Confrontation #38

by jessie ()

 

Kinorner nya ako. Pagkatapos ng ilang linggong pagtatago ko sa kanya. Hindi ko sya matingnan sa mata.

"Bakit?"

Yan ang tanging tanong niya. Malungkot ang kanyang boses. Sumisikip ang dibdib ko sa proximity namin. Masyado siyang malapit sakin at hindi ko kayang tagalan ang ganong sitwasyon. Baka mawala ako sa sarili ko at mayakap ko siya. Hindi pwede yon.

"Anong bakit?" Siyempre, ide-deny ko na naman. Maang-maangan. Katulad ng ilang ulit na paglilihim sa bawat komprontahang nagaganap.

"Alam mo kung anong sinasabi ko at gusto ko malaman kung bakit ka ganyan." Lalo syang lumapit. Masyadong malapit na halos naamoy ko na ang fabric conditioner na ginamit sa damit niya.

"Alam mo nakakatawa ka!" Tumawa ako kunyari. Plastic. Hindi ko magawang tumingin sa mukha niya. Tuloy lang ako sa paggupit ng letters para sa bulletin board. Naririnig ko ang bawat buntong hiningang pinakakawalan niya habang naghihintay ng sagot ko. "Ano bang sinasabi m---"

Hindi na natapos ang tanong ko dahil biglang tumunog ang phone niya. Kinuha niya 'yon sa kanyang bulsa. Naramdaman kong natigilan siya ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya.

Akmang tatalikod na siya para sagutin ang tawag ng lumingon siya ulit sakin at sabihing hindi pa kami tapos mag usap. Pagkatapos ay lumakad na siya palayo at sinagot ang tawag "Yes, hon? Oo, papunta na ko dyan."

Hanggang ngayon, siya pa rin. Ang tanga ko.