Frontal Lobe Lobotomy (tula)
Dumungaw ang cleavage
sa kanyang mga labi
At pumulandit sa polyester niyang ngiti
Ang saya ng pagniniig
Na matagal na niyang
Inaasam-asam.
Paliko ako noon sa kanto
Ng aking isipan
Nang maisipan kong
Isipin siya.
Muli ay tumingin ako sa aking relo
Sa frontal lobe ng aking ulo.
Nag-iisa siya ngunit Masaya
Ang puso niyang binudburan
Ng kalahating kilong asupre
At ang kanyang utak na sa
Diesel lamang umaasa.
Marahil nga'y di ko alam
Ang superhighway ng kanyang isip
Kahit alam kong sa kanyang pakete
Doon ay nakatatak ang mga ingredients.
Tresera sa transmission
Hazard lights sa mata
Scalpel sa sikmura
Tambutso sa bunganga
Hilam na luha
Giyang sa gasoline
At E minor sa gitara.
Pilit ko pa ring inaahit
Ang makapal na libag na nagdidikta
Ngunit sadyang kasama na ng hangin
Ang mga anas niya.
Kailangan nang mag reboot
Sa BIOS ng aking buhay
At DDoS na pagpapasya
Ako man ay kailangan na ring magsuot
muli ng mga polyester na ngiti
At padungawin muli ang
cleavage sa aking mga labi

baguhan lang po...pasensya na
mula sa byaheng Los Baños, patungong QC
gustong-gusto kong ipaliwanag ang ibig sabihin ng tula kong yan kaso, i reserve ko na lang sa poetry reading kung sakali. tungkol kasi sa isang kaibigan yan at sa kalagayan nya.
habang nakasakay sa bus sa apat na oras na byahe at napuno ang mata ko ng mga impormasyong mula sa naglalakihang billboard habang nag-iisip ng mga salita na sasabihin ko sa isang kaibigan, na pakay ng aking pagluwas nung araw na iyo---isinilang ang tulang yan.
hindi talaga ako bihasa sa pagsusulat ng tula, pasensya na.
salamat sa pagbabasa!
Sir Rom
ang totoo, mas interesado ako sa mga tula niyo. Kaya nga di po ako nakakapagkumento minsan sa mga akda niyong maiikling kuwento.
Mas nakikita ko po kayo bilang tunay na manunulat sa mga tula niyo (sa opinyon ko lang po ha).
Paulit-ulit ko po 'tong binasa, at base sa binigay niyong deskripsyon ngayon, ngayon alam ko na kung tungkol saan ito at nakita ang dalisay na kahulugan nito.
Salamat po! Sana makadalo ako sa poetry reading
Sana'y nagtagpo ang mga utak natin... doon, sa may tulay na tawag ay pang-unawa.
emotionally draining
ay, kung magkagayon di na nga ako magiging ganap na manunulat haha! kasi hindi talaga ako komportable sa pagsusulat ng tula lubha kasing nakaka drain ng emotion para sa akin ang pagsusulat ng tula. parang nababawasan ang lakas ko pagkatapos magsulat nito.
imbitahan kita minsan kapag may poetry reading :) basta wag na sir rom, pwede nang kuya
.
nahihiya po kasi akong tawagin kayong "kuya" hehe. Kaya sir na lang po kasi nakakaangat naman kayo sakin ng mga kaalaman sa pagsusulat e.
opinyon ko lang naman po yun, kaya nga po nagustuhan ko yung mga tula niyo kasi alam ko may kahulugan at emosyon talaga. Parang naipaparating niyo talaga sa mambabasa ang saloobin niyo. Galing!
sige po, sana maimbitahan niyo ako sir-- ay kuya rom, hehe. salamat
Sana'y nagtagpo ang mga utak natin... doon, sa may tulay na tawag ay pang-unawa.
sa old english kasi nagmula
sa old english kasi nagmula ang salitang sir na ang meaning ay Lord, weh, ang layo ko kaya maging lord hehe...
sige kung ayaw mo kuya e di Rom na lang pwede na mas maigi pa
!
