Bisekleta (short story)

| |

Bisekleta

 

I met this guy 9 years ago. Bagong lipat kasi kami ng bahay malapit sa kanila. Syempre dahil bago pa lang ako sa lugar kaya wala pa akong kaibigan. Minsan nga gusto kong sumali sa mga batang nagte-ten-twenty kaso nahihiya ako kaya ayon, lagi nalang akong nasa loob ng bahay.

 

            Hmmm. Maganda ang lugar na yun. Kaya nga lang malayo ang palengke kaya kailangan talaga maglakad ng malayo. Since only child ako, wala talagang ibang mauutusan si mama na mamili minsan kundi ako. Nakakaawa din naman kasi siya dahil sumasakit daw ang tuhod nya.

 

            Minsan nga nautusan ako ni mama na mamili. Medyo maaga pa yun kaya di pa masakit sa balat yung sikat ng araw. Di tulad ngayon 8 palang nakakapaso na ang init. So ayun nga, since 13 pa lang ako nun ay madali rin akong mapagod. Di naman ganun kadami ang pinamili ko pero kahit papano na bibigatan ako. That day ko nakilala si Jasper. Eh syempre gwapo kaya kilig din ako. Panu ba naman kasi, niyaya nya kong umangkas sa bike nya.

 

            “galing kang palengke?” Sinubukan nya akong sabayan habang sya ay nasa bisekleta.

            “oo.” Malimit lang ako sa aking salita kasi hindi ko parin sya kilala.

            “malayo pa yung bahay nyo. Mapapagod ka.” Hindi sya nakaharap sa akin habang sinasabi yan. Nasa kalsada ang kanyang mata.

            “hindi.. sige, ok lang”

            “angkas ka nalang sa bike ko...” Huminto sya sa pagpadyat ng kanyang bisekleta, kasabay nito ay ang paghinto ko rin sa paghakbang.

            “huh? Eh kasi ano…” Hindi ko sya magawang titigan dahil nahihiya ako.

            “bilis na. dyan ka sa likod ko” Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang pumayag. Nilagay ko ang aking mga pinamili sa basket sa harapan ng kanyang bisekleta.

 

            Syempre masaya ako. Since that day lagi na nya akong sinusundo sa bahay para maglaro at magbike. Tapos di rin nagtagal naging crush ko sya. Pero di nya alam.

 

            Lalo pang dumami ang kaibigan ko nung ipakilala nya ako sa mga kaibigan nya. Tapos ayun, dahil maganda ako, nagkagusto sakin yung kaibigan nyang si Ronnie. Pero hindi naman o.a si Ronnie. Natural lang sya. Pero sweet sya ah. Lagi nya akong sinusulatan. Tanda ko pa nga nung unang beses nyang magbigay ng sulat sakin ng sulat ay tumakbo agad sya nung tinanggap ko yung sulat. Well, ok lang naman. Mas bata rin naman kasi sya sakin. Minsan nga ate tawag nya sakin. Iisa lang ang malapit na eskwelahan sa lugar kaya expected ko nang Makita sila sa school. Naging masaya ako sa school kahit hindi ko kaklase si Jasper o Ronnie (syempre nga mas bata sakin kaya mag kaiba kami ng grade =]).

 

Minsan, isang uwian, nakita ako ni Jasper na naglalakad pauwi. Gaya ng dati, niyaya nya akong sumakay sa bike nya. Tatanggi pa ba ako? But this time, di na ako sa likod nya naka angkas kundi sa harap nya. Nakaupo ako ng pa-side-view. Syempre kilig din ako kasi parang yakap narin nya ako kasi hawak nya yung manibela, magulat ka kung hindi.

 

Araw-araw na akong umaangkas kay Jasper tuwing pupunta ng school at pauwi ng bahay. Sa dalas ng pag-angkas ko ay di maiwasang sumemplang kami. Edi nasugatan ako sa tuhod kaya pa-ika-ika ang lakad ko. Siguro nagui-guilty sya kaya pinasan nya ako sa likod nya then nag punta kami sa gilid ng ilog. Malinis ang ilog samin. Walang ka-germs-germs.. haha. Keme lang. So hinugasan nya yung sugat ko tapos tinapalan nya ng dahon ng bayabas. Mag-iinarte pa ba ako?

 

Minsan, magkakasama kaming magkakaibigan papuntang bukid. Namumunga na kasi ang puno ng makopa nun kaya namimitas kami. Then unexpected namang gagawa ng eksena si Ronnie. Sabi nya…

“ate Myra, may boyfriend ka na ba?” Nakatingala ako sa kanya dahil nasa taas sya ng puno. Habang nagsasalita sya ay pa-isa-isa naman silang naghuhulog ng bunga.

