Dahil sayo.......

rose's picture

Dumating ka para akong isang tuyong Lupa,

Diniligan mo , at muling nabuhay.

Parang akong isang lantang halaman,

Diniligan mo sumariwa at namulaklak.

Para akong nasa isang madilim na yungib,

Dumating ka, nag bigay ng liwanag.

Nadapa ako, Muli mo akong itinayo.

Nakasarado ang pinto, muli mong binuksan.

Puro Dilim ang nakikita ko, binigyan mo ako ng liwanag.

Noong Panahon na hindi ako makahinga,

Binigyan mo ako ng hangin.

Pag umiiyak ako , ikaw ang nagiging panyo ko.

Kapag wala ako makausap, nandiyan ka na laging nakikinig.

Yung dating walang kulay kung buhay. Ginawa mong makulay.

Dumating ka Tinggal mong lahat ng sakit na naramdaman ko.

Mula sa pagiging lanta kong buhay,

Dumating ka binigyan mo ng pag asa,

upang muling mamulaklak at magyabong pa ng husto.

Puro pait ang nalalasahan ko , binigyan mo ng tamis na ang panlasa ko.

Dati para akong kabayo na walang dereksyun,

Dumating ka ginabayan mo ako. 

Lahat ng pagbabago sakin ay DAHIL SAYO.

Kaya maraming salamat sayo, dahil muli akong nagkaroon ng pag asa,

Muli kong naramdaman ang kaligayahan, Muli akong nag mahal .

At ng dahil sayo nag karon ng direksyun ang buhay ko.

At ng dahil sayo muli akong nangarap na tumanda na may kasama sa buhay.

At ng dahil sayo mas lalo ko pa gusto mabuhay ng mahabang panahon na kasama ka.

At ng dahil sayo mas naging masaya ang buhay ko at lubos kong naramdaman ang salitang pag mamahal.

At ng dahil sayo kaya ko na harapin ang lahat ng pag subok pang darating.

At ng dahil sayo kaya patuloy ako sa aking buhay. 

 

Dahil ikaw ang GG ko, isang taong galing kay LORD. A ONE GOOD SOUL.... 

 

 


fragilejay12's picture

nice

 ganda po

^^gnyan tlg mga alang mgwa kht anu pgttripan pra lng sumaya haha^^

=Don't gain the world and lose your soul, wisdom is better than silver or gold=