Huling Pintig (2)

napoleon1815's picture
| |

“KUMUSTA po kayo, madam? Nagpapainit din kayo?” nakangiting bati ni Don Pedro Marquez de Golfo sa magandang biyudang si Candida. Nag-handshake ang dalawang kapwa 55-year old.

Pinigil ni Candida ang pagba-blush. Hindi malalaman ng sikat na business tycoon/philanthropist na siya ay kinikilig sa excitement, sa presencia nito. “Actually sinamahan ko lang po ang aking daughter na UP graduate sa business course. Idol niya kayo, Don Pedro.”

Naaliw ang bilyonaryo. “Oh, mag-ina pala kayo ng magandang dalagang ito. Of course, magkahawig nga kayo. And I thought mag-ate lang kayo or magkaibigan.”

Si Melanie na halos hindi napansin kanina ng don ay nabuhayan ng loob. “Sabi ko ho, sir, my name is Melanie and”

“And you just graduated from UP and you want to be a part of my business concerns in whatever capacity possible, tama?” Si Don Pedro na ang nagtuloy sa dapat sabihin ni Melanie; namemorize pala agad nito ang lahat ng ihinayag ng dalaga.

“Sakto pong tama, sir! Magiging asset po ako ng corporation ninyo kapag ako’y inyong na-hire!”

Binulungan ng sekretarya ang don. “Sir, dapat na po kayong nasa barangay hall for the turn-over ceremony.”

“Oh yes, of course. Tara na.” Lumakad nang mabilis ang don.

Napatanga si Melanie. Hindi pala siya papansinin nito sa kanyang wish? Hindi man lang siya inanyayahang mag-apply ng trabaho?

“Sandali pala, Melay, may nalimutan ako,” biglang sabi ng don sa kalihim na may smiling face at bilugang katawan, misis na.

Babalikan pala si Candida. “Puwede bang malaman ang landline mo at address, Candida? A calling card will do.”

Napatanga si Candida. Si Melanie ay hindi makapaniwala.

Para namang namadyik si Candida, tila robot na dumukot sa handbag ng calling card. Awtomatikong ibinigay iyon sa bilyonaryong pilantropo.

Lalong namangha ang mag-ina dahil nagbigay din ng business card ang don. Pinirmahan pa. “Show it to the guard and he will let you in, Candida. Nice meeting you.”

“Thank you po,” nagba-blush na sabi ni Candida.

“God bless you, sir,” pahabol ni Melanie, kinalimutan na ang hinanakit sa idolong tycoon.

Tinanaw niya ito habang papasok na sa barangay hall. Doon pormal na mamimigay ng biyaya sa mahihirap ang bilyonaryo.

 

SAKAY ng kanilang kotse at pauwi na ang mag-ina ay hindi pa rin matapus-tapos ang usapan tungkol sa nangyari.

“Nagka-crush sa iyo si Don Pedro, Mommy! Wow!”

“Melanie, nais lang sigurong makipagkaibigan ni Don Pedro sa isang simpleng tao. Nakita sigurong no-nonsense woman ako…:”

 

 HINDI pa rin makapaniwala si Melanie na nagbigay ng calling card sa mommy niyang si Candida ang business tycoon na si Don Pedro Marquez de Golfo. “Imagine, Mommy, ikaw ang pinansin sa halip na ako! May crush talaga sa iyo ang idol ko!”

Nakangiting nagkibit-balikat ang magandang biyuda. “Maniwala ka, anak…sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan, ni hindi na niya maaalalang may mag-inang kumamay sa kanya kanina. Wala siyang nakilalang Candida at Melanie.”

“Mommy, huwag ka bang nega, dapat lagi tayong positive sa ating pananaw. Para malapit ang suwerte…”

“Whatever, anak. Pero alam mo, mga katipo ng daddy mong si Alberto ang naa-attract sa akin. Do you agree?”

“Siguro po, whatever din. I agree na magkatulad ng personalidad si Dad at si Don Pedro Marquez. Pero come to think of it, ikaw pala ang naa-attract sa mga katipo ng daddy ko.”

“Excuse me, hindi po ako attracted sa idol mong tycoon,” deny-to-death agad ni Candida.

Sa isip na lang hinimay ang katotohanan. “Konting attraction lang naman. I must admit that I like him…a little.”

SA ISA pang panig ng mundo, ang binatang si Enrico ay buhay na buhay sa kanyang passion.

Fast cars. Lulan siya ng bagumbago niyang sports car at humaharurot sa kahabaan ng highway somewhere in Batangas.  Pauwi na si Enrico sa Manila kung saan sila nakabase ng mommy niya.

