Huling Pintig (End)

napoleon1815's picture
| |

UMIIBIG na nang husto kay Melanie si Enrico. Hindi na lang ang katawan ng dalaga ang nais niyang maangkin; gusto niya itong maging legal na asawa, alukin ng kasal sa simbahan.

Hindi niya pansin ang kanina pa nakatanga-naghihintay na mga batang yagit, nais magbenta ng junks na nasa sako.

Tuloy ang takbo ng isip ng binatang trabahador ng sariling junkshop. “Wala akong pakialam na siya ay ginawang EVP ng tatay kong super-yaman. Kapag pumayag pakasal sa akin si Melanie ay ako ang bubuhay sa kanya hindi ang pera ng aking ama!”

Parang naulit ang eksena noon na may mga batang naghihintay kay Enrico. Ang kaibahan lang noon, si Enrico ay natutulog.

Ngayo’y gising ang binata pero lumilipad ang diwa sa babaing pinakamamahal. “Sa simbahan sa Intramuros kami pakakasal.

Doon na rin ang reception. Ipagagawa ko si Melanie ng wedding gown na likha ng sikat na couturier! Aarkila ako ng Mercedes Benz para sa aming wedding car!

“Kukunin ko si Vicki Belo bilang principal sponsor! Pati si Vice-President Binay at si Robert Jaworski!

“Si Sarah Geronimo ang wedding singer! Ipakakanta ko ang favorite songs ko-- ‘Hawaiian Wedding Song’ saka ‘Baleleng’!”

Nagkakatinginan ang mga batang yagit. Hindi nila maintindihan kumbakit napapangiti sa sarili ang guwapong lalake habang bubulung-bulong. Nalipasan kaya ito ng gutom?

Kinalabit na siya sa braso ng batang lalaki. “Boss, eskyus po…magbebenta po kami…” 
“May pandesal pa po ba saka gatas?” dagdag ng dalawang batang babae, mga payat din gaya ng batang lalaki, mga gutom.

Naputol ang daloy ng isip ni Enrico pero hindi siya nainis. Awa ang muling nanaig sa kanya para sa mga yagit ng lansangan.

“Pol! Pandesal at gatas! Ngayon na!” sigaw niya sa tauhang binatilyo. “Tiyakin mong walang langgam ang tinapay at hindi panis ang gatas!”

”Opo, Ser Enrico! Hoy, mga bata dito tayo! Dito!”

 

DINNER time. Magkakasalo sina Don Pedro, Candida at Melanie. Exclusive section ng isang 5-star restaurant.

“Gusto ko lang ibalita, Tito Pete, Mommy, wala na akong problema sa murang supply ng used aluminum. Nakipag-deal na sa akin si Enrico Soler.”

Muntik masamid ang don; si Candida ay natigilan. Pareho sila ng naisip agad: Ano kaya ang naging kapalit ng pagpayag ng ‘arrogant bastard’ something indecent?

Pero naunahan sila ng kuwento ng dalaga. “Tito Pete, buking ka na ni Enrico. Natiyak na niyang ikaw ang old man na may ‘sore eyes’ at nagpanggap na namumulot ng scrap.”

 

 

 

NASAMID na nga si Don Pedro sa ibinalita ni Melanie.. Imagine, nabuking na raw siya ng anak na si Enrico; alam na nitong siya ang matandang may 'sore eyes' kuno at nagkukunwaring magbabasura. “A-Are you sure, iha?”

Tumango ang dalaga. “Yes, Tito Pete. Iyon ang sabi sa akin ni Enrico. Akala pa nga ay alam ko. I was actually surprised na you went into all that trouble, sir.”

Napabuntunghininga ang amang nagtatago. “Malamang na may kinalaman ang edad ko sa aking mga ginagawa, Melanie, Candida. Nasa last leg na ako ng aking buhay... Nais kong mamatay na tahimik, nasa ayos na ang lahat.”

Kinilabutan si Candida. “Pete naman, walang ganyanan. You are not that old. Kaedad lang tayo nina Nora Aunor at Vilma Santos. Bata pa tayo sa Apo Hiking Society at sa The Beatles. Carlo Caparas and GMA and Bill Clinton are even older than us.”

“Oo nga naman ho, Tito Pete. Besides makisig pa kayo and you don't look your age. Papasa pa kayong late 40s, trust me,” segunda ni Melanie sa sinabi ng ina.

Ngumiti ang don, napailing. “Ewan ko ba...at my age parang kaytagal-tagal ko na sa mundo. Para bang jurassic na ako...”

“Hindi ka pa mamamatay, not in a long time, Pete. Stop it. Iba na lang ang pag-usapan natin, okay?” sabi ni Candida, may halong pakiusap.

“Pero gusto ko pa ring malaman ang saktong palagay ni Enrico, ganitong nabuking niyang ako 'yung matandang nagbalatkayong mahirap. Melanie, please elaborate. Galit na galit ba siya...?”

“Opo, Tito Pete. Kasi raw po ay natanga ninyo siya. Naghahanap po siya ng motibo. Ang naisip niya pinagtatawanan ninyo ang kanyang sinapit. Lalong natanim daw sa inyo na siya ay born loser.”

Napailing ang don. “Hindi totoo, iha. That is farthest from the truth. Hinahangaan ko na siya sa kanyang pagsisikap. Suddenly ay naging responsible siya, hindi na ang iresponsable kong anak; lalong hindi na ang 'arrogant bastard' na ikinhihiya ko noon.”

Nagkatinginan sina Candida at Melanie. Mangha sila sa 'confession' ng don. Akalain ba nilang may pusong mamon din pala ito sa anak na kaytagal kinamuhian?

“Pete, ano pa ang hinihintay mo?”

“Ano'ng ibig mong sabihin, Candid?”

“Go to him! Tell him you are now proud of him!”

Napalunok ang don. “K-Kaya ba ng...aking pride?”

Kasingtaas nga pala ng Mount Everest ang pride ng kanyang asawa, narealize ni Candida. Si Melanie ay tahimik na nag-aanalisa.

“Linsyak na pride 'yan, Pete. Dapat mo nang ibaba 'yan.”

“Pinipilit ko nga. Ako mismo ay nasusuklam sa kataasan ko. Alam kong this is no longer healthy, Candid.”