Kuya,
Napa-ikot din po ang aking utak katulad ng larawang nilakip ninyo sa tulang ito.
Ang tula pong ito ang magandang halimbawa ng ‘written thought processes’ o ‘thinking in words’. Yun pong binabakas ang landas na tinatahak ng isipan ng isang tao maging yung mga bagay na pumasok sa isipan gamit ang limang pangdamdam tapos po naghahalo po yung mga kaisipan na yun kaya po kalimitan mahirap sundan ang ganitong mga sulatin. Isa pong halimbawa ay yung gawa ni Leo Tolstoy sa Anna Karenina. Yun pong paraan ng pag-iisip ni Anna Karenin bago siya tumalon sa riles ng tren. Kalimitan pong ginagamit ang ganitong istilo sa pagsusulat kapag ang tauhan sa kwento ay may malalim, seryoso at may magulong iniisip.
Gusto ko rin po ang ginawa ninyong central image sa inyong tula: Frontal Lobe. Eto po kasi ang parte ng utak natin kung saan nangyayari ang ‘pag-iisip’ talaga.
Kuya, mukhang sobrang lalim ng iniisip ninyo sa mga panahong sinusulat ninyo ang inyong tula, ah. Hehehhehhhe...
maskara
mabisa kasi ang ganitong estilo (naks parang may alam ako sa estilo ah, hehe) kapag meron kang gustong itago sa pagitan ng mga salita. ang tula kasi hindi talaga ipinapaliwanag ng may-akda sa kompromisong maaring mapasok ang kanyang isip ng mga matatalinong mambabasa at sa susunod na maglalabas ulit siya ng akda, maaaring "nabasa" na ang salita nya.
ano ba ang gusto kong itago? malaki ang agam-agam kong malalaman nyo kung kanino ko ipinapatingkol ang tulang ito, sinabi kong para sa isang kaibigan o inspired ng isang kaibigan, totoo yun. pero kasi nga, kilala ako ng halos lahat ng nandito sa FW kaya't kung anuman ang isulat ko ay malamang sa hindi nairerelate nila sa pangyayari sa buhay ko. bagay na disadbentahe sa parte ng isang manunulat.
sabihin nating "nagtatago" ako sa tulang ito, hindi ko man maitago ang katauhan ko dahil kilala na nyo ako--dito naman sa tula ako magtatago. may mga bagay kasi na sa ngayon ay di ko pwedeng lantarang isiwalat ang pangyayari sa likod ng tulang ito kayat nilagyan ko siya ng "maskara."
nakikita kong parang footprints ang tulang ito, sa madaliang paghakbang at pagtakas sa lubluban...
salamat sa pagbasa reah
Ay gustong gusto at agreeng agree ako
Sa sinabi mong ito Omeng...
Kaya nga minsan sa totoo lang yung mga naisusulat kong tula, feeling ko ako lang ang nakaka-intindi...
okay lang daw ba yun?
http://wattuduyanie.blogspot.com/
andeng
ewan andeng di kita maintindihan hahahaha!
seriously, mabisang excuse ang estilong ganito para itago ang kahungkagan ng tula, meaning magmumukha kang "high fallutin'" kahit di naman talaga, mukha kang di maabot kahit sa totoo lang ay word masturbation lang naman ang isinusulat mo. pero kung mararamdaman ng mambabsa ang rason at hikbi sa likod ng mga salita--sila na ang magsasabi kung totoong may ibig sabihin ang mga ginagawa mo.
may mga komunikasyon kasing laan sa natatagong kaisipan lang. kung paanong sa titig lang nagkakaintindihan na ang dalawang estrangherong nilalang--ganyan din ang tula. minsan di mo kailangan ng mata para makakita o di mo kailangan ng tinig para magsalita.
