“Anong Sabi Mo?… Ikaw ba ay Kayo?”

benjamin grajo pereyra's picture
|

Normal 0

Federico: Pare, pasindi nga.

 

Eliseo: Sa lighter o sa yosi?

 

Federico: Yosi ang sisindihan ko. Lighter pahiram!

 

Eliseo: Hindi lighter ang pangalan ko.

 

Federico: Pahiram ng lighter sabi ko.

 

Eliseo: ‘Di yan ang sinabi mo kanina.

             Oh itong yosi ko oh, may sindi na.

 

Federico: Magsisindi nga din ako ng yosi ko!

 

Eliseo: Ito nga yosi ko magsindi ka oh!

 

Federico: ‘Di yan ang sinabi mo kanina.

                 Oh ‘yan na yosi mo oh, may sindi pa.

 

 

(makailang ulit na umikot ang segundo ng orasan.)

 

Eliseo: Anong ginagawa mo?

 

Federico: Nagyoyosi.

 

Eliseo: Alam ko naamoy ko pa.

 

Federico: Ikaw tapos na?

 

Eliseo: Humihinga pa…

 

Federico: Ahh…

 

Federico: Nagyoyosi ka pa?

 

Eliseo: Tapos na.

 

Eliseo: Ikaw nagyoyosi ka pa?

 

Federico: Ititigil ko na.

 

Eliseo: dapat lang! Paubos na...

 

(dumating si kaka…)

 

Eliseo: Gusto mo ng yosi?

 

Federico: Wala sa akin ang lighter.

 

Eliseo: Andito sa akin.

 

Federico: Yosi me’ron ako.

 

Eliseo: iabot mo.

 

Federico: Oh.

 

Kaka: Ititigil ko na.

 

Eliseo: Nagsindi ka na ba?

 

Federico: Magsindi ka muna tapos itigil mo.

 

Eliseo: Tapos mamya ulit ha…

 

 

(makailang ulit na umikot ang minuto ng orasan.)

 

Federico: Anong Ginagawa mo?

 

Eliseo: Ako?

 

Federico: Si Kaka.

 

Eliseo: ‘Di ako nakatingin sa’yo.

 

Eliseo: Hoy! Tinatanong ka!

 

Kaka: Ako?

 

Eliseo: Hindi nga ako.

Kaka: ‘Di ako nakikinig sa n’yo.

 

Eliseo: Ba’t kausap mo ako? Naririnig mo ako?

 

Kaka: Oo.

 

Eliseo: Anong sabi mo?

 

Kaka: ‘Di ako nakikinig sa n’yo.

 

 

(‘wag na nating paabutin ng oras ‘to baka walang may matapos.)

"kapag mainit ang iyong ulo at parang 'di mo na kaya ang mga nangyayari... tatlong bagay dapat mong gawin."

1. Power of imagination

2. Smile

3. Mangulangot ka habang kaharap mo ang problema.