bahagi ay ang panglabing walo. Ito yong bahagi ng kwento na talagang kumurot sa aking puso at tumatak sa aking isip. Noong una ko pa man nabasa dito ang kwentong ito, ang bahaging iyon na ang talagang nagpaantig sa akin. Sa pangalawang pagkakaton na binasa ko ang book version ay lalo akong naaliw. At iyong bahagi na binigyan ko ng negatibong komento noon ay lubos kong naunawaan sa pagkakataong ito.
 
Sana’y magsilbing inspirasyon ang librong ito sa ating lahat na nangangarap na maging ganap na manunulat na makamit ang ating mga hangarin.
 
Congratulations sa ‘yo Mike, ISA KANG IDOLO, SIR.
 
Mabuhay ang FW!
 
LET’S SUPPORT FILIPINO WRITERS. PLEASE BUY YOUR COPY NOW!!!

jonsdmur's picture

congrats kay MIke


Balarila - Wastong Gamit ng Salita

 

Hindi pa ako nakakabili ng libro... siguro pag naka balik na ako sa manila... malapit na siguro un.... minsan ko na rin nabasa ang kwento, at masasabi kong nagandahan ako...

Congrats talaga! Maganda sana kung may autograph kapag nagka copy ako.... 

Godbless

jons

Hi Jons!

Musta ka na?

Ako heto... alam mo, on 29 ng Sep na-operahan ako for gallstones! Ah, grabe naman buhay na to, parang fiction - hehe. May meniere's na nga, tapos heto, wala nang gall bladder! Anlalaki ng "mga" bato huh!  

At dito pa sa Saudi ako na-operahan, arrggg! Kakatakot na experience. Pero, Thank God naman nakaraos din.

I'm ok now, siguro 90% I can say that. 

Bili ka na sa book ko, hehe. Sige, may autograph yan. :-)

Kaw, musta na? Ingat!

jonsdmur's picture

makakabili din ako niyan...

 

 

 

Layo kasi ng bookstore dito.... nasa taas kasi ako ng bundok ngayon.... diba pwedeng bumalik ang bato? may relative kasi ako na nagka ganyan yata... sana okay na ung sayo... at wag nang bumalik... pray natin yan...

50k yata ang operasyon diyan... siguro mas mahal sa pinag operahan mo.... 

heto okay naman... sana maging okay pa.... ingat ka diyan.... Godbless

jons

Sa taas ka ng bundok? Hanu

Sa taas ka ng bundok? Hanu ginagawa mo jan? Baka may raket ka na jan ha? :-)

Wag naman sana bumalik. Sa kinakain to eh... at lifestyle. Isa nga din daw sa cause ay iyong agarang pagpapayat... Tumaba kasi ako at biglang nagpapayat. At laki ng nawala sa akin in 1 month lang, as in starvation diet talaga! Doon na umaatake din ang meniere's ko... :-(

at heto ngayon, lumabas ang bato... Sana naman wag na bumalik. Wala na akong gall bladder, baka sa kidney o liver naman papasok yang bato na yan.  Binibiro nga ako ng iba bakit daw ako nagkakain ng bato. Ganun? Sige, magkakabato din kayo, hehe.

Ang operasyon ko naman ay insurance. Ewan magkano dito. At laparoscopic ang tawag sa operasyon, iyon butasan lang ang tyan ko, i-insert yung instrument at camera, di na pinapasok ang kamay nila... Per syempre, masakit pa rin ah (pagkagising ko...)

Ok jons, ingat ka din. God bless!

Thanks CLOSET WRITER!

Arrrgggghhhhh! Wala akong masabi. Noong mabasa ko ang pamagat “Idol Ko Si Sir” akala ko kung ano na. Kinabahan tuloy ako.

 

Una, salamat sa pag-plug mo sa libro ko dito. Sa totoo lang, kulang ako sa “self-confidence” sa gawa ko. Kaya parang nawalan na ako ng ganang mag-advertise, hehe. I mean, noong mapasubo akong magsulat, at natapos ang kuwento, alam kong napakadami ko pang kailangang malaman sa pagsusulat at alam kong napakadami ko pang dapat i-improve.

 

Ngunit talagang hindi yata ako maawat sa pag-aambisyong magkaroon ng libro kaya naghanap ako ng paraan upang matupad ang pangarap kong ito. Ang nasa isip ko talaga ay, “Magkakaroon ako ng libro sa ano mang paraan at NOW na! Kung hindi man siya papansinin, at least may libro ako.” At nakita ko nga ang Publish On Demand (POD) na kapag may pera ka lang, magbayad ka, at wallah! May libro na.

 

(Kapag dadaan kasi ako sa kuku ng mga publishers, wala ding mangyayari, dahil... sino ba ako? Hehe).

 

Kaya noong nagbakasyon ako sa Pinas noong August, hayun, isinakatuparan ko na ang aking nag-uumapaw na hangarin. Tinapos ko ang mga requirements, at within 1 week, tapos na ang book ko! Waahhh! Ganyan ka bilis! At noong nakabalik na ako ng Saudi may mga kopya na akong dala!  