Bruuuummmm.  Mayabang ang ingay ng tambutso ng kanyang kotse.

Napapatingin sa kanya ang mga tao; ang ilan ay humahanga, naiinggit. Mas marami ang nayayabangan, habol siya ng matalim na tingin.

May muntik na siyang masagasaan sa isang blind corner, patawid na kalabaw na lulan ang pastol. 

Tuloy-tuloy lang ang  binata habang putlang-putla ang pastol.

 

SA MANILA, si Melanie ay hiniram ang kotse ng ina. “Mommy, magwa-WiFi po ako sa mall. Hapon na ang balik ko.”

“Okay, anak. Ingat sa driving, ha? Lalamigan ang ulo, magpapasensiya,”  paalala ni Candida, alam na mainitin ang ulo ng dalaga kapag may mga tarantado sa daan.

Suwabe nang nag-drive si Melanie. Cool na cool habang patungo na sa mall with her laptop.

Mula sa Batangas, nasa Manila na rin si Enrico. Tuloy pa rin sa mayabang na pagpapatakbo ng sports car.

Walang kaalam-alam sina Melanie at Enrico na ang kanilang mga landas ay magtatagpo. They will meet by accident, literally.

 

 

 

TAKDANG magkatagpo ang landas nina Melanie at Enrico. They will meet by accident, literally.
      

Si Melanie habang nagda-drive ay nakikinig sa mellow music over her car radio. Paborito niya ang awitin kaya sumasabay pa.

“It’s still the same old story…a fight for love and glory…a case of do or die…the world will always welcome lovers…as time goes by…”

Sumasalit din sa diwa ni Melanie ang posibilidad na magkakakilala nang husto ang idol niyang business tycoon at ang magandang mommy niyang biyuda.

“At ako’y biglang magiging malapit na rin kay Don Pedro Marquez de Golfo! Wow!” She is thinking aloud now.

Sa oras na ito, nasa kahabaan na ng Edsa si Enrico mula sa Batangas. Kaydami nitong nilusutang sasakyan sakay ng sports car.

Andap kay Enrico ang ilang traffic enforcers, nagbubulag-bulagan na lang sa minor violations nito; alam na ang ganitong klase ng tao ay mayaman at maimpluwensiya.

Si Melanie ay biglang nagmenor dahil naalalang kailangan niyang kumanan patungong mall.

Braaanngg. Ingay-tunog ito ng hulihan ng kotse na nabundol ng kasunod na kotse. Si Melanie ang nabundol at si Enrico ang nakabundol

Namula sa galit si Melanie, ihininto agad ang sasakyan. Gigil namang nakatigil si Enrico sa hulihan.

Sabay pa silang lumabas para tingnan ang damage, parehong hindi maipinta ang mukha.

Naninghal agad si Enrico, nakapamaywang. “Shit, lady! Look what you’ve done to my car!”

“Gago! Ako ang dapat magdayalog niyan! Na-damage mo ang kotse ng mommy ko!” taray ni Melanie, gigil na gigil sa aroganteng binata.

Honk-honk-honk. Pid-pid-piiiddd. Nagbubusinahan ang mga kasunod na motorists.

Nakaharang kasi sa daan ang dalawang nagkabundulan.

Kumbakit nagkataong walang traffic enforcers sa gawing iyon. 

Iiling-iling si Enrico. “Hindi ka dapat nagda-drive sa highway, miss!  Mali na bigla ka na lang liliko, wala pang signal!”

“Tse! Hintayin natin ang imbestigador para malaman mong hindi ka dapat nagte-tail gate! Dikit kang masyado kaya mo ako nabunggo!” salag ni Melanie. “At hindi puwede sa akin ang arrogance mo!”

Tumingin sa orasan si Enrico, may dinukot sa bulsa. “Shit, I’m gonna miss my date because of your incompetent driving!  Heto ang card ko, magreklamo ka kung gusto mo!”

Bruuummm. Hindi na nahintay ni Enrico ang enforcer, humagibis na itong palayo. Naiwan si Melanie na hawak ang calling card ng binata, namumula pa rin sa galit.

 

 WALA na ang binatang nakabunggo sa hulihan ng kotse ni Melanie nang dumating ang traffic officer. 
    

“Nabundol ka sa likuran at binayaan mong makaalis ang nakabundol sa kotse mo, miss?” napapailing na tanong ng alagad ng batas.

“Hindi ko pinaalis, umalis basta, officer! Napakabastos at arogante ng taong ‘yon!” High blood ang dalaga, nais na yatang pumatay sa galit.

Cool lang ang traffic enforcer. “Nakuha mo ang plate number, miss?”

