bakit pa ba ako nangangarap?

ememalberts's picture
|

Bakit pa ba ako nangangarap?

 

                Bakit ba ako nangangarap?  Siyempre sasagutin nila ng normal na “Malamang tao ka!” Madami akong pangarap at isa na ‘dun ay ang maging isang MAGALING na doktor. Hindi basta doktor, gusto ko ung mapagkakatiwalaan, kumbaga sa gamit eh de kalidad. Siyempre sampung taon ang gugugulin ko para lang maabot yung pangarap na yun. Sa sampung taon na yun papayag ba ako na maging basta basta lang?

                Mahabang proseso at sobrang daming pagdadaanan ng mga pangarap ko. Hindi naman porket sinabi kong gusto kong maging doktor eh yun nalang pangarap ko. Madami pa actually, yung iba minor pero isa sa major ay maging isang manunulat. Ewan ko ba kung anong klaseng determinasyon ang sumasapi sa akin. Ang alam ko lang, mahal ko ang pagsusulat kaya ginagawa ko, nagpupursige ako(parang love ones lang, ayieeee). Sobrang enjoy na enjoy din ako magbasa ng mga maiikling kwento, nobela at kung ano-ano pa lalo na pag gawang Pinoy. Madali akong nakakakuha ng inspirasyon sa paligid ko. Gusto kong isulat yung mga nakikita at nararamdaman kong realidad ng buhay. Shet! Ang ganda ng Vision. Mission nalang kulang pwede na akong maging institution (joke! Haha korni).

                Paano kaya ako magiging manunulat? Pangarap ko din na sana kapag nagpasa ako sa publisher ma-approve at maging libro. Sa lagay ko ngayon, mukhang napaka-imposibleng mangyari. Ano ba kasi alam ng isang Psychology major sa pagsusulat? Ano ang ilalaban ng isang rejected sa editorial staff ng school niya? May magagawa ba ang isang loser sa mga patimpalak ng pagsulat? Paano makakasulat ang isang mahina sa reading comprehension at grammar?

 

 Magaling kaya ako magsulat? Kung lolokohin ko sarili ko, siyempre ang galing-galing ko pero kapag kaharap ko na ang realidad wala na. Alam ko kasi sa sarili kong hindi pa ako hinog. Baby palang ang talento ko. Hindi pa yumayabong.

“Ikaw yan. Madami ka pang dapat matutunan!”

 

Nakakalungkot lang isipin dahil kulang ang 24 oras para sa dalawa kong pangarap. Pagsapit ng alas-siete ng gabi dapat focused na ako sa mga subject ko at kailangan kapiling ko na si Psychology book, Chem lecture, Logic handouts etc... Hay goodbye muna writing. Minsan iniisip ko kung dapat pa bang ipagpatuloy ko ang pagkuha ng BS Psychology bilang pre-med course ko o ayawan ko na ‘to at tuluyang pag-aralan ang pagsusulat. Minsan naiisip ko din na ayawan ko nalang kaya ang pagsusulat? Gusto kong subukan pero mahal ko silang dalawa. Pag inalis mo ang isa, para mo na rin akong pinatay. Oo na, ako na two-timer!

Naisip ko din na sa mga susunod pang taon, mas magiging busy ako dahil habang tumataas ang year, tumataas din ang degree ng pinag-aaralan. Meaning: *boom!* wala ka nang oras magpahinga! Kailangan mong mag-aral, mag-aral, MAG-ARAAAAAAL!

 

Ano na kaya mangyayari sa pangarap ko? Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko isa sa mga dahilan kung bakit ako binuhay ng Diyos ay para makapagsulat. Pakiramdam ko misyon siya na ini-atas sa akin. Ako naman sinusubukan ang lahat para gumaling. Pinasok ko ang blogging at ayun masaya naman dahil may konting na-accept na blog entry sa Definitely Filipino Blog. Nagsusulat ako sa mga school play at kapag trip ko, may short story o poem akong nagagawa. Failure pa ako sa writing dahil sandamakmak na grammar error tinataglay ng mga ginagawa ko. Nadedepress nga ako minsan dahil walang gaanong nagbabasa ng Wattpad story ko pero ayos lang. Hindi naman ata indikasyon yun na hindi na ako gagaling. Tulog pa ang mga mapanghimagsik kong gawa(chos!Rizal Rizal?). Ginagawa ko nalang na motibasyon yung mga kapalpakan ko. Sa tingin ko walang mangyayari sa buhay ko kung susuko nalang ako. Kung makakaya kong magsulat, alam ko sa sarili ko kakayanin ko na lahat. Pagsubok lang siguro ‘to. Malalampasan din!