selfish ang tula kung tutuusin, ang una kasi nitong kinukuntento ay ang pakiramdam ng nagsulat, pero sa isang saglit na naka relate na ang mambabasa, humuhulagpos na ito sa pagkakatali sa may akda--inaangkin na ito ng mambabasa, inaari na nila itong kanilang karanasan, kanila na ang mga damdaming nakapaloob dun, nakiki iyak na sila at nakiki tawa sa bigat at saya na dala nito.
kaya ok lang na minsan di ka maintindihan sa sinusulat mo, ilang taon mula ngayon may makakasumpong ng gawa mo at makakaramdam siya ng familiarity--kasi nga lahat ng nararamdaman ng may akda ay nararamdaman din ng karaniwang tao, nangyari lang na mas may alam ka sa pagbubulalas nito sa pamamagitan ng tula.
Wow Rom...
Buti na lang nagbalik loob na ako! Post ko comment mo sa blogsite ko ha... Share ko lang... dun sa nagiisang taga suvayvay ko!
Salamat, ako'y totoong naliwanagan!
http://wattuduyanie.blogspot.com/
sir rom (pasintabi po sa "sir")
ang tagal mo kaming ginutom. tenkyu po sa mabigat at kakaibang putahe. namiss ko to. sarap. busog!
...kuya
...parang isang lumang pangaral ng aking Ina,sa bawat pagkakataong binabalikan ko ito'y nagkakaroon ng bagong bigat at halaga...
Kagabi habang binabasa ko ito kuya, ang nasa isip kong kahulugan ng tula ay tungkol sa pagal na kaluluwa.
Kaninang umaga, nagbago ang pananaw ko, tungkol naman sa isang taong nagpapanggap na malakas upang ang mga mahihinang tao sa paligid niya ay may makapitan,
at ngayon, pagkatapos kong maglunch at ma recharged ang utak ko, ang nasa isip ko ay isang taong nais patibuking muli ang puso ngunit hindi ito magawa dahil puso niya na mismo ang tumangging tumibok.
mamayang gabi, hindi ko alam kung ano naman ang maiisip kong iba.
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
sinta
sinta, ang galing mo talaga...
pero kung ang pagbabatayan ay ang laman ng isip at puso ko habang sinusulat ko ito, mas sakto ang pangalawa mong naramdaman.
tungkol sa isang taong nagpapanggap na malakas upang ang mga mahihinang tao sa paligid niya ay may makapitan.
pero ang kainaman ng isang akdang nilikha na HINDI PANSARILI, kapag ito ay pinakawalan na sa kalinga ng mga mambabasa, hindi na ito pag-aari ng may-akda. aangkinin na ito ng mga mambabasang nakaka relate at natatagpuan ang sarili nila mismo sa pagitan ng bawat salita.
salamat sa pagbibigay mo ng buhay at kabuluhan sa tula na kung titingnan ay walang kahinatnan dahil nagtatago sa likod ang kahulugan.
kaya idol kita e...
Padaan lang po...
ang dami ko po sanang dapat matutunan sa mga comments pa lang pero wala akong maintindihan. parang sobrang advanced na ng mga levels at hindi abot ng mga bagong katulad ko. may mga tanong lang po sana ako kung okey lang...
1. kung magagamit ng tama ang "thinking in words" o maskara, ibig sabihin pwedeng iba ang maging interpretasyon ng mambabasa sa binabasa niya? o kaya naman ay magkaroon ng iba't-ibang interpretasyon ang isang mambabasa depende sa kung paano niya ito gustong intindihin o sa kung ano ang tinatakbo ng utak niya habang nagbabasa siya?
2. kung posibleng iba ang interpretasyon ng mambabasa at inangkin na niya ang mga salita at damdamin nito, ibig sabihin ay nakiki-iyak at nakikitawa siya sa isang mensahe na lihis sa ibig iparating ng may-akda?
