Daanan

turtlethoughts's picture
|

Kailangan pa bang simulan ang hindi naman masisimulan?

Kailangan pa bang pumunta sa lugar na maliligaw ka lang?

Kailangan pa bang marinig ang di naman mapakingan?

Kailangan pa ba siyang makita kung masasaktan ka lang?

 

Sumuko? Bakit ka susuko kung wala ka namang ginagawa.

Umatras? Bakit ka aatras kung di ka naman papunta.

Magsalita? Bakit ayaw mong sabihin ang iyong nadarama?

Mag kita? Bakit hindi kung doon ka masaya.

 

Maikli Mapait Malungkot Mabuhay sa mundo.

Alagaan siya yun lang ang ikasisiya ko.

Ngiti niya at mga titig na kay ganda.

Pag ibig kaya ang aking makikita?

 

Siya kaya ang nakaabang sa dulo ng daan?

Susubukan bang dumiretso o liliko nalang?

Ayokong maligaw mahirap mag-isa.

Sasamahan kaya niya ko kung yayayain ko siya?