“Wait, may nais pala akong itanong dito kay Melanie,” biglang sabi ni Candida.
Kinabahan naman si Melanie. Halos alam niya ang uusisain ng ina.

“On na naman ba kayo ni Enrico, ha, Melanie?”

Tanggi agad si Melanie. “Hindi po, Mommy. Girlfriend ni Enrico ang aking assistant na si Monet. Wala akong planong makigulo sa kanilang love affair.”

“Pero mahal na mahal mo pa rin si Enrico?”

Napalunok si Melanie. Masasabi ba niya sa ina na mamahalin niya si Enrico hanggang sa huling pintig ng kanyang puso?

 

 

“MELANIE, answer me, anak mahal mo pa rin ba si Enrico?”

Paiwas ang sagot ng dalaga. “I told you, Mommy, may girlfriend for 2 years now si Enrico. Imposibleng makigulo ako.”

“Mali ang sagot mo, anak. Ang tanong ko kung mahal mo pa rin si Enrico despite all his faults and shortcomings?”

Napatingin kay Don Pedro si Melanie. Kaya ba niyang sabihin sa harap ng ama ni Enrico at sa mommy niya ang tunay na laman ng kanyang dibdib? Na mamahalin nga niya si Enrico hanggang sa huling pintig ng kanyang puso?

Kahit pa hindi sila magkatuluyan nito?

“Iha, hindi ako dapat makaimpluwensiya sa anumang sagot mo. Tatay lang ako ni Enrico. Feel free to voice your feelings.”

“P-pribado ko na po iyon, Tito Pete, Mommy. Ako na lang po ang dapat makaalam sa damdamin ko pagdating sa pag-ibig.”

Nagkatinginan ang stepdad at ang mommy.

“Very well, anak, hari ka ng iyong kalooban. Ikaw naman ang magpapasya talaga. It’s your life and happiness, anyway.”

“Pero nais ko lang ipaunawa na malaki na ang ipinagbago ni Enrico Soler when it comes to character. Hindi na siya ang dating mayabang na mayaman na laging lulan ng kanyang BMW, walang alam, walang pakialam sa takbo ng mundo.

“Si Enrico Soler po, Tito Pete, Mommy, ay nagtitiyagang mabilad sa init ng araw, hindi alintana kung siya ba ay iitim…maitim na siya, actually.

Sunog sa araw…Si Enrico po ay 100 percent nang responsible, nagsisikap bumangon sa kahirapan, matulungin sa mahihirap laluna sa mga batang yagit. Pati nga mga asong gala ay pinakakain niya…”

“Whoa, iha! Ako kanina ay umamin na na I’m proud of my son! Sabi nga ng mommy mo, nitong si Candid, ay oras na para ibaba ko ang aking pride; to be at peace with my only son!”

“Anak, nakita na namin ni Pete ang point mo. Karapatdapat nang mahalin ang lalaking dating nang-api sa iyo sa pag-ibig…”

“May hanging question pa kami ng mommy mo, iha ano ang hininging kapalit ni Enrico para mapapayag mo sa aluminum deal?” kyuryosong tanong ni Don Pedro. “I know my son…hindi basta nagpapauto ‘yon. Laluna at alam kong nagalit siya dahil ikaw ang ginawa kong EVP ko itsa-puwera siya kahit anak ko siya…”

“Anak…concerned lang naman kami ni Tito Pete…baka naman ikaw ang nasa losing end, ang agrabyado…”

“Maniniwala po ba kayo na biglang nabago ang sitwasyon? Ako na po ang kanyang Reyna. Dineklara niyang sinasamba niya ako at siya ay aking alipin!”

Mangha sina Candida at Don Pedro sa sabi ni Melanie.

 

 

 

HINDI makapaniwala sina Don Pedro at Candida sa ihinayag ni Melanie kaugnay si Enrico. 
   

“Itinuturing ka nang Reyna ni Enrico, anak?  Hindi ka na niya busabos sa pag-ibig?” Inulit ni Candida ang sabi ni Melanie.

“At…sinabi pang ikaw ay kanyang sinasamba, iha?” paniniguro din ni Don Pedro, napapantastikuhan sa turn of events.     “My son…?”

May pagmamalaking tumango si Melanie. “Opo. Literally ay sinusunod niya ang utos ko…”
Pero hindi sasabihin ni Melanie na kapag yakap na siya at hinahagkan ni Enrico ay siya na naman ang nais maging alipin ng binata.

“Amazing!” komento ni Don Pedro. “Puwede palang paamuin ng babae ang anak ko!”

“Ito’y tagumpay ng kababaihan, Melanie.  Mabibilang sa daliri ang mga ganitong pangyayari tungkol sa pag-ibig!”

Nag-blush si Melanie. “H-Hindi ko naman po sinabing  kaugnay ito sa pag-ibig, Mommy. What I said is that there is a reversal of fortune, sort of.”

Muling nagkatinginan sina Don Pedro at Candida. Nababasa nila ang damdamin ni Melanie.

The lady is definitely in love!

Gayunma’y may duda bilang ina si Candida. What if the guy is just out to fool Melanie again? 

Paano kung pinadadama lang ang kanyang dalaga para paghigantihan?  Imposibleng hindi nagtanim ng galit kay Melanie si Enrico sa pagkakahirang  ng dalaga bilang EVP ng lahat ng business concerns ni Don Pedro.

Paano kung si Melanie na naman ang maisahan ni Enrico?  Paano kung sa susunod na pagkakataon ay iwan nang luhaan at buntis si Melanie?

“Melanie, anak…huwag basta magtitiwala.  May history na siya ng panglalamang sa iyo, baka nalimutan mo?”

Napaigtad si Don Pedro sa sabi ni Candida.  Bilang ama ni Enrico ay nasaktan ang don, siyempre.

“Candida naman, anak ko ‘yung pinipintasan mo…”

“Pete, nagpapaalala lang ako sa aking dalaga. Vulnerable si Melanie sa pag-ibig. Kapag umibig ito’y todo-todo, bigay lahat. Hindi na nakapag-iisip.  Paano kung mabuntis, ‘yun pala ay iiwan lang sa kangkungan kakawawaain lang pala?”

“You are prejudging my son, Candid.  Posible rin kasing talagang sinasamba na niya si Melanie. Which means Enrico loves your daughter very much,” mahabang salag ng don, halatang napipikon.

