Diyan Sa Puso Mo

mausel maucs's picture
| |

Inukit ko s bato ang pangalan mo
Gamit ang mapurol na kutsityo
Sinabay ko na pati pangalan ko
Pero... Aray! Nataga ako.

Isinulat ko sa tubig ang salitang "Mahal kita"
Gamit ang patpat na kung sa'n ko lang nakita
Nagtaka ako, wala paring guhit o 'di kaya linya
Sa pangungulit, nahulog at ako'y nalunod na.

Iginuhit ko sa hangin ang larawan mo
Gamit ko ang aking hintuturong makalyo
Mata, ilong, bibig pati buhok mo iginuhit ko
At napagkamalan nga akong sira-ulo.

Sana... May mangyari naman sa ginagawa ko
Kahit 'di ka kinakausap, dapat madama mo
Mahal kita at 'di 'yon magbabago
At ang pangalan ko'y maukit kahit d'yan man lang sa puso mo...

mausel maucs

mariangmakata's picture

nice

http://www.mercyferriols@blogspot.com

 

very warm,sincere and nice... 

mausel maucs's picture

salamat....On pages life

On pages life refflects   www.samuelcamus.webs.com

salamat...

daily_sam's picture

:-)

So endearingly sweet :-)

"Sometimes, I think the things I remember are more real than the things I see..."

Starblaze's picture

maganda..may mga typo error

maganda..may mga typo error

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din"