Every girl's IDEAL MAN is someone BETTER than perfect

ichbineinberlyn's picture

Every girl's Ideal man is someone better than perfect. Sabi nila wala naman daw talagang ideal man, hindi naman nga kasi lahat ng gusto mo ay qualify sa iisang tao. Minsan halos lahat nasa kanya na pero habang nakikilala mo siya nalalaman mo na hindi pala siya yung ideal person mo at doon na papasok ang love. It's you! Ikaw na yung magde-decide wether to love his imperfection and change the man of your DREAM into the love of your LIFE. Siguro isa yun sa basehan if you really love a person, yung tanggap mo kung ano siya, sino siya, at iyong siya lang. But paano nga ba nag-uumpisa ang lahat? Is it true that you can love the person when the first time you see him? (love at first sight?) maybe yes pero, di ba the first thing you do before love begin is to look at him. Right? Kapag nakakita ka naman talaga ng gwapo o maganda parang may kakaibang saya at kilig na sumapol sa iyo and i think that makes you like him/her hanggang sa naging si Crush ay palagi mo ng nakikita, yun na yung point na marerealize mo na nag-eexist pala si Ideal person na hinahanap mo. What is your Ideal man? Madalas tayong na-iinlove because someone qualify on this term "Ideal man" and everything begin. I think this is the first step to fall when you find that person in unexpected time, place, and moment na parang akala mo sa mga movies lang nangyayari.

Ako, may Ideal guy talaga ako pero alam ko naman once i fall again kahit na siguro hindi siya iyon, mamahalin ko siya and i will gave him the ideal love for me, for us... Ideal person, in order to find him dapat maging katulad mo din siya. As we all know, ang taong pinangarap natin ay yung mga taong pasok sa standards natin and to find him you have to be better so everthing will be BETTER. Why? It is because wala namang assurance na kapag nagka-gusto ka kay ideal guy ay magugustuhan ka din niya and the only thing to make this happen is to become someone, yung someone na gusto niyang mahanap na katangian sa isang tao. Im not saying na kailangan mong maging Beauty icon para magustuhan niya. All we need is to find love within ourselves para magustuhan at mahalin din tayo ng mga taong nakapaligid sa atin. "You should first love yourself, before you can love someone more." paano ka nga naman magbibigay kung alam mong kulang ka? Paano ka nga ba magmamahal kung hindi mo alam kung paano mag-uumpisa? Para siyang board exam, hindi mo masasagot kung hindi ka nag-aral ng mabuti. Hindi ka magmamahal, kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo, if ever na may minamahal ka pero hindi mo naman binibigyang importansya ang sarili mo, hindi ka parin magiging masaya dahil lahat ng mayroon ka ibinigay mo na at wala ng natira sa sarili mo. And worst hindi naman pala niya naramdaman yung pagmamahal na inalay mo dahil walang devotion o meaning dahil walang pinagmulan. Here are some qualities ni IDEAL MAN na hinahanap naming mga babae...

Turn on lang talaga yung nga lalaking may:
1. Maamong mata o_o tantalizing eyes, yung tipong hindi mo alam kung my meaning ba yung nga tingin niya. Nakaka-curious yung mga mata na parang walang pa siyang ginagawa napa-gaan niya na yung loob mo. Hindi pa siya nagsasalita pero sinasabi na ng mga mata niya na mahal ka niya o napaka-importante mo para sa kanya. <3 MORE THAN WORDS

2.Yung badboy with a big heart, bet kasi namin yung guy na handang magbago kahit na hindi naman niya sinasadya, yung bigla niya lang maramdaman na hindi na pala siya yung dating siya pero, mas masaya naman siya kung ano siya ngayon. Isa siguro sa mga pangarap namin ang makahanap ng ganitong klaseng lalaki, MY LANDON CARTER :)

3. Yung GENTLEMAN na para kang Prinsesa kapag kasama mo siya at kaya ka niyang protektahan, iyong tipong pagkasama mo siya alam mong safe ka, alam mong hindi ka niya pababayaan magkaroon man ng ONDOY part II. Cute din naman yung guy na parang walang pakialam pero deep inside ayaw mong madapuan ng lamok yung taong mahal mo. Ayaw ng babae sa duwag kasi baka naman kapag na-hold.up kayong dalawa ikaw pa yung unang tumakbo para hindi lang makuha yung Nike mong bag at yung G-shock mong relo.

4. Snob, ayaw namin ng guy na masyadong maharot o flirt iyong tipong obvious na obvious na may motibo. Badtrip lang talaga yung mga lalaking ganyan, pwede din naman magpakipot ang lalaki no. Okay lang namang friendly pero to the extent na lahat na lang ng babae sa campus pinapa-asa mo dahil sa sobrang flirt mo, ano ka tatakbong PTA? (kasi balak mo pa yatang maging batang ama sa laki ng possibility na... Alam mo na.) Betsung naming mga girls ang mga lalaking pa-mysterious effect at hindi namamansin kapag una pero... Huwag naman yung tipong di na nagsalita at nagkulong na lang sa cabinet for 2 weeks.

5. Mr. Patient, I mean lahat naman ng lalaki ayaw mabasted! Kaya always playing safe na kapag walang maipakita yung babae na may pag-asa siya (tine-test lang naman pala) escape na kaagad hanggang wala pa sa point na alam na ng buong mundo na nililigawan niya si Girl. Siguro para masabi niya sa mga barkada niya na hindi pa siya nababasted sa tanan ng buhay niya. Mayroon pa rin namang nagsasabi ng linyang "Maghihintay ako hanggang sa makapagdesisyon ka ng maayos" hindi ba magandang dumaan sa process para naman worth it ang paghihintay ni Mr. Patient, mas masarap naman maging kayo ng hindi minamadali para naman hindi mapadali yung relasyon niyo in the end. Di ba mas mahalaga at mas binibigyan natin ng importansya yung mga bagay na matagal o nahirapan nating makuha.

6. Gwapo, mabango, malakas ang sex appeal, talented at sporty.... Gwapo- Sobrang laking factor ng lalaking gwapo, swerte nga nila kasi halos lahat siguro ng gugustuhin nila makukuha nila, at malaki ang chance na kapag nagmahal sila... Mamahalin din sila. Hoping na ang GWAPO, humble lang sa girls, madali kasi kaming ma-hurt dahil sa rejection.Sporty- Basketball, swimming, football, karting... Ang daming sports sa mundo and every guy may isang sports talaga na passion na nila, minsan nga mas makikilala mo ang isang lalaki dahil dito. You can see how determined he is para lang manalo sa laban na iyon, which is a proof that he can do everything to win the girl he love.

Lahat ng ito more on physical at pandagdag pogi points sa mga lalaki, at first ito naman talaga yung gusto ng mga babae sa lalaki pero sa huli yung personality mo pa rin iyong magwowork to get the girl you love. Girls do believe in love at hindi naman yun puro physical attraction, its more on feelings. Kaya nga sa panahon ngayon madami ng chaka ang may nag-gagandahan girlfriend, hindi dahil mayaman sila o halos mahimatay na lahat ng split ends ng babae sa sobrang gwapo niya. It is because of the respect na naramdaman ng babae sa lalaki. Madami naman din kasing gwapong gago at chakang mababait, pero in the end kapag nagmahal iyong dalawang iyan lahat ng IDEAL MAN possible ng magkakatotoo, it only takes LOVE just to be ideal because LOVE makes imperfection in someone better than perfect.