"Baleleng"

| | |

Nangulit ang katanungan sa taas nang makilala ko ang bago kong kaibigang si Baleleng. Siya ay 18 taong gulang at isang dalaga. Nakilala ko siya bilang isang masayahing bata sa may tindahan. Pakiwari ko sa kanyang pananalita ay mas matanda pa siya sa akin, sa kanyang karanasan at sa kanyang maturity.

Nang sumama ako sa kanya napag-alaman kong sa murang edad ay hindi man lamang siya nakatungtong ng pag-aaral. Naglalakad kami at nagkukwentuhan sa daan. Hanggang sa napagod. Kaya umupo kami sa may isang malaking bato na nasa tabi ng daan. Maraming mga sasakyan na dumadaan. Dahil nga sa napahanga ako sa aking bagong nakilala ay hindi ko man lang napansin ang mga taong nakasakay sa mga sasakyan. Pero nakikita ko sila na para bang kumakaway sa aming dalawa.

Hindi naman sa na love at first sight ako sa aking bagong kaibigan, kung hindi ay talagang napahanga lang ako sa kanya. Ewan ko bah! Pangiti-ngiti pa nga ako sa kanya na tila parang nakatingin sa mga paru-paru sa aming bakuran. Sabay tawa, pa smile-smile hehe. Of course, dahil sa cute raw ang mga dimples ko ay kailangan ko talagang ipakita ang asset ko. Para bang nagpapaimpres sa kanya. Hehe nakakahiya naman. Hehe

Oo nga pala, si Baleleng ay isang katutubo na nakatira sa Manolo Fortich. Isang grupo ng mga katutubo sa Bukidnon. Ngunit kapag tingnan mo si Baleleng ay parang hindi mo aakalain na isang katutubo. Hehe nagulat kayo noh?

Ok balik tayo sa aming kwento. Isinalaysay niya ang kanyang buhay sa akin. Naantig naman ako sa kanyang sinabi. Naawa at nagagalit sa taong umaabuso sa kanya at sa kanilang mga ka-tribu.
Imbes na nag-aaral, imbes na nakapagaral, imbes na nag-iisip ng kinabukasan, hindi edukasyon ang kanyang namana sa kaniyang pamilya. Namana niya ang pinaglalaban ang pinagpipilitang karapatang kanila naman talaga subalit kinakamkam ng iilan. Mga mayayamang tao na hindi naman taga roon sa kanila. Dahil sa may mga pera ay nakuha nila ang mga lupa na para sa kanila. Di ko mapigilang manlambot at maiyak sa kanyang salaysay.

Isa lamang sila sa mga katutubong pinagkaitan ng mga mayayamang tao sa ating bansa.
Sa pakikipag-usap ko sa kanya ay napatingin naman ako sa mga taong dumadaan. Hmmm hindi ko alam kung bakit lahat sila ay parang may gustong sabihin sa aming dalawa. Binalewala ko na lamang kasi sa buong akala ko’y naiinggit lamang sila sa aming dalawa.

Hindi mo naman tipong ikakahiya si Baleleng dahil sa hindi naman siya mukhang katutubo. Hehe. Ah basta maganda siya. Sa tingin ko ay hindi siya puro katutubo, kung baga half o mixed blood siya. Siguro ang ama niya ay katutubo at ang kanyang ina ay hindi.

Dahil sa medyo mainit na ang panahon at ako may palaging dala-dalang payong sa bag (Boy scout daw! Hehe). Kinuha ko ito at amin itong pinagsasaluhan habang nakaupo sa may malaking bato na nasa gilid lang ng daan.

Napatingin na naman ako sa mga taong dumadaan. Ewan ko ba kung bakit parang mayroon silang gustong sabihin sa aming dalawa.
Kaya ay ipinagpatuloy na lang naming ang aming paglalakad. Ihahatid ko siya sa kanilang bahay dahil ako’y isang gentleman. Hehe.

Nang nakarating na kami sa kanilang bahay. Ang kanilang lugar ay walang tao. Napakatahimik naman. Hindi naman ako natatakot dahil sa alam kong walang multo na lalabas tuwing tanghali. Gusto niya na sumama ako sa kanya sa loob. Medyo kinabahan ako dahil nga sa walang tao sa aming paligid.