 “wala. Bakit?” Napayuko ako upang pulutin ang bungang hindi ko na salo.

“pwede bang maging boyfriend mo ako?” Napatayo ako sa pagkabigla sa sinabi ni Ronnie.

“ano ba yan Ronnie. Bata pa tayo. At saka di ka pa nga tuli diba?” Nag-umpisa na kaming magtawanan.

 

Nag-umpisa na akong magdalaga nun at nagbibinata narin si Jasper. Pero patuloy parin ako sa pagsama sa kanya. Minsan nga umaangkas lang ako sa kanya papuntang simbahan. Kung minsan umaakyat parin kami sa puno.

 

“hindi ka ba nahihirapang magbisekleta?” Tanong ko sa kanya habang nakatitig ako sa kanyang mukha. Sinusundan ko ang bawat patak ng pawis mula sa kanyang noo hanggang leeg.

“hindi naman. Mas ok nga pag may angkas lalo na kung ikaw…” Napatigil ako sa pagtitig sa kanya dahil sa sinabi nya.

“huh? Napakapilyo mo talaga… hahaha”

“di naman =]”

“turuan mo kaya akong mag bike? Oo nga no, bakit di mo ako tinuturuan?” Muli nanaman akong napatitig sa kanya. Matapos kong magsalita ay parang umiba ang mood nya.

“hmmmm.. pagtinuruan kita, pano ka pa aangkas sakin?” Mula sa kanyang pagsimangot, bigla syang ngumiti. Sa pagngiti nya ay muli akong lumingon sa daan, di ko namamalayang nakangiti narin ako.

 

…blush ako dun. Havey yung banat nya. Hahaha. Oo nga naman. May point sya. Siguro nahahalata din nyang trip na trip ko ang pag angkas sa kanya.. hahaha. Syempre dahil crush ko sya pagkakataon ko na ring lalo pang malapit sa kanya di lang din naman kasi ang nagkakagusto sa kanya. Anyway, di ako malandi nor haliparot but feel na feel ko yung eksenang nakaangkas ako then pepreno sya, ako naman itong reyna ng mga o.a, kahit na mahina kunwari nadala ako sa preno kaya may yakap epeks.. hahaha.. kaya mo yun?

Dumating ang isang conflict na to where in nadistino si papa sa ibang lugar so kinailangan naming lumipat. Di ko na muna sinabi sa kinla kasi baka magbago pa ang isip nila mama. Sabi ni mama 1 week pa naman daw kaming mag-stay. So naisip kong sabihin sa kanila pag nag eempake na kami para sure na sure na talaga but its too late for me to say kasi alam na ni Jasper.

 

“aalis na pala kayo” Walang emosyon sa mukha nya. Hindi sya nakatitig sakin. Sinisipa nya lang ang lupa hanggang sa tumalsik ang ilan sa mga ito.

“oo! Kainis nga eh” Lumigil sya sa pagsipa at lumapit sa akin.

“so pano ba yan, iiwan mo na kami.” Hinawakan nya yung balikat ko, napatitig ako sa mata nya.

“hindi rin. Andito lang kayo lagi sa puso ko.” Lumabo ang paligid dahil sa mamumuong luha sa aking mga mata.

“wag mo sana akong kalimutan.”

 

Yakap at iyak effects ang lola nyo…

 

“mamimiss kita Jasper T.T” Pinunasan nya ang luha ko at ngumiti sya.

“mamimiss din kita.”

“pangako babalik ako”

“basta pagbabalik ka, sumulat ka muna para masundo kita ng bike ko” Muli nya akong niyakap naging kalmado ang boses nya.

“pangako!” Tuluyan na syang umalis. Sa pagpadyak nya sa kanyang bisekleta ay ramdam ko ang lungkot ng malayo sa kanila, sa kanya.

 

To make the story short, umalis kami. Lahat ng kaibigan ko nag punta sa bahay maliban kay Jasper, nagtampo ata.

 

After 9 years, ito na ako ngayon… 37-26-34 ang vital statistic ko, super sexy noh? Parang Katya Santos ang future ng lola nyo. Maganda ako, long-hair, matangkad, maputi… in short, DYOSA! Kuha mo? Hahaha.

 

Just 3 days ago, nagpunta ako sa lugar na yun. Di ko ineexpect na matatandaan pa nila ako, si Ronnie ang unang nakakita sakin kasi nagtatrabaho sya malapit sa terminal.

“ate Myra? Ikaw ba yan?” Binaba nya ang buhat nyang karton.

“oo.. hmmm. Ronnie?” Hindi naman nagbago ang mukha nya. maliban nalang sa hubog ng kanyang katawan. Hindi na sya totoy tuladng dati.

