Huling Pintig (8)

napoleon1815's picture
| |

MALAKAS ang kutob ni Melanie na kilala niya ang sinasabi ni Monet na ‘supladong guwapong may-ari’ ng junkshop na galit umano kay Don Pedro Marquez; na ayaw nang mag-supply ng used aluminum sa kanilang bagong kumpanya ng kitchenware.

“Matagal mo na ba siyang kakilala?” tanong niya kay Monet. 

“Two years na po, Mam Melanie. Bago pa lang ho siya noon sa junkshop business.  Ngayon ho’y malaki na ang junkshop at dumadami ang kliyente. May pinagsamahan na ho kami.”

“Anong may pinagsamahan?” tanong ni Melanie sa magandang tauhan. “Friends?  More than friends?”

Nag-blush si Monet. “Mam, syota ko po siya pero hindi niya alam.”

Napakunot-noo si Melanie. “Meaning syota mo siya pero hindi ka naman kanyang syota?”

  Tumango si Monet. “Kasi mam, wala daw siyang panahon sa seryosong relasyon. Kinuha lang po ako noon sa umpisa sa papisil-pisil sa hita, habang nagda-drive ako at katabi ko siya…”

Napalunok si Melanie, naalala ang lalaking pinayagan niyang pumisil-pisil sa kanyang pigi.

Ibinulong niya sa isip ang ngalan ng lalaking nagbibigay sa kanya ng luha gabi-gabi. “Enrico, where are you?”

“Siya ba ang nag-alok ng used aluminum sa dati mong kumpanya, Monet? I mean ‘yung  sabi mo’y supladong guwapo…?”

Umiling si Monet. “Actually, mam…sinedyus ko siya kaya ko nakuha ang regular supply ng aluminum scrap ng junkshop niya.”

Si Melanie naman ang napailing. Imposibleng si Enrico Soler ang sinasabi ni Monet.  Si Enrico ay arrogant bastard na walang hilig magtrabaho. Sabi nga ni Don Pedro ay hindi niya matanggap na ang anak sa labas ay iresponsable.

“Ang ngalan nga po pala ng negosyo ng syota ko, mam E.S. Junkshop.”

Napasinghap si Melanie. E.S. ang initial ni Enrico Soler.

“Ay, ang galeng pong humalik at yumakap at iba pa, mam!”

“H-how old is he, sa tantiya mo, Monet.” Hindi niya matatanggap na si Enrico Soler nga ang kanilang pinag-uusapan. Magseselos siya sa tauhan.

“Mam, mga kaedad po natin. Luma ang kotse n’ung makilala ko. Pero ngayon po ay medyo bagu-bago na ang sasakyan.” 

Naalala ni Melanie ang lumang kotse ni Enrico. Lumalakas na naman ang kanyang kutob.

“Ano’ng pangalan n-ng syota mo…?”

“Enrico Soler po, mam.”

Napaigtad si Melanie sa narinig, nanlamig ang mga palad. “Oh my Good God!”

 

 

 

NAYANIG yata pati kaluluwa ni Melanie nang malaman ang ngalan ng ‘syota’ ni Monet. Si Enrico Soler nga raw.

Sabihin pa’y nabigla nang husto si Melanie. Namutla at hindi makapagsalita; walang maisip sabihin.

“Mam Melanie, okay ka lang? Bakit ka po natulala yata?” takang tanong ni Monet. “Kilala n’yo ba ang dyowa ko?”

Iling agad si Melanie. “No! Hindi ko siya kilala! May iba akong…naalala. W-Walang kinalaman ang sinabi mo…”

“Pero galit pa rin ba kayo na hindi ko na siya nakuhang mag-supply ng aluminum junk?”

“Oo. At hindi ako basta papayag. Dapat ay professional siya sa mga kliyente, luma man o bago. Hindi siya dapat namimili ng kliyente. Wala siyang iniwan sa restaurant business o iba pang business na pampubliko dapat ay ina-accommodate ang sinumang nais bumili.”

“Sakto po, mam! Iyan din ang nais kong sabihin sa kanya, hindi ko lang po naalala.”

“Ako ang kakausap sa taong iyon, Monet. I’ll give him a piece of my mind. Dapat siyang matauhan.”

“Ayy, sige po! Abusadong arogante nga po siya kung minsan, e. Minsan naman ay napaka-goal oriented and purpose driven!”

“Mukha ba namang maligaya…?”

“P-Po? Si Enico po?”

Nabigla lang si Melanie. “Naku, hindi pala ‘yon ang tanong ko. Nagkamali lang, Monet. Wala akong pakialam sa Enricong ‘yon.”

“Maligaya po ako sa kanya, mam. Kahit pa one-sided love affair.”

Napabuntunghininga si Melanie. Hindi pa rin pala nagbabago ang binatang nais mahalin hanggang sa huling pintig ng puso.

“Kailan ka matututong magmahal, Enrico? Ang gusto mo’y ikaw lang ang mahalin…” sabi ni Melanie sa isipan, sa sarili lamang.

“Lolokohin ka lang niya, Monet.”

“Po?”

“I mean…base sa kuwento mo, parang nanlalamang lang siya sa iyo. Paano kung…magsawa na?”

“May awa po si Lord.”

 

 

DESIDIDO si Enrico na huwag talagang suplayan ng used aluminum ang kumpanyang nakabili sa kumpanya nina Monet.

Hindi pa alam ng binata na si Melanie ang mismong boss ni Monet, na ang dalagang kinasusuklaman ay makakakrus na naman niya ng landas.

Lalong hindi niya alam na sa dinami-dami ng junkshop sa ‘Pinas ay ang junkshop pa niya ang napatoka sa kumpanya ni Melanie. Pero nami-miss na niya si Melanie, aminin man niya o hindi.

 

 

NAKATULOG si Enrico sa tanggapan niya sa junkshop, siesta time kasi sa hapon. Nakataas pa ang kanyang mga paa sa lumang mesa. Hindi niya alam ay naghihintay na ang dalawang batang yagit na namulot ng kung anu-anong junks, magbebenta sa kanya.

“An’ tagal namang matulog ni Manong,” sabi ng yayat na batang babae na kutuhin ang buhok dahil sa dumi.

“Oo nga, e. bawal daw gisingin, sabi n’ung boy. Ano kaya, hagisan ko ng palaka?” bulong ng batang lalaki na nanlilimahid din, gaya ng batang babae na malnourished, kulang sa pagkain.

Napabungisngis ang batang babae. “Sige, Boyong! Sa mukha ni Manong mo ihagis ‘yung palaka!”

“Sino’ng hahagisan ng palaka?” pupungas-pungas na tanong ni Enrico, nagising na pala.

“Salbahe kayo, ha!”

“Sir Manong, bakal po saka plastic ‘tong dala namin!”

“Saka po konting karton ng gatas at sardinas, Manong!”

Napabuntunghininga si Enrico nang mapagmasdan ang yayat at gutom na mga bata. Ito ang kalaban niya bilang negosyante. Kapag mga bata nang gutom ay hindi niya maatim na baratin.

Ipinakilo niya sa assistant na si Pol ang dalang mga junks ng dalawang bata.

“Ser Enric, 20 pesos pong lahat.”

“Sige, bayaran mo ng 40 pesos, Pol.”

“Po?” Taka si Pol, sabihin pa.

“Kuwarenta pesos nga, Pol. Saka pakibigyan mo ng pandesal at fresh milk. Marami sa ref.”

“Y-Yes, ser!” Naawa sa mga yagit ang among binata, naunawaan ng alalay-assistant ni Enrico. 

Natuwa naman ang dalawang bata. Bihira silang makatagpo ng grasya. “Salamat po, bosing.”

“Ano’ng pangalan n’yo?” tanong ni Enrico.

“Siya po si Boyong . Ako naman si Candida.”

Naalala ni Enrico ang nagmamay-ari rin ng ngalang Candida. “Na-comatose ang mommy ni Melanie. Dalawang taon na akong walang balita sa kanila ng Daddy ko. Most likely ay matagal nang patay si Aling Candida…gano’n ang nako-coma…”

Nabigyan na ng pandesal at fresh milk ang dalawang batang yagit. Kumaway na ang mga ito kay Enrico, kaygaganda ng ngiti.

Napailing na lang si Enrico. “Kapag ganito nang ganito, hindi ako yayaman. Dapat maging suwitik muna ako, magpayaman muna nang husto bago magkawanggawa…”

 

 

ISANG araw sa bilihan ng karpa sa roadside, malapit sa dagat, parang nakakita ng multo si Enrico nang magtama ang tingin nila ng may-edad na babae. “B-Buhay pa kayo, A-Aling Candida?”

 

 

 

PARA ngang nakakita ng multo si Enrico nang makaharap sa bilihan ng karpa ang mommy ni Melanie. “N-Nabuhay kayo…?”

“Dahil hindi ako namatay. Naligtasan ko ang gulo ninyo ng ama mo,” walang ngiting sagot ni Candida. Nakilala niya si Enrico. Ito ang lalaking nagpaluha at nang-alipin kay Melanie sa pag-ibig.

Napalunok si Enrico, walang maisalag. Nais niyang kumustahin sa ginang si Melanie. 
Pero maging ito ay hindi naisatinig. Ang matalim na titig ng mommy ni Melanie ay hindi yata niya kayang tagalan.

Bago pa man siya nakabawi ay may ibinigay na sa kanya ang legal na misis ng kanyang ama. 

Dalawang malakas na sampal. Pak. Pak.

Napabiling ang mukha ni Enrico, namanhid ang kanyang pisngi. Naiskandalo ang tindera ng karpa pati ilang mamimili.

“Para iyan sa pambubusabos mo kay Melanie! Wala kang karapatang apihin ang anak ko!” halos sigaw na ni Candida, hawak sa isang kamay ang nakatuhog na dalawang karpa na bagong huli sa dagat.

Namula sa pagkapahiya ang binata, parang itinulos sa kinatatayuan.

Matapos magbayad sa tindera ng karpa, salubong ang kilay na tinungo na ni Candida ang kotseng naghihintay sa di-kalayuan.

May family driver si Candida, may edad nang lalake. Mahinahon na nitong pinatakbong palayo ang sasakyan.

Naiwan si Enrico na nangingibabaw ang galit. Bakit maling-mali ang paghusga ng ginang sa namagitan sa kanila ni Melanie?

Hindi naman menor de-edad si Melanie nang kanyang angkinin ito, di ba? At alam ba ni Aling Candida na nagbigay naman si Melanie? Maling tawagin na binusabos niya si Melanie; hindi rin totoo na inapi niya ito.

“Hindi mo kasi alam na umibig sa akin nang husto ang iyong dalaga, Aling Candida! Mali kaaa!” malakas na sigaw ni Enrico sa direksiyong tinungo ng sasakyan ng ginang.

Napatanga lalo sa binata ang mga nasa bilihan ng karpa.

Walang pakialam na tinungo na rin ni Enrico ang sariling kotse, bitbit din ang biniling nagkikislutan pang isda.

 

ANG HINDI alam ni Enrico, hindi doon nagtatapos ang drama sa kanyang buhay; sa araw ding ito ay may isa pang matinding eksenang magaganap. Isa-dalawang kilometro na lang ang layo nina Monet at Melanie sa kanyang junkshop.

“Monet, okay ka lang?” may pag-aalalang tanong ni Melanie sa tauhan na umano’y syota ni Enrico.

“Opo naman, mam! Kayo po, okay din?”

Tumango si Melanie. Pero nagsisinungaling siya. Para nang magigiba ang dibdib niya sa kaba habang palapit sa teritoryo ni Enrico.