“Huwag po tayong mauna sa pangyayari. Kasinglabo po ng Ilog-Pasig na kami ay magkakatuluyan ni Enrico Soler.  Inuuto ko lang po siya bilang ganti sa pang-aapi niya sa akin noon.” 

Lalong napakunot-noo ang don. Hindi matanggap na tatangahin lang ni Melanie si Enrico.

 

 

SUMAMA lalo ang loob ni Don Pedro sa pahayag ni Melanie tatangahin lang daw ng dalaga ang pagkahaling dito ngayon ni Enrico.

Bilang ama ni Enrico ay masakit ito sa kalooban ng don.

Lalo pa nga at nauna rito, sinabi naman ni Candida na hindi dapat magpatangay kay Enrico si Melanie, dahil baka gagantihan lang ito ng binata bubuntisin na at iiwanang luhaan.

Kung gayo’y kontra pala sa kanyang binata ang kanyang misis at ang stepdaughter niya? Wala na palang tiwala kay Enrico ang mag-inang itinuturing na niyang kapamilya at kapuso?

“This is so unfair. You two are hurting me so much. You are both insensitive. Hindi n’yo na inalagata na ako ang ama ng lalaking pinipintasan at minamaliit ninyo?”

Parehong napaigtad sina Candida at Melanie. Saka na-realize na nakasakit nga pala sila ng damdamin.

“Pete, w-wala namang personalan…may history of bad behavior si Enrico… Si Melanie ang napingasan noon nang husto…”

“Tito Pete, k-kuwan po…Exaggerated ang sabi ko na…tatangahin si Enrico. What I actually mean po ay…idededma ko ang panunuyo niya,” bawi agad ni Melanie sa stepdad at boss sa corporate world.

“Pete, iba ka naman sa anak mo. I respect you so much. Napakabait mong tao…”

“Tito Pete, actually ay ikaw ang naging hamon para maging responsible sa buhay si Enrico… Gusto niyang makaabot sa standard mo…”

Umiling ang don. “Don’t patronize me, guys. Marami rin akong mantsa. Anak ko sa labas si Enrico, baka nalimutan ninyo?”

“Pete, basta huwag ka na bang magtampo sa aming mag-ina…Separate entity si Enrico sa iyo.” Nakikiusap si Candida.

Bumuntunghininga si Don Pedro. “Bakit nga ba ako nasasaktan e may basis naman kayo? Hindi nga pala santo ang anak ko…”

 

 

HINDI nga santo sa kabaitan si Enrico. Sa harap ng tukso ay kaydaling bumigay. “Monet…huwag… Uhaw ako ngayon, tiyak na maaagrabyado ka na naman…”

Si Monet ay dumalaw kay Enrico sa bahay nito; tiniyempuhan na wala doon ang mommy ng binata.

At matinding manukso ang dalaga. Naghubad ng damit parang stripteaser. Unti-unting nagtanggal ng mga saplot.

Si Enrico na ilang araw nang nag-a-abstain sa sex dahil gustong maging loyal kay Melanie ay para nang gutom na marino, nais silain ang unang babaing maghahandog ng glorya.

Ihinagis ni Monet sa harap ni Enrico ang huling pang-ibabang saplot her string bikini! Talop na talop na ang pilya!

“Come to me, lover boy! Lundagin mo, baby”

 

 

 

“MONET…” halos bulong ni Enrico sa hubo’t hubad nang dalaga. Paano ba niya iiwasan ang maganda at seksing babae na laging handang magbigay sa kanyang pangangailangan bilang lalake?

Lalo pa nga at ngayo’y uhaw na toro ang katulad ni Enrico. Naghahanap ng maiinumang batis. 

Si Monet ang batis na may malinaw na tubig. Tinabihan na niya ang dalagang walang saplot kahit kapiraso.

“This is wrong, ikaw ang talo…”

Umiling si Monet. “Ako ay tea cup na handang sumahod, Enrico. Ikaw ang tea kettle na magsasalin. Sa ating dalawa ay ikaw ang mababawasan. Kung gayo’y ikaw ang…manghihina pagkatapos; ako ay mapupuno, sisigla.”

“Sisigla rin ako kahit mababawasan,” nakangiting bulong ni Enrico, tuluyan nang hinaplos ang mga dapat haplusin; hinawakan ang nais hawakan.

Napaigtad si Monet. Napapikit at napaungol.

Saglit pa ay nasa mainit na silang bahagi ng romansa. Nais sumalit ang babaing tunay na mahal ni Enrico.

“P-pasensiya na, my love. Dala lang ito ng pangangailangan…”

Buong akala naman ni Monet ay siya ang tinutukoy na ‘my love’ ni Enrico, lalo pa tuloy naging mainit at mapagbigay. Panay ang bulong sa binatang katalik. “Just do it, lover boy.”

“Init lang ito, my love. Ang tunay na pag-ibig ko ay sa iyo lamang…” parang baliw na bulong ng binata, palapit na sa point of no return.

Naguluhan na si Monet, nagduda. “A-Ako ba ang kinakausap mo…?”

Ungol ang naging tugon ni Enrico. Ilang saglit pa ay tahimik na siya, nakaraos na.

Hindi rin nagtagal at naginhawahan na rin si Monet; pinaalpas na ang pagnanasa sa lalaking minamahal kahit hindi nagmamahal.

Saka lamang nakapagtanong si Monet. Nakahimlay na sila sa kama, magkatabing nakahiga. 

“Sino ang kinakausap mo kanina, Enrico? I’m sure hindi ako…”

Nagsikap umiwas ng binata. “Importante pa ba ‘yon?” 

Bumuntunghinga ang dalaga. “I think Yes, mahalaga iyon, Enrico. Masyado na akong nag-i-invest ng pagmamahal. Ngayo’y naging creative pa ako. I did a striptease for you…”

Tinakpan ni Enrico ang nakabuyangyang pa ring kabuuan ni Monet. Wala na siyang ganang uminom sa batis; mamaya siguro uli.

“Sino siya?” tanong ng dalaga.

“Isang babaing hindi ko inakalang seseryosohin ko. Ngayon lang ako nagkaganito sa opposite sex. Totoo pala ang…pag-ibig,” matapat na sabi ni Enrico.

“Hindi mo ako nagawang mahalin; iyon naman pala ay iibig ka sa iba?”

