Anna Carbonawa

hilbert's picture
| |

May panahon na ang tao ay sinusubok ng pagkakataon.

Gaya ng magnanakaw, minsan ang pagsubok

ay dumarating nang hindi inaasahan.

Isang pagsubok na parang dinadaan sa apoy, dito ay

nahihiwalay ang tunay sa mga di-tunay.

 

Subalit kaya mo bang bumitaw kung sa gitna ng

hirap ay parang wala nang ilaw na matanaw?

 

 

 

“A leader is a dealer in hope.”  – Napoleon Bonaparte

 

 

 

1

 

 

 

TOWN HOUSE, UNIT 22

 

 

 

Mula sa e-mail na ipinadala ni Mrs. Carbonawa kay

Anna Carbonawa

 

 

Anna,

 

Malamig masyado ngayon dito anak.  Heto’t medyo sinisipon pero ayos lang naman ako.  Ikaw, kumusta ang pag-aaral?  Kahit malayo ako anak ay ‘wag kang magpapabaya sa kalusugan at sa pag-aaral mo.  Ang makatapos ka ng pag-aaral ang importanteng bagay na gusto kong mangyari sa’yo. 

 

Mag-ingat ka palagi.  Mahal na mahal kita.

 

 

Love,

 

Mama.

 

 

 

8:07 P.M.

Pag-uusap sa pagitan nila Anna Carbonawa at

Evy Vishu

 

 

EVY VISHU:  Nag-bake ako ng cookies.

 

ANNA CARBONAWA:  Cookies?

 

EVY VISHU:  Chocolate chip cookies—ang paborito mo!

 

ANNA CARBONAWA:  Salamat.  Ahhh, Evita…

 

EVY VISHU:  Bakit?

 

ANNA CARBONAWA:  May nakita akong kahon ng cookies sa basurahan kanina.

 

EVY VISHU:  Binili ko pala.  Sorry naman!

 

ANNA CARBONAWA:  Alam kong pumalpak ka sa una, sa pangalawa, at sa pangatlong bake mo, pero

pwede mo pa naman subukan, hindi pa huli ang lahat!

 

EVY VISHU: Noong una nakalimutan kong lagyan ng asin.  Pangalawa, naparami naman  ng itlog.  Pangatlo, sa halip na fourteen minutes naging thirty four minutes sa loob ng oven.  Ano pa ba ang susunod, Anna? Anong subok pa ba ang gusto mong mangyari?  Hindi para sa akin ang pag-bebake ng cookies!

 

ANNA CARBONAWA:  Evita, subukan mo ulet…Kailangan mong patunayan sa sarili mo na kaya mo!

 

EVY VISHU:  Wag kang mag-alala, hindi pa naman ako sumusuko—susubok ako sa ikaapat na beses. 

Kaya ko ‘to, Anna—kaya ko ‘to!

 

ANNA CARBONAWA:  ’Yan!  Ganyan dapat.  Ipakita mong matatag ka.  Kahit maliit na bagay lang ‘yan,

dapat hindi ka sumusuko ng basta-basta lang!

 

EVY VISHU:  Sinasabi mo sa akin ‘yan dahil malapit na ang competition para sa pinakamasarap sa paggawa ng cookies sa Anatani…Anna, gaya ng sabi ko dati, hindi ko kayang iuwi ‘yong panalo—kahit pa gustong-gusto ko.

 

ANNA CARBONAWA:  Hindi ka nagtitiwala sa sarili mo.  Tama nga ‘yong sinasabi ng iba na ang unang

kalaban kapag sumasali sa mga competitions ay ang sarili mismo.  Sa ngayon, ang maipapayo ko sa’yo, labanan mo ang sarili mo—at kailangan mong manalo!  Evita, kailangan mong manalo!

 

EVY VISHU:  Hindi ko kaya.

