College life is the life it is

ichbineinberlyn's picture

COLLEGE?

Isa eto sa pinaka-memorable thing that can happen in your life as a person kaya nga thankful ako na umabot ako hanggang college. In college we experienced things that is different in what we used to be. I mean sa COLLEGE kasi madaming adjustment, mas maluwag na yung mga taong nakapaligid sa iyo pero mas mahigpit yung competition ng buhay, para na din matuto ka sa sarili mong paa. Mahihirapan ka pero kaya mo yan, mapapagod ka pero hindi ka dapat sumuko, minsan maiiyak ka na lang kasi parang hindi mo na alam kung paano ba solusyunan yung problema mo at ang masaklap hindi lang isa, dalawa o tatlo. Its just that LIFE will tell you na you're not a baby anymore. You need to protect yourself to survive kailangan madiskarte ka. I think in COLLEGE like LIFE is somehow a competition to fight for pero para sa akin hindi mo kailangan mandamay ng ibang tao just to be on top. Maybe your number one competitor is YOURSELF, dapat your better than yourself yesterday not only in academics pero dapat mas okay yung ikaw. Yung tipong kahit mahirap huwag mong kakalimutan maging masaya :")

In COLLEGE friendship binds together sila yung katulong mo sa lahat, assignment, Quizzes or even exam >:) i mean sige bibilib ako sa iyo if never in your life na nangopya ka sa ibang tao and lahat ng ginagawa mo sariling sikap. ( Siiipag naman kahit notes ng teacher mo di mo kinopya???) >:). Ang FRIENDS kasama mo everyday sa school, kumakain ng walang kamatayang chiken fillet sa mcdo dahil iyon yung pinaka-murang meal na solve sa 8-5 pm mong schedule. Madalas sila yung katawanan at kasama mo sa kalokohan at tuwing mag-aaral kayo magkakasama imbes na yung subject na iku-quiz ang topic ang napaguusapan eh yung mga crush niyong sobrang cute at mga taong pwedeng malait habang naka-tambay sa hallway >:). Madalas majority wins ang desicion making. Halos everyday kasama mo sila monday to saturday, sila yung taong kumportable ka at hinahanap sa unang subject pa lang. Masaya ka kapag kasama mo sila dahil compatible kayo in many ways. Sila ang kaibigan mo pero...

FRIENDSHIP begin to ruin because we are all eager to be on top or just to survive college. They can push you or pull you down siguro dahil part na talaga yun ng pag-aaral kahit na pantay pantay lang kayo may mga tao talaga na competent, siguro in a good way mapapa-aral ka na din kasi nahihiya ka sa mga classmate or friends mo na matataas ang grades dahil aral na aral while ikaw nanunuod ng paborito mong teleserye sa primetime (^_^) o kaya naman sinusulit yung free wifi ng kapitbahay dahil nakalimutan niyang lagyan ng password. I mean friends are good companion pero madalas sila pa yung nakakasakit at nakakaaway mo. I think is it because the person who are much closer to you has the big chance to know you more and begin to assume that he really knows you completely.

Minsan naman talaga o madalas sa isang grupo wala naman talagang perfect friends, at my isang tao lang sa grupong iyon yung pinaka-matimbang at mas nakakagaanan mo ng loob. Parang sa isang pinto minsan ikaw lang o dalawa kayo ang makakapasok at a time and for the fact na halos lahat kayo gusto mauna o makapasok ang tendency nagkakasakitan lang kayo. As of now, i never believe in friendship... :( but i really really want to...and to tell you the truth pangarap ko din kasi ang magkaroon ng BEST FRIEND as in BEST FRIEND ha, hindi yung tipong nakilala mo lang for one week, BEST na ang tawag niyo sa isa't-isa. Kasi naman as of 19 years existence on earth sa dinami-dami ng mga naging kaibigan ko lahat naman sila masaya kasama dahil ganun din naman ako at hindi naman sa pagmamayabang just a fact (^_^) nararamdaman ko madali akong pakisamahan at kahit siguro tanungin mo sila about what kind of friend ako, i can give you 100% assurance na naging mabuti akong kaibigan at nung panahon na magkasama kami may isa man lang beses sa buhay niya napatawa at napangiti ko siya. :)

