Ibang mukha ng entablado

 
 
Makata'y Mandirigma, Mandirigma'y Makata
 
          Ang dulang "Makata'y Mandirigma, Mandirigma'y Makata" ay ang kauna-unahang dulang aking napanood kamakailan lamang. Sa tulong ng aming Guro at ilang kamag-aral napagpasyahan namin magtungo kung UP theater kung saan gaganapin ang nasabing dula.
 
         Marami ang taong nagsidalo kabilang ang mga estudyante at guro na nagmula sa kilalang unibersidad upang masaksihan ang pagsasadula. Higit na nabuhay ang kapaligiran ng magsidatingan ang tumpok ng kabataan upang mapanood rin ang pagtatanghal.
 
         Matagal rin ang paghihintay bago pa man tuluyang simulang ang pagtatahangal. Naging tatak na ng mga ang kaugaliang, walang batayan ng oras o "Time management". Nasabi ko na rin sa aking sarili na ang dulang aming matutunghayan ay pangkaraniwan lang, kadalasa'y pasalita lamang ang bawat eksena at sinasabayan ng pag-arte sa entablado. Ngunit nag pagiisip ay nabago. Maganda at nakatatawag pansin ang panimula ng dula. Ito ay isang Musical Play. Ang mga diyalogo ay nilalapatan ng ritmo at saliw ng musika at inaawit sa bawat tagpo ng pangyayari. Nabigyan pansin din ang ilang obrang sining si Joma na ginamit na instrumento upang mapaganda ang istorya. Ang bawat karakter ay mahuhusay na nagsiganap at nabigyan buhay nila ito. Nakatutuwang makita din ang isa sa karakter ng dula, ang partisipasyon ng isang Guro na gumanap na heneral ay nagtuturo sa pamatansang aking pinapasukan. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari mula simula, kakalasan hanggan sa katapusan. Hindi man maiiwasan ang technical Problem sa Audio agad naman itong naisayos. Ang mga pasalitang diyalogong ginamit ay higit na pinag-isipan dahil sa tugma at indayog ng ng bawat salita.
 
         Ilang sa mga kaganapan ang tumatak sa aking isipan. Una dito ang Hapon tagapagbantay ng kulungan ay napagbago ng pangunahin tauhan gamit ang midyum ng TULA. Ikalawa naman ang heneral na naging komedya ang kanyang ganap marahil dala ng kanyang personalidad.
 
        Sa humigit kumulang isa't kalahating oras ang kabuuan ng dula. Marahas man ang mga eksena sa wakas ay mananaig pa rin ang kabayanihan ng mga pilipino na magtatanggol para sa kalayaan.  At Dito nagwakas ang maganda dulang "Makata'y Mandirigma, Mandirigma'y Makata" sa magandang productions.