“ Pinilit kong kamuhian siya. Noong araw ay kinawawa ko siya, ginawang alipin. Pero nakialam ang langit, umiibig na ako nang totohanan sa kanya, Monet.”

Tahimik nang lumuluha si Monet. “Putang amang babaing \yon! Ano bang meron siya na wala ako? Mas malaki ba ang kuwan? Mas masabaw?”

Tinakpan ni Enrico ang bulgar na bibig ni Monet.

 

 

“SAGUTIN mo naman ako, Enrico…sino ang babaing minamahal mo? Makukuntento ako kung mas higit nga siya sa akin…” luhaang sabi ni Monet, hinahagod sa dibdib ang katabing binata.

Nasa kama pa rin sila pero tapos na sa lovemaking. Payapa na ang libido ng binata; si Monet ay pusong sugatan ang pinaiiral.

“Monet, hindi mo na nga kailangang makilala pa siya.” Mahinahong inalis ng binata ang kamay ng dalaga. Palapit na kasi sa delikadong bahagi ng kanyang pagkalalake.

Kailan ba matututunan ng babaing ito ang salitang ‘let go’? Dapat na talaga itong lumayo sa kanya; huwag nang manukso.

“Ano ka ba naman? Ako na nga ang talunan. At least ay entitled akong makilala kung sino ang nakatalo sa akin. Maa-assess ko kung siya ay mas maganda, mas malakas ang sex appeal …” Ayaw paawat ni Monet. “Mas well-endowed ba ang kanyang kuwan? Mas masarap amuyin ang…?”

“Bakit kailangang maging bulgar ang bibig mo, Monet?” galit na sabi ng binata. Ganitong nakaraos na siya ay galit siya sa babaing bastos ang bibig.

“Tseh! Para kang santo after sex, promise! Hindi bagay sa iyong maging banal, Enrico!”

“Darating na ang mommy ko. You better go, Monet. Mataray ang nanay ko, trust me.” Nagpapakahinahon pa rin ang binata.

“Mabuti nga sigurong magkaharap kami ng mommy mo, Enrico! Para isusumbong ko ang pang-aapi mo sa akin! Bilang dalaga ay hindi mo dapat sinasamantala ang katawan ko!”

Nais sigawan ni Enrico ang lover for 2 years. Bakit naman ngayon lang nito naisip na ito ang agrabyado sa ganitong laro sa kama?

Delayed reaction ito; noon pa dapat nakapag-isip na one-sided ang relasyon nila. Kailanman ay hindi niya binanggit dito ang salitang pag-ibig. Ang nasasambit niya every time they make love ay ‘Oh, Monet…this is heaven…nakakabaliw ka…’

Hindi niya kailanman pinaasa ang babaing ito.

BLAG. Tunog ito ng pintong biglang bumukas.

Pinto ng kinaroroonan nilang silid. Dumating na palang bigla ang mommy ni Enrico. Naningkit ang mga mata nito sa galit.

“Hinayupak! Ginagawa ninyong motel ‘tong bahay ko? Napakabababoy ninyo!” mataray na sigaw ni Mrs. Soler, ang misis ng yumaong dating senador; ang ex-lover ni Don Pedro na ama ni Enrico.

Nagpakatatag si Monet. Bago siya sisihin ay ang anak muna nito ang dapat dikdikin ng ginang.

“Sinong babae ‘yan? Teenager pa yata, baka masabit ka, Enrico!”

Nais pumalakpak ng tenga ni Monet. Imagine napagkamalan siyang teenager? Bigla ay naging magaan ang dugo niya sa ginang na nakabusangol.

“Mommy, hindi na siya menor de edad. She is my…casual girlfriend…a bed partner if you may… Her name is Monet and she’s 24.”

“Baka may Aids ‘yan!”

Dumilim ang mukha ni Monet. Galit na siya sa ginang.

 

 

 

NAPIKON si Monet sa mommy ni Enrico. Sinabihan ba naman siyang baka may Aids! “Sobra naman ho kayo. Hindi po ako promiscuous. Si Enrico lang po ang pinakukwan ko.”

“Yacky! Ang bulgar mong magdayalog!” paigtad na sabi ni Mrs. Soler. “Wala kang finesse.”

“Relative term, madam. Wala pong bastos sa ‘pinakukwan.’ Ang salitang-ugat po ay ‘kwan.’Puwedeng ‘magpapakwan,’ ‘nagpapakwan,’o kaya ay ‘papakwanin.’ Kayo po ang may masamang isip.” Ayaw patalo ni Monet sa matronang sosyal.

Si Enrico na ang namagitan. “Mommy, huwag mo namang awayin si Monet. Anyway, she’s leaving now. Ihahatid ko na.”

“Pero, Enrico, magsusumbong pa ako.”

Pinandilatan siya ng binata. “Makuha ka sa tingin, Monet. Saka na tayo mag-usap. Naha-high blood sa iyo ang mommy ko.”

“Sabihin mo nga muna kung sino ang babaing handa mong seryosohin!”
Inilabas na ni Enrico ang dalaga. Hinabol sila ng tanaw ng matrona.

 

NANG mga sandaling iyon, si Melanie ay puno na naman ng agam-agam. “Tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Enrico.

Hanggang ngayon ba ay sumasamba pa rin siya sa akin? Hindi kaya nauntog na siya, natauhan?

“Baka hindi na niya ako ituturing na Reyna? Baka sasabihan pa akong gaga.” Hirap ang kalooban ni Melanie.

But she must see him. Dala na niya ang kontrata sa tuluy-tuloy na supply ng used aluminum mula sa junkshop ni Enrico. “Bahala na.”

Nasa labas na ng bahay sina Monet at Enrico. Luhaang kinukulit ni Monet ang itinuturing na boyfriend. “Sa akin ka maraming atraso. Ako ang dapat pakasalan mo, Enrico.”

Muling napabuntunghininga ang binata. “Monet, kung puwede nga lang ba na dalawa kayong pakasalan ko…after all, hindi ka naman masamang babae in the real sense of the word. Bulgar ka nga lang at todo kung magbigay.”

“Natitiyak kong hindi ako lang ang tanga at gaga sa pag-ibig, Enrico. Ang alam ko’y ganito rin ang boss kong si Melanie.”

Napaigtad ang binata. May magic sa kanya ang ngalan ng babaing sinasamba at nais pakasalan.