Nature ko na yata ang pagiging jolly at masayahin parang nakatatak na yata sa akin plus yung pagiging mali-mali ko pa lalo tuloy nagiging parang "joke" ang buhay college ko... Pero alam naman nating lahat na kung sino pa yata yung mga taong masayahin sila yung may mga problema sa buhay? I admit it, yeah may problema ako instead of the typical student na nahihirapan sa computation at kinakabahan tuwing recitation. Madami din akong pinagdaanan bago maging ganito at kahit na siguro papiliin ako between a life of fame and beauty, i can say na okay na akong ganito, i may not be perfect in your eyes, nagkakamali ako and i can't promise na hindi ko na ulit magagawa iyon. I have eyebags na parang coin purse (^_^) pero i love my eyes kasi eto ako. (Sobrang like ko yung long curly eye lashes) like me..Natural. I hate my hair before dahil pinipilit kung maging straight at kahit na i experienced many things wayback in elementary dahil sa buhok ko. I realized na i have to accept myself kasi eto ako and now im waiting my hair na humaba and i promised to myself na confident na ako na hindi man straight ang hair ko, long curly hair naman ang peg ko and malapit ko ng ma-achieve iyon and thanks to Taylor Swift kasi pinauso niya yung curly hair style haha! I mean face-luck lang ang labanan ngayon no! pero ang magpapatuloy ng laban eh yung personality mo, yung character mo at ang mahalaga habang nabubuhay tayo may nagawa tayo sa ibang tao, pamilya, kaibigan, o kahit sino na magandang bagay na yung tipong you really dont know why that person really like you by giving you a smile and nararamdaman mo na you are comfortable sa kanya, that person truly RESPECT you at yun na siguro ang pinaka-importante sa lahat. You know why? kasi...

Ang tao hindi mo naman yan makikila ng lubusan o buong buo sabi nga nila kulang ang habang buhay to know a person, minsan nga sa sarili mo you dont even know yourself ibang tao pa kaya. Pero... I think thats the essence of LIFE habang nabubuhay ka, araw-araw mas nakikilala mo ang sarili mo. May nadidiscover ka na hindi mo aakalain na magiging ikaw and i believed that you are the one who create your future.

Sabi ko nga kanina, kung sino pa ang madalas naka-ngiti at nagpapasaya ng ibang tao siya pa yung may bigat na dinadala sa kanyang pagka-tao. Siguro sa experienced ko, i might say its very true! Pero ngiti lang, hanap ng ways para maging masaya kasi ang problema parte lang yan ng buhay para lang yang isang masarap na putahe, masarap kasi may spices. Like in LIFE...problems are hard, tough and full of questions but it will make your life more interesting and exciting. Ang sarap kaya sa feeling kapag na solved mo iyong problem sa Pharmaceutical Calculation na akala mo hindi mo kaya. One of the toughest subject in my course, na naging basehan ko wether itutuloy ko pang mag-Pharmacy o magshi-shift na ako ng ibang course. >:) and luckily I PASSED! i got the grade of "3" at masaya ako dahil iniyakan ko kaya iyon, lalo na kapag madaling araw hindi ko maintindihan kaya nag-self study ako yet in the end... I survived Pharm.Cal! and now i'm a graduating student this year 2013 and until now hindi pa rin ako makapaniwala na makaka-graduate ako na walang failing grades. Hoping and praying na sana tuloy-tuloy na hanggang board exam... kapit lang. May nabasa nga ako na motto ng isang Pharmacy student nung nag-iinternship ako sa Pascual lab in Balagtas, Bulacan sabi doon "Why afraid? if you can PRAY." :) tama nga naman, hindi ako susuko. Hindi lang naman ako yung napagod, natakot, at nag-tiyaga para makapagtapos, ibig sabihin lang kung kaya nila, kakayanin mo din and kung hindi ka man pinalad ngayon subukan mo ulit and kung hindi pa rin subukan mo ulit hanggang sa kaya mo na. Hindi naman basehan ang pagpasa ng board exam para ipagpatuloy mo yung pangarap mo. It's your dream, siya yung magpapatuloy sa iyo para ipasa mo yung board exam mo and tuparin yung mga gusto mong gawin after college. Hindi na ako maniniwala sa mga taong sinasabi nilang hindi nila kaya dahil alam ko sa sarili ko na kaya nila at kaya ko din. (^_^)

Kaya nga sa lahat ng mga students, im very proud to say that i salute you! Oo ikaw :) alam ko naman kaya mo iyan at kaya ko din minsan mahirap talaga kasi nauna iyong takot kaysa sa willingness na matuto. Lahat naman siguro naging student hindi man sa mamahaling school o kaya sa isang university pero lahat tayo naging students of LIFE kaya nga siguro COLLEGE LIFE and LIFE can be the best teacher because it taught us what LIFE can be by using experiences as the best subject. :))

-Ich Bin Ein Berlyn
(I am Berlyn)