Bitaw

turtlethoughts's picture
|

Bitawan ang halaga at kahulugan,
Ng pag-ikot ng mundo kong di maintindihan.
Sa pagpatak ng alas dose tapusin na.
Nakakapit padin sa alaala ng iyong mata.

Harapin ang tama talikuran ang mali.
Bakit di pa din ako mapakali.
Bumitaw na ang isip at katawan.
Pero puso ko ikaw pa din ang laman.

Kung maibabalik lang ang oras.
Siguro di na magulo ang bukas.
Walang maiiwang kahit anong bakas.
Kailan pa ba magwawakas.

Patapos na ang tugtog ng musika.
Parang di na ata masaya. 
Di ko alam san ba ko papunta.
Malapit na din sumikat ang umaga.

Jayson Pimentel