Ang panyo mula sa Icedtea ni Espelihiyo

Starblaze's picture
| |

lapida kang itinakip

sa kulay dugong labi

na dulot

ng iyong pag-ibig.

 

ang iyong mantsa

na di na matatanggal kaylan man

tarak ng punyal

sa puso ko't isipan

 

mga alaalang itinupi

pagsinta mong kay dali

di na mapapahid pa

ng isa pang pagkakamali

 

luhang pumatak sa akin 

matutuyo sa iyong paglisan,

wala ka ng babalikan

naroon ako sa mga basahan

Starblaze

sagot sa akda ni Espelihiyo..di napapansin ng iba ang kahalagahan ng panyo sa ating buhay..kasama sya sa tagumpay at sa kabiguan, sa saya at lungkot at sa pag iisa..:( (hikbi)


Sherfie sherp's picture

lilipas din yan. . "ihikbi"

lilipas din yan. . "ihikbi" mo lang sir dockie.. @@

 

"Hangad ko ang kapayapaan sa KALAWAKAN. Manghuhuli ako ng BULALAKAW. Soon-to-be-ASTRONAUT ako, kung alam nyo lang." :))))))

Starblaze's picture

hahaha tsee!   Starblaze,

hahaha tsee!

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

daily_sam's picture

Nice :-)

I like this piece just the way it is :-) 

Speaking of panyo, wala ako nyan. More on tissues and napkins. Basta disposable the better. I hate laundry :P

"Sometimes, I think the things I remember are more real than the things I see..."

Starblaze's picture

thanks po for reading

thanks po for reading :)

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

rose's picture

Hindi ako mabubuhay ng walang panyo...

Tama.. ang Panyo ay parte ng ating buhay, pag umiiyak ka , kailangan mo ng panyo, pag sobrang saya ka , may tears of joy rin na kailangan ng panyo, kapag pinagpapawisan ka kailangan mo rin ng panyo, kapag nasa banyo ka kailangan mo rin ng panyo. I remember tuloy nung time na broken hearted ako halos masira ang panyo kakapiga ko , lahat ng luha sinalo ng panyo ko. Kapag tag-init, lagi siyang basa sa likuran ko.

Kaya thank you sa panyo, laking tulong niya sakin. Kahit may sipon ako panyo din gamit ko... yakkkkk kaderk.........

 

 

Starblaze's picture

tama ka ate..kasama natin

tama ka ate..kasama natin ang panyo sa ating buhay

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din"