3. saan po ba nakadepende ang pag-intindi sa isang akda? kung paano magagamit ang mga pakiramdam at mailagay ang sarili sa loob ng akda, o sa kung paano inintindi ng utak ang mga salitang nababasa niya? o baka naman wala don?
pasensya na po sa mga pang-beginner na tanong. wala kasi akong maintindihan sa mga comments pero alam ko marami akong pwedeng matutunan dun kung maiintindihan ko lang sana...
--------------------------
!
Pwede po bang sumagot?
1. Ang iba pang katawagan sa 'thinking in words' ay 'stream of consciousness'. Subukan mong magbasa ng gawa ni Virginia Woolf. Karaniwang ginagamit ang istilong ito para ipakita ang 'point of view' ng karakter sa isang akda sa pamamagitan ng pagsusulat kung ano ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan ng taong iyon kaya kahit na yung nakikita, nadarama, naririnig, nalalasahan, naaamoy sa oras na iyon ay maaaring makaapekto sa tumatakbo sa isipan niya.
Halimbawa:
Kuya Rom, pahiram po nitong linyang ito:
Marahil nga'y di ko alam
Ang superhighway ng kanyang isip
Kahit alam kong sa kanyang pakete
Doon ay nakatatak ang mga ingredients.
Maaaring habang may iniisip si Kuya Rom ay bigla siyang nakakita ng isang paketa (...ng noddles???) kaya naisama niya ang dalawang huling linya sa tula niya.
2. Mas maganda at naging matagumpay ang isang akda o obra kung maraming mabubuong interpretasyon dito.
3. Sa aking pagkaka-alam ay may dalawa pong level ng pagbasa (1) denotation o ang literal na level - eto yung intindi sa unang basa; yung literal na pakahulugan mo (2) connotation o malalim na pagbabasa o yun sinasabing interpretasyon - dito tinitingnan ang simbolismo, emosyon, at imahe na nakadikit sa ginamit na salita.
Halimbawa: Kalapati
Denotation - Ibon
Connotation - Kapayapaan
kung paano inintindi ng utak ang mga salitang nababasa niya?>>> eto siguro ang unang level (denotation)
kung paano magagamit ang mga pakiramdam at mailagay ang sarili sa loob ng akda >>> ito naman ang ikalawang level (connotation)
Huwag ka ring masyadong maniwala sa akin. Subukan mo ring magsaliksik tungkol sa pagsusulat.
Apir!
http://reyastone.blogspot.com/
sige po. subukan kong
sige po. subukan kong maghanap ng mga gawa ni virginia woolf. may mga tanong pa sana ako pero subukan ko munang tignan yung mga suggestion niyo sabay research na din. baka magmukha naman akong masyadong nakaasa sa iba.. hehe.. ^_^
salamat..!
--------------------------
sagot ko
ang ganda naman ng mga tanong mo nakakaganang sagutin hehe...
sa totoo lang naghahanap ka talaga ng karunungan, sana nga lang masagot ko ng tama ito. sige simulan na natin.
1. sa lahat ng tula, ke simpe man, profound, artistic o anuman ek-ek na gustong itawag, totoong iba-iba ang interpretasyon dito ng mambabasa. kagaya ng naiiyak ako sa kantang Boom tarat-tarat samantalang ang iba naman ay napapasayaw at natutuwa sa kantang ito. ang interpretasyon ay depende sa persepsyon ng isip ng magbabasa. magkakaiba kasi tayo ng karanasan sa buhay. pero kung ang tula ay gagawin mong hayag na hayag gaya ng "akoy may alaga...asong mataba, buntot ay mahaba..." alam na natin yan at hayag na hayag na yan. wala ka nang pipigain pa na subliminal meaning o anupamang ka ek-ekan dyan di ba?