“Teka, naalala ko, bakit nga pala bigla ka daw pumayag na makipag-deal kay Mam Melanie? Totoo bang nakuha ka sa debate? Pumayag ka nga ba nang walang kapalit na…sexual favor?”

Saglit na nag-isip ng safe na sagot ang binata. “Kung iyon ang sabi niya, tama ‘yon.”

“Really? Ikaw na walang patawad sa magaganda, hindi umiskor kay Mam Melanie?”Hindi talaga makapaniwala si Monet.

“Monet, you really must leave now. Marami akong dapat asikasuhin.”

“Isusumbong kita sa Gabriela! Nang-aapi ka ng kababaihan!”

 

 

WALA na si Monet nang dumating naman si Melanie. Ang binata ay nasa banyo at nagsi-shower, Ang mommy ni Enrico ang nakaharap ni Melanie.

“Dito ka ba makikipagtalik rin sa anak ko, ha?” Sharp si Melanie, nakuha agad ang meaning ng ‘makikipagtalik rin.’

 

 

TINANONG si Melanie ng supladang mommy ni Enricokung siya ba raw ay ‘makikipagtalik rin’ sa binata sa pamamahay nito. Dumiin sa diwa ng dalaga na may nauna nang nakatalik doon si Enrico.

Bukod sa na-offend ay nasaktan ang damdamin ni Melanie. Itinuturing siyang Reyna ni Enrico ‘yun pala ay nagtaksil na ito? Kanino kaya nakipagtalik?

At si Mrs. Soler, ano ba ang karapatan nitong husgahan agad siya? Disenteng-disente ang kanyang anyo at kilos.

Pinormalan niya ang dating misis ng yumao nang senador. “Excuse me ho, misis…naparito ako strictly for…business.”

“At ano naman kayang business, aber? Monkey business?”

“May legal contract akong dala para kay Enrico. Now is he here?”

“Naliligo. Maupo ka. At ayokong tinataasan mo ako ng tinig. Pamamahay ko ito kahit hindi na mansiyon.”

Kinunutan siya ng noo at tinaliman ng tingin ni Mrs. Soler.
Pinalampas iyon ni Melanie. Naupo siya nang tahimik habang tinatawag ng ginang ang anak.

Nakita ni Melanie ang kasimplehan ng bahay ng mag-ina. Ang alam niya, sa dating mansion nina Enrico ay apaw ang luho.

“Melanie, ikaw pala! I was about to call you sa landline. Dala mo na ang contract?”
Walang ngiting ibinigay niya sa binata ang legal document.

Binulungan siya ni Enrico. “Bakit mainit ang ulo ng aking Queen?”

“Napagkamalan lang naman ako ng mommy mo na ‘makikipagtalik rin’ sa iyo dito,” gigil na sagot ni Melanie.

Namutla si Enrico. “W-Wala iyon. Ikaw na ang nagmamay-ari ng puso ko, Melanie, trust me.”

“Really, slave? Puso mo nga kaya ang pag-aari ko o ang puson mo?”

“I’m so in love with you na, kung ako man ay nakulam mo so be it. Basta handa kitang mahalin habambuhay…”

Napantastikuhan si Melanie. Si Enrico nga ba ang nagsabi ng dakilang sumpa ng pag-ibig?
At di ba ang sinabi nito ay katumbas ng kaytagal na niyang itinatago sa damdamin na ang binatang ito ang iibigin niya hanggang sa huling pintig ng kanyang puso?

“W-wala ka namang lagnat? Hindi ka…nahihibang or something?”

Umiling ang binata. “Melanie, di ba nga ako ay nagpahayag na the last time na ikaw ay akin nang sinasamba?”

Nais nang mapaluha ni Melanie. Gusto niyang hawakan ang mga sandaling ito na ang puso at pag-ibig ni Enrico ay nakalaan sa kanya!

Gayunma’y umiiral ang isip ng dalaga. “May sinabi nga ang mommy mo tungkol sa pakikipagtalik mo rito…I’m sure hindi ako ang babaing ‘yon, Enrico… Sino?”

 

 

 

KAHIT nalulunod sa ligaya ang puso, si Melanie ay desididong malaman kung sino ang babaing nakatalik ni Enrico sa mismong bahay ng binata. “Give me her name, Enrico.”

“Pero Melanie, tapos na ‘yon. Dala lang ng aking…pangangailangan. Kung di naman ako pinuntahan at tinukso nang husto ni…ng babaing ‘yon ay wala sanang naganap sa amin…”

“Alam ko nang mahina ka sa tukso. Ang nais ko ngang alamin right now ay kung sino siya.”

“Isang dalagang nagpupumilit sa aking puso…kahit pa sinabi kong iisa na lang ang kaya kong mahalin nang totohanan. And you are that woman, Melanie.”

“Give me her name, Enrico…”

“I love you so much and I am your slave, my lady.” Hawak na naman siya ni Enrico sa magkabilang kamay. Sumasamba na naman ito sa kanya, alam ni Melanie. “Hindi na ako magkakasala, I promise. Kung kailangang lagyan ko ng kandado ang pagkalalaki ko ay gagawin ko.”

“Whaaat?” Ibig bang sabihin ni Enrico ay maglalagay ito ng katumbas ng chastity belt ng babae noong lumang panahon?

“Ikakandado mo ang iyong--?” manghang tanong ni Melanie.

Tumango ang makasalanang binata. “Oo, para patunayang handa akong magpakabait sa iyo.”

“I still need her name.”

Napabuntunghininga ang binata. “Bakit ba nalilinya ako sa mga babaing makukulit? Alam mo bang nais ding malaman ni…ng babaing nababaliw sa akin kung sino ang babaing nais kong seryosohin?”

“Ako…?”

Tumangong muli si Enrico. “Pero I don’t have the heart to tell her about you. Ayoko kasing makasakit ng damdamin.”

“Si Monet ba ang pinag-uusapan natin?”

Hindi na nagulat si Enrico. “Nahulaan mo, mabuti na rin. Ngayo’y handa ko nang harapin ang para sa ating dalawa.”

Napirmahan na ni Enrico ang kontrata; lagi nang magkakaroon ng supply ng used aluminum ang pabrika ni Melanie.

Para namang napipi si Melanie. Paano ba niya sasabihin kay Enrico na hindi rin niya kayang sabihin kay Monet na siya ang dating karelasyon ni Enrico? Lalong hindi niya masasabi kay Monet na nagpahayag na ng pagsamba at pag-ibig sa kanya ang binata.

