Butiki at Ipis (Pabula)

kislapalitaptap's picture
|

Butiki at Ipis (Pabula)
Ni Kislap Alitaptap
13 Marso 2009
1932 Oras

Sa malawak na dingding na makinis,
Dito unang nag-peys-to-peys
Ang malikot na butiki at lagalag na ipis.
At ito ang kwento na di alam ng pulis.

“Saan ang tungo mo palaboy na ipis,
Bakit di ka mapakali, ngayong gabi ay nakabihis?”
Ako’y palakad-lakad, matanong na butiki,
Upang maghanap ng pagkain, kahit na panis.

Maitanong ko lang, matanong na butiki,
Saan ang daan tungo sa kusinang, nangingitim sa dumi?
“Yun lang ba, palaboy na ipis,
Ang kusina’y nasa unahan ng buntot kong matulis.”

Sala-salamat, matanong na butiki,
Ako’y humahanga sa mabuti mong ugali.
“O siya-siya, palaboy na ipis,
Baka di mo na maabutan ang gabing paalis.”

At ipis ay humakbang, dumaan sa harap ng butiki,
Ang sumunod na pangyayari ay di kapuri-puri.
Ang naglalakad na ipis, sinagpang ng butiki!
At ito ang kwento na di alam ng pulis. #

Kislap Alitaptap

CLOSET WRITER's picture

nice one

mahilig din kc ako magsulat ng kwento na me kasamang ipis at butiki. siguro inspiration talaga sila pag nakatulala ang tao at gumagana ang utak na gustong magsulat.

 

thumbs up!

kislapalitaptap's picture

...

bakit closet writer ang pangalan mo?

sang-ayon ako sa sinabi mo. minsan nga may nakita akong butiki, pinainan ko ng patay na ipis, pero nilapitan lang butiki yung ipis, di niya kinain. 

salamat sa pagdaan!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

CLOSET WRITER's picture

dahil...

closet writer- dahil sa closet ako nagsusulat :) dahil nagtatago ako sa likod ng mga kwentong ginagawa ko.

un lang ang medyo nakapagtaka kung pano nalamon ng butiki sa kwento mo ung ipis. baka baby ipis pa lang un?

ung ipis naman na ipinain mo sa butiki na di nya nilantakan, hm...di kaya nagsawa na sya sa butiki, subukan mo painan ng daga :)

basta para sa akin, malalim ang ipinapahiwatig ng tulang ginawa mo.

mabuhay ang mga ipis at daga!!!

kislapalitaptap's picture

...

Closetwriter,

siguraduhin mo lang na may ilaw sa closet ha. hehehe.

minsana pinanood ko talaga ang butiki at ipis eh. kung paanong yung ipis eh nilamon nung butiki. pagkagat ng butiki sa ipis, sa bibig niya na lang muna yun. dudurugin niya muna yung bahagi na nakagat niya, hanggang sa hindi na gumagalaw yung ipis. ang sumunod na pangyayari at di ko na kanita. itinakbo na kasi ng butiki yung ipis. hehehe.

dun sa pagpain ko ng patay na ipis. nagakaroon ako ng konklusyon na. kahit pala butiki ay namimili din. ang gusto nila y yung sariwa at nag-iinit pa ang laman ng kanilang kakainin.   hehehe.

 salamat sa pagdaan. 

sulat lang!

 

 

 

 

---ang tamaan: SAPUL!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

CLOSET WRITER's picture

:)

napansin cguro ng butiki na makikiagaw ka sa kinakain nyang butiki kaya itinakbo na nya :)

at ngayon ko lang din nalaman na choosy rin pala mga butiki. sabagay, masarap talaga pag sariwa at mainit yong laman :)

ayos lang, sana sa muli kong pagdaan kumaway ka naman.

magandang araw.

giogamez's picture

galing galing =)  

galing galing =) Laughing 

kislapalitaptap's picture

salamat sa pagdaan giogamez.

salamat sa pagdaan giogamez. matagal  na akong 'di nagagawi dito. :-)

Rhea Stone's picture

!

Natutunan ko noong akong nasa elementary na kapag pabula daw ay merong natatanging kaisipan mahahango mula dito dahil nagbibigay ito ng mga moral na aral sa mga mambabasa kaya pagkatapos kong basahin ang tula mo ay napatanong ako sa aking sarili:

 

Ano ang moral na aral ang nakuha ko pagkatapos kong mabasa ang Pabula nina Butiki at Ipis?

