Ay Ano !

by Friderick ( | )

Ay ano !
kung may mahal ka na?
wala akong pakialam
basta't gusto kita.
hindi naman ako
katulad nila
na umiiyak
sa tuwing nakikita
na may ka-date
ang taong crush n'ya.
 
Ay ano !
kung hindi mo
ako pinapansin 
ang mahalaga,
ika'y nakikita pa rin.
Hindi naman ako
katulad nila
na todo papogi,
sobra sa Clay Doh at
baling magpulbo 
'pag nand'yan ka. 
 
Ay ano !
kung ako'y
iniirapan mo.
Atleast tumingin ka
sumaya
tuloy ako.
 
Ay ano !
kung parati mo
akong pinagtatawanan
dahil sa
mahaba kong baba
maitim na balat 
at payat cong katawan. 
 
"Ay ano !" 
ito ang sinabi
mo sa akin
matapos kong
ipagtapat ang
aking damdamin.
 
"Ay ano !"
ito ang bumagabag
sa aking isipan.
Idinulot na sakit
Ano ba't
nagsibalikan ?! 
 
"Ay ano !"
ito ang masasabi
ko sa iyo
kapag
pumogi na ako.  
 
 __________________________________
 
 

 

Friderick !

Produkto ng imahinasyon at kalungkutan.. Maraming Salamat po sa pagbabasa.. 

hindi ko na po inaasahan na magugustuhan n'yo..  ^^ 


by 5182EiDiDiFy on December 3, 2011 - 9:45pm

This one is nice!

simple, pero dahil may damdamin... maganda syang basahin.

 

sulat lang!

 

 

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

by Friderick on December 4, 2011 - 8:39am

 Hahaha... Salamat po. 

basta kahit anong aking maisip ay akin ng  isusulat.. ^^

 

_________________________________

 

Ako ang Batang manunulat,

nilalayon kong mapalawak

ang kaalaman sa pag-sulat. 

 

by raquellaa on December 4, 2011 - 9:35am

 

Gusto ko siya basahin at na gustuhan ko.

Salamat. 

 

 

" Accept good and bad things in life"

by Friderick on December 4, 2011 - 5:15pm

 Hahaha.. salamat po ! ^.^ 

 

--------------

"I'm a writer that never write down notes."

by dj Prestousa on May 28, 2015 - 5:51pm

nice