2. hindi nalilihis ang pananaw ng nagbabasa ng tula sa mga tulang binabasa niya kapag inangkin na niya ang meaning ng tula. gaya ng kung para sa akin ay naiiyak ako sa kantang Butchiki kasi nga naaalala ko si Yoyoy Villame na isang mabuting tao at namatay na sya. kung ano ang dating sa iyo ng tula yun ang ibig sabihin nun, kaya't walang saysay ang magdebate tungkol sa meaning ng isang tula. pwede nating pag usapan kung ano nga ba ang nais ipahiwatig ng may akda pero di na natin dapat pagtalunan kung ano ang naging dating nito sa iyo nung binasa mo. di ko pwedeng diktahan ang malaya mong damdamin sa tula na aking ibinahagi.
ito rin ang nagiging dahilan kung bakit may mga tulang immortal---meaning kahit anong panahon, kahit na sinong tao, pilipino man, intsik o amerikano ang nagbasa, ay makaka relate sila sa gustong ipahiwatig nito.
3. sa palgay ko ang pag intindi o pag appreciate sa isang akda ay nagmumula sa kung saan ka tinamaan nito. hindi ka naman iika-ika ng lakad kung sa kamay ka tinamaan ng pamalo ng nanay mo di ba? kaya kung saan man tumama sa iyo ang isang akda, tula man o kwento dun mo sya damhin. kung intelektwal ang dating sa iyo at na stimulate ang pag-iisip mo e di mag reason out ka at ibahagi rin ang nalalaman mo. kung damdamin naman hala sige, makiiyak o makitawa walang masama dyan ang mahalaga may epekto sa iyo ang isang obra.
wag mong gawing komplikado ang mga bagay-bagay pagdating sa literatura, simple lamang ito, go with the flow, parang dinadama mo lamang ang malamyos na hangin na humahaplos sa mukha mo. hayaan mo itong magpagaan ng pakiramdam mo at ipaghele ka sa mga alaalang maaring sumulpot sa pagbabasa mo.
sana nakatulong ang sagot ko. sana rin sumagot ang iba para madagdagan ang nalalaman natin...
salamat bosing..! mukhang
salamat bosing..!
mukhang madami pa kong kailangang habulin sa mga ganyang bagay. sana yung mga nakukuha ko sa paglibot sa fw ay magamit ko sa mga ginagawa ko. kahit paunti-unti lang muna.
--------------------------
KUMUSTA, SIR!
Kasamang Rom, paborito kong hanapan ng subtexts ng kalungkutan at pagpapatiwakal ang mga akdang nababasa ko. Ipagpaumanhin mo kung ito rin ang naging pangunahin kong suspetsa nang basahin ko ang iyong tula.
Malalim ang pagkabagot sa tinig ng iyong speaker. Ang backdrop ng paglalakbay at pagpapabalik-balik sa mga kinasanayang ruta ay pahiwatig sa perpetwal na pagtakas sa synthetic na mundo. Sinusugan pa ito ng mga linyang "pag-reboot sa BIOS ng aking buhay" pagdating sa dulo, gayundin ng pagsusuot ng isang "permanenteng" uri ng ngiti.
Prelude sa suicide, hehe. Pero sa halip na madilim, mas liberating ang dating.
Pagbati at pagpupugay!
allan, ang sarap na
allan, ang sarap na kamatayan ang interpretasyon mo hehe... nakakaganang magsulat sa mga ininject ninyong pagtanaw parang lalong yumaman ang pananaw ko sa pagsusulat ng tula, sa inyo ako natuto sa totoo lang at hindi ko akalaing mas profound ang naging dating ng simpleng tula na ito sa pananaw nyo.
salamat sa pagbasa at pagsusuri











Sir Rom
kakaiba naman po itong tula niyo
ang totoo diko po masyado nakuha yung nilalaman. Tungkol po ba ito sa pagbabalik-tanaw at pagmove-on?
ganda ng magkakatagpi ng mga salita na tipong eksperimental.
Sana'y nagtagpo ang mga utak natin... doon, sa may tulay na tawag ay pang-unawa.