Napahanga ako sa kanila kasi first time kong makapunta sa ganitong uri ng lugar. Nakaupo kaming dalawa sa sahig habang patuloy na nag-uusap. Bigla akong kinabahan dahil sinabi niya na gusto niyang humiga dahil sa masakit ang kanyang ulo at siya’y nagugutom. Pati nga rin ako ay nagugutom rin sa paglalakad. Ginawa pa niyang unan ang aking mga paa. Na parang isang asong napapalibutan ng maraming buto na kakainin.

Nang biglang dumating ang kanyang ina at sabay sabing “Naku dong pasensya ka na sa anak ko.”
“Ha?” sagot ko naman.
“Ay sorry po ma’am. Wala naman po akong masamang balak sa anak mo. Siya pa tong humiga sa aking mga paa. Pasensya po. Wala po talaga akong masamang balak.”
“Alam namin iyon. Ano kasi dong… May pagkabaliw ho yan.”
“Ha? Oh c’mon!” Biglang napa-Ingles yata ako.
“Kaya yan nakahiga ay gutom na kasi iyan. At kung hindi ka naming naabutan ay baka kinagat ka na niya. Kapag gutom iyan ay nangangagat iyan ng tao. Kaya nga lahat kami dito at pati na ang mga kapitbahay namin ay sama-samang naghahanap sa kanya. Dahil hindi naming gusto na may mabibiktima siyang tao.”

Dagdag pa ng ina niya na, “Pagkatapos naming kumain ng almusal ay hindi namin namalayan kung saan siya pumunta. Kapag gutom na iyan ay saka na siya nagiging baliw.”
Nang marinig ko iyon ay bigla akong tumakbo papalayo sa kanila. Natakot at nabigla.

Tang-ina! Kaya pala hindi siya nakapag-aral ay dahil sa kanyang karamdaman. Bigla ko na lang naalala ang lahat ng taong nakakita sa aming dalawa, noong nakaupo kami sa may malaking bato ay para bang may gustong sabihin.

Iyon na pala ang ibig nilang sabihin…. Na baliw ang kasama kong babae.

MAVO

Lubos po akong nagpapasalamat sa aking mga guro sa kanilang pagmamahal na ibinigay sa amin. Sa aking mga kaklase sa kanilang pagbibigay pahintulot na i-published ang kanilang mga maikling kwentong nagawa sa aming asignatura. Dahil sa kanila ay nabuo ang blog na ito.

Nais ko rin sabihin na ang batch namin ay grumadweyt na noong April 4, 2008.

Umpisa pa lang ito sa aming bagong tatahaking landas. Sana kung saan man kami makakarating ay hinding-hindi nila malilimutan ang kanilang mga sinulat na mga akda.

Para sa inyong mga tanong, komento lalong lalo na po sa mga spelling (typographical error) mag-email lamang po sa admin.mywebs@gmail.com para ma-check muli ng administrator.

Maaari ninyo na rin ako ma add sa friendster add: mark.obsioma@gmail.com .

 ------------------------------------------------------------------------------------------ 


paruparongberde's picture

sariling akda mo ba ito

sariling akda mo ba ito dj?

napa isip lang ako papano nalaman ng mga tao sa paligid nyo lalo na yung time na nasa bus kayo na baliw ang kasama mo?

sana kahit fiction malapit sa katotohanan  

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

paruparongberde's picture

 kung gumradweyt na kayo

 kung gumradweyt na kayo noong 2008 pa..ibig sabihin nagsinungaling ka sa sinabi mo sa isang komento na nasa ibaba..mulayan sa sinulat mo na "takdang aralin"..masama ang sinungaling na bata ha?

Im 3rd year high school na po XD

I'm third year high school na po. Ginawa ko po yan last year for our filipino subject. Project po namin 'yan. Ang Science subject po ng 2nd year is Biology but in our school meron pong advance studies in Chemistry, Physics, Astronomy (Thoery Making) and Geometry na kasama po sa grading sysytem but maliit lang yung points niya.

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

Jack A. Alvarez's picture

kung anuman, tuon na lang

kung anuman, tuon na lang tayo sa akda nya. wala namang kinalaman ang personal background sa sinulat nya. 

