Bubog

turtlethoughts's picture
|

Mahirap pulitin ang basong basag.

Alak na laman kumalat sa lapag.

Bubog na matutulis ikay umilag.

Pag ikay nasugat at nagdugo di ka makakapalag.

 

Sino nga ba ang sumagi sa basong puno.

Sinong may kasalanan pag ikay nagdugo.

Sinong pupulot sinong susuko.

Bawal mag-apak ikay matitibo.

 

Sayang ang alak na napakatamis.

Ngayoy nakahalo na sa mga butil na matulis.

Gumagapang sa sahig at nawawalang mabilis.

Katinuan sa iyong isip ngayon ay umaalis.

 

Kailangang iligpit ang kalat na nagawa.

Kahit manghinayang wala ng magagawa.

Kahit mag-sisihan wala ng mapapala.

Matutulis na bubog kailangan ng mawala.

Jayson Pimentel