 

  • Sabi ng mga magulang, wag makipag-usap sa estranghero. May punto pala sila kaya’t nasabi nila ang ganoong paalala.
  • Huwag magtiwala agad dahil may mga taong huwad.
  • May taong mabait kung nakaharap ka ngunit mabangis pala sa oras na tumalikod ka.
  • Maraming krimeng nagaganap na hindi nalalaman ng maykapangyarihan sa batas kaya’t nararapat na matuto tayong magprotekta sa sarili natin.

 

Amos Tarana's picture

iba ang akin

ang kagandahan daw ng isang sining ay nakabatay sa mata ng tumitingin.  patulan natin...

ang tula ay hindi hamak na nagsasalamin sa kalagayan ng masang anak pawis.

1.  hindi nga ba't tayo ay parang katulad ng mga ipis na matagal nang nililinlang ng mga hayok na butiki na ngayo'y kapit tuko sa malakanyang? pag-isipan.

2.  ang ipis din ay maaaring magsimbulo ng kahirapan sa ating bansa sa pamamagitan ng mga kababayan nating walang makain. bakit kamo? dahil kasi sa hirap ng buhay ngayon, ang mga kababayan natin ay nagkukutsara na kapag kumakain...noong maginhawa pa ang buhay ay ayos na ayos sila sa pagkakamay.

at paano naman nangyari iyon? aba, eh sige ikaw nga, paano mo kaya kakamayin ang lugaw? baduy!

opo, lugaw dahil mahal ang bigas....walang pambili.

kung ang ipis nga ay ang simbulo ng kahirapan (dati daga, pero dahil lumalala ang sistema ay naging ipis na), paano natin ito pagtatagumpayan?

dont wori madali lang...linisin lang po natin ang malakanyang este ang ating bahay pala at sakto! mawawala na ang mga ipis o kahirapan.

ngunit kusa kayang aalis ang mga butiki kapag ito'y napagsabihan? tsk tsk tsk

(samahan n'yo ako...at ating pag-isipan)  

para naman sa tula mismo, sana ay ginawang happy ending...hal.nabulunan ang butiki at namatay na rin hehehehe

salamat sa gumawa ng tula at mabuhay ka!

-amos tarana

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Minh 

kislapalitaptap's picture

...

Amos,

gusto ko lahat ng naibahagi mong punto. bilang isang Pilipino na naghahangad nang makabuluhang pagbabago sa ating lipunan, mas mabigat sa akin ang iyong mga sinabi(pasintabi sa ibang nagkomento.

ayos di yung mungkahi mo na, sana ay magkaroon ng happy ending ang kwento. yaan mo, pag-iisipan ko ang bahaging iyan.\

 

yaan, di pa man tayo magkakilala ng personal eh, kasama mo na ako sa iyong kagila-gilalas na paglalakbay.

 

hanggang sa muli! 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

sir amos, lam niyo ba na ang

sir amos, lam niyo ba na ang inyong username ay isang kanta ng sinika?

isang pag-iimbita na kilalanin ang kagandahan ng bayang pilipinas....

 

kislap,

 

bro, bilib talga ako sau ngaun ah, ang dami mong nagagawa..... 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

kislapalitaptap's picture

...

Sis Talulot,

eto yata ang epekto, pag mahal at masaya ka sa iyong ginagawa.

walang dapat na palagpasin na oras na hindi produktibo.

tagni!

 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Amos Tarana's picture

talutot, una sa lahat,

talutot,

una sa lahat, salamat sa iyo ngunit wag mo na lang akong tawaging sir, napaka-pyudal kasi nun hehehe.  ayos na sa akin ang amos o kaya tarana.

hindi ko kilala ang sinika..pero noong taong 2000 o 2001 yata iyon ay may napanood akong sumali sa metro pop na ang ang kanta ay may pagsasambit o pag-aanyayang  "amos tara na". kung sakaling may kopya ka ng kanta na tinutukoy mo ay pahingi naman ako hehehe puede mo email sa akin sa: kayhiwaga@yahoo.com

kapag nagawi ka sa lumang tipan, makikilala mo doon si amos.  mapapansin mo rin na ang lagi niyang sinasabi o mensahe ay "tara na!" at "imulat ninyo ang inyong mga mata at isulong ang katarungan" (pero hindi ako si amos ng lumang tipan ha, nagkataon lang magkapangalan kami at mukhang parehas ang takbo ng dugo namin...pero patay na iyon, ako buhay pa).

kislap, pasensya na, sinagot ko lang tanong ni talutot hehehe

mabuhay kayong lahat!

-amos Cool

 

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Mi

kislapalitaptap's picture

...

