buhay, di ako padadala sa mapanira mong alon :)

ememalberts's picture

Napakadaming nangyari sa mga nagdaang araw. Masayang mahirap maging kolehiyala. Una, pinili ko ang school ko ngayon dahil nga sa kursong BS Psychology tsaka mukhang dun ako pinipilit dalhin ng tadhana. When people ask me about my school, they hide their disappointed faces. People expect to me be in a big university, yung may malaking tatak at malaking pangalan.

Dapat ba na nasa UPLB ako? Ewan ko ba. BSCS kasi kursong pinasahan ko dun eh. Computer Science. Hindi ko siya gusto obviously pero sabi nga nila pwede naman magshift ng course. Noong mga nakaraang araw palagi kong tinatanong sa sarili ko kung nasa tamang lugar nga ba ako. Nasa tamang kurso nga ba ako?

  Kung kurso ang pag-uusapan wala naman akong gaanong problema. Nag-eenjoy ako pag-aralan ang Chemistry at Psychology pati na din ang ibang subject. Ngayon ko lang napagtanto na magaling pala(talaga) ako sa Math at Science (WEH?yabang te!) Yung nga lang, sa isa pang larangang gusto ko ay medyo sabit ako. Alam mo naman na gusto kong maging  makata. Gustong gusto ko maging isang manunulat. Ewan ko ba, nasa pulso ko na ang maka-isip ng isusulat at palagi akong kinukulit ng katawan ko na ilabas sa papel ang damdamin ko. Baguhan pa ako at madami pang dapat matutunan.

Ang tanong, paano ako matututo sa limitadong oras na binigay sa akin? Kulang ang 24 oras ng isang araw para sa aking mga lesson at mga gawain na hinggil sa pagsusulat. Nakakalungkot. Hindi ko alam kung nalilito ba ako ano. Hindi naman ata ako nalilito, mahal ko kasi ang kurso ko. Mahal na mahal ko ang Psychology katulad nalang ng pagmamahal ko sa pagsusulat. Naiipit ako. Naiipit ng dalawa kong pangarap. Dapat ko bang iwan ang isa at magfocus nalang sa matitira?

Lumalapit na sa mga palad ko ang mga bagsakang score. Normal na daw sa College yun. 'Wag naman sana yung bagsak na lagpak na lagpak. Nag-aral naman ako para sa Prelims namin pero mukhang malabo. Nakakalungkot. Halo-halong emosyon ang sumasalakay sa akin ngayon. Una lungkot dahil mukhang bagsak ako sa Prelim ng Gen. Psy., ikalawa kaba dahil Chemistry na ang exam bukas at ikatlo, taranta dahil hindi ko alam kung paano ma-ililipat ang mood ko sa mula sa pagsusulat papunta sa seryosong pag-aaral. Bakit ba kailangang dumugin ako ng inspirasyon tuwing may importanteng bagay tulad ng Prelims. Nahahati tuloy atensyon ko. Hay buhay. Nakakaloko ka. Pero di bale, tandaan mo 'di ako padadala sa malalakas at mapanira mong alon :)

 

 

Pasensya na po :) ang hilig ko magpost. Sana may kahit konting payo kayong maibibigay sa akin :)

Maraming salamat po!