 

ANNA CARBONAWA:  Evita, ako ang coach mo.  Lahat ng sasabihin ko ay kailangan mong sundin, kapag

hindi, may parusa ka sa akin. At lahat ng payo ko ay kailangan mong pakinggan at paniwalaan.  Kapag sinabi kong kaya mo—kaya mo!  Maliwanag ba?

 

EVY VISHU:  Oo na coach!  Nakakatakot ka naman mag-train, parang may torture! Kailangan ba may

parusa pa?

 

ANNA CARBONAWA:  Evita, hindi torture ‘yon!  Oo, kailangan may parusa para ma-disiplina ka.  Part ng

training ‘yan!  Nauunawaan mo ba?

 

EVY VISHU:  Okay!  Nauunawaan ko na po! Maiba ako, may kausap ka sa phone kanina?

 

ANNA CARBONAWA:  Si Emma.

 

EVY VISHU:  Ang inyong lider.

 

ANNA CARBONAWA:  Hindi masama—

 

EVY VISHU:  May problema?

 

ANNA CARBONAWA:  Wala.

 

EVY VISHU:  Halata sa mga mata mo.

 

ANNA CARBONAWA:  Evita, nanganganib ako sa samahan!

 

EVY VISHU:  Ano ang nangyari?

 

ANNA CARBONAWA:  Kanina habang naglalakad ako sa hallway ay merong bumangga sa aking balikat.

 

EVY VISHU:  Sino?

 

ANNA CARBONAWA:  Babae.  Hindi ko kilala!

 

EVY VISHU:  Pagkatapos?

 

ANNA CARBONAWA:  Parehong nahulog ang dala naming libro at ilan pang mga gamit.

 

EVY VISHU: Hindi siya nag-sorry?

 

ANNA CARBONAWA:  Nag-sorry!  Sabi niya:  Nagmamadali siya at mahuhuli na sa klase.  Mabilis siyang       

nawala sa paningin ko!

 

EVY VISHU: Ano ang problema?

 

ANNA CARBONAWA:  Nagkapalit kami ng tissue box na hawak.

 

EVY VISHU: Tissue box?

 

ANNA CARBONAWA:  Sinubukan kong tingnan pero hindi tissue ang laman.

 

EVY VISHU: Kung ganon ay nasorpresa ka, ganon ba?

 

ANNA CARBONAWA:  Oo—at nanlaki ang dalawa kong mga mata!

 

EVY VISHU: Ano ang laman ng box?

 

ANNA CARBONAWA:  Black-underwear ng lalaki.

 

EVY VISHU: Ano?

 

ANNA CARBONAWA:  Akala ko black tissue, pero nang ilabas ko—black-underwear!

 

EVY VISHU: Nakakatawa—paanong nangyari?

 

ANNA CARBONAWA:  ’Yon ang problema.  Hindi ko alam.

 

EVY VISHU: May apat na cookies pa sa plato.

 

ANNA CARBONAWA:  Ayoko na.

 

EVY VISHU: Ano ang gagawin mo?

 

ANNA CARBONAWA:  Tatawagan ko sina  Rebecca at Elaine. 

 

EVY VISHU:  Ang mga kasama mo sa sorority…

 

ANNA CARBONAWA:  Kailangan ko ang mga tulong nila.

 

EVY VISHU: Sila ang mga miyembrong malapit sa’yo, para saan ang tulong nila?

 

ANNA CARBONAWA:  Sumasailalim ako ngayon sa tinatawag naming sorority test.

 

EVY VISHU: Sorority test?

 

ANNA CARBONAWA:  Isang pagsubok.  Kapag nakagawa kami ng paglabag, magbibigay ng pagsubok ang

lider namin at dapat magawa namin sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.

 

EVY VISHU: Parang utos na dapat ninyong sundin, ganon?

 

ANNA CARBONAWA: Oo, ganon na nga.  Kapag ang sorority test ay hindi nagawa, awtomatiko, tatanggalin

ang isang miyembro sa samahan.