“Hindi po, na-consume ako ng galit.”

“Anak ng tokneneng, paano natin hahabulin ang taong ‘yon?”

“Nag-iwan ng calling card, kung gusto ko raw magreklamo…”

Tiningnan ng enforcer ang mukha ni Melanie, tila pinag-aaralan ang kalooban ng dalaga.

“Magrereklamo ka ba?”

“Siyempre, officer, magrereklamo ako!  Tanong ba naman ‘yan?”

Tinaliman siya ng tingin ng enforcer. “Stick to the issue at hand, miss. No negative side remarks. Madali akong mapikon.”

Napabuntunghininga si Melanie. “Sorry po, boss.”

“Anong ‘boss’? Mukha ba akong  lider ng mga sanggano at bino-boss mo ako? Da politically correct word is ‘officer’.”

Tumahimik na lang si Melanie. This is not her day, naunawaan niya.

“Ganito ang magagawa mo, miss, base dito sa card ng umatraso sa kotse mo. Susugurin mo ito sa address, magreklamo ka na bayaran ka ng damages. That is kung hindi peke ang ngalan at address na ibinigay niya sa iyo. Good luck and more power! Now go-go-go at nakaaabala ka na ng trapiko!” napakahabang sabi ng enforcer na kagalang-galang naman kahit malaki ang tiyan at may bigote.

 

 

HINDI makapaniwala si Candida sa report ng dalagang anak. “N-nabangga sa hulihan ang kotse ko at tinakbuhan ka ng nakabangga?”

“Yes, Mommy…” sagot ni Melanie, pagkabait-bait ng anyo, hindi masabi sa ina na siya ay biglang lumiko nang walang signal kaya nabundol sa hulihan.

“At ang hawak mo ay isang calling card ng supposedly ay naka-damage sa kotse ko, tama?”

“Yes, Mommy. Pero susugurin ko po itong bastos na aroganteng lalaking ‘to, promise!”

“Paano kung mapikon at reypin ka, Melanie? May lason pa naman ang bibig mo kapag galit ka.”

 

SI ENRICO, ang lalaking nakabundol sa kotse ni Candida, ay umabot naman sa ‘important appointment’ kuno.

“Sandra, you are the best…” bulong ni Enrico.

Nasa malapad na kama si Enrico at ang magandang babaing Sandra ang ngalan. Gumagawa sila ng kasalanang mortal. Just like that. Nalimutan na yata ang Diyos.

 

 

 

ANG binatang nakabundol sa kotse ng mommy ni Melanie, si Enrico, ay abala sa piling ni Sandra. Parehong 20s sina Sandra at Enrico at pareho ring ultra modern pagdating sa moralidad.

Wala silang pakialam makagawa ng kasalanang mortal; bawal na pagtatalik sa pribadong silid ang ginagawa.

Nang makatapos ay hindi man lang na-guilty sina Enrico at Sandra. Wala lang, tila kinalimutan na nga ang Diyos.

“Nakabunggo ako ng hulihan ng kotse ng tangang lady driver.”

“Really? Pero hindi ka naman nadugasan sa damages?” kaswal na tanong ng dalaga habang nagbibihis na.

“Nope. Bahala siyang maghabol. I just gave her my card. I don’t wanna miss being with you, babe.”

“Wow! Mahal mo pala ako!” Para pang hindi makapaniwala si Sandra. Kilala nitong playboy si Enrico.

“Marami kayo sa buhay ko, Sandra, don’t you ever think na ikaw lang.” 

“I know. Ako rin, hindi ikaw lang,” nakangising sagot ng makabagong dalaga. 
Tinawanan lang naman ni Enrico. They deserve each other.

“Lady driver na tanga ba ‘ka mo?” 

“Super-tanga, babe. Bigla ba namang lumiko nang walang signal. Ako nga ang dapat bayaran ng gagang ‘yon, e.” Si Melanie ang tinutukoy ni Enrico bilang ‘gaga’ at ‘tangang driver’.

“Got to go, lover boy. Sabay na tayo.” 

Hindi nagtagal at magkasunod nang paalis sa malaking compound ang mga kotse nina Enrico at Sandra.

 

SAMANTALA’Y titiyakin ng mag-inang Candida at Melanie kung tunay nga ang nasa calling card ng nakabundol sa kotse nila.

“Paano kung peke, ha, Melanie? Pahinog na lang ang kotse ko? Hindi pa naman naka-comprehensive insurance ‘yon, nagtitipid ako kaya TPL lang…”

“Mommy, huwag mo na po bang idiin ang aking kamalasan sa araw na ‘to. Hanapin muna natin itong Enrico Soler na ‘to. Kapag napeke ako, then put the total blame on me ho.”