 

 

LALONG parang tinambol ang dibdib ni Melanie nang matanaw na ang junkshop sa di-kalayuan, 200 meters away. Dama niyang iyon na nga ang kinaroroonan ni Enrico. Ang bagong daigdig nito mula sa mansiyon, ngayo’y nasa kilikili na nga ng lunsod.

“Hayun na, mam! Ang makakausap ninyong guwapong may-ari at tagapamahala ay walang iba kundi ang suplado kong syota!” may pagmamalaking sabi ni Monet.

Walang kaalam-alam si Monet na sina Enrico at Melanie ay dating may relasyon. Malalim na relasyong sangkot ang puso at kapurihan ng dalagang boss.

“Malaki palang junkshop, ha, Monet?”

“Anim na buwan pa lang po nang mag-expand si Enrico, Mam Melanie. Binili niya ang katabing lote at ginawang bahagi ng junkshop. Sa kanya po kumukuha ng used items for recycling ang malalaking kumpanya…” Kita nila ang junkshop na nasa lugar ng mahihirap.

“Kaya pala nagmalaki na sa atin? Maraming nakaabang na buyers?”

“Gano’n nga po, mam. Pero as I’ve said, galit kay Don Pedro kaya ayaw na tayong pagbilhan…”

Nabuhay ang inis ni Melanie kay Enrico. “Hindi dapat isali ang personal reasons sa pagnenegosyo, Monet.”

“Opo nga po, mam. E iba nga po si Enrico. Naku, kundi nga lang siya super humalik at yumakap at iba pa, iniwan ko na siya!”

Matagal nang karelasyon ni Enrico si Monet, naalala ni Melanie, Umantak muli ang kanyang puso. “Mabuti hindi ka n-nabubuntis…”

“Ako po, mam? Naku, si Enrico po ang very strict sa pagpapa-pills sa akin. Hindi talaga puwede na hindi ako iinom sa harap niya. Wala daw sa plano niya ang magkaanak sa labas…”

“Bakit ayaw mong yayain ng kasal?”

“Mam Melanie, ‘yung si Enrico ay very emphatic kami raw ay just comfort friends only.” 
“Comfort friends?”

“Mam, di ba may comfort women…’yung nagpapaginhawa sa mga sundalong hapones noong WW2? Gano’n lang daw kami ni Enrico sa isa’t isa comfort friends…”

“Meaning you make love para lamang magparaos…?”

Tumango si Monet. “Opo, wala pong commitment.”

Biglang narealize ni Melanie, gano’n din ang tingin sa kanya noon ni Enrico. Lalong nabuhay ang galit niya sa anak ng kanyang stepfather.

Padabog na ihininto ni Melanie ang sasakyan sa harap mismo ng ES Junkshop. Screeechh.

Umalimbukay ang alikabok. Napatingin sa sasakyan si Enrico, nayabangan sa bagong dating. Sino bang Pontio Pilato ito?

 

 

 

INIS na tinapunan ng tingin ni Enrico ang SUV na pabarumbadong pumarada, umalimbukay tuloy ang alikabok.

Nang biglang bumukas ang dalawang pinto ng sasakyan, sa front, napatanga ang binata. Sa passenger side ay si Monet ang nakita niya; sa driver’s side ay ang babaing hindi na niya inakalang makikita pa.

“Holy shit, bakit sila magkasama?” Ang ‘sila’ ay sina Monet at Melanie. “Sila na ba ang bagong mag-amo?”

“Enrico! May kasama ako, she is my boss! Kakausapin ka raw!” sigaw ni Monet habang hangos na palapit na sa binata. “Treat her nicely naman, please!”

Para pa ring nakakita ng himala si Enrico. Si Melanie nga ba ang napakagandang babaing kasunod ni Monet?

Nakilala ba siya nito? Bakit tingin niya’y galit?

Kaytagal niyang hindi nakita si Melanie. Huling alaala niya ng kanilang huling pagkikita ay ang pagpisil niya sa pigi nito, sa parking lot.

It was a tender gesture that still lingers in his mind. Hindi niya binastos ang dalaga, maingat at suwabe ang ginawa niyang pagpisil, bilang huling souvenir.

Natatandaan pa kaya ito ni Melanie?

 

SI MELANIE, nang ilang dipa na lang ang layo kay Enrico ay parang hinaplos ang puso; nabura ang galit sa kanyang mukha, maging sa kanyang dibdib.

Ang sumakop ay ang pananabik, pakiramdam niya’y nais niyang yakapin at hagkan ang binata..

Akalain ba niya na magkikita pa sila nito? At sangkot pa ang isang mabait na dalagang kanyang tauhan.

Gaya niya’y mahal na mahal din ni Monet ang binatang nais niyang mahalin hanggang sa huling pintig ng puso.

Ganito ba magbiro ang tadhana?

“Mam, siya po ang may-ari, si Mr. Enrico Soler,” pakilala agad ni Monet, “Enrico, siya ang aking mabait na boss na si Mam Melanie.”

“K-Kumusta ka, Mr. S-Soler?” Pilit ang ngiti ni Melanie. Hindi ganito ang nais niyang gawin sa pinakamamahal pa ring binata.

Si Enrico ay nailang, pero nagpatianod. “I’m g-good, Ms. Melanie.”

Nag-handshake sila. Nagdaop ang mga palad.

It was magical. Nadama nilang pareho ang kakaibang sarap ng pakiramdam, na ang kadakilaan ay sumakop na yata sa kanilang kaluluwa.

“Ten seconds! Mam, bawiin mo na po ang kamay mo! Hoy, Enrico, tapos na ang handshake!” sabi agad ni Monet.

Saka lang parang natauhan ang dalawa. Nagkakahiyaang nagngitian.

Wala pa ring kaalam-alam si Monet na magkakilala ang dalawa at may malalim na ugnayan; na nauna pa sa relasyon nila ni Enrico.

 

 

“ENRICO, may sasabihin daw sa iyo si Mam Melanie. Huwag mo siyang pagsupladuhan, ha? Please…” pabulong na sabi ni Monet sa binata; wala pa ring kaalam-alam na magkakilala at dating may nakaraan ang amo at ang itinuturing na nobyo.

Tumango si Enrico. Inginuso ang kanyang mesa sa tabi ng malaking timbangan. Doon daw sila mag-uusap ng amo ni Monet.

“Mam Melanie, sige po, babantayan ko na lang muna ang sasakyan natin. Kapag po nambastos e sumigaw lang kayo, ako’ng bahala.”

“I think I can handle him, Monet. Huwag kang mag-alala.”

Nauna sa munting tanggapan si Enrico. Ang mesa niya ay luma at maraming gasgas. Sa junkshop ay hindi dapat ang mamahaling office desk.

Napansin agad ni Melanie ang hitsura ng lalaking ayaw pa ring itakwil ng puso. Ibang-iba ito sa dating glamorosong binata na naka-BMW.

At ito ba ay…namayat at umitim? Dahil sa sobrang trabaho at pagkabilad sa araw?

“Please sit down,” sabi nito sa kanya, hindi naman pasuplado pero pormal na pormal.

Naisip ni Melanie, pinuprotektahan nito ang damdamin ni Monet. Ayaw nitong maalarma ang kasalukuyang karelasyon.

Si Monet ay nasa tabi ng SUV, more or less 30 feet ang layo.

“Mr.Soler, b-business ang pakay ko.”

“Cut the shit, Melanie. Hindi tayo naririnig ni Monet. Mag-usap tayo nang totohanan.”

“N-namayat ka at…umitim, Enrico…”

“Naghirap ako, nagsisikap makabawi…Part of the trade ang pagpayat at pag-itim. Hindi madaling magpatakbo ng junk shop na nais kumita…”

“Ngayon ko lang nalaman itong negosyo mo…I mean, kung di ko pa naging tauhan si Monet…”

“Huwag kang magpapaniwala sa lahat ng sinasabi ni Monet. Baka eksaherado na.”

“Defensive ka ba, Enrico?”

Napabuntunghininga ang binata. “In fairness, kasundo ko naman si Monet. But…I don’t love her.”

Namula ang mukha ni Melanie. Bakit bumanggit ng love ang lalaking ito? Is he insinuating something?

“Ikaw naman…lalong gumanda. Corporate boss na talaga ang dating mo, Melanie.”

Lalong nag-blush si Melanie. Mabibilang sa daliri na siya ay napuri ni Enrico. “Thanks.”

“May boyfriend ka na ba?” nais itanong ni Enrico.

Nais ding magtanong ni Melanie. “May puwang pa ba ako sa puso mo? Kaya mo na bang magmahal?”

Pero parehong umid ang kanilang dila.

 

 

 

PAREHO ngang naumid ang dila nina Melanie at Enrico, nasa isip lamang ang mga nais itanong sa isa’t isa…tungkol sa pag-ibig.

Nananaig kasi ang pride ni Enrico. Ayaw aminin na may puwang sa puso niya ang dalagang pitong beses nang naangkin 2 years ago; ang dalagang siya ang naka-devirginize.

Si Melanie naman ay pigil ang damdamin. Bukod sa ayaw mabigo sa binata ay isinasaalang-alang din niya ang damdamin ni Monet; ang tauhan niyang naging pamalit ni Enrico sa sexual needs nito.

“May boyfriend ka na?” nagawa ring itanong ni Enrico.

“Tatlo,” sagot agad ni Melanie, ewan kung bakit nagsinungaling.

Napakunot-noo si Enrico. Hindi maimagine na tatlong lalaki ang ipinalit sa kanya ng dalaga.

“Ikaw…?” naitanong ni Melanie.

“Wala akong boyfriend.”

“Nagpapatawa ka. That’s nice.”

“Kanina ko lang nalaman na buhay pa ang mommy mo, sa bilihan ng karpa, Melanie. I’m so glad…nabawasan ang guilt ko.”

Natigilan si Melanie. Nakumpirma ang hinala niyang sa nagdaang dalawang taon ay hindi nakibalita sa kanilang buhay ang binata; tinutoo pala nito ang sabi na ito ay bibitiw na sa kanya totally.

Walang makapang isagot ang dalaga. 

“Pero sinampal niya ako, twice…”

“Ha?” Mangha si Melanie. Wala siyang kaalam-alam; hindi man lang itinext ng mommy niya.

“Para daw sa pang-aapi ko sa iyo…sa pambubusabos ko sa iyo…”

“I don’t know what to say, Enrico. Hindi ko naman sinabi kay Mommy na sampalin ka…”

“Bygones. Kaya kong kalimutan. Anyway, may kasalanan din naman ako sa pagkakasakit niya nang matagal…”

“Mam Melanie, are you okay po ba?” biglang sigaw ni Monet mula sa di-kalayuan. Tinitiyak na hindi nababastos ni Enrico ang lady boss.

“Y-yes, I’m fine, Monet!” sagot ni Melanie.

“I’m a busy man. Let’s talk business,” pasupladong sabi na ni Enrico, aywan kung bakit binuhay ang galit sa dalaga.

Naalala na naman ba niya ang pag-assume ni Melanie sa puwesto ng EVP sa lahat ng business interests ni Don Pedro?

“Kailangan namin ang patuloy mong pagsu-supply ng used aluminum, Mr. Soler.” Pinormalan na rin ni Melanie ang binata.

“The answer is NO,” madiing sabi ni Enrico. “Maghanap ka na lang ng ibang source.”

“But why? Namemersonal ka? Dahil galit ka sa amin ng iyong ama?”

Naningkit sa poot ang mga mata ni Enrico.

 

 

“HINDI dapat binabanggit sa harap ko ang ngalang kinasusuklaman ko,” madiing sabi ni Enrico kay Melanie.

“Fine, Enrico! Just answer my question bakit ayaw mo nang mag-supply sa amin ng used aluminum? Magaling naman kaming magbayad!”

