Asan Na'ng I Love You Ko?

|

 

I love you

Sabi mo

Pabulong

Ang hina-hina

Halos di ko marinig

Nakatungo ka lang

Parang nahihiya

Namumula ka

Parang makopa

 

I love you

Inulit mo

Akala mo siguro

Di ko narinig

Mahal kita

Tinagalog mo pa

Akala mo siguro

Di ko naintindihan

And di mo alam

Nangangatog ako

Namumula rin

Nanghihina pa

Walang masabi

Walang magawa

And di mo alam

Gusto ko lang na ulitin mo pa

Ang sarap kasing pakinggan

Parang musika

 

I love you

Sabi ko sayo

Hindi naman pabulong

Ewan ko kung narinig mo

O kung ba’t ayaw mong marinig

I love you

Inulit ko

Baka kasi

Gusto mo lang na ulitin ko

Mahal kita

Tinagalog ko

Kinanta ko pa

Bat ganun

Wala kang masabi

Wala kang magawa

Nakayuko ka lang

Parang nagtatago

I love you

Sabi ko uli

Alam ko na yun

Sabi mo

Sabay tingin sa iba

Asan na’ng I love you ko?  


cute...  "hinahangin ang

cute... 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

thank you!

super thank you sa comment! really means a lot... Smile

jonsdmur's picture

LOve ko ang tulang ito...

LOve ko ang tulang ito... nagustuhan ko... tama si talulot cute ang tula... nagustuhan ko... nakaka inlove hihihihi

keep on posting Smile

jonsdmur

thank you!

 thank you sa comment! 1st post ko to kala ko nga walang papansin e Smile

lizpaguilar, maganda ang

lizpaguilar,

maganda ang tula. wag u alala. natutuwa ako, binasa ng kapatid ko kinilig sya. 

ayan, lesson yan sa mga magkasintahan. wag mahihiyang magsabi ng 'mahal kita' baka bandang huli wala nang i love you....

(at sa mga ligaw tingin din... hehehe baka sumabay lang sa ihip ng hangin) 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

ganda po..

ang sakit naman nun...di pala siya...

ganda po..

kip up d gud work..

thank u!

 

salamat at nagandahan ka!

keira's picture

hehehe

 

Cute!

sarap nga sana pakinggan na sabihan ka ng i love you ng taong love na love mo. badtrip kapag sa iba nya sinabi, tapos narinig mo pa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics

thanks!

 

badtrip nga din un! masakit pa!

jealousy29's picture

cute nia grabe!!!

ganda ng tulang ito.... hehehehe

sakit nun hah.... may mahal ka tapos iba naman pala mahal nia.... hay

 

ngat poh.....

thank u!

 

glad u liked it!

leigh13diwata's picture

kilig!

correct sila lahat... ang cute!

 

hiniram ko yung tula mo budz... pababasa ko lang sa mga kasamahan ko. ang galeng kasi eh!

 

sulat ka pa ha. 

 

...ang PILYONG MAKATA...

ok po!

hope they liked it din. mejo nakalimutan ko na tong post ko na to, was surprised to see na may mga comments pa din. thank u! 

hrm. isa lang ang comment 

hrm. isa lang ang comment  ko...

feel na feel mo (in-love?) - congrats! hehe.

hrm?

 

thank you po sa comment.