“Kawawa naman si Monet. Bilang kapwa-babae ay unfair na siya ay magdurusa habang ako ay liligaya.”

“Hindi puwedeng dalawa ang aking asawa. I want you to be my wife, Melanie. Will you marry me?” wala nang pagdadalawang isip na sabi ni Enrico. Napamaang si Melanie.

 

 

“UULITIN ko ang sabi ko, Melanie. I want you to be my wife. Will you marry me?” may pakiusap na sabi ni Enrico.

Napaluha na sa galak ang dalaga pero hindi mawala ang sundot ng kunsensiya. “Paano si Monet?”

“Hindi siya menor-de-edad. Dapat siyang makaunawa sa atin…”

“Ganoon ba kadali ang mag-iwan ng dalagang dalawang taon mong naging companion sa…kama?”

“It takes two to tango, Melanie. Tinitiyak kong hindi ko naipangako sa kanya ang aking puso…” Nasilip ng dalaga ang paghihirap din ng kalooban ng binata.

“She loves you very much. Kapangapangarapan niyang ikaw ang mapangasawa. Nag-invest siya sa iyo ng panahon, pagmamahal at…katawan…”

“Marry me and everything will be settled. Kung mahal niya ako ay makakaunawa siya.”

“You are too cruel, alam mo ba ‘yon, Enrico?”

“Ang alam ko lang ay ikaw ang tunay kong mahal. Ikaw ang magiging misis ko hanggang wakas…”

Kumawala sa pagkakayakap ng binata si Melanie. “Settle your issue with Monet. At gusto kong ako ay kaharap.”

Saglit lang nag-isip si Enrico. “Masusunod, my Queen.”

“Kung Queen mo ako, ikaw ba ay ano ko?”

“I’m your slave, Melanie.”

Tinakpan ng dalaga ang bibig ni Enrico. Umiling. “No more slave. Tayo ay magkaranggo na sa ngalan ng pag-ibig. I’m your Queen but you’ll be my King.”

Nabuhayan ng loob ang binata. “Tinatanggap mo na ang proposal kong pakasal tayo?”

“Hindi pa.”

“Hindi pa? Pero sabi mo’y King and Queen na tayo ng isa’t isa. Ang Hari at Reyna ay dapat lang maging mag-asawa, Melanie,” sabi ni Enrico. “Naguguluhan naman ako…”

“Dapat munang lutasin ang lahat ng hadlang…impediments.”

“But do you love me na, ha, Melanie?”

Tumango ang dalaga. “Noon pa mang una mo akong naangkin, Enrico. At hindi na nagbago ang damdamin ko sa iyo. Minahal kita kasama na ang lahat mong faults.”

Si Enrico naman ang nalunod sa galak. “Lahat ng hadlang ay aayusin ko, trust me.”

“Kasama mo ako sa paghaharap ninyo ni Monet, huwag mong kalimutan,” paalala ni Melanie.

“Haharap ka rin ba sa kumprontasyon namin ng tatay ko?”

Napaigtad si Melanie. Naalala si Don Pedro. Sino ba sa mag-ama ang magbababa ng pride?

 

 

 

“OH MY GULAY, nalimutan kong may issue pa rin pala kayo ni Don Pedro. Nakahanda ka nang harapin siya, Enrico?” tanong ni Melanie sa binatang kaylapit-lapit na niyang mapangasawa.

Tiyak ang sagot ni Enrico. “Kahit ayaw na ayaw kong makipagkasundo sa kanya, I’ll do it for you.”

Kinapitan niya sa kamay ang future husband. “The old man misses you a lot, Enrico. Iyon ang dahilan kaya nagawa niyang maging ridiculousnagpanggap na magbabasura para lang makalapit sa iyo sa junkshop.”

“Yeah, sana nga ay gano’n. Sana nga ay na-realize niyang hindi siya dapat nagtakwil ng anak…”

“Hindi ka naman itinakwil, sinustentuhan niya kayo ng mommy mo…ayaw nga lang ihantad ka sa publiko…dahil nga wala sa legal ang relasyon nila ng mommy mo. Be understanding naman, Enrico.”

“Inuunawa ko na nga pati ang pagtatalaga niya sa iyo bilang EVP, Melanie. Ano nga ba ang karapatan kong humawak ng kanyang mga negosyo e wala akong tinapos na kurso…”

“Pero nagsisikap ka na, Enrico. Look at your junkshop now…lumalago na, dahil tinututukan mo and you are working hard…”

“Don’t patronize me. Napakarami kong faults, laluna sa babae…”

 

 

UNA nilang itinakda ang pakikipag-usap kay Monet. Sa isang simpleng coffee shop sa Timog Avenue, ganap na alas-otso ng gabi.

“M-magkasama kayo ng syota ko, Melanie?” kinakabahang sabi ni Monet. “K-kayo na ba…? Ikaw ang babaing nais seryosohin n-nitong si Enrico? The girl that he’ll marry?”

Katahimikan ang naging tugon nina Melanie at Enrico. Mayamaya ay sabay halos na tumango. 

Nakagat ni Monet ang mga labi. Kaysakit-sakit ng dating sa kanya ng balitang iyon. Hindi na pala niya syota si Enrico.

“Inaswang mo ako, Melanie? Inahas mo ang lalaking mahal na mahal ko? The love of my life?”

Si Enrico ang sumagot. “Noon pa kami nagkakilala ni Melanie, noong ako’y iresponsableng mayaman.

Nagkarelasyon kami pero hindi nag-prosper. But all the while, hindi pala namatay ang naitanim nang pag-ibig sa aming mga puso…

“Ang iba pang babae sa aking buhay, kabilang ka na, ay hindi nakarating sa aking…dibdib. Hanggang sa ibaba lang ng aking baywang…”

Nagdagdag si Melanie. “Kasumpa-sumpa na hindi ka sineryoso ng lalaking ito, Monet. Pero lalong unfair sa iyo kung magpapatuloy ang relasyong ikaw ang talo…

“Let go, Monet. Palayain mo na kami. Idadasal ko kay Lord na bigyan ka ng lalaking tunay na magmamahal sa iyo.”

Pinilit ngumiti ni Monet. “Hindi ko na pala malalabhan ang briefs niyang pula at dilaw. Baduy ang lalaking ito, Melanie.”