Napabuntunghininga si Candida, alam na malapit nang mapikon ang anak. “Okay, Melanie…just do it right. Drive carefully, wala pa akong pambili ng brand-new.”

“Kahit nga po a better second-hand car, wala tayong pambili, Mom. We’re broke.” 

“Pansamantala lang. Humina ang sideline kong tutorials. Pero makababawi rin ako. Mahal yata ako ng Diyos.”

Hustong sinapit nila ang address ay natiyempuhan nilang papasok ang kotse ni Enrico Soler.

“That’s the bad guy, Mom!”

 

 

 “NATITIYAK mo, anak? Iyon mismong nasa manibela ang nakabundol sa kotse natin?” paniniguro ni Candida.

“Positive, Mommy! Siya nga!” paniniyak ni Melanie.

“Hopefully ay siya rin ang Enrico Soler na nasa calling card.”

“Mommy, think positive.” Binusinahan ni Melanie ang papasok nang kotse ng lalaki. Honk. Honkk.

Napatingin sa bumusina si Enrico Soler. Pero bahagya nang pinansin ito. Tuluy-tuloy pa rin sa driveway.

Isinara agad ng sekyu ang gate na bakal ng malaking bahay.

Nainsulto sina Melanie at Candida.

“Mommy, arogante talaga ‘yon, e! Tara ho, sugod!”

Itinutok ni Melanie ang kanilang sasakyan sa mismong sarado nang gate. Saka muling bumusina nang sunud-sunod. Honk. Honnk. Honkk.

Sumilip ang security guard..”Sino po sila at ano ang kailangan?”

Ipinakita ni Melanie ang calling card ni Enrico saka pormal na nagsalita. “Nabundol ng amo mo ang kotse ng mommy ko, guard. We need to talk to your boss.”

Sumenyas ang guard, maghintay daw sila at itse-check sa amo. Inilapat nito ang gate mula sa loob.

“Grabe ‘tong mayayaman na ‘to, ha, Mommy? Sila na nga ang nakaatraso sa atin, sila pa ang akala mo kung sinong magpapasya kung kakausapin tayo o hindi.”

“Relax ka lang, anak. Papangit ka kapag nadadala ng galit. Kukunin natin sa paupo,” bilang guro at principal, alam ni Candida ang salitang ‘pasensiya’ o ‘patience’.

Sumilip ang guard. “Madam, matutulog na daw ang aking boss. Saka na lang daw kayo bumalik.”

Doon lalong namula si Melanie sa galit; si Candida ay napabuntunghininga, pinapanaig pa rin ang hinahon.

Ito ang bumaba at nakipag-usap sa guard. “Pakisabi sa amo mo na kapag hindi niya kami hinarap ngayundin, may ikakalat akong drawing sa neighborhood…”

May idinrowing sa papel si Candida. Sa loob ng 30 seconds ay tapos; ibinigay iyon sa guard, kita sa mukha ang tatag.

Mangha ang guard sa nakadrowing. “S-Sandali lang po, madam. Ipapakita ko agad kay Sir Enrico!”

Wala pang tatlong minuto ay nagkaresulta agad ang ginawa ni Candida. Nagbukas ng gate ang guard, pinatuloy sila sa driveway.

“Pakihintay daw si Sir Enrico sa salas, mga madam.” 

Mangha si Melanie sa strategy ng ina. “Ano ba ang nakadrowing at halatang nataranta, Mommy?”

“Secret,” nakangiting sabi ni Candida.

 

 

 

EFFECTIVE ang gimmick ni Candida na mapalabas si Enrico Soler para harapin silang mag-ina. Anumang sandali ay makakausap na nila ito sa malaking salas ng mansiyon.

“Kakatkatan ko talaga siya ng mura, Mommy! Hindi ako nayayanig sa yaman niya!”

“Melanie, anak…we’ll do it, right. Ako ang bahala. Huwag kang magtaray. Mga edukada tayong tao.”

Bilang guro at principal ay lagi pa ring pinapanaig ni Candida ang hinahon.

Nakita agad ni Melanie ang pakay na palapit na. Nakakunot-noo ito, aroganteng-arogante ang anyo. Hindi nayanig ang mag-ina.

“Ano’ng kailangan?” tanong ni Enrico Soler, taas-noo, mayabang.

“Nasalpok mo ang likuran ng kotse namin, ginoo. Dapat kang magbayad ng damages.”

“At ngayon na, huwag mo kaming pabalik-balikin at busy kaming tao,” susog ni Melanie sa sabi ng ina.

