Bangungot
Nagtanod ako noong isang araw
Sa panulukan ng hatinggabi at pag-iisa
At namataan ko ang aking sariling
Iniisip ka.
Agad kong pinasigabo
Ang batingaw sa gunita
Umaasang mabugaw ang tulad mong
Akyat-bahay sa aking diwa.
Nguni't hindi ka natinag.
Ang manluloob ngayo'y bisita.
Ihiniga ka ng aking diwa sa kamang
Binalot ng seda at harnibal.
Ihinabi ka niya ng pantulog
Na mula sa sinulid ng pinagsala-salabat
Na salita. Lahat itinatago
Ang tunay mong anyo.
Mang-uumit.
Isa kang pirata ng katahimikan.
Isa kang nakasisilaw na ilaw
Na bumubulag sa mata ng katinuan
Sa kalaliman ng gabi.
Hinalikan mo ang sarili ko
At natulog kayong magkayakap.
Naging unan niya ang iyong pagkukunwari.
Habang siya'y nahihimbing
Tinastas mo ang saplot mo
At ibinilot mo ito sa kanyang leeg.
Binayo mo ang kanyang dibdib.
Sumabog ang kanyang lapay
At nagkalat ng pait.
Ang kanyang huling hininga
Ay nasayang sa iyong pangalan.
Natulog siyang may kasama.
Pumanaw mag-isa.
for me its not chaka
I like it
piece of art. =)
have a good day!
thanks anne
nagbabasa kasi ako ng "Naked Lunch" ni William S. Burroughs ngayon.
Tapos may discussion tungkol sa bangungot (na tinawag niyang bang-utot). Sa local folklore kasi ang bangungot ay isang halimaw na pumapatong sa dibdib ng lalaki kapag natutulog hanggang sa malagutan siya ng hininga.
Yung lapay consistent sa pancreatic lesions na nakikita sa mga namamatay sa bangungot. Na nagcocoincide sa bitterness.
Maganda sana yung image, kailangan ko lang ng consistency sa cadence at sa rhyme. sige aayusin ko pa ito.
salamat na rin sa appreciation. :)
kapag tumakbo ako, hahabol ka ba?
ilista na yan!
ang ganda nito! lufet! ang galing ng imagery at rhyming! :D
I'd love to turn you on...
Pilipino
gusto ko talaga ang pagbabasa ng mga akdang gamit ang wikang Pilipino.
maganda ang pagkakasulat sa tula.
kung ganun
maraming salamat sa pagbabasa. d-younker. malupet ang profile pichur mo
kapag tumakbo ako, hahabol ka ba?
HAHA. Nice comment.
HAHA. Nice comment. :P
ayan nagpalit tuloy...
tsktsk.. hehe
'sing sarap, 'di 'sing mahal...







ang chaka
paki-erase.
diarrhea
kapag tumakbo ako, hahabol ka ba?