Ate Reya,

ung mabuo ko yung tula taos ipinabasa sa isang kaibigan, para humingi ng komento o kung may aral ba na nakuha sa tula. anghaba nang aming talakayan.

mula sa simpleng pagsuri sa tula, hanggang sa malalim na maaaring makita dito.

at lahat ng punto na nabanggit mo. asteg! natalakay din namin. 

tunay nga: na ang mga tula ay napakahiwaga. may isa pa akong tula na naisulat din, tungkol naman ito sa Baka at Aso. 

salamat sa pagdaan!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

dyeppri's picture

Kislap sa mga nahabi mo...

ay ito ang pinakanagustuhan ko. Kung baga ang tula mo na ito ay gumagamit ng ibat-ibang sangkap bilang tula tulad ng metapora ng ipis at butiki. Sana hindi na lang pulis upng naging ganap ang lahat (pwede sigurong buwan dahil buwana ang nagsisilbing bantay sa gabi sa atin)... gumamit din ito ng eronya at erotika panahon, may damdamin at pagkabigla sa huli.... marami ditong bagay akong nakikita na kagaya ng sinabi ng mga nagkomento pero hindi ko na lamang iisa-isahin pa dahil kanya-kanya naman iyan ng pagbasa. Kaya nga tula. Ang tula ay mahiwaga at nasa readers ang ganap na pang-unawa. Ito ang gusto ko dito: malawak ang personification ng mga emahe. simpleng-simple pero malawak. clap-clap-clap. magaling. sulat pa!Laughing

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

kislapalitaptap's picture

...

Dyepp,

salamat sa iyong palakpak!

parang nasa tabi-tabi ka lang. Bakit kamo?, dinig na dinig ko ang iyong palakpak eh. 

salamat din dun sa mga mungkahi na maaari pang ikaunlad ng tula. 

tama ka: mahiwaga ang mga tula.

salamat sa pagdaan!  

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

love it!

masaya 'ko sa nangyari sa ipis. it reminds us na hindi ka basta-basta dapat maniniwala sa mga nakakausap mo lalo na kung ang kausap mong ito ay butiki. pero kabog! ganito lagi ang gusto kong mga kwento, yung natatapos na naiiwan kang tulala kasi you dont want that to happen, pero ganun sya dapat magtapos e, ayon sa desisyon ng sumulat. at ayon sa hinhingi ng pagkakataon. mabuhay ka!

wait, pano ba magpost ng pic? hehe. wala akong kaalaman. tnx. yeahdanteyeah@yahoo.com

kislapalitaptap's picture

...

eksena,

(eto na lang muna ang itawag ko sayo)

oi, salamat sa pagdaan ha. ang tulang ito ang produkto ng pananatiling gising hanggang mag-umaga.  

natutuwa ako at nagustuhan mo(sampu ng iba pang nagbasa nito). 

 

sa tanong mo kung pano mag post ng pic...

hanapin mo lang sa baba ng BODY ng akda o komento yung icon ng Insert/edit image.

tapos i paste mo dun yung link ng picture, tapos click OK, yun na.

sana naibahagi ko ang tamang paraan ng paglalakip ng picture.

salamat sa pagdaan!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Yiennarda's picture

It's a cruel world out

It's a cruel world out there! 

 

http://wattuduyanie.blogspot.com/

             -an empty bucket

kislapalitaptap's picture

...

Ate Yien,

...punong-puno ng kabalintunaan ang  lipunan.

salamat sa pagdaan!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Yiennarda's picture

Yeah

People can sometimes be stupidly innocent...  Being lured to their demise... 

I'm just wondering, na realize kaya ng ipis ang katangahan niya?  But still good for him, because it/he did not live to realize that...  Tapos dipa alam ng pulis, poor ipis!  At mas useless na pulis!

             http://wattuduyanie.blogspot.com/

             -an empty bucket

kislapalitaptap's picture

...

Yien,

dalawa ang mukha ng mundo. may mga mapagsamantala at mga pinagsasamantalahan.

maaaring sa isang banda eh, may kahinaan ang ipis. at agad siyang nagtiwala sa mabuting anyo at matamis na pananalita ng butiki. 

pero hindi lang naman nag-iisa ang ipis. maaaring ang pangyayaring ito ay magtulak sa iba pang ipis na mag-ingat na sa susunod. ito yung sinasabi na "matuto mula sa mapait na karanasan." oo nga't nawalan ang mga ipis ng kasama sa pagkakataong ito, pero di pa dito natatapos ang lahat...

 

ganun din ang tula...

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Yiennarda's picture

IC

Thanks for telling me that! 

Thanks & Sorry na lang talaga sa poor ipis, "he" has to be an instrument to make other people learn from "his" mistake!

 

Keep your light shining Kislap!

http://wattuduyanie.blogspot.com/

             -an empty bucket

kislapalitaptap's picture

...