 

EVY VISHU: Nang dahil sa black-underwear lang?

 

ANNA CARBONAWA:  Evita, alam mong mahigpit at sensitibo kami pagdating sa pakikipag-relasyon.  Virus ito sa pag-aaral.  Maingat kami sa lahat ng mga kilos namin, mahulihan lang ng gamit panlalaki ay pwede na naming ikatanggal.  Bawal sa sorority namin ang bagay na ‘yon.  Isa ‘yong paglabag— teka…Bakit may mga bulaklak dito?

 

EVY VISHU: Nagsadya si Bogart kanina dito.

 

ANNA CARBONAWA:  Bogart?

 

EVY VISHU: Ang kalbo at bilugang nilalang, dumalaw na naman!

 

ANNA CARBONAWA:  Napipikon na ako sa kanya. Pinaliwanag ko na—dati pa—na wala siyang maaasahan sa akin.  Bukod sa bawal ang pakikipagrelasyon sa aming sorority ay hindi ko rin s’ya gusto.  Kahit maliit na feelings ay wala ako para sa kanya.  Sinabi ko na rin na mas makabubuti kung maging magkaibigan na lang kami.  Pero bakit nagsisimula na naman siya—nakakainis!

 

EVY VISHU: Walang dahilan para mainis ka.  Dapat ay matuwa ka na ngayon.

 

ANNA CARBONAWA:  Matuwa?  Bakit?

 

EVY VISHU: Pumunta siya dito, pero hindi ikaw ang hinanap niya.

 

ANNA CARBONAWA:  Ha?  ‘Wag mong sabihing…

 

EVY VISHU: Oo—tama ka sa iniisip mo!  Sa akin naman natuon ang nakakadiring puso na mayroon s’ya—

 

ANNA CARBONAWA:  Kinikilig ako!

 

EVY VISHU:  Anna, tigilan mo ako!  Ayoko sa kanya!  Wala rin siyang maaasahan sa akin!

 

ANNA CARBONAWA:  Sa palagay ko mas malala ang problema mo kaysa sa akin.

 

EVY VISHU: Ayoko siyang problemahin.  Hindi ako interesado sa matabang ‘yon—pero—

 

ANNA CARBONAWA:  Pero…

 

EVY VISHU: Pero mas interesado ako sa bagay na nasa’yo ngayon.

 

ANNA CARBONAWA:  Ang black-underwear ba ang tinutukoy mo?

 

EVY VISHU: Wala nang iba!

 

ANNA CARBONAWA:  Ewan ko sa’yo—

 

EVY VISHU: Anna, nawiwerduhan ako!  Hindi kaya sinadya lang ng taong ‘yon na banggain ka para

makuha at mapunta sa’yo ang underwear na ‘yon?

 

ANNA CARBONAWA:  Sa anong dahilan?

 

EVY VISHU: Baka may maliit na galit sa’yo ang taong ‘yon—para siguro matanggal ka sa sorority na

kinabibilangan mo…

 

ANNA CARBONAWA:  Hindi ko maramdaman.  Sa tingin ko’y hindi naman.

 

EVY VISHU: Imposibleng walang dahilan…Naniniwala  ka ba talaga na aksidente lang?

 

ANNA CARBONAWA:  ‘Yon ang kutob ko—naniniwala ako!

 

EVY VISHU: Nasaan ang black-underwear?

 

ANNA CARBONAWA:  Sa school natin.  Sa Anatani!  Nakatago sa locker ko.

 

EVY VISHU: Napansin mo kung anong brand?

 

ANNA CARBONAWA:  Brand?  Kailangan  ko pa bang sabihin sa’yo ‘yun—

 

EVY VISHU: Anna, kailangan kong malaman!  Sabihin mo na!

 

ANNA CARBONAWA:  Hindi branded.  Wala akong napansing tatak…Pero maganda at malambot ang tela

nang hawakan ko.

