dating paraiso... isa ng impyerno

 

 

Wala ka bang napapansin sa iyong kapaligiran? Ang hangin, ang ilog, ang mga puno at ang dagat ay naghihinagpis.Hindi mo ba batid ang pagmamakaawa? Hindi nga ba? O, nagbubulag-bulaga`t nagbibingi-bingihan ka lang? kung makakapagsalita lang sila, sigurado akong sasabihin nilang…”Tama na… maawa na kayo.”

Nang una kong nasilayan ang mundo, namangha ako sa taglay nitong kagandahan. Tila paraisong nakahimlay sa lupa. Ang dagat na kaysarap pagmasdan habang humalik ang alon nito sa dalampasigan. Sa malayo, nakatatawag-pansin ang kulay asul na tubig dagat na animoy nang-aakit sa sino mang makakamasid. Kasabay nito ang malinis na hangin na aking nalalanghap saang panig man ako dalhin ng aking mga paa. Nakagagaan ng damdamin na sa pakiwari ko`y nakarating ako sa alapaap. Oo nga pala, ang mga puno na nagbibigay sa atin ng malinis na hangin, kayganda rin nilang pagmasdan habang sumasayaw ang mga dahon kasabay nang indayog ng hanging nagagalak sa kagandahan ng mundo. Ang kulay luntiang kagubatan ay tunay na nakahahalina sa mata at nakakatanggal ng pangamba. Ang mga puno ay nagpapalamig sa mundo at maging sa init ng ulo ng mga tao. Ang ilog na animoy nag-aakit ang taglay na kariktan na para bang inaakit ako na maligo sa malamig at malinis nitong tubig. Haayy…totoo ngang napakaganda ng mundo at sa sobrang ganda nito, hindi ko naisip na maari palang maglaho ang lahat sa isang kislap mata lang.

Nang iminulat ko ang aking mga mata, laking gulat ko sa aking nasaksihan. Ang dagat na kulay asul, biglang naging itim. Ang ilog na nakakaakit biglang naging panget.. Ang mga puno na dati`y matatag ay isa-isang natumba na para bang binawian ng buhay. At ang hangin na kaysarap langhapin, tila ngayon ay parang isang lason na unti-unting pumapatay sa buong sangkatauhan. “Ano na ba ang nangyayari?” Tanong ko sa sarili.

Napakainit na ng mundo, para bang tumatagos ang init nito sa buo kong kalamnan at unti-unting dumudurog sa ating mga buto. Sa gitna ng nakamamatay na init ng araw, ay biglang uulan ng bonggang-bongga na sa pakiwari ko`y isang delubyo. Sa pagtaas ng tubig baha, hindi ko alam kong saan ako magtatago. Saan nga ba? Wala na ang mga puno na dati`y aking sinisilungan. Hanggang dito nalang ba ang aking buhay?

“Climate Change! Tama … ito yaong narinig ko ilang taon na ang nakalipas. Ito na ba iyon? Ito na ba ang epekto ng climate change? Talaga pa lang nakababahala. Matagal ko na ring naririnig ang babalang ito, ngunit ni isang tao walang naniwala at patuloy pa rin sila sa kanilang mga di kaaya-ayang gawain na nakakasira sa kapaligiran. At ang lahat ng nangyayari sa kasalukuyan ay epekto laman ng mga di kaaya-ayang gawain ng mga tao. Hindi nila iniisip na sila rin ang aani sa mga itinanim nilang karahasan kay inang kalikasan. At ako na isang hamak na nilikha ng diyos ay nadamay sa kanilang kalupitan.

Ika nga sa kanta…” Darating ang panahon, mga ibong gala ay walang nang madadapuan.” At ngayon… pagod na ako. Pagod na pagod na ang aking mga pakpak. Hindi ko kayang pa ang lumipad. Kasabay ng aking pagbagsak sa lupang binaha, alam ko at batid ko, muling sisikat ang liwanag sa kalangitan at ang dating ganda ng mundo ay muli kong masisilayan sa langit. Sapagkat, ang dating malaparaisong mundo, tila ba isa na ngayong impyerno.

 

 

 

 ni: elemr c. murillo

fatima national high school

student writer


paul h roquia's picture

para kay inang kalikasan...

 

 

 touch ako sa ibayong gilas ng iyong  pagmamasid , elemr (o elmer?), kaya lang nabother ako sa iyong paggamit ng 'ng' ... baka ibig mong sabihin ay " ...isa nang impiyerno"? 

 

'wag mong tigilan ang pag-ukit ng mga anyo at hugis sa hangin gamit ang mga salita at ang iyong imahinasyon! Kiss 

 

 

 

 

 

 totoo naman talaga..wala

 totoo naman talaga..wala na ang dating ganda ni inang kalikasan...tuluyan na itong sinira ng mga tao..ang ating mundo para ng impyerno sapagkat ang taong nakatira rito ay puro kasamaan at kasakiman ang nangingibabaw..dahil na rin sa init ng panahon kaya nasabi ko na ang dating malaparaisong mundo... isa ng impyerno...

 

 

salamat sa pagbasa..

isa kasi akong campus journalist at yan ang isa sa mga akda ko...

actually na publish nga yan sa paper namin at nanalo ng 10th place ang paper namin sa region..marami pa akong akda ang na publiah at inilagay ko dito sa aite baka kasi madiskobre...

 

 "hindi ako titigil sa pagsusulat...hanggang sa huling tinta ng aking pluma"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

===>please do

pagkatapos nito, ano na?

  Sang ayon ako sa nakikita at nararamdaman mo. nakikita naman natin ang unti- unting pagpatay ng mga tao sa kanyang tagapangalaga. ang kawalang bahala. ngunit, pagkatapos nito, ano na? sayang naman kasi kung hanggang pagtingin at pag aalala na lamang tayo di ba? ang mas mahalaga ay kung ano na ang magiging tungkulin natin bilang isang indibidwal. ano nga ba ang magagawa ng isang tulad natin? ang magtanong? ang sumulat? ang magsalita? o ang gumawa ng hakbang? ano man ang kasagutan natin ay makikita naman sa ating kalikasan. alalahanin lamang natin na Ang langit ay walang mga mata. ginagamit lamang ng ating lumikha ang ating mga mata upang makita natin ang mga tama at ang mga mali naman ay ating maituwid....

salamat...

 salamat po sa pagbasa at sa pagpost ng comment..

 

tama ka sa mga sinabe mo....

sana nga maramdaman ng mga tao ang paghihinagpis ni inang kalikasan bago pa man maging huli ang lahat....

 

 "hindi ako titigil sa pagsusulat...hanggang sa huling tinta ng aking pluma"

 

 

 

 

 

Cool