Ang Masakit na Katotohanan..
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}
Ang Masakit na Katotohanan..
May isang pangyayari sa aking buhay. Noong ako’y nasa hayskul pa, may “super crush” akong lalaki. Maputi, makinis ang balat, mataas, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, may mapula at manipis siyang labi at malaki ang pangangatawan! All in one na nga siya, “package deal” kung tawagin, kaya hindi talaga maiiwasang mag ka gusto ang isang babae sa kanya. Lagi na lang pag recess sa amin lagi ko siyang namamataan at tinititigan hanggang mahuli niya ako sa aking mga nakaw na sulyap pero hindi nalang ako nag papahalata. Hanggang crush lang naman ako, hindi ko naman balak na kilalanin siya, ganoon din naman siguro siya, wala siyang balak na kilalanin ako, pero pakiramdam ko lang naman yun! Pagkatapos noon mag kakaroon ng field trip sa aming eskwelahan, lahat ng graduating students lamang ang kasama. Kapag binubwenas ka nga naman, parehas pa kaming nasa ikaapat na antas, pero hindi ko naman alam kung kasama siya kaya papanalagin ko na lang. Super excited na ko na sana dumating na yung araw ng field trip namin, pakiramdam ko kasi kapag hindi ko siya nakikita mas lalong lumalalim yung pag ka gusto ko sa kanya! Nakakainis nga kasi bakit ba ako naging ganun ka-obsess sa kanya. Field trip na namin, lima yung pupuntahan namin, pero pangatlo na hindi ko pa siya nakikita. Nakakawala ng gana. Pero noong pag-apat na, may saglit na nahagip ng paningin ko, parang si crushie yun! Pero para makasigurado ko hinintay ko ulit siyang dumaan habang nakahinto yung bus namin. Pag silip ko ulit sa bintana ng bus, siya nga yung nakita ko! Ang tagal kong nakatitig sa kanya, at napansin niya na ako, ayon, nag katitigan na kami, ang tagal nga nun, hanggang sa ngumiti na siya sa akin. Noong mga oras na yun, parang ayoko ng tumakbo yung oras. Ang saya saya ko nun. Pakiramdam ko napaka ganda ko! Simula noon, mas lumalim pa yung pag ka gusto ko sa kanya. Pero, pag katapos nung field trip hindi ko na ulit siya nakita. Bakit kaya ganoon? Sa susunod na linggo na yung graduation namin, paano na kaya? Wala pa ring nangyayari, paalam na eskwelahan ko, paalam na din ba crushie ko? Nakakainis! Hanggang sa nag bakasyon na! walang magawa, kaya naisipan kong mag bukas ng friendster account ko, noong mga panahon uso pa ang friendster. Tinignan ko agad yung mga comments sa akin, pagkatapos may nakita kong isang familiar na picture doon sa coment, maputi, matangos yung ilong at singkit yung mata, si crushie nga! Sabi niya sa comment: “hello! May I know your name?” Super kinilig ako noong time na yun! Tapos nasundan yung comment na yun ng pagkarami-rami! Buti na nga lang hindi naka private yung profile ko nun, kaya nahanap at nakapag comment siya sa akin. Tapos bigla na lang natigil. Hindi ko alam kung bakit, siguro inaasikaso lang namin yung eskwelahang papasukan namin sa kolehiyo. Saka siguro may nakita na siyang girl for him, kasi may nakita kong mga picture ng girl sa profile niya. Hindi na talaga ko aasa. Noong medyo nakakalimutan ko na siya dahil masyado akong busy sa pag-eentrance exam. Kinabukasan, ginising ako ng isang malakas na tunog mula sa cellphone ko, kala ko noong una alarm kasi nag alarm din ako, kailangan ko kasing pumunta sa isang university that time. Pero laking gulat ko na isang text message pala, at mas ikinagulat ko noong nabasa ko yung message, sabi: “hello! Si Rom 2, I got your number from our common friend, kamusta ka na? bakit hindi ka na nag paramdam? Are you mad at me? Pls. reply. God bless.” ayon! Hindi ko alam kung ano ba yung magiging reaction ko?! Gulat na gulat kasi ko. Sa tagal ng after effect, ang tagal din bago ko maisipan mag reply, kaya tinawagan niya ko! Mas nagulat ako! Pakiramdam ko kasi napaka haba ng hair ko! Hindi ko alam yung isasagot kasi first time kong marinig yung boses niya! Super akong natuwa! Muntikan