“Basta ayoko nang mag-supply sa inyo, period!”

“Justify it, I need some explanation!”

Napantastikuhan si Enrico. “Explanation? Ako ang mag-e-explain sa iyo, Melanie? Ibig mo bang sabihin ay hindi mo alam ang rason?”

“Hindi ako manghuhula.”

“Baloney! Alam na alam mo ang dahilan!” sigaw na ni Enrico, napatangay sa galit.

“Eeee! Enrico, huwag mong bastusin si Mam!” Napatili-napatakbo sa junkshop si Monet. Hindi nakaila sa kanya ang pagtatalo ng dalawa.

“Mahirap kausap itong boss mo, Monet. Iuwi mo na.”

“Be professional, Mr. Soler! Hindi ka dapat namimili ng kliyente! Lalo na kung aregladong magbayad!”

Parang walang narinig ang binata. Nakatanaw sa mga bagong dating.

Natanaw din nina Melanie at Monet ang mga ito: mga batang yagit, babae at lalake, may mga dalang sako ng junks.

Nais mahambal ni Melanie sa hitsura ng mga yayat at marurungis na bata; alam na pawang malnourished ang mga ito.

“Bossing, sumama sila! Magbebenta rin!” sabi ng batang lalaki na kakilala na ni Enrico.

“Boyong, nasaan si Candida?” Hinanap ni Enrico ang batang babae na dating kasama ni Boyong.

“Ser Boss, ‘andito po ako! Gutom kami, ayaw mamigay ng plastic at bakal ‘yung basurero!”
Napapalunok si Melanie sa awa sa mga bata. Klarong napabayaan na ito ng mga magulang at ng sosyedad.

Tinawag ni Enrico ang alalay. “Pol! Bigyan mo muna sila ng gatas at pandesal! Ngayon na!”
“Opo, Sir Enrico! Dumadami ho sila!”

“Dumadami ang nagugutom, Pol! Huwag ka na bang magreklamo!”

Bigla ay nais magsikip ng dibdib ni Melanie. Si Enrico nga ba ang magpapakain nang libre sa mga batang ito?

Si Enrico na suplado at ‘arrogant bastard’?

“Mam Melanie, mabait po sa mahihirap ang syota ko,” bulong ni Monet. “Pero sa inyo po, ewan kung bakit masungit…”

“T-tayo na sa van, Monet. Saka na lang tayo babalik…”

“Kakausapin n’yo pa uli…?”

“I never say die, Monet. Laluna sa Enricong ‘yan.”

 

 

 

“HINDI na rin po ako pinapansin, Mam Melanie. May sumpong ang syota ko,” nagdaramdam na sabi ni Monet, nakatingin kay Enrico.

Ang binata ay nakamasid sa mga batang yagit na nagkakainan na ng pandesal. Kanya-kanya na rin ng baso ng gatas ang mga ito.

Si Pol na assistant ni Enrico ay napapailing sa kalagayan ng mga bata.. Sobra kasi ang gutom ng mga ito, halos hindi na humihinga sa pagnguya ng pandesal at pag-inom ng gatas.

Nag-register naman sa diwa ni Melanie ang tagpong iyon. Hindi pa rin mapaniwalaan na ang nagmagandang loob ay ang aroganteng anak sa labas ni Don Pedro.

“Mam Melanie, gusto mo po ako na ang mag-drive?” Nag-aalala si Monet sa lady boss. Alam na upset ito, nabigo sa pakay kay Enrico.

Umiling si Melanie. “No, kaya ko naman. Dati na bang ginagawa ni Enrico iyon?”

“Ang pambabastos sa kausap na babae, mam?”

“No, ang pagpapakain sa mga batang kalye…”

“Bago lang, mam. Kuripot ho ang syota ko. Hindi lang talaga matiis ang mga gusgusing palaboy.”

“May saving grace din, ha?”

“Oho naman. Pati ho mga asong kalye, laluna kapag payat as in payatingting—tiyak na pakakainin ni Enrico, mam.”

“Pati nga pusang ligaw…” sabi ni Melanie sa sarili, naalala ang kuting na dinala pa ni Enrico sa kotse para pakainin sa bahay.

 

 

NAPILITANG magreport ni Melanie sa kanyang ina at sa stepfather. Weekend dinner iyon ng tatlo, regular nilang ginagawa once a week bilang bonding time. Nasa loob sila ng fine-dining resto sa Timog.

“I saw him.”

“Sino, iha?” tanong ng ina.

“Somebody we know?” Kyuryoso ding naghihintay ng sagot si Don Pedro Marquez de Golfo.

“Mommy, ang lalaking sinampal ninyo sa bilihan ng karpa last Sunday,” mahinahong sagot ng dalaga.

“H-ha? Nagkita kayo?” Halatang nasurpresa si Candida.

“Hey, mayroon ba akong hindi alam ha, Candid?” biglang tanong ni Don Pedro, halatang naguluhan.

Na-caught offguard ang ginang ng business tycoon. “W-Well…nais ko lang naman sanang protektahan ang damdamin mo, Pete.”

“Nanampal ng tao ang misis ko and I didn’t know?” Naghahanap ng paliwanag ang don.

“Sino ba siya? Matanda, bata?”

Nagkatinginan sina Candida at Melanie. Nais yatang magpasahan ng sisi sa pagtalakay sa maling topic.

Napilitang magtapat ni Candida. “Siya si…Enrico, Pete.”

Napalunok ang don. “M-My long-lost son?”

 

 

INULIT ni Don Pedro ang tanong sa asawang si Candida at sa stepdaughter na si Melanie. “Si Enrico ang pinag-uusapan natin?”

Tumango ang mag-ina.

“Nasampal mo siya, Candida?”

“Iginanti ko lang si Melanie, Pete. Kulang pa nga iyon sa laki ng kasalanan niya sa aking anak.”

Napailing ang don, napabuntunghininga.. “Do you agree, Melanie?”

“Tito Pete…sa mata ni Mommy, ako po ay binusabos ng inyong anak. Hindi po niya maiintindihan na ako ang…nagpakatanga…”

“Virgin ang anak ko ng pakialaman ng anak mo, Pete. At least ay dapat iginalang niya, hindi basta iniwan left out in the cold,” depensa ni Candida. “And don’t you forget, dahil sa anak mo kaya ako naging comatose ng maraming linggo.”

“Candida…ako ang nagkailang anak ko siya, hindi ko siya kinilala sa publiko. Kaya nagalit siya…”

“Whatever. Ang klaro ngayon, Pete pareho tayong biased pagdating na sa ating mga anak-anak. Paano nga ba tayo magkakaintindihan?”

Tumahimik ang don. Itinuloy ang pagkain. Hindi nga naman dapat nagbabangay ang pamilya sa harap ng grasya ng Panginoon

Kumain na rin nang matahimik ang mag-ina.

Nang tapos na sila ay saka nagpakahinahon sa pag-uusap, gaya ng mga edukadong tao.

“Saan mo siya nakita, Candid?”

“Sa bilihan ng isda sa tabing dagat, Pete. Nabigla pa nga dahil buhay pa pala daw ako…”

“Binastos ka?”

Umiling ang ginang. “No. Nasurpresa siya, actually. Ako nama’y nadala ng galit…”
Muling napabuntunghininga ang don. Kay Melanie nagtanong. “And you, iha…?”

“Tito Pete, may-ari pala si Enrico ng junkshop. Siya ang hands-on manager doon.”

Mangha ang don. “Ang aking anak na iresponsable, namamahala sa sariling junkshop?”

Tumango ang dalaga. “Siya ang main supplier ng used aluminum sa binili nating pabrika ng kitchen ware, sir.”

“Ha? A-Akalain mo ‘yon?”

“Pero galit siya sa atin, laluna sa inyo, Tito Pete. Definitely daw ay hindi na siya magsu-supply sa atin ng used aluminum.”

Nanlumo ang matanda. “Todo pa rin ang galit niya sa akin?”

Tumango ang dalaga. “Obviously, sir. At apektado po ang bagong bili nating kitchen ware factory. Main source nga natin ang junkshop ni Enrico.”

Bumalatay sa mukha ng don ang hinanakit sa anak.

 

 

 

“ANO ANG plano mong gawin, Melanie? Bale bina-blackmail pala tayo ni Enrico? Hindi siya magsu-supply ng used aluminum dahil sa galit sa akin? Tama ba ‘yon?” mahabang dayalog ni Don Pedro, kita sa mukha ang hinanakit sa long-lost son.

“Sir, ako ho ay hindi marunong sumuko. I never say die. Babalikan ko ho si Enrico para kausapin, papayagin na muli tayong suplayan…”

“At kung magmatigas pa rin?”

Bumuntunghininga muna ang dalaga saka sumagot. “I’ll cross the bridge when I get there.”

Ang don naman ang napailing. “Ako ang nagdurusa ngayon…dahil sa aking kapalaluan…”

Naawa sa asawa si Candida. “Take it easy, Pete. Gano’n naman talaga, hindi agad nakaka-realize ng pagkakamali ang tao. Ang mahalaga ay tinatanggap mo na ang pagkukulang mo…”

“Anak ko pa rin si Enrico, kahit pa siya naligaw ng landas, kahit pa lumaki siyang iresponsable….hindi niya kasalanan na isinilang na illegitimate. Kasalanan namin ng nanay niya…”

Hindi na basta nagseselos si Candida sa unang babae sa buhay ni Don Pedro. “Where is she now?”

“Sinong ‘she’, Candid?”

“The former senator’s wife. Your ex-lover. Enrico’s mom…”

“Si Mrs. Soler po, Tito Pete. Kumusta na siya?”

Nagkibit-balikat ang don. “Wala akong balita. Kung di nga sa inyo ng iyong mommy ay hindi pa ako makakabalita sa aking anak.”

“Hindi ko pala naitanong sa aking tauhan, na kasalukuyang girlfriend ni Enrico, kung nasaan na si Mrs Soler. At kung sa mismong junkshop nakatira si Enrico…” Nagsisikap si Melanie na itago ang hinanakit ng puso.

Hindi niya masabi sa dalawang kapamilya na inaasam pa rin niyang mahalin siya ni Enrico.

Gaya ng pagmamahal niya rito nang lihim.

“Pero alam mo, Tito Pete, may namana siyang katangan mo.”

“Talaga? Ano?” Nabuhay ang interes ng amang nakatago.

“May puso po siyang maawain sa mahihirap. Nagpapakain siya ng mga batang yagit sa kanyang junkshop. I saw it with my own eyes,” walang prenong sabi ni Melanie. “May nakahanda siyang maraming pandesal at fresh milk para sa mga batang iyon.”

“May saving grace naman pala, Pete. Bless him.”

“Candid…alam mo bang nasasabik akong kaming mag-ama’y magkabati na? Ganito yata ang umiikli na ang kandila…”

Nangilabot si Candida. “Pete, huwag kang magsalita nang ganyan. Marami pa tayong good plans together.”

Iba ang biglang sinabi ni Melanie. “Mommy, dapat po bang ipaglaban ko ang aking pag-ibig—kahit may ibang dalagang masasaktan nang labis?”

Si Monet ang ‘dalagang masasaktan…’

 

 

“SI ENRICO ba ang sangkot sa problema mo, Melanie?” tanong ni Candida habang sakay na sila ng kotse. Si Candida ang nagda-drive sa lumang sasakyan kasama si Don Pedro. Bahagi ng security measures ng multi-milyonaryo ang pagiging low-key.

Napalunok si Melanie. Nabigla lang ba siya sa pagtatapat ng suliranin ng puso? Kailangan bang aminin niya sa ina, sa presencia ng stepfather, ang pag-ibig na ayaw mamatay-matay kay Enrico?