 

Anyway, share ko lang... dalawa ang problemang haharapin ng isang taong may balak pumili sa POD option sa pagsasa-aklat ng mga gawa nila:

 

1)      Gastos. Sariling gastos ang ganitong option. Php 9,500 ang pag-process nila... Sa halagang ito, sila na ang mag-process lahat kasama na ang pag-apply ng copyright, ISBN, contract, etc. (Note: hindi sila nag-eedit ng mga gawa. I-print lang nila kung ano man ang nasa hard copy at soft copy mong i-submit sa kanila). Another gastos ay sa pag-kopya ng books. Halimbawa, required kang magpa-print ng at least 50 copies at babayaran mo iyan (sa type ng libro ko it was Php 130 per book). Nagpa-print ako ng 75 copies which was worth 9,750). Ang mga kopya na ito ay siya namang ide-display nila sa mga bookstores nila (8 branches all over the country). May share sila sa kikitain at kapag naubusan na ng kopya, they will automatically do reprints and you will receive 70% royalties na for the reprints. So, sa kaso ko, I spent about 20K in all. Para sa akin, OK lang. The 20K was just the right price for the feeling of having my dream come true. At kapag nabawi ko naman iyon, o kahit part lang noon, para sa akin, bonus na iyon.

2)      Kung pera ang habol mo sa option na ito, kailangan mong kumayod upang kumita ang libro mo. Pag-aralan, gumawa ng marketing strategy. Syempre, may risk. Halimbawa, kung gusto mong mag-display sa mga kilalang bookstores, pwede rin. But again, gagastos ka dahil kapag nagpa-print ka for displays/stocks sa mga bookstores na iyon, magbabayad ka sa publisher mo per book reprint. Sa kaso ko, kahit I would have wanted to go that far, ang problema, wala na akong time at pabalik na ako dito sa Saudi. Pero... may next time pa naman. So sa ngayon, sa Central Books lang ang mga displays.   

 

Marami akong natutunan lalo na sa mga balarila, spelling, at usage ng mga salitang Tagalog dito sa FW, batay na rin sa mga suggestions ng mga myembro (ang iba sa kanila ay binanggit ko sa libro ko). Ang drawback lang ay dahil sa tapos na ang final copy ko for submission at sa pagmamadali na rin dahil nga sa may deadline ako, nahirapan na akong i-correct ang lahat ng mga mali. Kaya, mayroon pa rin siyang mga mali-maling spelling at usage na rin. Pero, syempre, I took it as a lesson. Gagawin ko man uli ang ganoon, I have to make sure na malinis ang lahat.

 

Opps! I tried to approach din pala sa serbisyo ng isang “editor” para sa libro na iyon at nalula ako sa presyo – 20K!!!. Wow! Kaya sabi ko, huwag na. Ok na to...

 

Kaya iyon, go-go-go pa rin.

 

Kaya sa iyo, Closet Writer... Salamat. Sobrang happy akong nakita ang porma ng libro ko dito sa FW. Yeheeeyyy!

 

Para doon sa ibang gusto ring magka-libro at handang gumastos at mag-risk... Pwede rin kayong magka-libro, na hindi na dadaan sa pag-aaply sa mga publishers.

 

Mabuhay ang FW!

CLOSET WRITER's picture

be proud!

its my honor Mike to promote your book. naniniwala kc ako na may potential ang book na ginawa mo. you should be proud dahil malaking achievement yan. ako nga kahit pocket book size lang at newsprint eh solb na ako, matupad lang ang ilusyon kong magkalibro,haha.

pasensya na medyo malabo pagkakascan ko ng cover.

parang ok na rin ang mag self-publish, kaya lang sana kasama na sa service nila yong editor kase di naman lahat ng mali ay mapapansin ng author. eh yong editor na sinasabi mo katumbas na rin pala ang fee ng buong process sa pag gawa ng book.

im thankful na naging maliit akong bahagi sa pagtupad ng yong pangarap.

ingat lang sa health. wag na sana bumalik ang bato gaya ng sabi ni jons,haha.

Thanks talaga ng marami

Thanks talaga ng marami closet... :-)

Oo nga eh. Dapat kasama na rin ang editing service nila. At saka sana kasama na din sa site nila ang pagpo-promote ng book. Parang di pa sila masyado nag explore ng mga pamamaraan to help their clients eh. Bago pa lang yata kasi. Hinahayaan nila ang kanilang mga customers na maghanap ng paraan upang magmarket sa books nila. E, konti lang ang kanilang mga branches/book stores at di pa kilala...

But at least, ok na merong ganitong option para doon sa gustong magkalibro...

Kaw din closet, ingat ka din at sa health lalo na...

San ka sa atin?

