Di na natuto (3)

XIAMIELLE's picture

 

"Coz’ every day, every night, I keep looking at the
skies
And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I’ll be there. . . "

Dahan-dahang iminulat ni Xhira ang kanyang mga mata ng marinig ang tunog na yun. Blue na kisame ang bumulaga sa kanya. Akmang tatayo sya  upang hanapin ang tunog na yun ng maramdaman nya na parang may matigas na bagay na nakadagan sa may hita nya. Kinapa-kapa muna nya ito sa ilalim ng kumot. Matigas talaga. At mabalahibo pa! Pumikit sya upang alalahanin ang mga nangyari kanina. Paanong---Bakit----NO!!!! anya sa isip. Ibinaling nya ang kanyang mukha sa kanan bago ibinuka ang isang mata. Involuntarily bumuka din ang kanyang kabilang mata ng mapagsino ang nasa tabi nya. Pinisil-pisil nya ang pisngi nito para siguraduhin na hindi sya nananaginip. Pagkatapos ay inilapit nya ang kanyang mukha at kinagat ng mahina ang ilong nito.

"Aw!" dali-dali nyang ipinikit ang mga mata at nagtulog-tulogan. Naramdaman nyang gumalaw ito.    Naramdaman din nyang nakatingin ito sa kanya. Mga 15 minutes guro syang di gumagalaw nang kunwari ay nagising sya.

 "hmmmmm" ungol nya habang hinila hanggang leeg ang kumot.  Wala ng nakadagan sa kanya kaya bumalitad sya pakaliwa. Maya-maya ay biglang gumalaw ang kama at naramdaman nalang nyang  yumapos ito mula sa likod.

 "Goodmorning," mahinang sabi nito malapit sa tenga nya. Kunwari ay tulog pa rin sya kaya di sya sumagot. Inamoy-amoy nito ang kanyang buhok pababa sa kanyang leeg.

"Hmmm... ang bango talaga ng babe ko," nagkasya na lang ito sa ganung posisyon.

Gustong-gusto na nyang humarap dito ngunit natatakot sya na baka kapag bumaliktad sya, mawala ito, maglaho ito na parang bula tulad noon at maghihintay na naman sya ng ilang taon para mapanaginipan uli ito. She can't take that risk. Not now. Nagkasya nalang sya sa yakap nito hanggang naramdaman nyang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata.

"Babe wake up" mahinang tapik ni Miguel sa pisngi n Xhira. Kanina pa nya itong tinititigan at kung nakakatunaw lang ang titig, malamang kanina pa ito natunaw. Hindi pa rin ito nagbabago. Ito pa rin ang Xhira na nakilala nya 5 years ago. Makulit pa rin ito, patunay ang pagkagat nito sa kanyang ilong  at pagtutulog-tulugan kanina. Maganda pa rin ito kahit na nadagdagan na ng ilang taon ang edad. Ito pa rin yung Xhirang parang kuting kung matulog pero parang tigre kung magalit. Ito pa rin yung Xhirang minahal nya accidentally at sinaktan nya intentionally. Akala nya magiging masaya sya sa ginawa nya. Akala nya by choosing Ryza over her everything will be alright. Pero hindi nangyari ang gusto nya. Walang araw na hindi nya ito naiisip. When he chose Ryza, he thougth that was the right thing to do. Sa tagal ba naman nilang magkasama ni Ryza at nagka-anak pa sila, ni sa hinagap hindi nya aakalain na maiinlove pa sya uli. Then Xhira came. She was 21 and he was 28. They were in the same boarding house when he was still working as an agent at Alaska. Malayo sya kay Ryza at sa anak nya. Katapat lang ng room nya noon ang room ni Xhira kaya lagi nya itong nakikita. Ito lang ang hindi namamansin sa kanya doon. She was a loner. Minsan nakikita nya itong nakatanga sa may hagdan ng kwarto nito. Malungkot. Titingin lang ito sa kanya tapos papasok sa room nito na para bang may nakakahawa syang sakit. 

"Hmmmm," umungol lang ito. How could he do that to her. She was not just his lover but his bestfriend as well. Lahat ng frustrations nya, insecurities nya, pati problema nya sa anak nya nasabi nya dito. Wala syang itinago maliban sa sinabi nya ditong hiwalay na sila ni Ryza. That was when she wanted to break up with him when she found out na may-anak sya. Bigla nalang itong nagtext sa kanya na makikipaghiwalay daw ito dahil nalaman nitong may-asawa na sya. Syempre hindi sya pumayag. He explained everything to her. Naintindihan naman nito. Every single day with Xhira is different. Yung bang may dahilan ka para gumising. Yung di kompleto ang araw mo pag di mo sya nakikita. Minsan nga parang di na nya kilala ang kanyang sarili. Para syang nagbalik sa pagiging teenager.

 "Babe, you have to wake up, nagugutom na ako," bulong nya dito. He hug her tight na para bang sa pamamagitan nun mabubura nya ang lahat ng sakit na ipinaramdam nya dito. But he knew well na hindi ganun kadali.

"Kakashi?" narinig nyang bulong nito. Napangiti sya. She used to call her Kakashi, kamukha nya daw kasi si Kakashi. Humarap ito sa kanya ng nakapikit. Sumiksik ito sa kanya. He hug her tighter this time. Then, he heard a soft sob. Napapikit nalang sya. Babe....