Hindi na ba niya ikakaila na hanggang sa huling pintig ng kanyang puso iibigin ang binatang hindi naman marunong magmahal?

“Melanie…?”

“No, Mommy…huwag na po pala nating pag-usapan. I’m…a big girl now. Kaya ko ito.”

“Pero sasagutin ko na rin ang tanong mo, anak kung dapat mong ipaglaban ang pag-ibig kahit may ibang babaing masasaktan.”

Napabuntunghininga si Melanie. Mapipigil ba niya ang ina?

Nakita niyang nakikinig lamang si Don Pedro, her stepdad. Alam ba nitong ang anak na binata ang sangkot?

“Melanie, ang kasabihang all is fair in love totoo ‘yon. Parehas ang bawat nagmamahal. Therefore my answer is Yes. Ipaglaban mo.”

“Pero, Mom…labis ding nagmamahal ang…ang dalagang sinasabi ko. At nagbigay na siya nang lahat-lahat, kasama na ang puso…”

“Kung siya ang mamahalin ng mahal mo, then, tanggapin mo ang pagkatalo…leave them in peace.”

“Ayaw pa nga hong magmahal ng…ng lalaking iyon. Ang kapakanan lamang ng sarili ang concern…”

“Bakit nagpapakatanga ang dalaga? Bakit nagbibigay gayung walang aasahang kapalit na mula sa puso?” biglang sabad ni Don Pedro sa usapan.

“Tama ang Tito Pete mo, anak. Sa panahon ngayon, dapat nang manindigan ang mga babae. Huwag bigay nang bigay ng sarili kung walang assurance ng tunay na pag-ibig mula sa pinagbibigyan. Ano ‘yon, kuntentong maging…bed partner na lang?”

“Huwag kayong maniwala na dahil kakaunti ang babae kumpara sa dami ng lalake, konti na lang ang pagpipilian ninyong husband material. Kapag matino ang dalaga, kapag morally upright…siya ang iibigin habambuhay ng lalaking matino rin,” mahabang sabi ng don.

“Kaso po ay hindi maturuan ang puso, Tito Pete. Kahit kaydaming kapintasan sa ugali ng lalaki, iyon pa rin ang nais itibok ng puso…”

“Oh, come on, iha, give me a break! Sa ganda mong iyan at talino, EVP ka pa ng mga kumpanya ko, you are a prize catch!”

Lihim na nais tumutol ni Melanie. Duda niya, kaya lalong ayaw siyang ibigin ni Enrico, dahil siya ang ginawang EVP ng don sa halip na ang binata.

 

 

 

TAPOS na ang dinner nang humiwalay si Melanie sa ina at sa stepfather. Ang dalaga ay nagtuloy sa parental house habang sina Candida at Don Pedro ay sa bahay sa Global City.

Mulang palayasin ni Melanie ang don sa bahay nilang mag-ina, noong comatose pa si Candida, ay hindi na talaga pumayag si Don Pedro na makisuno sa orihinal na bahay ng asawa. Si Candida ang isinama ng don sa bagong tahanan.

Tangay ni Melanie hanggang sa silid-tulugan ang problema sa pag-ibig. “I can really sense it may malalim na hinanakit si Emrico sa aking pagiging EVP ng business interests ng father niya.

“Sino nga ba ako na stepdaughter lang kumpara sa kanya na tunay na anak kahit pa nga illegitimate? Ako man ay tiyak na magdaramdam nang husto. No, baka naghabol pa ako sa korte.”

Naalala niya ang sinabi ni Enrico nang magkita sila sa junkshop after two years. Huwag daw siyang magpapaniwala sa lahat ng sinasabi ni Monet tungkol sa kanila; na hindi raw nito iniibig si Monet.

Di ba nga at nagtaka siya sa biglang pagbanggit ni Enrico nang tungkol sa pag-ibig?

Kung siya ay ilusyonada, iisipin agad niyang nagbibigay ng hint si Enrico na ang iniibig nito ay posibleng…siya.

Pero kung susuriin nang husto, nakababahala na si Enrico at si Monet ay may malalim nang ugnayan; halos dalawang taon na ang relasyon ng mga ito. Higit sa panahong sila pa ni Enrico ang may wirdong pagkakaugnay.

Nais na namang magselos ng kanyang puso; naninibugho siya sa tauhang si Monet; ito ang regular na companion ni Enrico sa kama.

Dapat nga ba niyang sundin ang payo ng ina na ipaglaban niya ang pag-ibig? Maaatim niyang agawan si Monet?

At ano ba ang assurance niya na siya nga ang iniibig ni Enrico?

“Paano kung nais lang niyang muling…makaiskor?

Wala pa rin sa bokabularyo ang salitang pag-ibig?”

Meanwhile ay namumrublema siya sa kanilang supply ng used aluminum. Kung paninindigan ni Enrico ang bantang hindi na sila susuplayan, mapipilitan silang kumuha sa ibang source na tiyak na halos doble ang presyo. This is bad business.

Tama yata ang sabi ni Don Pedro sila ay bina-blackmail ni Enrico. Pero kung blackmail ang laro ng binata, ano naman kaya ang hinihinging kapalit? Wala itong binanggit; ang sabi lang ay ayaw nang mag-supply.

 

 

HIMBING na si Candida. Si Don Pedro ang ayaw patulugin ng gabi; ginugulo ng kunsensiya.

“Mamamatay ba akong hindi napatawad ni Enrico? Babaunin ko ba sa hukay ang kanyang pagkasuklam sa akin?”

Mag-uumaga na nang biglang may naisip na ideya ang don. “Yes, why not? I can do it! Makalalapit ako sa aking anak nang hindi niya namamalayan!”

 

 

GINAWA ni Melanie ang next best thing para sa kanyang pag-ibig. Hindi pa niya kayang kalabanin si Monet in the name of love, pero kaya niyang maging kaibigan ito.

“Talaga, Mam Melanie? You want us to be friends kahit boss ko kayo? Kahit pa nga palpak ako as far as Enrico Soler Junkshop is concerned?” Hindi makapaniwala si Monet. Nasa exclusive restaurant sila ng DPM Towers, ang latest building project ni Don Pedro Marquez.

“Yes, Monet. Sa labas ng office hours, gaya ngayon, ay magtuturingan tayong good friends. You know, women talk boys, fashion, food, love affairs…”

Naiilang pa rin si Monet. “E…kuwan ho, mam…may I ask na hindi kayo magagalit or mapipikon?”

“Nakakapikon or nakakagalit ba ang itatanong mo?”

“Depende po. Relative term. Posibleng oo, posibleng hindi.”

“Okay. What is it, friend?”

“H-Hindi naman po kayo…naa-attract sa akin?”

“Excuse me?”

“I mean, hindi po naman kayo…tibo, T-bird, tomboy or lesbiana?”

Natawa si Melanie. “Ha-ha-ha-ha!”

“Hay, salamat…hindi kayo nagalit or napikon.”

“You are funny, Monet.”

“E ano nga po ang sagot, mam kayo ba ay nagkakagusto sa akin? E…ipinagpapauna ko na po ako ho e para sa lalake lamang. Kinikilabutan po ako just thinking na ako ay hahalikan sa lips ng kapwa ko babae at ako po ay masusuka kapag ni-lovemaking ng aking kabaro…”

Lalong natawa si Melanie. “Gagi, babaing-babae rin ako! From head to foot!”

“Wow! Then we must be friends, Mam Melanie!”

“Melanie lang kapag wala sa trabaho, Monet.” Nagpingkian ng tikom na kamao ang dalawang dalaga.

Walang kaalam-alam si Monet na may ulterior motive si Melanie. Na nais nitong malaman pa ang detalye ng relasyon niya kay Enrico.

Hindi naman natapos ang oras ay para na silang dating magkaibigan. “Really, Monet? Kaya mo…?”

“Oo nga, Melanie…kaya kong magboyfriend noon nang tatlo! Sabay-sabay, Hindi nagkabukuhan!”
“But that was during your college days…Ngayong kayo na ni Enrcio Soler…?” Nananalakab na si Melanie. Sina-size up ang karibal.

“Ayy, stick to one ako kay Enrico, Mel! Super-satisfied naman kasi ako sa kanyang hugs and kisses and others! Laluna ‘yung ‘and others’! Ang galing-galing niya dun!”
Nais na namang mamatay ni Melanie, sa selos.

 

 

 

MAMATAY-MATAY sa selos si Melanie pero hindi naman makapagpahalata kay Monet. Itinuturing na siyang close friend nito gaya ng nais niyang mangyari.

Hindi alam ni Monet na kumukuha siya ng detalye sa love affair nito kay Enrico. Hindi naman alam ni Melanie na siya ay labis na maaapektuhan ng mga kuwento ng tauhang dalaga.

“Bale ba, Mel, bago ako dumating ay tinitiyak ni Enrico na bagong paligo siya! Ready for ‘battle’!” bulong ni Monet, napapahagikhik.

“T-talaga?” Kung puwede lang ay maging bingi na sa mga sandaling ito si Melanie. Gusto na niyang takpan ang mga tenga.

“At heto pa ang sikreto ng lover kong ‘yonl sige, itanong mo…”

“A-Ano?...”

“Mel, ‘yung lokong si Enrico, bukod sa bagong paligo at naka-white pants na loose, walang brief!”

OMG. OMG. OMG. Nakatatlong Oh My God sa sarili si Melanie. Bilang babae ay ayaw niya ng mga bulgar na usapan. Lalo pa nga at involved si Enrico sa issue.

“And there are more juicy details coming up, Melanie! Pero ubusin muna natin ‘tong chibug. Masarap, e.”

Kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Melanie. Mamaya na niya pagdudusahan ang mga nakaseselos na closeness and secrets nina Monet at Enrico. Ang importante ay may respite sa kuwentuhan, kahit paano.

Kayganang kumain ni Monet, napansin niya. Ganito naman ang babaing umiibig at pinapansin ng iniibig, e. Ang nakikita lang ng ganitong babae ay ang pag-ibig sa lalaking pinakamamahal.

“Mahal mo talaga…?’ naitanong ni Melanie; nakabitiw, actually. Di ba nga dapat e may patlang muna, wala munang usapan habang kumakain?

Huli na. Sumagot na si Monet sa kanyang tanong. “Kung mahal ko talaga si Enrico, ha, Mel?”
Napatango siya. “I…I just want to know.”

“Oo naman. Oong-oo. 200 percent OO,” sagot ni Monet, tiyak.

At dito lihim na nalungkot si Melanie. Paano ba niya aagawan ng kaligayahan ang tulad ni Monet na sobra-sobrang magmahal sa lalaking nais niyang patuloy na mahalin?

 

 

SA MAALIKABOK na lugar ng junkshop ni Enrico, nang tanghaling iyon, isang magbabasurang naka-tryke ang kaduda-duda ang kilos.

Halatang hindi ito sanay sa init ng araw, kahit pa nakasumbrerong balanggot at long-sleeves na madumi at gulanit. Kakaunti pa ang napulot na basura nito na nasa sidecar, iilang boteng plastic at bakal.

Kung lalapitan at sisinuhin, makikilalang ito ay walang iba kundi ang amang nais makita up-close ang anak si Don Pedro!

 

 

“HAYUN na nga ang ES Junkshop, tiyak na nando’n ang anak ko!” may pananabik na sabi sa sarili ni Don Pedro habang pawisan na sa pagpedal sa tryke na pambasura.

Humigit-kumulang sa 50 meters ang layo niya sa junkshop ni Enrico.

Huminto siya at inayos ang disguise; nakabalatkayo ang matandang don para hindi makilala ng anak.