...Rakenrol!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

jonsdmur's picture

okay ang tula.. sapul

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

nagustuhan ko ang moral lesson nito.... minsan mahirap talaga ang magtiwala... lalo na kung hindi mo pa lubusang nakikilala....

magaling ang pagkakagawa sa mga tauhan...

jonsdmur

kislapalitaptap's picture

...

jonds,

oi, salamat sa pagdaan! 

may maikling kwento ka na naman ah. sulat pa!

---ang tamaan: SAPUL!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

gianenriquez's picture

wow

ang galing galing naman. gusto ko ang mga ganitong akda. may nakatago. hehe. puwede ko ba siyang gamitin sa discussion namin sa Rizal? mukha kasing magandang pagtalunan 'to, argumentative. hehe. lalo pa't hindi lang nman sa malakanyang uso angnakawan kundi kahit SA LOOB MISMO NG AMING PAMANTASAN. uso na din yun ngayon. (mabasa sana ng mga may kilala sa paaralan namin.) hehe.

gie-ann enriquez

kislapalitaptap's picture

...

oi gie-ann,

salamat sa pagdaan!

natuwa naman ako sa mungkahi mo na gamitin ito sa isang diskusyon sa inyong pag-aaral. mungkahi pa lang ay natutuwa na ko, yun pa kayang gagamitin niyo na sa klase, para sa isang makabuluhang talakayan. 

kaya ang sagot ko ay ang walang pag-aalinlangang... SIGE!

ikaw ba, kung kaya mong ihapag ito sa klase, sa kalagayang napaka-simple nito. sinubok ko lang na magsulat ng tula sa ganyang tema. 

sana nga andun ako sa paligid iyo habang pinagdidiskusyunan niyo yung esensya ng tula.

ingat!

hanggang sa muli!

salamat talaga sa pagdaan!

 

---ang tamaan: SAPUL!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

sinta isaac's picture

...

 

dito ako naniniwala na ang mundo ay hindi lang puro mickey mouse, walang disney land,hindi lang fairytale, dahil hindi kahit kailan maaring magka inlaban ang butiki at ang ipis. dahil ang isa ay prey at ang isa ay predator, ngunit lahat ng predator ay nagsisilbi ding prey ng mas malaki at mas gahamang nilalang.

ituturo niya sa iyo ang landas ng kaginhawaan at habang nilalakbay mo ang daan, hindi mo namamalayang siya pala sa iyo'y nakaabang, naghihintay sa kanyang pagsagpang sa iyong kabuuan.

sa lipunan nating binuo ng butiki na nanginginain sa kusinang nangungutim sa dumi, minsan, darating ang araw na ang ipis na palaboy ay magkakaroon ng sapat na lakas upang kumawala sa dikta ng mapanupil na ngipin ng butiki...

at isang araw, matutuklasan ng butiking yaon na siya pala'y hinahayaan lang magpakabusog ng isang aninong mas matalim ang pangil, mas masakit ang kagat, mas malaki ang bunganga.

at ang mga palaboy na ipis ay magiging saksi sa isang kahindik hindik na panlalapa sa butiki ng napakalaking godzilla habang inaawit sa lumang transistor ang kanta ni warwick na,

what the world needs now, love, sweet love...

Butiki- gobyerno

Godzilla- amerika

tayo? hahayaan ba nating tayo ang maging palaboy na ipis?

...

napakagandang pabula.

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

kislapalitaptap's picture

...

Sinta,

hanep ah. natumbok mo yung mga dapat matumbok sa tula.

ako, di na ako papayag na maging palaboy na ipis. nasaksihan ko na yung nangyari sa ipis, kaya ipapamalita ko ito sa nakakarami pa, ang di kapuri-puri na ginawa ng butiki. 

kikilos kami at paparusahan namin ang butiking iyon. at di na yun magtatagal.

salamat talaga sa pagdaan.

 

 

---ang tamaan: SAPUL!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

kislapalitaptap's picture

pangongopya...

may nahanap ako sa internet na dalawang link na tahasang kinopya at dinagdagan ang tula kong ito ng walang pahintulot mula sa akin, at hindi man lang binanggit kung sino ang tunay na nagsulat nito. sana'y wala na kong mahanap pa. plagiarism!

magsinoalvin's picture

ipost mo dito yung link..

ipost mo dito yung link.. nang makuyog namin..

ang butiki at ipis (o anuman)

pareng amos,

galing ginawa mo. binasa ko uli...

baka alam mo yung ingles na tulang ang pamagat ay 'archie and mehitabel', tagalugin mo. isa ako sa mga matutuwa kapag nagawa mo'yon.

mabuhay ka!