 

 

“IBIG bang sabihin, Melanie, ngayong hayagan na kayong may relasyon ni Enrico…pati sa trabaho ay tanggal na rin ako?” may hinanakit na tanong ni Monet sa kaibigan-boss sa The Kitchen Ware Company.

Iling agad si Melanie. “Walang kinalaman ang trabaho mo sa suliranin ng puso, Monet. Mananatili ka sa puwesto, I assure you that.”

Nakahinga nang maluwag ang dalagang nabigo sa pag-ibig. “Salamat naman. I really need my job. Umaasa sa akin ang nanay kong maysakit, gayundin ang maliliit kong kapatid na nagsisipag-aral pa.”

Si Enrico ay hindi makatingin sa dalagang ginawang laruan sa nagdaang dalawang taon.

“Enrico, puwede bang humiling bago mo ako tuluyang itapon?”

Napatingin kay Melanie si Enrico; inaarok ang kalooban ng babaing pakakasalan. Tumango naman si Melanie.

“Okay, Monet…what is it?”

“Huling pagtatalik, bago tayo tuluyang magkahiwalay, Enrico…”

Parehong napantastikuhan sina Melanie at Enrico sa nais ng dalaga. Imagine humihingi si Monet ng last breakup sex!

Napalunok si Enrico. Si Melanie ay nais yatang mawindang ang isipan. Bakit naman napakawirdo ng hiling ni Monet?

“Pati ba huling hiling ng puso kong bigo ay hindi pagbibigyan?” tanong ni Monet sa kanila.

Napapailing si Enrico, naaawa kay Monet, nais itong pagbigyan; pero paano ang moral side ng issue? Siyempre ay labag ito sa prinsipyo ni Melanie. Makasalanan ang bawal na pagtatalik.

Muling napatingin kay Melanie ang binata, nagtatanong ang mga mata. Tatanggi ba siya o papayag sa baliw na kahilingan ni Monet?

Matapos ang buntunghininga ay tumango si Melanie. Payag itong magtalik ang dalawa.

“Pagbigyan mo na, Enrico. Huling hiling.”

“K-Kailan ba, Monet?”

“Ngayon na, Enrico. Habang fresh pa ako, bagong ligo.”

“Pero…saan?” Sila ay nasa loob ng coffee shop.
Nagpaalam si Enrico kay Melanie. “Sandali lang kami, sa pinakamalapit na motel. Please wait for me.”

“Tutuloy na ako sa bahay, Enrico. Take your time. Paligayahin mo si Monet for the last time.”

“T-Thanks for being so understanding, Melanie,” buong pakumbabang sabi ni Monet.

Tinanaw pa ni Melanie ang palayo nang pareha. Aywan kung katanggap-tanggap ito sa kanyang puso. Payag nga ba siyang i-share ang lalaking pakakasalan sa ibang babae?

“Labag sa utos ng Diyos ang gagawin ninyo…but I don’t have the heart to turn down Monet’s last wish.”

 

 

 

USO ba sa mga naghihiwalay ang tinatawag na break up sex o huling pagtatalik? Ang ginawa ni Enrico sa kanilang paghihiwalay noon ni Melanie ay hiniling naman ni Monet kay Enrico.

Nais ni Monet na magkaroon sila ng huling pagtatalik ni Enrico, ganitong hayagan nang nakipagbalikan ang binata kay Melanie.

What is ridiculous, pumayag si Melanie sa immoral na gagawin ng dalawa. Nabaliw na ba ang mundo? Kinalimutan na ang moralidad?

Kinukunsensiya si Melanie. “Bakit ako pumayag? Kailan ba naging tama ang mali? Dapat ay nanindigan ako na huwag ipahiram sa ibang babae ang lalaking aking pakakasalan!”

Paano kung maisip ni Enrico na siya, si Melanie, ay immoral? Ibig bang sabihin, kahit kasal na sila ay hindi tututol si Melanie na mag-sideline sa ibang babae si Enrico?

Kapag ganito’y babasbasan pa kaya ng Diyos ang kanilang pagsasama? Hindi kaya magkamalas-malas sila sa buhay?

Tinanaw niya ang tinungong direksiyon ng kotse ni Enrico. Sa pinakamalapit na motel daw tutuloy ang dalawa. Dapat niyang pigilan; dapat niyang igiit ang tama!

Mabilis niyang tinungo ang kanyang service car, pinasibad agad iyon.

Bruuummm. Kaydaming nilusutan ng kanyang kotse. Kung makikita siya ng motorcycle cop ay tiyak na hahabulin siya for speeding.

Susundan niya sina Monet at Enrico. Babawiin niya ang kanyang permiso habang may oras pa.

 

 

SINA Monet at Enrico ay nasa loob na ng motel. Malabo nang makita pa ni Melanie ang kanilang sasakyan na nasa loob na ng saradong garahe.

“Monet, baka tamaan tayo ng kidlat, tepok agad tayo tuluy-tuloy sa impiyerno…” Kahit magkasiping na sa kama ay nais tumutol ni Enrico.

“Walang ulan at kidlat, Enrico. Let’s just do it for the last time. Babaunin ko habambuhay ang alaalang ito ng huli nating…”

Tinakpan na ng bibig ni Enrico ang mga labi ni Monet; naputol ang iba pang sasabihin ng dalaga.

Kumawala ang dalaga. “Wait, mag-shower tayo nang sabay, dali!”

Nagpatangay si Enrico. “S-sige.”

Dito na nakialam ang langit. May sabon sa baldosa, natapakan ni Enrico. Nadulas ang binata, kaysama ng bagsak. “Aaaahhh!”

Napuruhan ang backbone ni Enrico, hindi na makatayo; namilipit sa sakit. Nagtitili-nagsisigaw na si Monet sa takot. “Eeeeeee! Saklolooo!”

 

 

SA LABAS ng Motel De Amor, nakita pa ni Melanie ang nagmamadaling pagpasok ng ambulansiya sa compound ng makasalanang pook. Wala siyang kaalam-alam na kritikal si Enrico at isusugod sa ospital.

Nag-text sa kanya si Monet. “Nakarma kami. Fifty-fifty si Enrico sa ospital, nadulas sa sabon sa banyo sa motel.”