Kumunot-noo si Enrico. Tinitigan ang mag-ina, mula ulo hanggang paa. “Who did the drawing?”

“Ako,” sagot agad ni Candida.

“Itago mo dahil hindi totoo. Ayoko lang ng iskandalo.”

“Mamupo ka sa Mommy ko. Hindi siya kung sino lang,” gigil na harang ni Melanie.

“Magkano?”

“Excuse me?” Hindi na-gets ni Melanie. Hindi rin alam ni Candida.

“Ang damages, you moron!”

“Gago! Hindi ako moron!” sigaw-salag ni Melanie.

Para namang walang narinig si Enrico Soler. “Magkano?”

“10 thousand pesos! Cash!” sigaw ni Melanie.

Nag-issue ng tseke ang binata. “Here, pay to cash ngayundin. Dinoble ko, 20 thousand pesos.”

Napanganga ang mag-ina. Gaano ba kayaman ng lalaking ito at napakaluwag maglabas ng pera?  At dinoble pa!

“Nais ko nang matulog. May kailangan pa ba…?”

“Wala na. Salamat,” sagot agad ni Candida, hawak na ang tseke.

“Sandali,” pahabol ni Melanie. 

“What is it?” pasupladong tanong ni Enrico sa dalaga.

“May pondo ba ito?”

Natawa ang binata. “I’ll give you a million kapag walang pondo. Good day, ladies!”

Ihinatid na sila ng security guard hanggang sa kotse nila. Hindi nagtagal ay paalis na sila sa mansiyon ni Enrico.

Natitigilan si Candida. “What is it, Mommy?”

“Melanie, tingin ko’y kahawig siya ni Don Pedro Marquez de Golfo. Laluna sa mata.”

 

“HO? Kamukha ni Don Pedro sa mata ang arogante-mayabang na si Enrico Soler?” ulit ni Melanie sa sabi ng inang si Candida.

“That’s right, anak. Pati sa tindig at porma, younger version lang si Enrico…” 
Biglang naipreno ni Melanie ang kotse. Screeechhh.

“Ano ka ba, nauntog tuloy ako!”

“Sorry po, Mommy. Kasi’y na-realize ko na tama kayo…Kaya pala pamilyar sa akin ang anyo ng Enricong ‘yon…Kahawig nga siya ng paborito kong business tycoon!”

“Sabagay maraming tao ang magkakahawig kahit hindi magkakadugo. Siguro’y napaglihihan ng mother ni Enrico si Don Pedro Marquez de Golfo,” pasubali ni Candida.

Nagkibit-balikat si Melanie. “Ang malas naman ng idol kong don, isang walang kuwentang tao pa ang nakahawig.”

“Drive carefully, anak. Huwag kang magpipreno nang pabigla.” Pinatuloy na ni Candida ang pagmamaneho ni Melanie.

“Pero in fairness, ha, hindi tayo pinahirapan ng Enricong ‘yon. Nagbayad agad ng damages ng kotse ko.” Nakangiti si Candida.

“At dinoble pa ang claim natin, Mommy. Sa halip 10 thou lang, binigyan agad tayo ng 20 thou!”

Nagkatinginan ang mag-ina, pareho yata ng naisip.

“Paano kung bouncing check…?” sabay pa nilang tanong.

“Diretso pala tayo sa bangko, dali, anak!”

“Yes, Mommy! The moment of truth ito kung may pondo o wala ang tsekeng bigay ni Enrico Soler!”

 

SA BANGKO, maganda ang ngiti sa kanila ng babaing teller. Halatang excited habang hawak ang tseke ni Enrico Soler. Binayaran agad ang dapat bayaran.

Naintriga si Candida. “Excuse me,  ganito ba talaga rito? I mean that very sweet smile…”

“Madam, mabibilang po sa daliri ang mga taong iniisyuhan ni Sir Enrico ng personal check. You must be a good friend of his.” Lalong gumanda ang ngiti ng teller.

Umiling si Candida. “Hindi ko kaibigan ang aroganteng ‘yon, iha.   Sige, good day.”
Habang pabalik sa kotse ay si Enrico pa rin ang topic ng mag-ina.

“Obvious na good client ng bangko ang mayabang na ‘yon.”

“Ano kaya ang racket at napakayaman, ha, Mommy?”

“Sa Pilipinas, anak, apat lang ang  main source ng pagyaman showbiz, pulitika, lotto at illegal na gawain. Exception to the rule ang tulad ni Don Pedro at iba pang magnate na yumaman dahil sa sipag at tiyaga.”

“Agree ako sa sabi mo kay Don Pedro, Mom. From rags to riches talaga ang idol kong tycoon!” 

 

Talleyrand