May peluka siyang mahaba, lampas-batok, akala mo tunay na buhok. Naglagay din siya ng pekeng bigote na ala-General Miguel Malvar makapal, mahaba, patulis-pataas sa magkabilang dulo.

Sabihin pa, para magmukhang mambubulok, nagsuot siya ng gulanit na pants na maong at long-sleeve shirt na luma at sadyang pinadumi.

Sa biglang tingin ay mukha talagang naghihirap ang don, kailangang maghanap-buhay kahit matanda na.

May dalang salamin si Don Pedro. Kita niya ang pekeng anyo. Mahirap na makilala siya ni Enrico kahit pa sakaling magkaharap sila nang di-sinasadya.

Pero habang nagpapahinga ang don sa ilalim ng punong-mangga at nakatanaw sa junkshop, bigla siyang inabala ng isang lalake na may dalang makapal na libro, 40s, naka-all-white at tipong wirdo.

“Ikaw ang kailangan ko!” biglang sabi nito kay Don Pedro. 

Napatuwid ang don. Hindi sanay sa ganitong tao. “Excuse me?”

“Alam mo ba kung bakit tayo narito sa mundo?”

Napalunok si Don Pedro. Hindi pa niya matantiya kung ang kausap ay may sapak o wala. 

“Sumagot ka, hamak na nilalang!” pangungulit ng lalaking nakaputi. “Isipin mo at sabihin sa akin ang sagot sa tanong kumbakit tayo nasa mundo? What is our purpose on earth?”

Marunong mag-Ingles. Ito ba ay isang professor of Theology na nais mangaral nang direkta sa tao?

“I must admit I haven’t given much thought about it, my friend,” mahinahong sagot ni Don Pedro.

Napangiti sa kanya ang wirdong lalake. “You speak well. Paano kang naging mambubulok, ha?”

Paiwas ang sagot ng don. “It’s complicated. Huwag mo na lang alamin at mahirap paniwalaan.”

“Okay. Ibibigay ko sa iyo ang sagot. Actually, I was already in my 40s nang matuklasan ko ang sagot kumbakit tayo narito sa mundo. Tayo ay nasa mundo para kapag namatay tayo tayo ay magiging pataba! Fertilizer! Para sa mga tanim ng Diyos na Kataas-taasan!”

Gustong bigwasan ni Don Pedro ang baliw na lalake. Imagine, ang purpose daw ng tao sa mundo ay maging pataba sa lupa?

Mayamaya’y natanaw na ng don si Enrico.

 

 

 

PARANG tinatambol ang dibdib ni Don Pedro habang nakatanaw sa tanging anak. Iyon na nga ba si Enrico? Ang dating makinis na binata na sanay sa luho at rangyang buhay ay nasa initan at naghahakot ng junks sa malaking timbangan?

Umitim si Enrico, napansin ng don. Sa tulong ng baon niyang binoculars na pangkarera ng kabayo ay malinaw niyang nakikita ang anak sa labas.

May katulong itong binatilyo sa pagbubuhat ng mga junks mula sa looban ng shop. May naghihintay na kostumer, tiyak ng don na isang mamamakyaw. Sa di-kalayuan sa entrance ng junkshop ay nakahimpil ang trak na magkakarga ng mga used items mula kay Enrico.

Bilang amang nagsisisi sa nagawang pagkakaila kayEnrico sa publiko, sa loob ng mahabang panahon, sa mga sandaling iyon ay nais na yatang takbuhin ng don ang anak para mayakap.

Hihingi siya ng tawad sa binatang ito. Lalamunin niya ang mga sinabi na si Enrico ay hopeless, walang pag-asa sa buhay.

Mali siya. Si Enrico ay larawan na ng katatagan. Hindi na ito ang dating pabigat sa mundo na walang alam kundi magpasarap sa buhay.

Babawiin na rin niya, no lalamunin ang sabi niyang si Enrico ay ‘arrogant bastard’. May arogante ba namang bastardo na hayun at nagpapapawis para mabuhay?

Hindi pa nagsasawa sa paglargabista kay Enrico si Don Pedro nang may mahagip ang mga mata niya.

“Isang rekwang batang…yagit…palapit kay Enrico…” Napansin agad ng don ang mga batang marurungis at payat.

Nang makita ni Enrico ang mga bata ay kumaway ito, pinapunta ang mga bata sa isang bahagi ng junkshop.

Kasunod ay nakita ni Don Pedro na ang binatilyong katulong ng binata ay nagtungo sa loob, naiwan si Enrico sa malaking timbangan.

Mayamaya pa’y napatunayan ng don ang sinabi ni Melanie tungkol sa isa pang ‘milagro’ ni Enrico his saving grace daw.

“Totoo nga…nagkakawanggawa si Enrico sa mga batang iyon! Nagbibigay siya ng pagkain at gatas!” 

Overwhelmed sa tuwa ang don. Sa puso niya ay nais isigaw sa mundo ang pagmamalaki:

“Mga kabayan, anak ko ‘yan! Si Enrico Soler ay may maawaing puso sa mahihirap and he is my son!”

Saka napansin ni Don Pedro, tulo na pala ang kanyang luha. Sa tindi ng kaligayahan. Napatunayan niya kasing makatao na ang kaisa-isang anak; karapatdapat nang mahalin at ipagmalaki.

Lumakas ang loob ni Don Pedro. Nagsimulang magpedal sa tryke na pambasura, palapit kay Enrico.

 

 

HAYUN ang don, nakabalatkayo, paspas sa pagpedal sa tryke na pambasura, sabik na palapit sa kinaroroonan ng kaisa-isang anak.

Si Don Pedro ay hihingi ng tawad kay Enrico. Handa na niyang ipagsigawan sa buong mundo na si Enrico Soler ay kanyang anak! He is proud of his son!

Wala namang kaalam-alam si Enrico na sa araw na ito ay magkikita sila ng ama. Abala ang binata sa pagtitimbang ng mga junks na pinapakyaw ng malaking kliyente.

Ang bahagi rin ng atensiyon ni Enrico ay nasa mga batang yagit na masayang kumakain ng pandesal at umiinom ng gatas, mula sa kanyang kawanggawa.

Nasulyapan naman ng binata ang nagpepedal na lalaking sa porma ay mahihinuhang may-edad na. Hindi niya nakikilala ito. Mahaba ang buhok, nakasumbrerong buri, kakaunti ang laman ng tryke na pambasura.

Magbebenta ba ito ng kakarampot na junks? Tantiya niya’y hindi pa aabot sa beinte pesos ang kargada nito.

Maaawa na naman ba siya at dodoblehin ang bayad sa matanda?

Napailing siya. Sa negosyo ay dapat hindi kasali ang awa. Ano ba siya, nagtatrabaho sa init ng araw, sa mabahong lugar, para malugi lamang?

Dapat siyang mag-charity kapag siya ay multi-milyonaryo na.

“Gaya ng tatay kong super-dami na ng pera…” sabi niya sa sarili, sa isip lamang. “Pero super-kulang sa pagharap sa katotohanan…hindi matanggap na ako ay kanyang anak…”

Kung alam lang ni Enrico na ang matandang palapit ay ang ama at handa na siyang kilalanin sa buong mundo!

 

 

NALUBAK ang tryke sa padausdos na daan, bumalentong.
Braangklang. Dagugdug. Kay-ingay ng tunog ng tryke na sumemplang. Si Don Pedro ay tumilapon sa tambak ng buhangin, una ang dibdib, nakaplakda.

Nakita siya ni Enrico. Nakita niyang patakbo itong palapit.

Naunahan ng takot ang don, naduwag. Inayos agad ang balatkayo. Hindi pa pala siya handang magpakilala kay Enrico.

Bago pa nakalapit ang anak ay naka-disguise nang muli ang don, medyo nakabawi na ng lakas.

“Nasaktan ba kayo, tatang?”

Tatang. Sumilid ito sa isip ng don. Tatang na pala siya? Mas gusto niyang tinatawag na Manong, Kuyang, o kaya ay Tatay or Sir.

Iniiwas ng don ang mukha. Binago rin ang tinig, pinalaki. “H-Hindi naman gaano, totoy…”
Totoy. Sumilid ito sa diwa ni Enrico. Mas gusto niyang tawaging Iho, Bro o kaya ay Young Man.

Inangat niya ang matanda, clueless sa identity ng ama.

 

 

 

INALALAYAN ni Enrico sa pagtayo ang hindi namumukhaang ama. Si Don Pedro ay iniiwas ang mukha; hindi dapat makita ng anak ang kanyang mga mata.

Alam kasi ng don na ang mga mata ang give-away sa mga nagdi-disguise; anumang balatkayo ay nabubuko dahil sa mga mata. Noong hindi pa sila nagkakalabuang mag-ama, sina Don Pedro at Enrico ay nagkikita rin naman nang palihim.

Kahit paano ay nagkakausap sila; not necessarily nagkakasundo.

“Kaya n’yo na po bang magpedal, tatang?” concerned na tanong ni Enrico sa inaakalang ibang matanda. Naitayo na rin niya ang bumalentong na tryke na pambasura.

“O-Oo, totoy…s-salamat sa iyo…” Muli ay iniba ni Don Pedro ang tinig. Iniiwas pa rin ang mga mata.
Iyon pa naman ang ayaw na ayaw ni Enrico sa tao ‘yung hindi makatingin nang diretso sa kapwa.

Mahiyain lang ba ito? O baka naman nagtatago sa batas kaya takot humarap sa tao?

Marami raw ganitong kaso na ang mga taong nasa lansangan, kasali na ang mga taong grasa o street urchin, ay mga wanted persons pala; ginagawang kanlungan ang pagiging laman ng kalye.

Naunahan na talaga ng takot si Don Pedro; naduwag na baka i-reject siya ng anak na kaytagal itinago, itinakwil sa mata ng publiko.

Ayaw kasi niyang ma-identify noon sa binatang walang narating; hindi tapos ng pag-aaral; walang alam kundi magpasarap sa buhay.

Nagsimula na siyang pumedal; saka na lang siya muling maglalakas-loob na magpakumbaba kay Enrico. Kumaway siya sa anak habang palayo.

“Sandali!” sabi ni Enrico. Ang paalis nang matanda ang pinahihinto.

Kinabahan si Don Pedro. Nakilala na ba siya, despite his disguise?

“Bakit…?” tanong ng don pero hindi lumilingon, nakaupo pa rin sa bisikletang may sidecar, nasa pedal ang mga paa.

“Papakyawin ko na ‘yang konti ninyong junks, tatang.”

Lihim na nakahinga nang maluwag ang don. Buong akala ay nabuking na ng anak.

“S-Salamat uli, iho…este, totoy pala.”

Naguluhan si Enrico sa tinig ng matanda. Bakit nag-iba yata? Bakit parang narinig na niya; tila pamilyar?

“Here, I purposely doubled the rate, sir.” Binigyan ni Enrico ng kuwarenta pesos ang matanda para sa kakarampot na junks na puwedeng i-recycle. Wala sa loob na napa-Ingles siya.

Kaso ay nawala rin sa loob ng don na papel mahirap siya, magbabasura. Sukat ba namang napa-Ingles din? “You are making your parents proud, young man.”

Nagkatinginan sila, parehong kinabahan.

Wala sa loob, parehong napa-Ingles sa pag-uusap si Enrico at si Don Pedro. Ang junkshop owner na binata ay napatanga sa matandang magbabasura; ang huli na naka-disguise ay saka naunawaan ang pagkakamali. Meron ba namang namumulot ng basura na mahusay magsalita ng Ingles?

“Who are you?” kunot-noong tanong ni Enrico.