 

EVY VISHU: Ah, talaga?

 

ANNA CARBONAWA:  Oo.

 

EVY VISHU: Kung ganon tama ang hinala ko.

 

ANNA CARBONAWA:  Hinala?

 

EVY VISHU:  Sigurado akong pagmamay-ari ‘yon ng boyfriend ng babaeng bumangga sa’yo kanina!  Nagkaroon marahil sila ng pagtatalik isang gabi at nangyari iyon sa loob mismo ng ating paaralan.

 

ANNA CARBONAWA:  Evita, mukhang bago lang ‘yong underwear!

 

EVY VISHU: Bago?

 

ANNA CARBONAWA:  Oo, at hindi pa nagagamit.  Sa unang kita ko ay alam kong mamahalin kaya    imposible ‘yang iniisip mo.

 

EVY VISHU:   Mamahalin? Hindi ka nagbibiro?

 

ANNA CARBONAWA:  Mukha ba akong nagbibiro, Evita?

 

EVY VISHU: Kung mamahalin, bakit nakalagay lang sa tissue box?

 

ANNA CARBONAWA:  Hindi ko alam.

 

 

 

 

8:27 P.M.

Pag-uusap sa telepono nila Anna Carbonawa at

Rebecca Mendoza

 

 

ANNA CARBONAWA:  Pwede kay Rebecca?

 

REBECCA MENDOZA:  Si Rebecca ‘to.

 

ANNA CARBONAWA:  Sis, si Anna.

 

REBECCA MENDOZA:  Oh, hi, Sis!

 

ANNA CARBONAWA:  Ano ang ginagawa mo?

 

REBECCA MENDOZA:  Pinakikinabangan ang isang munting regalo.

 

ANNA CARBONAWA:  Regalo?

 

REBECCA MENDOZA:  Thirty-six thousand pesos super i-phone 7s.

 

ANNA CARBONAWA:  Wow.

 

REBECCA MENDOZA:  Bigay ng isang mabuti at mayamang kaibigan.  Gusto niyang may mapaglibangan

ako habang nag-aaral. 

 

ANNA CARBONAWA:  Kaibigan?

 

REBECCA MENDOZA:  Kaibigan!

 

ANNA CARBONAWA:  Kaibigan…

 

REBECCA MENDOZA:  Sis!

 

ANNA CARBONAWA:  May masama sa sinabi ko?

 

REBECCA MENDOZA: Kaibigan ko lang si Jake. Alam niyang bawal sa sorority natin ang pakikipagrelasyon—at naiintindihan niya iyon.  Magkaibigan lang kami!  Maiba ako, balita ko mataas ang nakuha mong grades sa isang computer subject?

 

ANNA CARBONAWA:  Oo.

 

REBECCA MENDOZA:  Wow!  Congrats!  Kapag kinuha ko sa susunod na semester ang subject na ‘yon ay

turuan mo ako.

 

ANNA CARBONAWA:  Walang problema.

 

REBECCA MENDOZA:  Masaya ako para sa’yo.

 

ANNA CARBONAWA:  Salamat, pero—

 

REBECCA MENDOZA:  Pero…

 

ANNA CARBONAWA:  Wala akong maramdamang saya ngayon.

 

REBECCA MENDOZA:  Bakit?

 

ANNA CARBONAWA:  May problema.

 

REBECCA MENDOZA:  Ano ang problema?

 

ANNA CARBONAWA:  Nangyari kaninang umaga.

 

REBECCA MENDOZA:  Pwede kong malaman?

 

ANNA CARBONAWA:  Kanina habang naglalakad ako sa hallway ay binangga ako ng isang istranghera.

 

REBECCA MENDOZA:  Sadya?

 

ANNA CARBONAWA:  Hindi siguro.