ko na nga makalimutan na may exam pa pala ko. Pagkatapos ay nasundan yun ng napakaraming tawagan at textan. Tinanong ko din sa kanya kung sino ba yung babae sa profile niya, sabi niya mga pinsan daw niya yun na galling sa ibang bansa, wag daw akong mag-alala, no girlfriend since birth daw siya. Napaka choosy daw niya pag dating sa babae. Saka hindi ko ba daw ba napansin na ako lang yung nag iisang featured friend niya? Grabe yun! Sapul ako dun hanggang bones! Tapos, hanggang umabot sa point na ayain na niya ko lumabas. Sabi niya: “pwede ka ba on Saturday? Labas naman tayo! Sunduin kita sa bahay nyo, basta ibigay mo na lang yung address niyo, ako na bahala mag hanap ok.” Hinintay ko siya sa oras ng pinag-usapan namin, tapos may biglang bumusina, akala ko naka chikot na siya! Naka motor pala! Pero ayos na rin yun! Cool! Mapapakapit ako sa kanya nun! Kinakabahan nga lang ako kasi medyo mahigpit mga magulang ko, pero ayos naman. Nagulat nga yung sister ko, super gwapo daw kasi ni crushie, kaya parang gusto niya sila na lang dalawa yung mag date! Kaloka diba? Pag katapos noon, naka back ride na ako sa motor niya, sabi niya sa akin: “kapit ka lang ah? Ako bahala sayo.” Yung moment na yun, parang gusto ko na lang mag freeze kami para di na matigil. Ayos na ayos nung kasama ko siya! Kain dito, kain doon! Kwentuhan dito kwentuhan doon, tawanan dito, tawanan doon at higit sa lahat picture dito at picture doon! Grabe yung happiness ko that moment. Tapos ang mas kinagulat ko pa, ay ang pagtatanong niya sa akin kung pwede ba daw ba siyang manligaw sa akin! Siyempre nag pakipot naman ako ng kaunti, pero kalaunan ay pumayag na din! Mas naging masaya ako! Dati parang bituin lang siya na hindi maabot, pero ngayon konti na lang abot kamay ko na siya. Gustung gusto ko na siyang sagutin nung panahon na yun, pero parang may mali kasi. Parang may pumipigil sa akin. Siguro hindi ko pa siya ganoon kakilala, kaya without any hesitation pinakilala niya ko to his whole family, ayos na ayos naman mababait yung buong family niya. Pero nag dadalawang isip pa rin ako, para kasing may tinatago pa rin siya. Hanggang sa isang araw, may natuklasan ako, isang kagimbal-gimbal na katotohanan! Masakit mang tanggapin, pero nalaman ko na isa pala siyang bi-sexual! Oo, bi-sexual! Nakakawindang! Kaya pala masyadong balidoso sa katawan, tapos kapag may bumabati sa kanyang lalaki, hindi niya alam yung gagawin niya, dagdagan pa ng napakadaming pangalan ng lalaki sa phonebook at inbox niya, kaya din siguro wala pa rin siyang nagiging girlfiend kahit super gwapo niya. Kinausap ko siya tungkol sa issue na ito, sabi naman niya sa akin, hindi naman daw siya bading, iba lang daw talaga. Pero iba din daw yung nararamdaman niya sa akin! Ang gulo nga! Pero nung sinsabi niya yun, alam ko sa sarili ko na kahit gusto niyang baguhin yung nag tatagong pagkatao niya, alam ko nahihirapan siya. Sabi ulit niya, gagawin daw niya lahat, mahalin ko lang daw siya ng walang pag aalinlangan. Kung ako naman yung tatanungin, oo masakit yung katotohanan, sobrang nabigla ako, ang hirap hirap tanggapin, pero sabi ko pa rin sa kanya mag isip-isip muna siya, kasi baka pag naging maayos na kami, may matuklasan at mangyari na naman na mga bagay na hindi ko inaasahan. Kaya tanungin niya muna yung sarili niya, kapag alam na niya yung sagot kontakin na lang niya ulit ako, andito lang ako sabi ko sa kanya. Sa pag- uusap namin na yun, yun na yung last, hindi ko alam kung masusundan pa ulit yun. Kaya yung aral na napulot ko sa pangyayaring ito sa aking buhay ay dapat maging handa ka sa kahit anong pwedeng mangyari sayo. Dalawang taon na ang nakakalipas, natatawa pa rin ako kapag naalala ko siya, Pero kahapon ng gabi hindi ako natawa e, napangiti ako hanggang tenga kasi naman.. alam nyo ba? Nag message sa akin si crushie! Sa facebook ko naman! Hay.. Ayan na naman siya! Ano naman kaya toh? Ito na kaya yun?☺