Hindi nasiraan ng loob si Don Pedro, sumalag agad. Binago muli ang boses. “Isang matandang nalugi nang husto, bumagsak ang kabuhayan.”

“Tiyak na may naipundar naman kayo, bakit hindi ninyo ibinenta?”

“Wala ngang nalabi. Ako nga ay napurdoy. Bagsak.”

“Bagsak as in …You lost your shirt?” 

Tumango ang don. “Minalas, e.” 

“Bakit hindi kayo makatingin sa akin nang diretso, tatang?”

“M-May sore eyes ako, totoy. Matindi. Ayokong makahawa.”

Parang biglang nangati ang mga mata ni Enrico. Na-psychologize siya ng umano’y sore eyes ng matanda.

Nagpatuloy na sa pagpedal ang don, palayo. Kumaway muli pero hindi na nagdayalog, takot na makilala na siya ng anak.

Naiwang nangangati pa rin ang mata ni Enrico. Iiling-iling na tinanaw na lang ang matanda.
Pagkatapos ay tinakbo na ang junkshop, naghilamos agad ng mga mata at mukha.

“Boss Enrico, sino po ‘yung tinulungan ninyo?” Nakita pala sila ng binatilyong katulong.

“Isang matandang mahusay mag-Ingles pero may sore eyes, Pol,” sagot ni Enrico habang nagpupunas na ng tuwalya. “Kunin mo pala ‘yung junks niya du’n. Bayad na ‘yon, naiwan ko.”

 

SINA Melanie at Monet ay tuluyan nang naging magkaibigan. Hindi hadlang ang pagiging boss ni Melanie at pagiging tauhan ni Monet.

“Kakaunti na ang stocks nating aluminum, baka mabitin ang production,” may pag-aalalang sabi ni Melanie. “Wala ba talaga tayong makuhanan na ibang source na hindi harang ang presyo?”

Umiling si Monet. “Special price kasi ‘yung bigay sa akin ni Enrico no’n. Kasi nga raw ay hindi kami pag-aari ni Don Pedro saka nagsisimula lang kami…Super-galit nga kay Don Pedro…”

“Nakasama pa pala ang pagbili namin sa kumpanya ninyo. Hindi ko naman alam kasi na si Enrico Soler ang main supplier. Kasalanan ko rin, dapat sigurista ako, Monet…Napatapat tayo sa lalaking unreasonable.”

“May weakness si Enrico, Melanie…tiyak na magereconsider kapag binigay mo ang gusto. Kaya lang, immoral…” makahulugang sabi ni Monet sa kaibigang amo.

 

 

 

“IMMORAL?’ tanong ni Melanie kay Monet, inulit lang naman niya ang sabi ng tauhan-kaibigan na si Enrico Soler ay may weakness na kung ibibigay ni Melanie ay malulutas ang problema nila.

“Oo nga, Melanie, immoral as in Mahalay. Kuwan, kapalit ay makukuha natin tiyak ang aluminum supply na kailangang-kailangan ng pabrika ni Don Pedro.”

Napalunok si Melanie. “Are you telling me na ang pinag-uusapan natin, na weakness ‘ka mo ni Enrico ay sex?”

“Sakto, Melanie. Napakahilig ng syota kong ‘yon.”

“Ako ang…magkakaloob sa kanya ng aking…”

Tumango si Monet. “Oo nga, kahit pa masakit sa akin na may ibang makakasiping ang syota ko…payag na rin ako, malutas lang ang problema mo sa aluminum supply.”

Napantastikuhan si Melanie. Babalik na naman siya sa pagpapa-slave kay Enrico sa sex para lang makuha ang supply ng used aluminum?

Ang bagay na isinumpa na niyang hindi na ipagkakaloob kay Enrico her womanhood na pitong beses niyang ipinaubaya sa binata bigla na namang ikokompromiso?

Dahil lang sa regular supply ng second-hand aluminum junks?

Hindi pa naman siya ganito kadesperate, alam ni Melanie.

“Melanie, suggestion ko lang naman ‘yon…kung ayaw mo, well and good. At least ay hindi mo ako sasaluhan sa aking…man of my life,” matapat na pahayag ni Monet sa kaibigang boss.

“Isang tanong pa pala, friend wala bang sex appeal sa iyo ang syota ko?” walang prenong sabi ni Monet.

Napaigtad si Melanie sa tanong na iyon. Masasabi ba niya sa tauhan-kaibigan na pitong ulit niyang kinamatayan ang sex appeal ni Enrico?

“Naku, wala! Zero appeal siya sa akin, Monet!” pagkakaila agad ni Melanie. Mamatay na ang umamin.

“Gano’n? Pero akala ko pa naman ay nagka-crush ka?

Namula ka nu’ng unang pagkikita ninyo sa junkshop, di ba? At ang syota ko namang mahilig ay kaytagal na hinawakan ang iyong kamay!”

“Wala iyon, guniguni mo lang na ako’y nag-blush. That Enrico Soler is not my type, Monet.”
Natigilan si Monet. “Nasisiguro mong hindi ka naman…tibo o lesbiana o t-bird, etsetera?”

Sagot agad si Melanie. “I told you babang-babae ako. Nagkataon lang na iba ang preference ko sa guys.”

 

 

NAGTAPAT kay Candida si Don Pedro; namangha ang ginang. “Nagkaharap kayo face to face ni Enrico pero hindi ka nakilala dahil nag-disguise ka, ha, Pete?”

“Oo nga. Sabi ko pa’y may sore eyes ako, kaya hindi makatingin nang diretso sa kanya. Naduwag ako and I hate myself for that!”

 

 

LALONG namangha si Candida nang malaman ang detalye ng ginawa ni Don Pedro para lang makalapit sa anak na si Enrico.

“Nagpedal ka ng tryke na may sidecar, Pete?”

“Oo, naka-disguise nga ako, mukhang pobre. Muntik na akong makilala ng anak ko, Candid.”

“Pero…nasiraan ka ng loob na magpakilala? Dahil baka ka isnabin ni Enrico?” pagklaro ng ginang.

Tumango ang don. “Suplado nga iyon, super-galit sa akin. Hindi ako nakatitiyak na mapatawad agad niya.”

“Umiral ang pride mo, Pete. Iyon ang totoo. Hindi pa rin matanggap ng sarili mo na ikaw ang susuko sa iyong anak…”

Napabuntunghininga ang don. “Parang gano’n nga…mamamatay yata akong napakataas ng pride…”

“Pero ang nakabibilib sa anak mo pumasok pala sa trabahong walang glamour at bilad sa araw. Bukod sa madudungisan siya, dahil sabi mo’y siya mismo ang humaharap sa kliyente, iitim nga siya at mawawalan ng class.”

“Ibinenta pala ang BMW, idinagdag sa ibinigay ko, para makabangon…Hindi na pala iresponsable ang anak ko, Candid…”

Napabuntunghininga ang ginang na nanay ni Melanie. “Nasampal ko siya dahil sa ginawa kay Melanie. Pero he also deserves a pat at the back dahil kaya pala niyang bumaba sa lupa…”

“Palagay mo, dapat ko na siyang lapitan bilang ako? Hindi na bilang nagpapanggap na mahirap na namumulot ng basura?”

Hinaplos ni Candida sa mukha ang asawang don. “Pete, ang puso mo ang magdidikta sa iyo kung ano ang dapat mong gawin bilang mabuting ama… Follow your heart, darling.”

 

AKALAIN bang gano’n din ang payo ni Monet sa suliranin ng puso ni Melanie. “Follow you heart, kalimutan ang iba pa, Mel.”

Umiling ang dalagang EVP ng Don Pedro Marquez Group of Companies kasali na ang pinamamahalaang The Kitchen Ware Company. “Minsan akong nagpakatanga sa pag-ibig, Monet. Ayoko na…”

“E sino nga ba ang lalaking labis mong minahal noon, ha, Mel? At bakit kayo hindi nagkatuluyan?”

Hindi masasabi ni Melanie ang masalimuot nilang relasyon ni Enrico. Na gaya ni Monet ay siya ang labis na nagmahal sa binata, samantalang ito ay hindi naman nagpapahayag ng pag-ibig.

Umiling si Melanie. “Akin na lang ‘yon. Hindi ko ipinaaalam sa iba kung sino siya, Monet.”

“Hindi naman mas guwapo sa syota ko, ha, Mel? The most handsome si Enrico ko, promise.”
Nakiayon na lang si Melanie.

Pero naglalaro sa isip niya ang immoral suggestion ni Monet na daanin niya sa ganda at pagka-sexy si Enrico.

 

 

 

ANG gabing iyon, biglang may sumilid sa isip ni Enrico. Napabalikwas siya mula sa higaan. 
Nasa bahay sila ng mommy niya; mas tamang sabihing nasa inuupahang apartment.

“Holy cow!” Gilalas si Enrico. Masyadong nakabibigla ang kanyang naisip. “Napaglalangan ba ako ng taong ‘yon?”

Ang amang si Don Pedro ang lumiligalig sa binata. Duda niya’y pinagmukhang tanga siya nito.

“Siya ba ang matandang namumulot ng basura na umano’y napurdoy sa negosyo?”

Kaya ba hindi sanay sa tryke at marunong pang mag-ingles?

Kaya rin ba tabingi ang katwiran kumbakit namumulot ng basura? Hindi kasi kapanipaniwala ang sabi nito na walang natira sa kabuhayan.

Ang negosyante ay nakagagawa ng paraan para makabangon kahit paano. Kung bumagsak ang malaking negosyo, e di magsimula uli kahit maliit! Gano’n ‘yon, di ba?

Naalala niya ang pag-iwas nito na makipagtitigan sa kanya; umano’y may sore eyes at ayaw makahawa.

Will he buy that? Paniniwalaan niya, tatanggaping katotohanan?

And the old man’s voice, bakit paiba-iba ang tono? Na para bang kinukontrol nito?

Namula siya sa galit. Duda talaga niya’y napaglaruan siya ng ama.

Pati ba ang pagtumbalelong ng tryke nitong de-padyak at may sidecar ng basura ay isang palabas?

At siya namang naïve at clueless ay sumaklolo agad nang makita itong napatilapon sa tambak ng buhangin?

“Putang am-.” Malakas talaga ang kaba ni Enrico na ang ama ang nakaharap nang hindi niya namalayan.

Salubong ang kanyang kilay nang madatnan ng ina sa salas. “Enrico, ano’ng problema mo?”

“Mommy, malakas ang duda ko na tinanga ako ni…ng dati mong kabit. And I mean that man you called my father.”

Nagkainteres ang inang sosyal. “Go on, nakikinig ako…”

“Matindi ang kutob kong siya ang matandang nag-disguise na namumulot ng basura.

Sumemplang ang tryke niya at akong tanga ay lumapit at tinulungan siya…”

“Hindi mo namukhaan?”

“Nag-disguise nga ho. Iniiwas ang mata dahil may sore eyes nga daw… naniwala naman ako. Nangati ang aking mata…”

 

 

SI MELANIE ay nasa harap ng salamin, panay ang sukat ng damit na sexy, aakitin si Enrico.

“This time ay siya naman ang gagawin kong slave. Magmamakaawa siya sa akin na pagbigyan ko…”

 

 

DESIDIDO nga si Melanie na kunin sa ibang paraan ang kailangang-kailangang aluminum supply mula kay Enrico. Susundin niya ang tip ni Monet na kunin sa weakness ni Enrico ang deal.

Aakitin niya si Enrico pero this time ay hindi na siya magiging slave nito sa pag-ibig. Instead babaligtarin niya ang dating sitwasyon. Siya ang mang-aalipin sa binata. Makukuha niya ang aluminum deal at mapapaikot pa niya si Enrico.

