Himutok sa buhok mula tuktok hanggang batok (isang pantoum)

michaelalegre's picture
| |

Muli akong hinila ng paa sa salamin
upang sipatin ang malalim na problema:
nanggigitata na pala ang buhok kong alambre—
nangangamoy, nanlalagkit, nangangati-ngati!

Upang sipatin ang malalim na problema,
hinawi ko ito; ako ay nandiri!
Nangangamoy, nanlalagkit, nangangati-ngati…
What the fuck! Parang tustadong mga bulati!

Hinawi ko ito; ako ay nandiri:
Yuck!
What the fuck! Parang tustadong mga bulati,
kikislut-kislot…sunog na sunog!

Yuck!
Lalo na nung lumitaw yung mga kuto,
kikislut, kislot…sunog na sunog
ang kulay. Parang mga pamintang buo.

Lalo na nung lumitaw yung mga kuto,
at tumulay-tulay mula tuktok hanggang batok!
Ang kulay, parang mga pamintang buo.
Grrr!…sarap tirisin!

At tumulay-tulay mula tuktok hanggang batok
—nakakagigil:
Grrr!…sarap tirisin!
Hay naku, maliligo na ‘ko!

Nakakagigil,
nanggigitata na pala ang buhok kong alambre!
Hay naku, maliligo na ‘ko!
Muli akong hinila ng paa sa salamin…