"Editorial Writing ni Tanga"

|

Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}

WAHHH! Journalism nanaman pala! Sana man lang ay makasali ako. Gusto ko sa Editorial Writing. Alam ko kasing magaling ako roon eh. Napapahanga ko sa pagsulat ang aking guro. Ikaw ba namang gumamit ng mga malalalim na English words at gumawa ng sarili mong idiomatic expressions o kaya mga figurative speech na “perstaym” lang nilang maririnig.

Kakalimutan ko na ang nangyari sa akin noong ako ay 3rd year high school. Inilaban ako sa Editorial Writing: Tagalog ang Category. Napaka-confident ko kasi, sa sarili ko mismo ipinagmamayabang ko na mananalo ako. Alam ko naman kasi talagang magaling ako sa pagsulat eh. (Weh di nga?)

Tungkol sa RH Bill ang ipinasulat sa amin. Argumentative daw. Ako naman itong si tanga, basta sulat nalang. Gumawa ako ng outline. Sa una, introduction, pangalawa semi-information, dalawang part ng body at conclusion. Pero hindi ko alam na mali pala ang ginagawa ko. Both sides ang ibinigay ko at hindi ko man lang naiparamdam ang kahit isang opinion ko. At ang mga facts na inilagay ko ay tungkol sa mga asong gutom, isang verse sa Bible na nagpapatunay na masama ang RH Bill at laban ni Manny Pacquiao.

Journalism nanaman. Dahil ako ang napili na Editor-in-Chief ng aming paaralan, for sure naman na ako ang mapipili para sa pagsulat ng editorial. Nabasa na rin kasi ang mga halimbawa ng isinulat ko sa aming paaralan tulad ng “Face Book Before Facebook”, “Crocodiles Inside the Power House”, “Willow-wides’ Smoking Sticks” at iba pa.

Ako nga ang napili.

Syempre research naman ako kung paano ako mananalo. Naghanap ako sa Google ng mga tips, mga halimbawa ng editorial writing at kung paano ito maisusulat ng perpekto.

Nahanap ko na dapat ang introduction ay eye-catcher upang ipagpatuloy ng mga mambabasa ang kanilang isinulat. Tapos may neck. Then body, three facts daw na may ibidensya. Tapos yung conclusion ay may napakalakas na impact na mas malakas pa sa pagsabog sa Big Bang Theory. Naisip ko na maghanap ng mga impormasyon ukol sa Scarborough Shoal kasi alam ko na baka iyon ang lumabas o ipagawa sa amin.

Nakinig din ako ng binaural beats upang tumalas ang aking pag-iisip sa pagsulat. Yung tipong parang magic na may maiisip kang mga ideas.

Naisipan ko ring gumamit ng mga salitang Ingles tulad ng mga: obstreperous, morose, lucid, blasphemy, largess, affable, antipathy, obfuscated, corpulent at iba pa. Pero dapat pala yung parang maiintindihan talaga ng lahat.

Three days ang journalism. Second day naman ginanap ang Editorial Writing. English category ako. Sayang may tagalog category pala. Dapat dun nalang ako para man lang mas madalian ako. O kaya dapat nakasama si Ruth na nanalo na dati sa regional. Pero ok lang, gagalingan ko nalang. Promise.

Pinapasok na kami sa isang room. Nakita ko si Sir Cris Avila, na akala ko siya ang magtuturo sa amin ng tips, ang tansya ko sa edad niya ay mga 20 years old at mukhang masarap maging kaibigan. Napakaraming achievements. Hays sana ako rin. Hehehe.

Ipinakilala na niya ang magtuturo sa amin. Isang lalaki. 25 years old siya. Amm sorry ah nakalimutan ko ang pangalan kasi mababa ang memory ko that time.

Itinuro niya sa amin ang tamang pagsulat. Napag-isipan ko na gawing four words lang ang title ng isusulat ko. At kikilalanin ko rin siya syempre kung ano kaya ang magiging gusto o hinahanap niya sa editorial writing nang sa gayon ay gawin ko ito upang ako ay manalo.

Palakpak tenga naman ako nang sinabi niya sa akin na: “Great Question!” nang itinanong ko sa kanya na kung pwede bang pagsamasamahin ang apat na types ng editorial sa isang pagsulat.

Pwede raw. Pero mahirap atang gawin eh.

Sa mga oras na iyon ay iniisip ko na sana tungkol talaga sa Scarborough Shoal ang ipasulat. Marami kasi akong alam na impormasyon ukol dool. May opinions, reasoning, facts, evidences at iba pa.

Pero hindi. Iba ang napili na topic para sa amin. Kung sa elementary ay tungkol sa pagbaha dala ng dumaang habagat, sa aming high school naman ay tungkol sa OLYMPICS NA WALANG NASUNGKIT NA MEDALYA ANG MGA PILIPINO! (Argh) WALA PA NAMAN AKONG ALAM TUNGKOL SA OLIMPIKS NA YAN! SYET LANG! Ni hindi ko nga alam kung ilan ang manlalaro na Pinoy ang pumunta roon eh. Hindi ko rin alam kung anong date. Hindi ko rin alam kung anong kulay ng mga panty at brief ng mga players dun!