 

REBECCA MENDOZA:  Pagkatapos…

 

ANNA CARBONAWA:  Magkasabay na nahulog ang dala naming mga gamit.  Matapos  naming damputin

ang lahat ng ‘yon ay agad s’yang humingi ng sorry.  Nagmamadali siya.  Mabilis s’yang nawala sa paningin ko—bigla kong napansin ang dala kong tissue box.

 

REBECCA MENDOZA:  Tissue box?

 

ANNA CARBONAWA:  Kanya ang tissue box—nagkapalit kami—

 

REBECCA MENDOZA:  Ano ang ginawa mo?

 

ANNA CARBONAWA:  Sinubukan ko s’yang habulin pero nabigo ako.

 

REBECCA MENDOZA:  Ang problema ay kung paano mo maisasauli sa istrangherang ‘yon ang tissue box

na napunta sa’yo ngayon—pwede kang gumamit ng intercom, bakit hindi mo ginawa?

 

ANNA CARBONAWA:  Hindi pwede.

 

REBECCA MENDOZA:  Bakit hindi pwede?

 

ANNA CARBONAWA:  Dahil sa laman ng kahon.

 

REBECCA MENDOZA:  Ano ang laman ng kahon?

 

ANNA CARBONAWA:  Isang underwear—black underwear ng lalaki.

 

REBECCA MENDOZA:  HA?  Seryoso?

 

ANNA CARBONAWA:  Seryoso ako!

 

REBECCA MENDOZA:  Bawal sa sorority natin ang bagay na ‘yon!

 

ANNA CARBONAWA:  Oo at tumawag na si Emma.  Nagtanong siya ng tungkol dun.  Sinabi ko ang totoo! 

Pero gusto niyang iharap ko sa kanya ang taong ‘yon para personal na magsabi na wala akong kinalaman sa black-underwear.  Gagawin ko ito beinte-kwatro.  Kapag hindi ko nagawa… tatanggalin ako sa grupo.

 

REBECCA MENDOZA:  Kung ganon sumasailalim ka sa tinatawag na sorority test.  Paano nalaman ni Emma?

 

ANNA CARBONAWA:  Hindi ko alam!  Mabilis ang impormasyon sa kanya! 

 

REBECCA MENDOZA:  Paano mo natuklasang mens underwear ang laman ng box?

 

ANNA CARBONAWA:  Nag-c.r. ako.  Pagbukas ko ng box, hindi tissue ang laman.

 

REBECCA MENDOZA:  Sinu-sino ang nasa loob ng banyo?

 

ANNA CARBONAWA:  Mga estudyante, hindi ko kilala!  Nasa loob ako ng cubicle nang buksan ko ‘yong box kaya imposibleng meron isa sa kanila ang nakapansin na men’s underwear ang laman nun, maliban na lang kung may sumilip sa akin sa loob.

 

REBECCA MENDOZA:  Pagkatapos—anong ginawa mo?

 

ANNA CARBONAWA:  Nagmadali akong pumunta sa locker section, itinago ko kaagad ang box.

 

REBECCA MENDOZA:  Nasa locker mo ‘yong black-underwear?

 

ANNA CARBONAWA:  Oo!

 

REBECCA MENDOZA:  Bakit hindi mo itinapon sa basurahan?

 

ANNA CARBONAWA:  Naisip ko na ‘yan pero hindi ko ginawa dahil nanghihinayang ako!

 

REBECCA MENDOZA:  Nanghihinayang? Sis, may balak ka palang angkinin ang bagay na ‘yon….

 

ANNA CARBONAWA:  Hindi sa ganon!  Sis, mukhang mamahalin ‘yong underwear…Gusto kong isauli.

 

REBECCA MENDOZA:  Okay nandiyan na tayo, ang tanong na lang ay kung paano nalaman ni Emma ang

tungkol sa bagay na ‘yan.

 

ANNA CARBONAWA:  Ang ideya ko lang ay may miyembro natin ang nakapansin na may bitbit akong

mens-underwear at nagsumbong sa kanya.

