dayo's blog

Aking Napuna..

Wala na kong ibang nadinig
Na maganda mula sa inyong bibig
Kundi puro patutsada at pamimintas
Sa lahat ng makitang artista

Isa pa kung makapamintas
Sa kanya ring bansang Pilipinas
Akala mo'y wala ng pag-asa
Kung ikumpara sa bansang sinasamba

Ihalintulad ba naman sa India
At sa ilang mahirap sa Asya
Ah anong kahindik-hindik
Walang patawad sa nasasambit

Maging bukas sana ang isipan
At wag pairalin ang kakitiran
Sarili't kaisipan lang ang batayan
Ng tama, dapat at kagustuhan

Maging handa sana kayo
Sa kanilang mapanuring mata
Lalo na't minu-minuto
Ang panlalait nila..

Susulat Pa Ba Ako?

Hindi ko alam kung susulat pa ko dito. Ang dami ko na kasing blog sites...

Isa sa friendster, isa sa blogger  at isa sa opendiary.

Naguguluhan ako kung san ako magpopokus. Basa-basa na lang ako. Kung ayos lang sa inyo lalo na kay Ate Rose! ^_^

Syndicate content