Eleksyon Nanaman
Submitted by ophalyn grace f... on March 12, 2010 - 7:07pm.
poem
Ang eleksyon ay nalalapit,
Sinu-sino na ang papalit?
Upang ipagpatuloy,
Naiwang posisyon.
Kanya-kanyang Kampanya,
Kanya-kanyang istilo,
Upang mang-anyaya,
Na sila'y iboto.
Iba't- ibang plataporma,
Iba't- ibang pangako,
Sa atin ay isinumpa,
Ito nga ba'y totoo?
Kaya't ating kilalanin,
At atin ding busisiin,
Mga nahirang kandidato,
Na siya namang iboboto.