CLOSET WRITER's picture

meron...

meron akong kilala na author. 18 lang sya nong ginawa nya yong nobela nya. tinanggihan sya ng 3 big publications d2 sa atin. ginawa ng parents nya, nangutang sila para i-self publish ung libro ng anak nila. that was 2005, naging number 1 best seller sa National bookstore ang libro until now. tapos last week narelease na ang English version intended for international market. ang ganda ng success story nya.he was even invited sa ibat ibang local talk shows like Sharon,Boy Abunda, Y speak, QTV etc. and im wishing the same thing sa yo Mike at sa iba pang mga aspiring writers.

d2 lang ako sa pali-paligid ng Metro Manila, Mike.

Malaking THANK YOU! Talaga

Malaking THANK YOU! Talaga sa iyo, Closet...

I have not heard about that success story pero may narinig na akong mga kasong ni-reject na mga gawa ng publishers and went on to become best sellers, and the authors became famous. Nakaka-inspire...

Para sa akin, happy na ako na nagkaroon ng book. But, of course, I won't stop there. Sa pag-uwi ko ngayong Mayo, ang next target ko ay makipag-negotiate with big bookstores para mai-market ko ang book ko sa mga branches nila. (Ambisyoso - hehe)

Alam ko, i will spend a lot of money for that, and it's going to be a big risk. OK lang. I believe kasi na minsan, kailangan ko ding i-push ang limit ko, try to do something I've never done before, or venture into a huge risk at least once in my life. Hehe! Pumalpak man, at least masasabi ko sa sariling, "Well, I tried that..."

Again, salamat sa pag-inspire mo sa akin Closet... The more na i-pursue ko talaga plan ko this coming May.

Hope to see you around. Ingat and God Bless!

CLOSET WRITER's picture

MALAKING WELCOME Mike :)

Go Mike, your dreams and ambitions will take there. sabi nga nila, you'll never know until u tried it.

yes, i have to see you on May, mahalaga ang autograph :)

and i hope na makabili ka rin nong sinasabi kong book.

keep it safe MJ.

Hehe. Hmmm. Sarap mangarap.

Hehe.

Hmmm. Sarap mangarap. :-)

Ano nga pala pamagat noong book?

Ingat Closet...!

ilyana's picture

Hello

Pwede bang paki picture yung book mo? nang mas madali naming mahanap??

 

Maganda narin siguro ang self publishing, kahit na magastos, kung doon ka naman makikilala diba? Dito nga ang mahal ng self publishing, starting fee nila is £800 pounds, pero i e edit nila ang book mo, then ibebenta sa mga sikat na bookstore dito, pati na sa Amazon.co.uk.

 

Anways-congrats parin sayo...

Hi ilyana! Thanks for

Hi ilyana!

Thanks for dropping by.

Yung picture ng book, iyan na yang picture ni closet writer dito.

Nakita ko din sa net yang mga POD like Xlibris, iuniverse, Trafford, Dorrance, madami akong pinagpipilian. Actually, kung hindi ko nakita ang central books, either sa iuniverse o xlibris ako magpapublish. Ok lang sa akin ang price nila $600+ (ba yun?) kasama na ang copyright, ISBN, etc... at yun nga ipo-promote nila at ibebenta sa amazon.com at barnes ba yun?

Nagdadalawangisip lang din ako kasi, syempre, tagalog iyong aking libro at kahit sikat pa ang magbebetang bookstores or sites, limited lang ang market dahil sa tagalog na nga, di naman kilala ang writer... Kaya sabi ko, dito na ako sa central, mura na, nakikita ko pa ang opisina nila at nakakausap ang mga staffs.

Salamt sa iyo ilyana, at sa suporta.

Junjun Masagca's picture

Kapatid, saan ba ako

Kapatid, saan ba ako makakabili ng sipi ng iyong aklat na ito? Dito ako sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Kung sakaling makaluwas ako ng Manila, saan ako makakasumpong niyon?

Outlets

Hi Po...

 

Heto po ang mga outlets ng CENTRAL BOOKS SUPPLIES na siyang nagdistribute ng book:

Central Books & Book Store Outlets:

Quezon City
927 Quezon Avenue Phoenix Building
Tel: (632) 372-3550-52 ext.31

Makati City
Ground Floor (inside Bridges Bookstore, beside Zara across Marks and Spencer)
Glorietta 3 Mall Ayala Center, Makati City Tel: (632) 892-7050

Morayta Manila
Ever Gotesco Mall CM Recto cor Nicanor Reyes St, Manila Tel: (632) 734-6178

Ortigas Center - Metro Manila
SM MegaMall
5th Level Building A
Tel: (632) 638-1088

Cebu City
GV Building P. Del Rosario St.
Tel/Fax: 253-0784

Cagayan De Oro City
Limketkai Mall
West Concourse
Lapasan, Cagayan de Oro City
Tel.: (088) 856-6961

Davao City
19 A Building D
Aldevinco Shopping Center
Roxas Street
Davao City
Tel: 224-1070
Fax: 221-7691

Iloilo City
Robinson's Place
Mabini Wing
Ilioilo City Tel: (033) 320-8159

or visit - http://www.central.com.ph

 Salamat!

chris2pei's picture

wow!!

congrats Sir Mike Juha!!

sana makabili ako nyan at mabasa

nai-inspire lalo ako xD