Here she is, hindi magkandatuto sa pagsusukat ng mga seksing damit. She will play his game. Napakahilig sa makamundong ligaya ang binatang nais pa rin niyang mahalin.

Therefore ito mismo ang gagawin niyang pain.

“Beauty yata ako! Hindi ako matatanggihan ng Enricong ‘yon! He used to adore my body!” Nakaharap siya sa tall mirror inside her room. Nakatatlong palit na siya ng damit na nagpapatingkad sa kanyang sex appeal.

“Hindi ako dapat ma-guilty. May purpose ang gagawin ko. Ayokong mabigo sa akin si Tito Pete. Gusto kong magtagumpay ang The Kitchenware Company.”

Napili niya ang bulaklaking chiffon dress na spaghetti strap at puwedeng i-windblown ang maluwang na laylayan ng skirt.

Mahangin sa junkyard. Titiyempuhan niyang malakas ang hangin saka siya lalapit sa binata.
Nagpraktis pa siya sa harap ng salamin. Lakad na ala-fashion model; ngiting nakakaakit.

Imbay ng balakang na tila sunod sa tempo ng musika.

Hindi pa nagkasya, kumuha ng electric fan si Melanie at itinapat sa kanyang loose skirt. Sa paglakad niya ay tinamaan ng malakas na hangin ng electric fan ang magaang-maluwang na skirt ng damit niya.

“Perfect! Kita ang nais niyang makita! Pero split second lang dahil ibinaba ko agad!” She chose red for her panties.

 

 

HINDI ipinaalam ni Melanie kay Monet ang plano. Walang babala siyang nagtungo sa junkshop ng binatang galit kay Don Pedro.

Malakas ang hangin nang siya ay bumaba sa kanyang SUV. Anumang sandali ay inaasahan niyang liliparin ang kanyang palda habang nakatingin si Enrico.

Pero halos sampung metro na lang siya sa binata ay saka naman ayaw humihip ang hangin!

Si Enrico ay kunot-noong nakatanaw sa kanya. Tila sinasabing ‘narito ka na naman?’ Ayaw na nga ba sa kanya ng lalaking ito?

Ayaw pa ring humihip ng malakas na hangin. Nanatiling nakatago ang kanyang red panties. 

Gusto na yata niyang kusang ililis ang kanyang skirt. Pero alam niyang mapapansin ni Enrico ang kanyang pagpipilit.

No way, basta siya ay lalapit sa binatang arogante at muling makikipag-usap. This time gagamit na siya ng charm.

“Nag-iisa ka, sinipa mo na ba si Monet?” tanong ni Enrico.

“Official business ang ipinunta ko rito, Mr. Soler. Walang kinalaman si Monet,” matatag na sagot ni Melanie.

“M-Maganda ka ngayon. Sexy…baka makalimot ako.”

 

 

 

“E-EXCUSE me?” tarantang tanong ni Melanie kay Enrico. Hindi pa yata makapaniwala sa sabi ng binata na siya ay labis na nakakaakit at baka ito ay makalimot.

“Sabi ko, Melanie…extra sexy ka, parang nais kong makalimot,” nakangising ulit ni Enrico, may malisyosong ngiti.

“M-makalimot na paano? Na ikaw ay si Enrico Soler…?”

“Makalimot sa kagandahang asal…mapilitang angkinin kang muli…I mean ang iyong pagkababae… “

Lihim na nagagalak si Melanie sa narinig. Patunay kasi ito na naakit na nga niyang muli ang lalaking ito. Kahit hindi inilipad ng malakas na hangin ang maluwang na laylayan ng kanyang dress; kahit pa hindi siya nakitaan nito ng red panties.

Nagtawa si Melanie, pauyam. “Masaya ka. Inaakala mo pa ring ako ang dati mong alipin, ha?”

“Why not? Minsan na kitang naging sex slave, lady, bakit naman hindi mauulit? Ikaw pa rin ang babaing uhaw sa mga bisig ko, don’t lie.”

“Mr. Soler, naparito ako para isara na ang ating deal.”

“Deal? What deal…?”

“Na kami na ang muli mong regular na susuplayan ng lahat mong used aluminum…”

Napatanga sa kanya si Enrico. “Nananaginip ka ba? Wala tayong deal. I told you last time na Never akong magsusuplay sa inyo ng aking aluminum. You are totally disoriented, Melanie. Nasa influence ka ba ng hallucinating drugs?”

Nagpakahinahon si Melanie. Hindi nalingid sa kanya ang pasulyap na hagod ng mga mata ni Enrico sa kanyang upper torso.

Lalo naman niyang iniliyad ang mga dibdib; hangad niyang magdusa sa panggigigil ang lalaking ito. 

“Tatanggi ka sa palay na premium brand?” sabi niyang taas-noo, makahulugan ang ngiti.

“What premium brand? Anong palay?”

“Palay na buhay at nagbibigay-sigla sa lalaking mahilig. Kung hindi mo pa rin nakuha ay bobo ka.”

Napalunok si Enrico. Bagong paligo pa naman siya. “Y-You mean…payag kang…magkaloob?”

“If the deal is right, malay mo?” halos bulong ni Melanie, sabay hatak-pataas sa kanyang loose hemline

Sansaglit na nakita ng binata ang red panties.

“Holy bastard shit! Sex nga ang pinag-uusapan natin!” manghang sabi ng binatang may junkshop. “Ikaw ang palay na premium quality!”

“Ibalik mo ang aluminum supply namin and get a chance to take me into your room, Enrico Soler! Deal or No Deal?”

 

 

NAG-REPLAY sa utak ni Enrico ang sabi ni Melanie na ito ay posible niyang madala sa bedroom kung siya, si Enrico, ay ibabalik ang regular supply ng used aluminum sa kumpanya ng dalaga.

“Well, Enrico Soler Deal or No Deal?” ulit ni Melanie.

Naalala ng binata ang panunukso kanina ni Melanie; nagpakita ito ng konting-konting bahagi ng red panties, sa loob ng suot na dress!

Parang tinutukso ng sandamukal na demonyo si Enrico, bubug-bubog ang pawis sa pagnanasa. Alam ba ng dalagang ito na he missed her so much sa nagdaang dalawang taon?

Na ang alindog ni Monet ay hindi makapapantay sa kariktan nito?

Tama ang sabi ni Melanie tungkol sa sarili na ito ay premium brand ng palay! Napakahirap tanggihan ng manok!

“P-paano naman ako makatitiyak na tutupad ka sa usapan?”

“Ang sabi ko ay magkakaroon ka pa lang ng chance to take me into your room, sakaling may Deal na tayo. I didn’t say iyon na nga ang mangyayari,” pagklaro ng dalaga.

“Holy bastard shit, pinahihirapan mo ako!”

“Dapat paghirapan ang bagay na katakam-takam, Mr. Soler!”

“Halimbawang it’s a Deal, what’s next, Melanie?” napapalunok na tanong ni Enrico, minsan pang sinulyapan ang kabuuan ng dalaga.

“You have to convince that you’ll be a good lover.”

Saglit na nag-isip ang binatang may junkshop. “One-sided namang masyado, parang wala akong kapanapanalo.”

“Mr. Soler, ang umaayaw ay hindi nagwawagi; ang nagwawagi ay hindi umaayaw!”

“Manuel Uy, sweepstakes ticket dealer slogan, Circa 1950!”

“Wow! Alam mo pala? Ako’y narinig ko lang sa mommy ko.”

“Mahilig sa radio commercial ang lola ko,” sabi naman ni Enrico. “But we are getting out of the issue. How can I convince you that I’ll be a good lover, Melanie?”

“Simple lang—ideklara mong you are my slave,” sabi ni Melanie, “I mean, slave of love.”

Napantastikuhan ang binata. “Babaligtarin mo ang sitwasyon, ha, Melanie? Noon ay ikaw ang aking sex slave! Ngayon ay ako ang gagawin mong…alipin ng pag-ibig?”

“Deal or No Deal, Mr. Soler?” matatag na tanong ng dalaga.

“Deal! Sa inyo nang muli ang regular supply ng aluminum ko!”

“Bravo! Now profess your love for me, Enrico! Sambahin mo ako! Say it loud!” sabi-utos ni Melanie.

He smells her scent. Tupok na ng init ang kanyang pagkalalaki.

Larawan si Enrico ng mabangis na tigre na sa isang iglap ay naging maamong kuting. “Sinasamba kita, Melanie…”

 

 

 

“SAY it again, Enrico!” utos ni Melanie, nais malunod ang puso sa kaligayahan. Imagine napasunod niya ang binatang arogante. Sinasamba daw siya! At sinabi ito ni Enrico habang nakaluhod ang isang paa at hawak ang kamay niya!

“Sinasamba kita, Melanie…oh, jeez, I really do! I adore you no end!”

Nais kiligin ang buong katauhan ni Melanie. Dapat ay nairekord niya sa celfone ang sinabi ni Enrico. Kaso ay wala siyang load this very minute.

This is one great moment na sana ay documented. Pero hindi nga nakisama ang pagkakataon.

Mula sa pagsamba ay nais patunayan ni Enrico ang pagmamahal sa dalaga. “Melanie, let’s hug and kiss. I’m dying to make love to you…”

Pinamulahan ng mukha si Melanie, salag agad. “Masaya ka! Sa akala mo, bibigay agad ako? Just like that?”

“Pero may Deal na tayo. Kayo na uli ang regular kong susuplayan ng aluminum…”

Nagpapakahinahon ang binata. Alam na hindi dapat ma-upset sa kanya ang kanyang…sinasamba.

“Pag-aaralan ko pa kung magiging karapat-dapat kang slave of love. Maghintay ka ng ilang araw,” matatag sa sabi ni Melanie.

“Pero, my love…mamatay-matay na ako sa pananabik…”

“Maligo ka, init lang ‘yan.”

“Melanie naman…”

“Enough, slave. Ayokong kinukulit mo ako.” Pinandilatan ni Melanie si Enrico. Ang binata ay napabuntunghininga.

Amazing! Sa isang kumpas nga ba ng kapalaran ay biglang nabago ang kalagayan nina Melanie at Enrico?

Ang dating alipin ni Enrico ay siya nang naging reyna ng binata?

Maging si Enrico ay nais mapantastikuhan sa nangyari. Dahil lang ba sa labis niyang paghahangad kay Melanie ay handa na niyang isuko ang pagkatao? Ang kanyang pride?

Pumayag nga ba siyang maging alipin sa pag-ibig? Baka mas tamang sabihing siya ay alipin ng pagnanasa? Ng kamunduhan?

Pervert na ba siya? Nagpaseksi lang si Melanie ay nais nang mabaliw? Ibibigay ang lahat maangkin lang muli ang dating nagpapaubayang dalaga?

“Ipahahanda ko agad ang kontrata, Enrico. Legal ang gagawin nating usapan. Regular kaming tatanggap ng used aluminum mula sa iyo. Assured ang pabrika namin ng supply.”

“Kahit walang kontrata ay paninindigan ko ang pangako sa iyo, Melanie. Trust me, okay?”

“Halika doon sa medyo tago,” walang ngiting sabi ni Melanie.

Sabik namang sumunod ang binata kahit may tanong. “Bakit…?”

“Kiss my feet, Enrico. Ngayon na.”

 

 

“KISS my feet, slave!” Inulit ni Melanie ang utos sa binatang baliw na baliw na sa kanya. Nakaupo siya sa antigong upuan sa medyo tagong bahagi ng junkshop ni Enrico.

Si Enrico ay nginig pang hinawakan ang paa ni Melanie, buong pagsambang hinalikan ito.

Masuyong halik na puno ng init at pagmamahal. Nakapikit pa si Enrico sa kadakilaan ng mga sandaling iyon.

