Eloisa

| |

 

Patawarin mo ako! mga huling salitang nabitawan ni Eloisa bago sya tuluyang namatay sa piling ni Arnold! Hoy Eloisa, San ka ba nanggaling ? tanong ni Grace, kaibigang matalik ni Eloisa. Pareho silang teller sa isang bangko. E di san pa eh dun kina Arnold!, pagyayabang ni Eloisa kay Grace.Hay naku! puro ka talaga kalandian, bilisan mo nga diyan!, kanina ka pa hinihintay ni Boss Teddy sa Office! O sya! , sya!, pupunta na na po! Nagmamadaling pumunta si Eloisa sa kanilang Boss. Lingid sa kaalaman ni Eloisa, alam ni Grace na may relasyon  ang kanyang Boss sa kanyang kaibigan. Subalit nanatili syang tikom ang bibig sa kaibigan, dahil alam nyang pagsisimulan nila ito ng away.! Ayaw kasi ni Eloisa na may nakikialam sa buhay nya! At yun ang iniiwasan nyang mangyari sa kanilang magkaibigan! Ipinasasa diyos na lamang ni Grace na sana ay matauhan na si Eloisa sa mga kasalanan nya.Alam ni Eloisa namay asawa at anak na si Teddy pero baliwala lahat yun, ang imporatante kay Eloisa.,lahat kasi ng naisin nya ay kayang ibigay ni Teddy. Kung tutuusin wala ng hahanapin si Eloisa kay Arnold, gwapo, mabait, may magandang trabaho. Subalit hindi sapat yun kay Eloisa, ang gusto nya ay mabuhay sya ng masagana at buhay reyna sa piling ng isang lalaki! At si Teddy ang magpupuno ng kakulangan ni Arnold. Mahal naman nya si Arnold, pero ayaw nyang maging hadlang ang kanyang pagibig sa pag -abot nya sa kanyang mga pangarap. Pumasok si Eloisa sa opisina ng kanilang Boss. At doon saksi ang mga dinding sa ginagawa nilang  pagtataksil sa kani-kanilang karelasyon! Lingid din sa kaalaman ni Teddy na niloloko rin  sya ni Eloisa, ang buong akala nya ay sya lang ang lalaki sa buhay ni Eloisa. Lumabas si Eloisa sa opisina ni Teddy at patay malisyang parang walang nangyari! Grace dapat ko na bang iwanan si Arnold?  Bakit namn? Gulat na pagtatanong ni Grace kay Eloisa! Friend, ano pa ba, ang hinahanap mo? Ok naman si Arnold, masipag, mabait at may trabaho! Hay naku Grace lagi na lang ba akong maghihintay sa mga pangako nya na iaahon nya ako sa kahirapan? Ayoko ng maghintay! paliwanag ni Eloisa sa kaibigan! Hay naku Eloisa bahala ka, wag mo ng pakawalan si Arnold, bihira na ang makatagpo ng isang lalaking magmamahal sayo ng tapat!Alam kong may relasyon kayo ni Boss Teddy, ito payong kaibigan lang, tigilan mo na yan, sa huli ikaw parin ang talo at masaktan! Wag mong hayaang wasakin ang iyong pagkatao dahil lang sa iyong mga kapritso. Nagulat at napahagulgol sa pagiyak si Eloisa sa kaibigan. Sa pangyayaing yun napaisip si Eloisa sa tunay nyang nararamdan para kina Arnold at Teddy. At doon nyang napagtanto na hindi matutumbasan ng pera’t material na bagay ang tunay na pagibig, Mula noon iniwasan na niya si Teddy, tanging si Arnold na lamang ang lalaki para sa kanya! Subalit hindi ito matanggap ni Teddy, at nagbantang guguluhin ang buhay nya. Nagpaalam si Eloisa sa kaibigan na magbabakasyon muna sya kasama si Arnold sa probinsya, at para dun magsimula muli ng panibagong buhay! Lingid sa kaalaman ni Eloisa ay matagal na pala syang sinusundan ni Teddy. Isang malakas na pagkatok ang gumising sa bahay nina Eloisa at Arnold. Binuksan ni Eloisa  ang pintuan at laking gulat nya na si Teddy ang nasa pintuan! Bitawan mo ako!, Teddy tapos na tayo, tigilan mo na ako!, pagmamakaawa ni Eloisa kay Teddy, Subalit mas lalong naging mapangahas si Teddy, isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Teddy at sa sobrang lakas ay napahiga sya. Pinuntahan agad ni Arnold si Eloisa na umiyak at nabigla sa mga pangyayari! Isang malakas na putok ng baril ang umalingaw- ngaw sa buong kabahayan! Akmang babarilin ni Teddy si Arnold ng biglang humarang si Eloisa! Tinaman si Eloisa sa dibdib, at sa sobrang pgkabigla tumakas si Teddy! At naiwan si Arnold sa piling ni Eloisa, at paulit-ulit na binabanggit, “wag mo akong iwan, mahal na mahal kita Eloisa!”.           

 

Vergel Brimon

Lahat, tayo minsan humahantong sa isang pagkakamali na nagdudulot sa atin ng pait sa ating nakaraan! Ganunpaman ang mahalaga ay handa tayong itama ang mga pagkakamali at magsimula ng isang panibagong buhay!