 

REBECCA MENDOZA:  Pwede ring miyembro ng ibang samahan.

 

ANNA CARBONAWA:  Ideya mo ‘yan.  Sis, tulungan mo ako!

 

REBECCA MENDOZA:  Ano ang gusto mong gawin ko?

 

ANNA CARBONAWA:  Impormasyon tungkol sa black-underwear at matukoy ang istranghera.

 

REBECCA MENDOZA:  Sige.

 

ANNA CARBONAWA:  Tawagan mo si Elaine.  Sabihin mo ang lahat sa kanya.

 

REBECCA MENDOZA:  Okay!

 

ANNA CARBONAWA:  Ahhh, Rebecca…

 

REBECCA MENDOZA:  Anna.

 

ANNA CARBONAWA:  Sana hindi makarating sa iba na nasa akin ang black-underwear.

 

REBECCA MENDOZA:  Makakaasa ka, Sis.

 

ANNA CARBONAWA:  Salamat.

 

 

 

8:59 P.M.

Pag-uusap sa telepono nila Anna Carbonawa at

Elaine Santos

 

 

ELAINE SANTOS: Sis, si Elaine.

 

ANNA CARBONAWA:  Sis, kumusta?

 

ELAINE SANTOS: Ayos lang.  Tumawag si Rebecca, sinabi niya.

 

ANNA CARBONAWA:  Kailangan ko ang tulong mo.

 

ELAINE SANTOS: Walang problema sa akin.  Sis, alam kong may duda pa rin si Emma sa’yo.

 

ANNA CARBONAWA:  Matagal na ako sa samahan, dapat ay lubos na ang tiwala niya sa akin.

 

ELAINE SANTOS: Sa tingin ko ay may kinalaman pa rin ito sa dating isyu sa’yo.

 

ANNA CARBONAWA:  Anong isyu?

 

ELAINE SANTOS: ‘Yong tungkol sa inyong dalawa ni Kenneth, naaalala mo pa?

 

ANNA CARBONAWA:  Kaibigan ko lang si Kenneth.  Masyado lang talaga s’yang malapit sa mga babae. 

Na-tiyempuhan  lang kami ng isang miyembro natin na marumi mag-isip, pero napatunayan ko na

kay Emma ‘yon.  Isa pa, matagal na ‘yon, Sis.

 

ELAINE SANTOS: Alam mo naman si Emma, sigurista.

 

ANNA CARBONAWA:  Ginagawa lang ni Emma ang trabaho niya bilang lider.  At naiintindihan ko siya

dun.

 

ELAINE SANTOS: Sis, interesado ako kay Kenneth.

 

ANNA CARBONAWA:  Paki-ulit?

 

ELAINE SANTOS: Humahanga ako sa kanya!  Sobrang galing niyang manamit.  Matipuno ang katawan at

makinis pa ang mukha.  Inggit nga ako sa pagiging malapit ninyo, eh.  Pakiramdam ko mababaliw ako sa kanya!  Kung hindi lang sana ako miyembro ng sorority…

 

ANNA CARBONAWA:  Dapat siguro’y magpasalamat ka sa sorority natin.

 

ELAINE SANTOS: Magpasalamat?

 

ANNA CARBONAWA:  Dahil baka tuluyan ka nang mabaliw sa kakapantasya mo kay Kenneth—

 

ELAINE SANTOS: Pero hindi masama!

 

ANNA CARBONAWA:  May problema kay Kenneth.

 

ELAINE SANTOS: Ano ang problema sa kanya?

 

ANNA CARBONAWA:  Sa tingin ko’y matutuldukan na dito ang paghangang mayroon ka para sa kanya.

 

ELAINE SANTOS: Hindi kita maintindihan.

 

ANNA CARBONAWA:  Nagtapat na siya sa akin.