Topic palang, tanggap ko na ang pagkapanalo ko. Pagkatalo pala. Kasi wala lang talaga akong alam. Saka hindi ko alam o hindi ako sanay na magsulat ng editorial writing na pang-sports page. Oo inaamin ko na hindi ako masyadong mahilig sa isports.

Pero, maparaan naman ako eh. Gagawan ko nalang ng paraan.

Naisip ko nung una na sisihin ko ang gobyerno dahil sa pakatalo nila. Pero hindi eh kasi may nakita akong balita na tungkol sa pagbigay ng pera para sa mga manlalaro. Kaya naisip ko nalang na dala ng ating populasyon. Punto ko: Malaking bansa, mas marami, mas maraming genius, mas maraming mapagpipilian, mas maraming medalya.

Pumasok kami sa kwarto saktong 5pm. Ibinigay ang papel (5:10 pm) na isusulat ang numero lamang, hindi ang pangalan dahil sa ibang papel isusulat ang pangalan, pangalan ng paraalan at iba pang mga impormasyon. Natatawa pa ako sa kalog guro na sinasabing raffle daw yun. Maswerte ang mabubunot.

Yung mga estudyante sa likod ko nag-iisip na. Ako rin. Unti palang ideas ko!

Simula 5:00pm hanggang 5:20 – title lang palang naisip ko! Ang title ay: “Olypics versus Filipinos’ Population.” At hanggang 5:50 ay naisulat ko ang draft ko na wala pang conclusion. May 10 minutes pa ako para isulat ang ginawa ko sa papel. That time hindi ko makapanigurado sa spelling ko ng athlete. Ito ang mga pinagpipilian ko:

-Atleth
-Athlet
-Atleat
-Atleath

Sorry ah. Tanga lang talaga ako. Hahahah! Ewan ko mental block kasi ako eh!

Naisulat ko na ang title, unang sentence at nang pumasok ang isang guro, maliit, balingkinitan ang katawan, maganda at sinabi:

“FINISH OR NOT FINISH PASS IT NOW”

Ang mga rosas ay kulay asul. Ang uwak ay puti. Ang mundo ay tatsulok. Nananaginip ba ako? Ang mga dugo ko ay namuo. Pintig ng pulso ay naging tila isang wang wang. Ang puso ko ay parang binagsakan ng langit at lupa. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko…

SHEEEEEEEEEEEEEEEEET!!!!!!!!!!

Natawa nalang ako. Kasi ang iba sa amin ay hindi rin tapos. Sinasabi naman ng isa na kung pwede ay ipasa nalang yung draft. Pero hindi raw pwede. Naasar na yung isang lalaking medyo malambot magsalita. Papaluha. Ang iba naman ay tuluyan paring nagsusulat na parang walang narinig. Ang isang babae naman ay nagmamakaawa na mag-extend ng time. Pagkakasabi pa niya ay parang siya ay nasa loob ng isang computer shop. Isang lalaki na nakatunganga, nakanganga at hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Isang muslim na parang tapos na sa pagsulat, walang gusot sa mukha. Ang katabi kong lalaki sa aking kaliwa ay sa aking ay sinabi: “Kawawa ka naman.” Hindi niya ito pang-iinsulto sa akin dahil sa tono ng kanyang boses, siya ay nanghihinayang at talagang naawa. Ang napakagandang babae naman sa aking kanan na kaibigan ng mga iba kong kamag-aral ay nagsusulat pa. Patapos na.

“Follow me on Twitter,” parinig ko sa kanila na halatang hindi ko nalang sineryoso ang Editorial Writing. Sabi ko pa sa sarili ko na ipopost ko nalang ito online.

Hindi na ako nagdalawang isip na tapusin ito dahil kahit i-summarize ko, matatalo rin naman ako. Kaya bago ko ito ipasa, nagsulat ako ng malaking “smiley”, hindi ko na ito nilagyan ng dila kasi baka maglaway.

Sa pagsali ko rito ay marami akong natutunan. Nag-reasearch ako at mas marami pa akong natutunan. Natuto akong makinig ng mabuti. Natuto akong magbasa ng mga balita na dati ay hindi ko masiyadong pinahahalagaan.

Natuto akong sa kahit anong itinakdang oras na ibinigay, huwag kang magpakomportble dahil sa kahit anong oras maari itong mabago. Sa pagdedesisyon ng isang bagay na dapat ay mabilis, walang alinlangan at isipin mong maigi upang ang isang problema ay masolusyunan kaagad.

Alam ko namang may Plan si God sa akin kung bakit ito nangyari sa akin. Upang kung sakali mang ako ang susunod sa mga yapak ng mga taong nagtuturo sa mga bagay na ito, ito ang istorya ko na ibabahagi sa kanila na hindi nila dapat tularan.

dj Prestousa

:)