 

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

paruparongberde's picture

 

Kung ang FW ay isang "tool" para mahubog ang isang manunulat dapat maging tool din ito upang malaman ng isang manunulat ang salitang "responsable" para sa kanyang sarili at sa mambabasa upang magkaroon ng tinatawag na "kredibilidad" kasabihan nga "honesty isa the best policy" at walang masamang magpakatotoo hindi lang para sa sarili bagkus para din sa kapwa

  Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

First Name

Jack

Middle Name

Aguid

Last Name

Alvarez

Nickname

Jack

Gender

Male

Birthday

11/11/1985

 

  Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

Author: Jack Alvarez

Author's Bio/Notes:

JACK A. ALVAREZ was born at Cagayan de Oro on March 6,1983

 

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

Jack A. Alvarez's picture

lol.paano kung alter-ego ko

lol.

paano kung alter-ego ko yan?

ano'ng meron kung di totoo at may conflict sa personal data? paano ang nakasaad sa papel, ang nakatakda sa totoong buhay at ang mga hinabing ilusyon?

ang isang makata o manunulat ay may angking kapangyarihan na pwedeng humiwalay o yumakap sa katotohanan at haraya...

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

paruparongberde's picture

oo again tama ka may angking

oo again tama ka may angking kapangyarihan nga ang manunulat to dwell beyond realities and poetry has myriad dimensions crafted by realities and illusions. However, there are certain degrees outside those pieces that need to be divulged to fend off misrepresentation.   

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

Jack A. Alvarez's picture

sabihin muna nating 'hayaang

sabihin muna nating 'hayaang maglaro ang mga bata'. baguhan pa kasi tayo. saka na lang siguro natin iangkop ang mga bagay na iyan pag may napatunayan na tayo. ang FW ay parang playground lang. 

 

 

 

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

paruparongberde's picture

kailangan pa bang antayin na

kailangan pa bang antayin na may mapatunayan bago gawin ang isang bagay na hindi naman mahirap gawin?

kailan kailangang ibaluktot ang isang kahoy? kung ito ba ay matigas na?

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

Jack A. Alvarez's picture

nagdedepende pa rin sa atin.

nagdedepende pa rin sa atin. pero wala namang nagse-set ng standard dito. using pseudonyms, kung anu-anong gimik sa signature, etc. as long as wala ka namang krimeng nagawa, keri lang yun.

kung may discrepancies man sa personal data, ibang usapan na yun. baka trip nya yun. kaya walang basagan ng trip.

kung kelan sya naggradwet, kelan ipinanganak, san, sino karapatan na ng writer yun. at siguro naman hiwalay yun sa obra nya.

 

 

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

paruparongberde's picture

ok so trip lang nyang mag

ok so trip lang nyang mag sinungaling sa isang valid na tanong? it is no longer about the masterpiece of the author it is about the person himself

ok i rest my case..

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

Jack A. Alvarez's picture

like sabihin ko, bumisita

like sabihin ko, bumisita ako sa langit. ask mo ko, kelan ka bumisita dun? sagot ko, kahapon. syempre alam mo namang di pa ako nakapunta di ba? at alam mong pwede akong magsinungaling. wala namang legal issues. so keri lang.

kaya yes ka na lang... :)

 

 

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

paruparongberde's picture

spot the difference

Paki basa ng nasa ibaba kung may kaugnayan ang mga ito sa fantasy na sinasabi mo ang tungkol sa pagbisita sa langit at saka mo sabihin sakin na mag YES na lang ako

Anong year mo na ba sa high school hijo?

Anong year mo na ba sa high school hijo? 

i guess 2nd year kasi biology ang pinag uusapan eh..nung high school kasi ako biology pang 2nd year..ngayon pang grade 5 na lang..

neway it is a nice try for a starter..although ang ibang tauhan ay walang katuturan sa kwento..

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

dj Prestousa's picture

Im 3rd year high school na po XD

I'm third year high school na po. Ginawa ko po yan last year for our filipino subject. Project po namin 'yan.

 

 

Jack A. Alvarez's picture

 teh, baka echosan lang

 teh, baka echosan lang 'to. keber ko kung 3rd yr or whatever si dj.

totoo man o hindi, basta kahapon, bumisita ako sa langit. :)

 

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

paruparongberde's picture

alam ko naman kug anong

alam ko naman kug anong "langit" ang tinutukoy mo buti ka pa :)

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

Jack A. Alvarez's picture

talaga, alam mo? doubt it.

talaga, alam mo? doubt it. pustahan tayo, di mo alam.

 

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

UBD

Siguro kilala na siya ng ilan na nasa paligid niya. then siya hindi niya alam. Basahin mo po yung author bago ka po magtanong. Ipinagkukumpara ka sa isang paruparong may pakpak na nakakalipad ngunit hindi umaangat.

paruparongberde's picture

ganun ba? wala ka man lang

ganun ba? wala ka man lang kasing pasintabi kung sino ang nagsulat nito ano naman ang malay namin kung ang mavo na yun ay "alias" mo? nung ni post ito ni jeazelle may sinabi man lang syang "one of my favorite short stories" unlike you. I guess you need to know what responsible posting is and what is not

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

ok

ate pengeng number ...

