Huling Silay: Pinoy Tanka

by Espilehiyo ( | )

p.p1 {margin: 0.0px 0.0px 0.0px 0.0px; font: 12.0px 'Times New Roman'} p.p2 {margin: 0.0px 0.0px 0.0px 0.0px; font: 12.0px 'Times New Roman'; min-height: 15.0px}

I
tila ‘sang tinghoy
bituing kumukurap
sa kadiliman—
nagbabadyang pagpanaw,
mitya ng gabing tapos

 

II
ang pagtilaok
ng tandang sa umaga
ay waring koro
na alay sa naglahong
munting ilaw sa langit

 

III
tanghaling tigib
ng init, alikabok,
langisang pawis—
bituing ibinaon
sa liwanag ng araw

espilehiyo

Balita? :)