Ang Tulang Ito Ay Para sa Ibang Tula

by mdligaya ( | )

Ang tulang ito ay para sa ibang tula

Sa mga tulang hindi natapos

Sa mga tulang hindi naisulat

Sa mga tulang naisulat ngunit hindi naging tula

 

Ang tulang ito ay para sa ibang tula

Sa mga tulang minahal pero sandali lang

Sa mga tulang konti lang ang tugma

Sa mga tulang mukhang hindi tula

 

Ang tulang ito ay para sa ibang tula

Sa mga tulang nanatili sa puso

Sa mga tulang hindi nabuo

Nasa pagitan ng saya at pagkabigo

 

Ang tulang ito ay para sa ibang tula

Sa mga pangarap na nawala

Sa tapat na ngiti ng mga bata

Sa mga tulang hindi naging tula


by magsinoalvin on June 18, 2015 - 6:20am

muntik ko na kantahin habang binabasa ko.. :)

by mdligaya on June 22, 2015 - 12:05pm

is that a compliment o observation na mukang kanta yung tula, o repetitive in a good or bad way? lol.

by magsinoalvin on June 23, 2015 - 7:02am

just saying na naaalala ko yung kantang Para sa Masa ng E. Head sa tula mong ito. can't help it. maganda naman yung tula. Simple lang at magaan... Thanks for sharing

by mdligaya on June 23, 2015 - 11:13am

salamat at nagustuhan mo :)

by aldrin t garcia on July 6, 2015 - 5:14pm

Sang-ayon ako kay magsinoalvin. Parang rap. Okay na okay siya mdligaya. Ramdam ko yong mga tula sa iyong tula.

by magsinoalvin on July 7, 2015 - 6:13am

hindi ko naman sinabing parang rap.

 o sarili mong opinyon yan hiwalay sa pagsang-ayon mo sa nauna kong komento?

okay naman yung gusto sabihin ni mdligaya. kulang lang sa bigat. parang diretso masyado sa pinupunto kaya sobrang gaan. di ko rin alam pano sabihin. siguro sa mga salitang ginamit. ewan.. 

by aldrin t garcia on July 14, 2015 - 8:58pm

Sumang-ayon lamang ako sa iyong komento na muntik mo nang kantahin kung kaya nasabi ko rin na parang rap :)

by galatea hopkirk on July 7, 2015 - 10:49am

Muli na namang nagkaroon ng inspirasyon upang magsulat.

Mahusay!

 

-Galatea