Ah, this guy is really conquered, vanquished. Tuluyan nang nasakop ni Melanie ang puso ni Enrico.

Alipin na nga niya ito sa pag-ibig.

Puwera na lang kung bigla itong matauhan, mauntog sa katotohanan na ito pala ay pinaglalaruan na ni Malanie.

Dalawang paa ni Melanie ang halinhinang hinalikan ni Enrico nang buong init at pagmamahal. Kilig na kilig na ang buong katauhan ng dalaga.

Ninanamnam ni Melanie ang tagumpay. Ang dati niyang Hari ay siya niya ngayong alipin; Siya na ang Reyna nito.

Pero ang kilig ay nagdudulot din ng pagkabuhay ng pagnanasa. Dama ni Melanie na pati sa kanyang pagkababae ay umaabot na ang masarap na pakiramdam. Nais niyang mapasinghap.

Ang pilyong kamay ni Enrico ay hinaplos ang kanyang binti, tuloy sa itaas ng tuhod.

Napaigtad ang dalaga. Sisigaw na ba siya? Tama na? Stop na? Enough na?

Wala namang lumabas sa kanyang bibig. Nayakap na siya ni Enrico kahit siya ay nakaupo.

Sumunod niyang namalayan ay nakayakap na rin siya sa kanyang slave, handa nang magbigay ang mga labi.

He did kiss her. Nagsimula sa tender caress sa kanyang lower and upper lips. Nang tumagal ay naging mainit na ang paglalapat ng mga labi.

Napapikit si Melanie. Nadinig niya ang mahinang ungol ng kasiyahan.

Siya na pala iyon. That faint moan comes from her.

Inaapuhap na ni Enrico ang strap ng kanyang b-r-a, may pagmamadali, dama ang pangangailangan.

“Boss Enrico? Boss? Where are you?” Biglang dumating ang katulong ni Enrico sa junkshop—si Pol.

Natauhan si Melanie. Itinulak si Enrico. “Enough!”

“Ay, may kasama ka pala, b-boss. Sorry, wrong entry…” napapakamot ng ulong sabi ng bata pang katulong.

Lihim namang nagpasalamat si Melanie sa pagdating ni Pol. Muntik na talaga siyang nakuha na naman ni Enrico.

Umalis agad siya, hindi na nagpaalam kay Enrico.

 

 

 

NAIS na yatang matunaw ni Melanie sa kahihiyan sa sarili. Imagine kung di pa dumating ang boy ni Enrico ay natangay na sana siya ng kapusukan?

Muntik na namang nabaligtad ang kanilang kalagayan sa halip na si Enrico na ang kanyang alipin at siya ang Reyna ay ang opposite ang magaganap? Si Enrico na naman ang magiging kanyang Hari at siya ang alipin?

Napailing ang dalaga. Lalo niyang binilisan ang paglayo sa junkshop, pabalik sa kanyang SUV.

“Melanie, sandali!” tawag ng binata, sinundan siya.

Itinaas niya ang noo, saka pasupladang hinarap ang itinuturing na alipin. “What is it?”

“My father…he tried to trick me.”

Napaunat si Melanie. “Ha? Paano…?”

“Actually na-trick na niya ako. Nakaharap ko siya at nakaalis nang hindi ko nahalata. Naka-disguise ang stepfather mong takot sa katotohanan.”

Halata sa tono ng binata ang pagkadismaya; walang taong nais matanga ng kapwa, laluna ng kinasusuklamang ama.

Namangha si Melanie. “Si Tito Pete, nakapunta rito…?”

Dinescribe ni Enrico ang balatkayo ng multi-milyonaryong ama.

“Nakasumbrerong balanggot, nakasalamin pero ayaw tumingin sa akin dahil may sore yes daw nakamaruming damit, sirang rubber shoes, nagpepedal ng tryke na may sidecar, pambasura…”

Hindi makapaniwala ang dalaga. “And you were not able to recognize him? Your very own father?”

“Meron siyang false mustache, nadulas lang mag-Ingles…gaya ko. Nagkagulatan kami. Pero ayaw nga niyang makipagtitigan, kaya nakalusot.

The eyes have it, makikilala ko siya kung di umiwas, Melanie.”

“But why? I mean bakit ka niya pupuntahan dito? ‘Yun pala ay magtatago lang ng identity?”

Nagkibit-balikat ang binata. “Search me. Your guess is as good as mine. Akala ko nga’y alam mo…”

Napilitang magbida nang kaunti si Melanie. “I was the one who told him about your current situation. Nais sigurong patunayan ng sarili niyang mga mata…”

Nagngitngit si Enrico. “Ngayon ba ay nagtatawa na naman siya sa akin? Minamaliit ang ginawa ko?”

“Wala ako sa posisyong manghula ng motibo niya. Gusto mong tanungin ko…?”

“No, huwag na huwag. Hindi ako intresado. Kulang pa ang pambayad ko sa perang ipinahiram niya sa akin…”

Muling nagsuplada ang dalaga. “I must go now. Kalimutan mong nakipaghalikan at nakipagyakapan ako sa iyo, slave.”

Hinabol na lang ng tanaw ni Enrico ang dalagang umaalipin sa kanya ang kagandahan.

 

 

PAKIRAMDAM ni Melanie ay may nabuksan na namang gripo ng pagnanasa sa kanyang katauhan. Matindi ang epekto ng halikan at yakapan nila ni Enrico. Kaytagal na niyang nakontrol ang 'gripo', halos dalawang taon siyang nakatiis. Iyon naman pala ay muling mabubuksan sa loob lamang ng ilang segundong paglalapat ng mga labi!

Siya pa naman ay nagdeklara nang Reyna ni Enrico. At ang binatang ito ay napapayag niyang maging slave, alipin ng pagnanasa sa kanya.

Kundi pala siya mag-iingat nang husto ay mababaligtad ngang muli ang kanilang role, naunawaan ni Melanie.

Pero paano ba ang pag-alipin sa lalaking ang hangad nga sa kanya ay ang kanyang pagkababae?  Hanggang kailan niya idedelay ang pagbibigay, ang pagpapaubaya sa makamundo nitong paghahangad?

Siya ay handang muling ibigin si Enrico hanggang sa huling pintig ng kanyang puso. Lalo pa nga at napatunayan na niyang si Enrico ay may kakayahan nang tumayo sa sariling paa; hindi na aasa sa amang multi-milyonaryo.

Puwede ba silang maging mag-asawa ni Enrico kung siya lang ang umiibig at si Enrico ay naghahangad lamang?
Madilim pa rin pala ang future nila ng binata, na-realize ni Melanie.

Nakarating na pala siya sa bagong tatag na pabrika ang The Kitchen Ware Company nang halos hindi niya namalayan.

Sumalubong sa kanya ang kaibigan-tauhang si Monet. “Melanie, I mean, Mam paubos na ho ang stock natin ng raw material...siguro ay babrasuhin ko na si Enrico!  I don't think makakaya n'yong gawin ang payo ko. No offense meant...”

“Monet, relax ka lang...napapayag ko na si Enrico Soler. Pipirmahan na niya ang kontrata na tayo ay muli niyang susuplayan ng used aluminum.”

“Ha?  I mean--ho, mam? Talaga?”

Biglang nataranta nang lihim si Melanie. Si Monet nga pala ang current girlfriend ni Enrico at ang dalagang ito ay labis na umiibig kay Enrico.  Masasabi ba niyang napapayag na niya ang binata dahil 'inaswang' niya?

Iyon naman ang nangyari, inakit niya si Enrico, ginawang slave of love. No, mas tamang sabihing slave of desire.  Kung gayo'y inagaw niya ang atensiyon nito at pagnanasa kay Monet.

Masasabi nga ba niya kay Monet ang masakit na katotohanan?  Na siya, in a way, ay nagtaksil sa kaibigan-tauhan?

Kapwa babae pa naman sila ni Monet. Tapat itong naglilingkod sa kanya. Ngayon, sa ngalan ng negosyo ay inagawan niya ito ng mahalagang bagay?

“Mam Melanie, is something wrong?  Hindi ba totoong napapayag n'yo na si Enrico?  Nam-bluff lang ba kayo?”

Sa loob ng opisina ay pormal ang tawag ni Monet kay Melanie. Ang huli ay nag-iisip ng isasagot.
Nakaisip naman. “Talagang napapayag ko si Enrico, Monet.  Kuwan...mabait naman pala. Nakuha ko sa debate.”

Nakuha niya si Enrico sa pagpapakita niya rito ng kanyang red panties, sealed with a kiss and a hug sumbat ng kunsensiya ni Melanie.

 

 

 

“WOW naman, Mam Melanie, ang galing mo palang negotiator! Paano mo napa-oo sa deal ang suplado kong siyota? Si Enrico ay hindi basta nagpapauto sa babae!” mahabang dayalog ni Monet sa kaibigan-boss.

Kailangang magsinungaling ni Melanie. Hindi niya kayang sabihin kay Monet ang katotohanan. Itatago niya ang pang-aakit niya kay Enrico.

Hindi niya ipapaalam sa kaibigan-tauhan na ang itinuturing nitong boyfriend ay sansaglit na pinakitaan niya ng panties. Na pinaasa niya itong madadala siya sa bedroom kung ito ay makikipag-deal sa used aluminum.

Hindi rin niya sasabihing inutusan niya si Enrico na ideklara ang pagsamba sa kanya, na ginawa naman ng binata.

Itatago niya ang kanilang mainit na halikan at yakapan, na muntik nang humantong sa bawal kung hindi dumating ang boy nito.

Lalong hindi niya ipaaalam kay Monet na sila ni Enrico Soler ay may mainit na nakaraan; na siya ay baliw na nagpaalipin kay Enrico, isinuko ang pagkababae nang pitong ulit bago natauhan.

“Mam? Hello?”

“Oh…kuwan, wala siguro akong sex appeal sa kanya, Monet. Kaya nakuha ko siya sa matalinong pakiusap without any sex involved.”

Hindi pa rin makapaniwala si Monet. “Ang siyota kong super-hot, hindi man lang umiskor sa iyo, Mam? Napakalakas ng sex appeal mo!”

Gustong isigaw ni Melanie ang tagumpay sa binatang dating umalipin sa kanya. Nais niyang ibulalas kay Monet na siya na ang Reyna ni Enrico Soler! The ‘arrogant bastard’ is now her slave!

Dudang nakatingin sa kanya si Monet. “May inedit ka ba, Mam Melanie? Sanitized version ba ang ikinuwento mo sa akin?”

Dinaan niya sa tawa si Monet. “Loka, ikaw lang ang fantasy ni Enrico sa kasalukuyan. Talian mo na para hindi magwala.”

“Hanggang puson lang ako ni Enrico, mam. Hindi marunong magmahal ang lalaking ‘yon.”
Natigilan si Melanie. Nais niyang segundahan ang sinabi ni Monet. Kilalang-kilala niya ang binatang nasa kanilang pagitan ngayon. Hindi nga ito nagmahal kailanman. Ang nananaig dito lagi, pagdating sa babae, ay ang pangangailangan ng pagkalalake.

“And you still love him, Monet?”

Tumango ang tauhan-kaibigan. “Hibang ako sa pag-ibig…walang magagawa. Forever na ako kay Enrico, kahit pa wala akong kasiguruhan.”

Kung di pa nag-ring ang hotline ng opisina ay hindi pa sana matatapos ang usapan ng dalawang dalaga. “Mamaya na natin ituloy, Monet, after office hours.”

 

 

SI ENRICO ay hindi rin makapaniwala. “Paanong nangyari ‘yon? Ako ay umiibig na kay Melanie! I’m madly in love with her! At nais ko siyang maging legal wife!”