 

ELAINE SANTOS: Kayo na?

 

ANNA CARBONAWA:  Sira ka!  Ibang pagtatapat ang tinutukoy ko!

 

ELAINE SANTOS: Anong pagtatapat ba kasi ang tinutukoy mo?

 

ANNA CARBONAWA:  Magpromise ka na hindi makakarating sa iba.

 

ELAINE SANTOS: Okay pledge!

 

ANNA CARBONAWA:  Isa siyang gay.

 

ELAINE SANTOS: Ano?

 

ANNA CARBONAWA:  Kuntento ka na?

 

ELAINE SANTOS: Totoo?  Hindi ako makapaniwala!

 

ANNA CARBONAWA:  Pwede ko na bang ibahin ang topic?

 

ELAINE SANTOS: Ang tungkol sa istranghera.  Paano ka niya binangga?

 

ANNA CARBONAWA:  Parang tulero ‘yong babae kanina.  Nabangga niya ako dahil wala sa paglalakad ang

sentro ng isip niya, isa pa’y mabilis ang bawat hakbang niya, parang may humahabol na wala naman.

 

ELAINE SANTOS:  So, tulero ka rin habang naglalakad…

 

ANNA CARBONAWA:  Ako—Bakit?

 

ELAINE SANTOS: Nabangga mo rin siya eh—

 

ANNA CARBONAWA:  Mabilis siyang maglakad—hindi ko agad napansin. Isa pa’y marami ding mga

estudyante ang naglalakad sa hallway kanina at ang iba’y nagmamadali din. 

 

ELAINE SANTOS: Nasaan na ngayon ang black-underwear?

 

ANNA CARBONAWA:  Hindi ba binanggit ni Rebecca sa’yo?

 

ELAINE SANTOS: Hindi eh…

 

ANNA CARBONAWA:  Nakatago sa locker ko.

 

ELAINE SANTOS:  Ah, okay.

 

ANNA CARBONAWA:  Sis, may gusto akong ipagawa sa’yo.

 

ELAINE SANTOS: Sige.

 

ANNA CARBONAWA:  Gusto kong matukoy mo ang istrangherang bumangga sa akin.  Kailangan ko s’yang makausap.

 

ELAINE SANTOS:  Sinabi na sa akin ni Rebecca ang tungkol d’yan.  Sis, wala ka bang napuna sa suot niya o mga bagay na nasa katawan niya, bilang palatandaan natin sa kanya—

 

ANNA CARBONAWA:  Wala naman…Naka-uniform lang siya at…Teka sandali—kanina habang pinupulot

namin ang nagkalat na gamit ay napansin ko ang maliit na pin sa kaliwang bahagi ng kanyang

onipormi!

 

ELAINE SANTOS: I-describe mo ang pin.

 

ANNA CARBONAWA:  Mayroong parang ibon sa gitna…Na may parang mga star sa paligid at may kulay

asul akong napansin.

 

ELAINE SANTOS: Mga anong oras nangyari?

 

ANNA CARBONAWA:  Bago mag-alas nuebe.

 

ELAINE SANTOS: Okay sisimulan ko na.

 

ANNA CARBONAWA:  Binanggit ba sa’yo ni Rebecca na ayokong makarating sa iba ang itim na bagay

na nasa akin?

 

ELAINE SANTOS:  Binanggit niya.

 

ANNA CARBONAWA:  Salamat.

 

ELAINE SANTOS: Ah—Anna—

 

ANNA CARBONAWA:  May itatanong ka pa?

 

ELAINE SANTOS: ‘Yong tungkol kay Kenneth…

 

ANNA CARBONAWA:  Bakit?

 

ELAINE SANTOS: Hindi totoong may gusto ako sa kanya—inaliw lang kita…Nararamdaman ko bilang

sororitymate ang problema mo ngayon.

 ANNA CARBONAWA:  Salamat, Sis. 

HNTH