 

 

NAIS nang magpanic ni Melanie habang patungo sa ospital na kinaroroonan ni Enrico. Hindi niya matanggap na fifty-fifty ang buhay ng binatang pinakamamahal; na ito ay nadulas sa banyo sa motel habang gumagawa ng kasalanan sa piling ni Monet.

Nagawa pa naman niyang tawagan sa cellphone ang ama ni Enrico. “Yes, Tito Pete, sa Asian Global Hospital po. Papunta na ako doon…”

Luhaan si Melanie, nais sisihin ang sarili sa pagpayag na si Enrico ay pagbigyan ang immoral na nais ni Monet. “Hindi sa ganitong sitwasyon ka dapat mamatay, mahal…Napakagaganda na ng ating mga pangarap…we are getting married, payag na ako…”

 

 

SA OSPITAL nagkita sina Monet at Melanie. Nagyakap ang magkaibigan-magkaribal kay Enrico. “Kung alam ko lang na ngayon pa siya madudulas sa sabon, Melanie…lintek na sabon ‘yon…”

“Monet, dapat tayong magdasal sa kapilya ng ospital. And please, maging taimtim tayo sa paghingi ng awa kay Lord.”

“Oo naman, Melanie, lahat ng kasalanan ko, ibubulatlat ko kay Lord. Hihingi talaga ako ng awa at tawad. Baka magmomongha na ako, no more sex, makaligtas lang si Enrico…” luhaang sabi ni Monet.

Dumating si Don Pedro, kasama si Candida. “Nasaan na ang anak ko, Melanie? Ano ang lagay…?”

Nasa Operating Room si Enrico at nag-a-undergo ng maselang operasyon; tatagal daw ng anim na oras. Gaya nina Melanie at Monet, halos mawindang ang puso ng don sa pag-aalala.

Sama-sama silang nagtungo sa chapel ng ospital. Bobombahin nila ng panalangin ang Langit para sa kaligtasan ni Enrico.

Lahat yata ng dapat ikumpisal ng don ay naibulalas niya sa Maykapal. “Pinagsisisihan ko po ang aking mga kasalanan. Laluna na po ‘yung pagpatol ko noon sa asawa ni Senador Soler…Patawad din po sa lahat ng katusuhan ko sa negosyo, ‘yung mga below the belt na tirada ko sa aking mga kakumpetensiya…”

Si Melanie ay taimtim ang panalangin. “Kung hindi man po kami magkakatuluyan ni Enrico sa altar, at least po ay buhayin ninyo siya. Payag na po akong ipagkaloob siya sa ibang babae huwag N’yo lang po muna siyang kunin, Lord. He is too young to die…”

Si Monet: “Lord, hindi na po ako makikipag-sex nang bawal. Mag-aasawa na lang po ako ng foreigner para may sexual release ako at kapanatagan ng buhay. Huwag Mo pong kunin si Enrico, please…”

Nagdarasal din si Candida. “Thy will be done, oh Lord…”

 

 

TAPOS na ang operasyon. Lumabas mula sa OR ang doktor. Pagod na pagod ito sa tagal ng operasyon. “Kayo ba ang kaanak ni Enrico Soler?”

Hindi na yata humihinga sina Melanie, hinihintay ang sasabihin ng siruhano. Hindi nila mabasa sa mukha nito ang nangyari.

 

 

 

“ANO ANG nangyari, doc? Tell us!” halos histerikal na sabi ni Don Pedro sa surgeon. Pagod ang huli, hindi mababasa sa mukha ang resulta ng operasyon kay Enrico.
Iginala nito ang mga mata sa iba pang nagmamahal sa pasyente.

“You must be his girlfriend, miss, right?” Si Melanie ang natuunan ng pansin. Hindi agad nakasagot ang dalaga.

“Or…is it you?” tanong din nito kay Monet; ang huli ay luhaang gaya ni Melanie. “Dalawa ang girlfriend ng pasyente?”

“Doc, ano ang nangyari sa anak ko?” giit ni Don Pedro, mataas na ang tinig. “Bakit paliguy-ligoy…?”

Ibinulong sa kanila ng siruhano, wala pa ring mababakas sa mukha, nanatiling poker-faced.

Sabay-sabay na napaigtad sina Melanie, Monet, Don Pedro at Candida sa sabi nito. Hindi sila makapaniwala.

Sabay-sabay ding napabulalas ng iyak. Labis na nagpapasalamat sa Diyos. Nagyakap sina Melanie at Monet sa tuwa; gayundin sina Don Pedro at Candida.

 

 

BUHAY nga si Enrico. Sa recovery room na nakausap ng mga nagmamahal. Nauna si Don Pedro. “Anak, mapapatawad mo pa ba ako? I will publicly acknowledge you paglabas na paglabas mo rito. Magpapa-press con ako! Magpapamisa! Magpapa-party!”

Ginagap ni Enrico ang kamay ng ama. Pinisil iyon. Napatawad na ng binata ang lahat nang kasalanan at pagkukulang nito.

Maging si Candida ay humingi ng tawad sa pasyente. “Sorry sa pagsampal ko. Dala lang ng galit ng isang ina…”

“Anak ko ‘yan! Enrico, oh my God! Salamat at buhay ka!” Mommy ito ni Enrico, ang ex-lover ni Don Pedro.

Pinisil din ni Enrico ang kamay ng ina. Si Don Pedro ay tahimik.

“Bygones, Pedro. Matatanda na tayo, patawaran na lang, okay?”

“Okay, salamat sa pagpapalaki sa anak ko!” Nakipagkamay pa si Don Pedro sa ina ni Enrico.

Si Monet ay humalik sa kamay ng binatang itinuring na syota sa nagdaang dalawang taon.

“Hindi na tayo puwede, kayo na ni Melanie ang dapat magkatuluyan. I’ll be fine, trust me.”

Pinisil ni Enrico ang kamay ng ex-lover. “Godspeed, Monet.”

 

PINAKAHULING naging bisita ni Enrico ang pinakaespesyal na tao para sa kanya. “My Queen, mapapatawad mo pa ba ako? Muntik na akong namatay dahil sa lib--”

Tinakpan ni Melanie ang bibig ng binata. Luhaang hinaplos ang buhok nito.“Iibigin kita, Enrico…hanggang sa huling pintig ng puso ko…”

Pinisil ni Enrico sa ‘bawal’ na bahagi ang dalagang pakakasalan. Namula, napangiti si Melanie.

 

THE END.....