Jack Alvarez's picture

okay naman sana ang daloy ng

okay naman sana ang daloy ng kuwento pero di ako naintriga kasi mahina ang pagpapahayag ng may-akda. sana man lang may konting misteryo since napakaiksi ng akdang ito.

hindi rin nabigyan ng maayos na paglalarawan ang mga importanteng conflict. mas nakatuon ka sa mga 'pa-tweetums' na eksena. dapat mas binigyan mo ng pokus si baleleng para maattach ang reader dun.

Kaya ay ipinagpatuloy na lang naming ang aming paglalakad. Ihahatid ko siya sa kanilang bahay dahil ako’y isang gentleman.

Di mo na kailangang sabihing 'gentlemen'.

Hindi mo naman tipong ikakahiya si Baleleng dahil sa hindi naman siya mukhang katutubo.

Bakit anong meron pag 'katutubo'? Pangit, mukhang aswang, ano?

Nabanggit mo yung Manolo Fortich, iyan ay sa Bukidnon. Taga-CDO ako. Ang Mama ko tubong Bukidnon. May tribu silang tinatawag na Higaonon sa Bukidnon. Baka ito ang tribu ni Baleleng.

Hindi rin natural ang diyalogo ng Nanay niya hayagang sabihing 'baliw' ang anak. Siguro majustify kung salbahe ang isang nanay. ahahahaa. o joke joke lang ng nanay ahahaha.

Yung ending rin parang padaskol. Ni-reveal mo lang. Pero alam na ng reader kasi dun sa bandang huli ay isinalaysay ng Nanay. sana may konting twist na lang. like, dinalaw mo pa rin si baleleng. o kaya di ka umalis hanggat di sya makakain. o kaya tumakbo ka nang tumakbo habang tinatawag ka pa rin ni baleleng. o kaya lumayo kang walang lungon likod at di mo alam na nakasunod siya seo. o kaya tagong pagluha na lamang ang kasagutan ni baleleng nang ika'y lumayo.

maraming pwedeng ending para naman mabigyan ng buhay ang karakter ni baleleng.

j luna's picture

Ayain mo nalang sila sa

Ayain mo nalang sila sa Conspi, Jack. Para makita mo't makausap at marinig ang pananaw nitong mga virtual peeps sa real world tungkol sa mga simulation ng sarili etc. na makikita sa virtual world.

Nakakamiss tuloy yung mga dating inuman namin ng ibang mga FW (yung iba pumanaw na). Parang ngayon wala nang mga ganitong eksena.

Basta ang alam ko, sa postmodernong aspeto, wala nang debate ukol sa kung sino mo gustong maging sa online world dahil ang mismong ikaw na pinipresenta mo sa isang website ay isang simulasyon na lang ng ikaw, in short hindi na ikaw yun.

Iba yun sa karakter sa fiction o persona ng tula na, matagal na nating alam na hindi ang awtor ng akda.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack A. Alvarez's picture

virtual world nga... kaya

virtual world nga... kaya dapat mismong writer aware sya. ahahahaha. mahina lang talaga akong makipagdiskusyon j. kaya napapahaba pa ang usapan sa isang napakasimpleng bagay.

malapit na ang book launching ko, i have a date na in May 12. 6pm. Saturday. Conspi Bar. Nahihiya man ako pero gusto ko sanang iinvite kang tumugtog. complimentary copy, beers and nibbles lang maii-offer ko. :)

 

 

 

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

j luna's picture

Makakapunta ako, pero dehins

Makakapunta ako, pero dehins ako sure kung pwede ang bandmates ko sa araw na iyon.

Takits nalang. Invite mo rin yung mga kausap mo sa thread na ito. haha.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack A. Alvarez's picture

ahahahaa... sige. oo

ahahahaa... sige.

oo syempre. ipopost ko rin dito yung invitation.

 

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

Starblaze's picture

sama ako jan basta libre ang

sama ako jan basta libre ang toma hahahaha!

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

Jack A. Alvarez's picture

sige punta ka ha... post ko

sige punta ka ha...

post ko na lang ang invitation pag ma-finalize na. 

 

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

UBD

"Understanding by Design" -- Yun lang po :D