“oo. Buti natatandaan mo pa ako.”

“oo naman. Ikaw pa!”

“oo nga pala, tuli na ako.. hahaha. Nagpatuli ako nung araw ding umalis ka.. hahaha!” Napatitig ako sa bahaging yun ah. hahaha. Di parin talaga sya nagbabago, makulit parin sya.

“adik to! Oo nga pala, asan na si Jasper?”

“dun pa rin sa dati nyang bahay. Alam mo pa dun?”

“oo naman. Dun malapit sa dati naming bahay diba?”

“pasensya na kung di kita masasamahan ah. May trabaho pa kasi ako.” Sabi nya habang pinupunasan ang tagaktak nyang pawis gamit ang kanyang kama.

“ok lang yun.” nginitian ko sya at nagpaalam na ng tuluyan.

 

So pinutahan  ko si Jasper. Andami kong iniisip habang naglalakad ako. Mas lalo kaya syang gumwapo? Siguro matangkad na sya? Anlaki na siguro nya ngayon. Then biglang may lalaking naka-bike ang lumapit sakin…

 

“sino pong hinahanap nyo?” Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa puso ko. Naninibago ako sa lugar na to. Ibang-iba na sa dating pinaglalaruan namin.

“hmmm.. wala po.” nginitian ko sya at ngumiti rin sya.

“ok!”

 

Then umalis din yung guy. Pero nabigla ako sa nakita ko. Yung guy kasi na lumapit sa akin ay naka-red na t-shirt at habang papalayo sya ng papalayo, lumiliit din ang nakasulat sa likod nya…

 

“JASPER 07”

 

Gusto ko sanang habulin at tawagin pero its too late… sa di kalayuan, huminto din sya, huminto din ako. Si Jasper nga yun. Si Jasper na ngayon ay mas iba nang angkas.

JayPee Lauron

written I think 4 years ago.


Alexander Dagrit's picture

<

Masagwa ang wakas ng kuwento: Ang kawalang-katapatan ni Jasper. Hindi nito tinupad ang pangako kay Myra. At hindi nakamit ni Myra ang katarungan. Hinayaan na lamang niya si Jasper sa kawalang-katapatan nito.

Walang katarungan para sa protagonista. Kaya, nakasusuya.

Sana, iba ang wakas.

At saka, bakit hindi na matandaan ni Jasper si Myra? Gayong si Ronnie, natatandaan pa siya.

. . . 

May pagkakahawig ang kuwentong ito sa kantang "DON'T CRY JONI":

Nagpahayag si Joni ng pag-ibig kay Jimmy. Pero hindi pinansin iyon ni Jimmy, kasi 22 na siya, 15 pa lamang si Joni. Hanggang sa umalis si Jimmy sa pook nila. Pero kung kailan pa siya nakaaalis, saka naman hindi mawala sa isip niya si Joni. Kaya, bumalik pa rin siya sa lugar nila upang ibigin na si Joni. Sa ganito nagwakas ang kanta:

Jimmy, Jimmy please don't cry,

You'll forget me by and by,

It's been five years since you've been gone,

And Jimmy, I married your best friend John.

Makatarungan ang wakas na ito, dahil nauna nang initsa-puwera ni Jimmy si Joni.

E, sa kuwento namang ito, walang hustisya. Bakit hindi tumupad sa kanyang pangako si Jasper? At dahil hindi nga tumupad, sana nakasingil man lamang si Myra ng katarungan.

Bukod sa pagkakamaling iyan, tigib din ng mga mali sa baybay, bantas, at balangkas ng pangungusap ang akdang ito.

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Ang Mga Tinig ng Tradisyonal, Moderno, at Postmodernong Panulaang Pilipino

Mmmmm.

tagal din akong hindi nadalaw sa FW...

nice you're back, Mr. Alex Dagrit!

 

Alexander Dagrit's picture

<

Mabuti rin naman at nakabalik ka na sa FW.

Nagsusulat ka pa ba sa ating minamahal na lingguhang magasing Liwayway? Hindi na yata kita nababasa roon nitong mga nagdaang buwan.

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Ang Mga Tinig sa Tradisyonal, Moderno, at Postmodernong Panulaang Pilipino

Hello Mr alex...

lately...hindi ko na rin nahaharap ang pagsusulat sa liwayway... naging abala tayo sa text book writing at sa trabaho sa academe. pero magkatabi tayo sa isa sa mga issue ng liwayway this june.

 

pasensya na po. Nag-uumpisa

pasensya na po. Nag-uumpisa pa lang po kasi ako noong isinulat ko ito. Pero maraming salamat po sa pagbasa at pagbigay ng komento. Hayaan nyo po, mas pagbubutihin ko na lang po sa mga susunod kong isusulat.